NAKAILANG...biling na si George sa kama pero hindi talaga siya madalaw-dalaw ng antok.
Tumingin siya sa bedside clock.
Mag-aala una na ng madaling araw. Pero heto't buhay na buhay pa din ang diwa niya.
Paulit-ulit kasing nagre-replay sa isip niya ang mga nangyari sa unang pagkikita nila ni Stell kanina.
Disaster is the right word to describe everything.
Itinakip niya ang isang unan sa mukha sa pagbabakasakaling makatulong iyon sa paghahanap niya ng antok.
But as soon as she shut her eyes, Stell's captivating eyes came into her mind.
Napabalikwas siya ng bangon.
"Hala! Ang bias wrecker na 'to! Ayaw akong patulugin!" sabi niya sa kawalan.
Ni hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga imahe ni Stell na bigla na lang nagfa-flash sa isip niya.
"Pablo! Pablo! Pablo!" paulit-ulit niyang sabi habang pilit na iniisip ang mukha ng iniidolo niya.
As weird as it may sound, kapag kasi sobra ang stress niya, tinitingnan niya lang ang mga litrato ng idolo niya ay gumagaan na ang pakiramdam niya.
Pero parang nang-aasar na bigla ulit sumingit ang imaheng kung paano tumingin si Stell sa isip niya.
"Ahhhhh!!! I give up! Ayoko na!"
Nababaliw na siguro siya.
Minabuti niya na lang na bumangot at magpahangin. Iisipin na lang niyang namamahay siya kaya hindi siya makatulog.
Kinuha niya ang mahaba niyang cardigan para gawing panabing sa medyo lumalamig nang hangin, tsaka siya lumabas ng silid.
Tahimik na ang buong kabahayan.
Nagpasya siyang huwag nang magsuot ng tsinelas dahil sa sobrang tahimik, kahit tunog ng mga yabag niya ay baka makaistorbo.
May sapat na ilaw naman ang mga pasilyo kaya hindi naman siya nahirapang hanapin ang mga daan.
"Saan ba 'yong daan papunta d'on sa parang Japanese garden na nakita ko kanina," bulong niya sa sarili habang patuloy na hinahanap ang tamang daan.
And finally, as she took her last turn, nakita niya ang hinahanap niya. Pero hindi lang basta Japanese Garden ang natagpuan niya roon. Standing there, was the man who had been disturbing her peace since earlier...Stell Ajero.
"Aba'y pag minamalas ka nga naman talaga oo!" bulong niya sa sarili.
Mabuti na lang at hindi siya nagsuot ng tsinelas! Kung hindi ay baka narinig na nito ang mga yabag niya!
Dahan-dahan siyang tumalikod para sana bumalik na lang sa kwarto niya, nang marinig niya ang sunod-sunod nitong pag-ubo.
Saglit siyang natigilan at nakipagtalo sa sarili kung tutuloy ba siya o babalik na sa kwarto niya.
Patuloy sa pag-ubo ang binata kaya parang may sariling isip ang mga paa niya't kusa itong umikot para puntahan ang masungit na nilalang na abot ang pag-ubo.
Tsk! Pasalamat ka mabait akong nurse! aniya sa isip.
Hinubad niya ang suot na cardigan atsaka tuloy-tuloy na naglakad palapit sa binata.
Medyo napakandirit pa siya nang maramdamang basa at malamig ang damuhan tinatapakan niya.
Nang ganap na makalapit ay agad niyang isinampay ang cardigan sa likod nito.
Nagulat pa ito't napakislot sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi nito.
"Masama sa inyo ang nahahamugan. Ba't ba kasi kayo nandito ng gan'tong oras?" kaswal niyang sabi sabay yakap sa sarili dahil naramdamang lamig ng hangin.
Hindi nakatakas sa paningin niya ang lungkot sa mga mata nito.
Pero bago pa siya makapagtanong kung anong problema ay nagbago na agad ang ekspresyon nito. Napalitan na iyon ng pagtataka.
Tiningnan siya nito na para ba siyang alien na bumababa sa lupa.
"What are you doing here???" tila hindi makapaniwala nitong tanong sabay luminga-linga sa paligid.
"Paano ka nakapasok???" dagdag pa nito sa mas mahinang boses.
Kinunutan niya ito ng noo.
"Ay nakakaloka, ginawa pa akong magnanakaw nito. Paanong nakapasok...e di d'on sa gate, kanina," sagot niya naman at bahagya pa itong inirapan.
"Di ba pinaalis na kita kanina?" tanong ulit nito.
"Oo nga po,"
"So bakit nandito ka pa?"
"Ehhhhhh, para sa'yo," diretso niyang sagot.
Kumurap-kurap ito at mukhang hindi nito inaasahan ang diretso niyang sagot na iyon. Gayunman ay hindi naman ito kumibo at agad na nag-iwas ng tingin.
"Leave first thing in the morning," masungit nitong sabi habang nakatingin sa ibang direksyon.
Halos dalawang talampakan lang ang espasyo sa pagitan nila, kaya naman kitang kita niya ang perfect side profile nito mula sa kinatatayuan niya.
For a moment, she let herself admire the perfection right before her eyes. Hindi niya napapansin noon dahil masyado siyang focus kay Pablo, pero may something din pala kay Stell. She just can't put her finger on it...but something...mesmerizing.
Nagulat pa siya nang bigla siya nitong lingunin kaya mabilis na nag-iwas din siya ng tingin.
Mukhang nakita nito ang lihim na pag nakaw niya ng tingin dahil biglang kumunot ulit ang noo nito.
Tumikhim siya ng ilang beses para itago ang pagkapahiya.
"L-Leave? Leave na naman? Parehong linya? Wala na bang bago, Sir?" hirit niya agad bago pa man nito maisipang magtanong ng kung ano tungkol sa pagtitig niya rito.
Mula sa gilid ng mata niya ay kita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya, kaya nagkunwari muna siyang nakatingin sa ibang direksyon.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Gan'on mo ba kagusto si Pablo?" maya maya ay tanong nito.
Doon niya ito nagawang lingunin ulit at binigyan ito ng nagtatanong na tingin. Is that a hint of pain and jealousy in his tone?
"What? Hindi ba siya ang rason mo kaya ka pumayag sa offer ni Tito Boris to come here?" tanong ulit nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Oh those eyes again! She exclaimed in her head.
Ke lamig-lamig naman ng hangin pero bakit parang unti-unti siyang natutunaw?
Sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagbawi ng tingin. Hindi niya kaya ang intensidad ng mga mata nito.
Ilang beses siyang tumikhim dahil parang nanuyo ang lalamunan niya bigla.
"S-Sir Stell, lilinawin ko lang 'no? 'yong nararamdaman ko ho kay Sir Pablo, eh pagmamahal ng isang fan. Hindi ko romantic feeling," aniya na pilit na pinagtutunog kaswal ang boses niya.
"No?" tanong nito.
Natatawa siyang nilingon ito.
"Syempre hindi! Ang ambisyosa ko naman sa part na 'yon di ba? Sino ba naman ako para mangarap ng gan'on?" sagot niya at sinundan ulit ng tawa habang umiiling.
"So bakit ka nga nandito?" seryoso nitong tanong.
Unti-unti tuloy namatay ang tawa niya at napatitig ulit ng diretso sa mga mata nito.
Paano niya kaya ito sasagutin? Seryoso din kaya o idadaan niya na lang ulit sa biro?
But before she knew it, words already came out of her mouth.
"Dahil nga sa'yo," aniya na para bang nahihipnotismo ulit sa mga mata nitong parang tagos hanggang kaluluwa niya kung makatitig.
"Sa'kin?"
Bumaba ang tingin niya sa bandang leeg nito nang makita niya ang pagtaas-baba ng gulong-gulungan nito. May kakaiba siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag.
Bago pa siya tuluyang mapahamak sa kung ano mang espiritu ang sumapi sa kanya ay mabilis na nag-iwas na siya ng tingin at bahagyang humakbang palayo dito. Nag-aalala siyang baka marinig nito ang lakas ng t***k ng puso niya.
"U-Ulit-ulit ka naman Sir e! O-Oo nga, dahil sa'yo nga!" pabiro niyang tugon at sinundan iyon ng pilit na tawa.
He did not say a word. It's as if he was trying to figure her out.
"I-I'm a professional nurse...a-and you needed help..s-so...here I am!" dagdag niya pa.
Doon naman muling umihip ang malamig na hangin kaya medyo nanginig siya. Kiniskis niya ng mabilis ang mga braso gamit ang magkabilang palad para makaramdam ng kahit kaunting init.
"Hala, lumalamig na lalo. 'Lika na sa loob, Sir at masama nga sa inyo ang mahamugan," yaya niya rito.
Pero hindi ito gumalaw. Sa halip ay pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bakit wala kang tsinelas?" tanong nito habang nakapako ang tingin sa basa niyang mga paa, na namumutla na sa lamig.
Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na ito nagtanong kung ano ano pa tungkol sa kung bakit siya nandito.
Nahihiya siyang ngumiti habang patuloy na humahalukipkip.
"Eh ayoko po kasi sanang makaistorbo sa mga natutulog na. Alam n'yo na, footsteps, gan'on," sagot niya at sinundan iyon ng awkward na ngiti.
Hindi naman kasi niya naisip na pwedeng may makita siyang ibang tao habang nagpapahangin siya. Akala niya kasi tulog na ang lahat kasi tahimik na.
Kinunutan siya nito ng noo.
"Pwedeng pumasok muna tayo, Sir? Ta's doon mo na ako interview-hin? Malamig na e," hirit niya pa tsaka umaktong magpapatiuna nang humakbang pero pinigil nito ang braso niya.
Nagtatakang nilingon niya ito.
"Sir?---Ay kabayo ka!!!"
Napasigaw siya ng walang ano-ano ay pangkuhin siya nito. Pero siya rin mismo ang pumigil sa sarili sa pamamagitan ng pagtakip ng kamay sa bibig niya.
"First of all, hindi ako kabayo. Second of all, basa ang d**o at malamig, how stupid can you get to even come out here nang wala ka man lang sapin sa paa?" tila may panenermon nitong tanong.
Wala kahit isa sa mga sinabi nito ang rumehistro sa kanya dahil masyado hightened ang senses niya. First, by the fact na pangko-pangko siya nito, second na sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya that she can even feel his breath as he speaks, and third, by the electrifying feeling na nararamdaman niya sa pagkakadikit niya rito!
She was too overwhelmed that she could not even protest! In fact, gusto niya yatang panawan ng ulirat!
Nagsimula itong lumakad pero ang tanging nagawa niya ay titigan ito ng dilat na dilat niyang mga mata.
Madre de Dios! aniya sa isip.
The whole time ay nakatitig lang siya sa side view ng mukha nito habang ito naman ay diretsong nakatingin lang sa dinaraanan nila.
Nobody told her that this man could be this intense in real life! Kasing intense ng paraan ng pagtitig nito.
Her head suddenly felt heavy. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa marahang pagduyan sa kanya na dala ng paglalakad nito, o dahil para siyang nalalasing sa panonoot ng panlalaki nitong pabango, o pareho.
Bago pa niya malaman ang sagot ay huminto na ito sa paglalakad at dahan-dahan siyang ibinaba. Bigla tuloy siyang nagising sa sandali niyang pantasya.
"Ahm...t-thank you?," alangan niyang sabi.
Tumango naman ito.
Parang may gusto pa itong sabihin pero sa huli ay nagpaalam lang ito atsaka nagmamadali siyang iniwan.
She followed him with her gaze hanggang sa tuluyan na itong mawala sa dilim.
She let out a big, deep breath at doon niya lang napagtantong kanina pa pala niya pinipigil ang paghinga. Napatuptop siya sa dibdib dahil ang lakas pa rin ng kabog niyon.
Nagpasya siyang bumalik na sa kwarto niya bago pa ito bumalik at gumawa na naman kung anong ikakasabog ng dibdib niya.