NAPABALIKWAS...ng bangon si George. Mataas na ang sikat ng araw at maliwanag na ang kapaligiran.
Umaga na! Oh my God!
Napatingin siya sa bedside clock.
Pasado alas otso na ng umaga!!!
'Yong trabaho ko! Si Sir Stell! Halaaaa!!! Georginaaaa!!! natataranta niyang sabi habang sinasabunutan ang sarili at halos patalon siyang bumangon mula sa kama.
Muntikan pa siyang madapa sa kakamadali sa paghahanda.
"Late ka na Georgina!!!! Pantasya pa more!!!!" kastigo niya sa sarili habang nakaharap sa salamin at nagmamadaling itinatali ang buhok.
Sandali siyang natigilan nang magawi ang tingin niya sa litro ng SB19 na idinikit niya sa may gilid ng salamin ng dresser. For some weird reason, kay Stell na, at hindi kay Pablo napako ang tingin niya.
At parang nananadya pa na mabilis na nag-flashback sa kanya ang mga nangyari kagabi. Ang perpekto nitong side profile, his enticing eyes pati ang bigla nitong pagpangko sa kanya and his smell that haunted her to sleep!
Ipinilig niya ang ulo para putulin ang pagrereplay ng mga alaalang 'yon sa isip niya.
"Utang na loob, Georgina! Mag-focus ka!" aniya sa sariling repleksyon.
Simpleng maong pants at plain blue tshirt lang ang isunuot niya, na pinaresan niya ng puting white runners na bigay ng ospital sa kanilang mga empleyado noong nakaraang pasko. Naka-indicate kasi sa kontrata niya na huwag siyang magsusuot ng nurse's uniform dahil ayaw na ayaw ni Stell ng gan'on.
Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumabas ng silid niya.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na siya agad sa kusina. Base kasi sa schedule na ibinigay sa kanya, Stell usually starts his day with his hearty breakfast, between 7 to 8 o'clock in the morning.
Sinipat niya ang relong pambisig. It's already 8:15 am. Late siya.
Paano ba naman ay lalo siyang hindi pinatulog ng Stell Ajero na 'yon!
Binilisan niya lalo ang mga hakbang.
Pagdating niya sa kusina ay wala siyang inabutan doon.
Hala, patay na! Saan na kaya ang bipolar na 'yon? aniya sa isip.
Sakto namang may pumasok sa kabilang dako ng kusina na may dalang timba at mop. Hula niya ay kasambahay ito doon.
"A-Ate? Sorry, pero nakita mo po ba si Sir Stell?" nahihiya niyang tanong.
"Ikaw ba 'yong bagong nurse?" tanong din nito.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Sa veranda sa kwarto ni Stell sila nagpaserve ng breakfast kanina e," sagot din nito sa tanong niya.
"Okay po, thank you!" may pagmamadali niyang sabi siya mabilis na lumabas ng kusina para magtungo sa kwarto ng alaga niya.
Hindi na lakad kung di takbo ang ginawa niya dahil baka palayasin na naman siya ng gwapong bipolar na 'yon.
Nang marating niya ang silid nito ay sandali siyang huminto sa labas niyon para maghabol ng hininga.
Huminga muna siyang malalim bago kumatok.
"Pasok!"
Narinig niyang sigaw ng boses mula sa loob.
Pigil hiningang pinihit niya ang sedura at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Sir Stell! Sorry po talaga! Kayo naman kasi hindi n'yo ako pinatulog kagabi, 'ayan tuloy napuyat ako! Sorry po talaga, hindi na po mauulit!" diretso at tuloy-tuloy niyang sabi habang nakapikit at nakayukod pa.
"Hmm, at anong ginawa ni Stell sa'yo, at hindi ka niya pinatulog?" may panunuksong tanong ng isang pamilyar na boses, but definitely not Stell's!
Napamulagat siya at napatayo ng tuwid.
Parang gusto niyang magpalamon sa lupa nang tumambad sa kanya ang apat pang miyembro ng SB19, na prenteng nakaupo paikot sa lamesa, at nakatuon ang pansin sa kanya.
Mukhang katatapos lang mag-almusal ng mga ito.
Bigla niyang naalala ang sinabi n'ong ateng kasambahay kanina.
Sila...
Kaya pala! Akala niya namali lang siya ng dinig. Kaya pala 'sila', dahil 'silang lima' ang nandito!
Naging malikot ang mga mata niya at agad na hinanap ang mukhang kagabi pa laman ng isip niya, pero wala ito roon.
"S-Sorry po, akala ko po si Sir Stell lang po ang tao," nahihiya niyang paghingi ng paumanhin.
"You're late. Stell had his breakfast already," masungit na banat agad ni Ken nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
Nakatuon lang ang pansin nito sa hawak na cellphone, hula niya ay naglalaro ito doon.
"S-Sorry po talaga. S-Si Sir Stell po?" pag-iiba niya.
Wala siyang panahon na patulan ang pag-aattitude ng manok na 'to dahil mas importanteng makapagreport muna siya sa alaga niya.
Halos sabay-sabay ang mga ito na itinuro ang pinto na nasa kaliwa lang niya.
"D-Dito po? Salamat po," may pagmamadali niyang sabi atsaka diretsong binuksan ang naturang pinto.
"WAIT!"
Narinig niyang sabay-sabay na sigaw ng apat sa likuran niya.
Pero huli na para sundin niya pa ang babala ng mga ito! Dahil mabilis pa sa alas cuatro niyang nabuksan ang hindi man naka-lock na pinto. Napasinghap siya ng malakas nang tumambad sa kanya si Stell...na walang suot na pang-itaas! Banyo pala ang pintong binuksan niya!
Para siyang natuklaw ng ahas at biglang nanigas!
Ang nakakainis pa ay parang may sariling isip ang mga mata niya at kusa pang bumaba ang mga iyon!!! Gusto niyang kutusan ang sarili nang makaramdam siya ng kaunting disappointment na makitang nakatapi ito ng tuwalya sa beywang.
"Tried to warn you," narinig niyang sabi ng isa sa apat na sigurado siyang si Ken.
"Done appreciating me?" tila may panunuksong nitong tanong na para bang amused na amused pa ito sa mga nangyayari.
Doon siya parang natauhan at mabilis na tinalikuran ito.
"S-Sorry po, Sir! H-Hindi ko po sinasadya!" natataranta niyang sabi.
Pero imbes na sumagot ay naramdaman niya ang paglapit nito ng husto sa likuran niya sabay hawak sa magkabila niyang balikat.
Lalo siyang nanigas!
Pakiramdam niya ay milyon-milyong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa kanya.
"Okay. But first...move," wika nito sa may gawing tenga niya.
Napahigit siya ng hininga nang maramdaman ang paghinga nito sa may puno niyon.
Hindi niya masabi kung imahinasyon niya lang ang bedroom voice na narinig niya sa boses nito o ano.
Kasunod niyon ay iniusog siya nito sa gilid, na parang isang non living thing, tsaka siya kaswal n nilampasan.
Dahil doon ay nakita niya na naman ang hubad nitong likod habang naglalakad ito palapit sa kinaroroonan ng apat na kasama.
Mabilis na ibinaling niya ulit ang tingin sa ibang direksyon.
Okay gets na niyang maganda ang katawan nito, pero kailangan ba talagang ibalandra iyon sa harapan niya???
"Naku pa'no ba 'yan, Pablo, mukhang mababawasan ka ng isang fan!" biro ni Josh sa leader.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong naman ng lider ng mga ito.
"E di ba fan mo si Miss Georgina? E siya na rin nagsabi, and I quote 'kayo naman kasi Sir Stell, hindi n'yo ako pinatulog kagabi, napuyat tuloy ako!'...hindi na pinatulog ni Stell! " dagdag pa ng most charismatic member ng SB19 habang pilit na pinaliliit ang boses para gayahin siya.
Namilog ang mga mata niya sa narinig.
Sinabi ko 'yon????
Kahit siya ay iba ang interpretasyon niya nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa iba.
Napatingin na din tuloy siya kay Stell na napatingin din sa kanya. Mukhang aliw na aliw pa rin ito sa mga narinig.
"Tapos ngayon, inabutan pang ganyan si Stell, e di paano na??? Goodbye freezer at hello Stellberry farm na ba si Miss Georgina?" patuloy na panunukso ni Josh.
"Change of heart agad?" panggagatong pa ni Justin.
Nanonood siya ng mga live at vlogs ng limang ito, kaya aware siya na may taglay na kakulitan at kapilyuhan ang bawat isa sa limang 'to. Pero hindi pala masaya kung ikaw na mismo ang sentro ng asaran.
Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya.
Kaya lang sino ba naman siya para mapikon di ba?
Wala siyang ibang nagawa kung di ang sumimangot na lang at tumalikod, para tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto ni Stell.
"Bakit kasi hindi mag-lock ng pinto kung maliligo? Tsaka kelangan nakabalandra 'yong katawan???? Hubadero yarnn???" nayayamot niyang sabi sa kawalan nang ganap na makalabas.
Aminado siyang pupwedeng sabitan ng kaldero ang nguso niya sa panghahaba n'on.
"Aware na aware na maganda katawan e! Masyadong---"
"Miss Mariñas!"
"Ay Mariñas!" naisigaw niya sa gulat nang may biglang tumawag sa kanya mula sa likuran
Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Pablo na patakbong lumalapit sa kanya.
"S-Sir Pablo," kabado niya ring tawag dito.
Narinig kaya nito ang pag-mo-monologue niya?
"Miss Mariñas..." sabmit ulit nito sa pangalan niya nang ganap na makalapit.
"G-George na lang po, lakas maka-retirable teacher n'ong Miss Mariñas e. Twenty seven lang po ako," singit niya bago pa man ito magsimula kung ano man ang pakay nito sa paghabol sa kanya.
Natawa naman ito atsaka tumango.
"George," ulit nito sa palayaw niya.
Tumango din siya.
"Ahh...g-gusto ko lang sanang humingi ng sorry," tila nahihiya nitong sabi habang kumakamot pa sa batok.
Sa una ay hindi rumehistro sa kanya ang ibig nitong sabihin kaya hindi siya sumagot at binigyan lang ito ng nagtatakang tingin.
"S-Sorry sa inasal namin d'on kanina. Napasobra yata kami sa pang-aasar. Medyo nasanay kasi kaming lima na kami-kami lang. Ako na ang humihingi ng sorry para sa aming lima," paliwanag nito.
"Aahhh, naku wala po 'yon. Sorry din po kung medyo napa-'Ate Chona' din ako kanina, idol ko po kasi kayo eh," sagot niya na idinaan sa biro ang pagbanggit ng bansag ng fandom nito sa minsanang pagsusungit nito.
Natawa din ito kaya nagkatawan na sila.
Pablo has that vibe na madaling makapalagayan ng loob. She is pretty sure, lahat naman silang lima, hindi niya lang talaga alam kung bakit pagdating kay Stell ay kabadong-kabado siya palagi.
Ilang saglit pa silang nag-usap ng lider ng SB19.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Stell kaya kapwa sila natigilan ng kausap niya at napalingon doon.
Sumilip ang nakabusangot ni Justin.
"Miss Georgina, tawag ka po ng alaga mong may sapi," 'a nito na may himig ng pagmamaktol at agad ding bumalik sa loob.
Binigyan niya ng nagpapaunawang tingin si Pablo na agad din namang tumango ng maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Sige, sige. Go," saad pa nito.
She gave him an apologetic smile before she rushed back into the room.