CHAPTER 8

1367 Words
"ARE...you crazy?! Anong pumasok sa isip mo at gan'on ang pinagsasabi mo kay Stell?!!!" Nagulat si George sa biglaang pagbulyaw ng kung sino sa kanya, pagkalabas na pagkalabas niya ng silid. "Ken! Ken! Easy! Easy!" Pigil ng mga kasama nito sa akmang pagsugod nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang mga lalaking nasa harap niya. None other than, the other four members of SB19! Josh, Ken, Justin and of course, her very own favorite, Pablo!!! "Not here boys, let's take this somewhere else, c'mon," agad na singit ni Dr. De Dios tsaka nagmamadaling nagpatiunang umalis roon. Agad naman siyang inakay ni Yani, kasunod ang apat na naggagwapuhang lalaki. Ni hindi niya matandaan kung saan sila dumaan o kung gaano katagal o kadali silang naglalakad. Nakapako kasi ang buong atensyon niya kay Pablo na halos katabi niya lang na naglalakad habang nakasunod kina Yani at Dr. De Dios. Diyos ko, nasa langit na ba ako? Panaginip ba 'to? Kung oo, please wag mo na akong gisingin dito na ako forever! aniya sa isip habang hindi mapuknat ang ngiting nakatingin kay Pablo. Hindi niya tuloy nakita ang bahagyang pag angat sa dinaraanan nila kaya napatid siya't muntik pang madapa. "Ay bulangot!" awtomatiko niyang bulalas. Mabuti na lang ay mabilis din siyang nasalo ni Pablo. "O! Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong habang inaalalayan siyang tumayo. Hala! Pwedeng matunaw???!! Sigaw niya sa isip habang natitig sa kulay abong mata ng idolo. Para siyang nahihipnotismong tumango at ngumiti lang. "Ingat ka," pagpapaalala pa ng binata. Pwedeng ikaw na lang ang mag-ingat sa'kin? Tugon niya sa isip. Medyo nayamot pa siya nang bitawan siya nito. "T-Thank you," nahihiya niyang sabi. Tumango at ngumiti naman si Pablo. "Arte," narinig niyang komento ng isang malalim na boses. Nang lingunin niya ang pinanggalingan niyon ay sakto namang dumaan si Ken para lampasan siya. Nakaramdam siya bigla ng hiya sa pagpaparinig ng huli. Alam niya at naiintindihan niya ang pagpapakita nito ng magaspang na ugali sa kanya. Kaya lang ay hindi talaga tama sa pakiramdam niya na magsinungaling. Napayuko na lang siya. Hindi rin kasi nakatulong na sa harap pa mismo ng idolo niya siya napahiya ng ganito. Maya maya ay may biglang tumapik sa likod niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakangiti si Pablo sa kanya. "Okay lang 'yon. 'Lika na sa loob," kalmado nitong sabi tsaka sumunod na rin kay Ken. "'Lika na!" masigla namang pag-segunda ni Justin at halos kumakandirit pang sumunod na rin sa mga kasamahan nito. At dahil ayaw niya namang masabihan na naman siyang pa-VIP o maarte, gan'on na rin ang ginawa niya. Inabutan niyang nakatayo sa may bintana si Dr. De Dios, habang nakaupo naman sa swivel chair, sa likod ng study table si Yani. Si Justin naman ay nakatayo at bahagyang nakasandal sa harapan ng study table. Prenteng nakaupo si Ken sa sofa habang naka de cuatro pa, samantalang bahagyang nakadukwang si Josh sa likurang bahagi nito, at nakatukod ang mga braso sa sandalan ng parehong sofa. Nakatayo pa rin si Pablo at nang makita siyang pumasok ay mwinestrahan siya nitong maupo sa katapat nitong single seater sofa, pero magiliw siyang tumanggi. Parang hindi kasi tama na magpaka-feeling at ease siya matapos ang nangyari kani-kanina lang. "So, Miss Mariñas, can you please explain your behavior earlier?" basag ni Dr. De Dios sa katahimikan. Sa tono ng pananalita nito, ay halatang hindi ito sang-ayon sa mga nangyari kanina. Nabaling ang tingin ng lahat sa kanya na para bang hinihintay din ng mga ito ang magiging sagot niya. Lalo na si Ken na kulang na lang ay butasin siya sa talim ng tingin nito. "Oo nga, 'tsaka is it true na kaya ka lang pumayag na maging private nurse ni Stell is because you want see Pablo?" inosenteng singit ni Justin. Agad naman itong tinapik ng kapatid sa braso. "Aww! Bakit?" reklamo ng bunsong miyembro habang hinihimas ang nasaktang braso. Pinandilatan naman ito ni Yani at hindi na muling nagsalita. Parang biglang nanuyo ang lalamunan niya. "F-First of all, gusto kong mag-sorry about s-sa...sa kanina," kabado niyang simula pero muling huminto to organize her thoughts. Kaya 'yan, George. The truth lang! Sabi ng isang bahagi ng isip niya. "Saang part d'on? Kasi ang dami mong sablay d'on kanina e. Saang part ka sorry?" singit ni Ken na halatang iritado pa rin. Muli itong sinaway ng katabi nitong si Josh. "D'on sa part na hindi ko kayang magsinungaling na may crush ako sa kanya," mariin niyang sagot habang nakatingin din kay Ken. Walang sumagot sa mga ito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sorry, pero hindi kasi talaga tama para sa'kin na magsinungaling ako sa kanya para lang makapag-build ako ng rapport. Kasi in the first place, I wanted to gain his trust. At paano ko naman kukunin ang tiwala niya kung sa simula pa lang nagsisinungaling na ako?" mahaba niyang paliwanag. Nakita niyang tumango-tango si Justin, habang nanatili namang tahimik ang iba. Nang ibaling niya ang tingin kay Pablo ay mataman lang itong nakatingin sa kanya. "Okay. Granted that is all true. Eh anong plano mo ngayon? How will you earn his trust now, kung pinalayas ka na at sinabihang 'wag nang babalik, hm?" maya maya ay hirit na naman ni Ken. Kung hindi lang talaga ito gwapo at wala doon si Pablo, malamang ay nakatikim din ng isang pitik sa tenga sa kanya ang isang 'to! Pero dahil alam niyang concern lang ito sa kalagayan ng kaibigan, ay hindi na niya pinansin ang kagaspangan na ipinapakita nito sa kanya. "Well, kung papayagan n'yo pa rin ako, ay I will stand by my word na binigay ko kay Sir Yani kanina," aniya sabay tingin sa gawi ng nakatatandang kapatid ni Justin. "Which is?" tanong naman ni Josh. "Na hinding-hindi ko susukuan si Sir Stell," she responded with much sincerity. Bago pa man may makasagot sa mga ito ay may biglang kumatok sa pinto kaya sabay-sabay silang napatingin doon. "Hi, sorry to interrupt guys, pero mali-late na kasi tayo sa schedule natin?" tila nag-aalangan pang sabi ng isang babae na bahagya lang sumilip sa awang ng pinto. Hula niya ay isa ito sa mga staff ng 1Z dahil sa suot nitong ID. "Sige, Ate Leah, wrap up lang kami. Two minutes," optimistic na sagot ni Pablo. Tumango lang ang babae na agad ding umatras at isinara ng marahan ang pinto. "Okay sige, gan'to na lang!" malakas na sabi ng leader ng grupo sabay palakpak ng dalawang beses para kunin ang atensyon nila. She suppressed a smile dahil ngayon niya lang nakita ang pagiging pinuno nito in live action. "Why don't we give Miss Mariñas a certain period of time? Say... four weeks? Para subukan niyang alagaan si Stell, samahan and eventually, makumbinsing mag-undergo ng treatment, okay ba 'yon?" dagdag pa nito habang iniisa-isa silang tingnan na mga naroon sa silid. Lihim din niyang iginala ang paningin para tingnan kung may kokontra sa suhestiyon ng pinuno, at kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makitang oposisyon, not even Ken. "Miss Mariñas, okay ka ba d'on?" baling ng idolo sa kanya. Sunod-sunod na tango ang isinagot niya. "Okay? Okay! Good! Now, I'll leave you to Tito Boris and Yani, usap ulit tayo next time. But for now, we have to go," sabi ulit nito sa kanya. "S-Sige. Thank you po, S-Sir Pablo," nahihiya niyang sagot. Umakto itong parang may gusto pang sabihin pero dahil siguro nagmamadali ay hindi na nito itinuloy iyon. Nauna nang nagsi-labasan ang tatlo pa nitong kasama kaya mabilis na itong humabol. And only after lumapat ang pinto sa likod ng mga ito, that she realized na nakausap niya ng face to face ang SB19! May kaunting tensyon, but nevertheless, her Pablo did not disappoint her. Sa maiksing sandali na nakausap niya ito ay masasabi niyang karapat-dapat talaga itong leader ng grupo. Matagal nang nakapinid ang pinto kung lumabas ang idolo niya, pero hindi pa rin maalis ang tingin niya rito. "So... I guess, this is the part where I should show you to your room?" biglang putol ni Yani sa paglalakbay ng isip niya. Nakangiting tinanguan niya naman ito. "Let's go," yaya nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD