BUMALIK siya pagiging dukha na manghang-mangha sa lahat ng nakikita niya sa loob ng mansyon. Ilang beses na muntik siyang madapa dahil sa kakalinga niya kung saan-saan.
Kung nasaan siya ngayon ay maituturing na langit para sa kahit na sinong A'tin na kagaya niya.
Bawat sulok ng bulwagan ay puno ng litrato ng limang miyembro ng SB19, at mga award natanggap ng nila magmula ng mabuo ang grupo.
Hindi nagtagal ay huminto si Dr. De Dios sa tapat ng isang silid na walang pinto.
"He's here," bulong nito sa kanya.
Bumilis ang t***k ng puso niya.
This is it, pansit! She cheered to herself.
Mwinestrahan siya ni Yani na sumunod kay Dr. De Dios nang pumasok ito sa silid kaya gan'on nga ang ginawa niya.
Sandali pa siyang namangha sa interior ng silid. Para iyong mga setting ng photoshoot sa magazine.
Pero agad na naputol iyon nang tumikmhim si Dr. De Dios. Akala niya ay para sa kanya iyon, pero nang tingnan niya ito ay nakatingin ito sa direksyon ng bintana.
Sinundan niya ang tingin nito at doon niya nakita ang pamilya na bultong nakatalikod at nakatayo roon.
At parang sa pelikula na slow motion ang ginawa nitong paglingon sa kanila.
Talk about jaw-dropping moments! Literal na nalalaglag ang panga niya nang makita ang main vocal and choreographer ng SB19...none other than, Stell Ajero, himself!!!
He's not even her bias, pero heto siya't starstruck pa din!!! Kinagat niya ang sariling dila para pigilin ang sariling tumili.
"Stell? Nandito na si Miss Mariñas," wika ni Dr. De Dios.
Mula sa nakatatandang doktor ay nalipat ang tingin ng gwapong binata sa kanya.
Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat nang magtama ang mga mata nila! Tulad pa din ito noong una niya itong makita sa isang fan meet event, napaka-gwapo at nakakapatunaw tumingin.
"G-Good morning po, S-Sir," kabado niyang bati dito sabay bahagya pang kumaway.
"Hm," maiksi nitong tugon habang tinitingnan mula ulo hanggang paa, atsaka muli silang tinalikuran.
Ay, 'plado? disappointed niyang komento sa isip.
Napasimangot siya dahil sa pagkapahiya.
Naramdaman niya ang bahagyang pagtapik sa likuran niya. Alam niyang si Yani iyon dahil ito lang naman ang nasa likod niya.
Nilingon niya ito para nginitian at bigyan ng nagpapaunawang tango.
"Uh, Stell? Alam mo ba na isang certified A'Tin itong si Ms Mariñas?" pag-iiba ni Dr. De Dios ng usapan.
Halatang pilit nitong pinapapasigla ang tono para pagaanin ang emosyon sa silid.
Mukhang tagumpay naman ito dahil muling lumingon ang binata. Bagaman hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nitong seryoso at malamig na mga tingin.
Napalunok siya. Sing lamig ng yelo ito kung makatingin pero pakiramdam niya ay natutunaw siya sa kinatayuan niya.
"Talaga?" tanong nito na tinugon niya naman ng sunod-sunod at mabibilis na tango.
"Sinong bias mo?" tanong ulit nito sa malamig na tono.
Muli siyang napalunok. Paano na sasagutin ang tanong nitong iyon?
Pasimple siyang tumingin kina Dr. De Dios at Yani para humingi ng saklolo. Baka kasi kapag sinabi niyang si Pablo, at hindi ito ang bias niya, ay hindi ito matuwa. Naniniwala pa naman siyang first impression lasts.
"Ah, eh, hindi naman siguro na importante kung---"
"Not me?" putol ni Stell akmang pagsingit ni Yani sa usapan nila, nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
Nanginig siya sa kaibuturan pero hindi niya rin magawang unang magbawi ng tingin. Para kasi itong may magnet sa mata at kahit gustohin niya ay hindi niya maialis ang tingin niya sa mga mata nito.
Sasagutin niya ba? O hahayaan na lang niya?
Tumango lang ito at muli siyang tinalikuran.
Tumango ito pero bakit pakiramdam niya ay disappointed ito???
"Pero crush kita!" agad niyang sigaw rito.
Natigilan siya. Maging siya ay nagulat sa sarili niyang mga salita.
Crush? Talaga ba, Georgina??? Sa lahat ng pwedeng sabihin, crush talaga? aniya sa sarili.
Unti-unti ulit siyang nilingon ng binata.
Naramdaman niya rin ang mabilis na pagdapo ng mga tingin ng dalawa pang lalaking nasa tabi niya. Pero minabuti niyang huwag nang pansinin ang mga ito, at ituon lang ang pansin kay Stell.
"Crush mo 'ko?" ulit nito sa sinabi niya.
Hindi niya masabi kung natutuwa ba ito o ano, dahil wala siyang mabasang emosyon sa mukha at mga mata nito.
Hala ka, George! Pangatawanan mo 'yan! sabi ulit ng isang bahagi ng isip niya.
Ano pa nga ba ang magagawa niya kung di ang tumango na lang. Bahala na bukas! Ang importante ay makapag-set siya ng good impression sa suplado, pero saksakan ng gwapo niyang pasyente.
He smirked while he looked at her intently.
Hala! Auntie! Hindi sa pagbibiro! Napahawak siya sa gawing beywang niya dahil baka biglang malaglag ang panty niya.
Maya maya ay dahan-dahan itong naglakad papunta sa kinatatayuan niya nang hindi pinapatid ang pagkakatitig sa mga mata niya.
"You like me?" nanunukso nitong tanong .
Napalunok siya at wala sa loob na napaatras sa bawat hakbang nito.
"Bakit mo ako nagustuhan?" tanong ulit nito habang patuloy sa paghakbang papalapit sa kanya.
Patuloy din siya sa pag-atras hanggang sa maramdaman niya na ang dingding sa likod niya.
"Bakit? Kasi gwapo ako? But this is all fake. Di ba nagparetoke lang ako?" tanong ulit nito pero may bahid na ng hinanakit sa tono nito.
Kabado siyang umiling at pilit na nagsumiksik sa dingding dahil hindi pa rin ito tumitigil sa paglapit sa kanya.
"Bakit? Ha? Dahil magaling akong kumanta?" ang kanina'y tila nang-aakit nitong tingin ay napalitan ng talim.
Nagsimula tuloy siyang kabahan.
Sinubukan itong pigilin ni Yani pero agad din nitong winaksi ang huli.
"Stell, that's enough, wag mong takutin si Geo---"
"But this voice will also be gone soon!!!" sigaw nito nang ganap na makalapit sa kanya.
Napatakip siya ng tenga at napapikit, habang pilit na nagsusumiksik sa dingding, dahil sa lakas ng sigaw nito.
Grabe ang lakas at bilis ng t***k ng puso niya sa takot. For a while ay iyon lang ang naririnig niya.
Baliw ba ito? Bakit ba bigla-bigla na lang itong nagagalit at naninigaw?
Alam niyang malimit na biruan sa soc med ang anger issues nito, pero hindi niya akalaing seryoso pala iyon.
Makalipas ang ilang sandali ay tanging mabibigat na paghinga na lang ng taong pinakamalapit sa kanya ang naririnig niya. Doon siya nagpasyang magmulat ng mga mata.
Mula sa gilid ng mata niya ay kita niya ang dibdib ni Stell. Abot ang pagtaas-baba niyon, tanda na dito galing ang mabibigat na paghinga.
Unti-unti niya itong tiningala at nakita niya ang matalim pa rin nitong tingin sa kanya.
"So now tell me, Miss Georgina Mariñas, gusto mo pa rin ba ako?" kapagdaka'y may pang-uuyam nitong tanong.
Hindi agad siya sumagot. Sa halip ay nakipagtagisan siya ng matalim na tingin rito.
For a moment, nakalimutan niyang may behavioural issues pala ito dahil sa health condition nito. Masyado siyang nadala sa ideyang miyembro ito ng paborito niyang boy band.
She saw him smirked, before he looked away.
"Leave. And don't come back. There's nothing for you here," sabi nito tsaka siya tuluyang tinalikuran.
"Si Pablo!" bigla niyang sabi sa malakas din boses.
Natigilan naman ito pero nanatili itong nakatalikod sa kanya.
"Si Pablo talaga ang bias ko," pagtatapat niya.
Doon siya nito unti-unting nilingon.
Salubong ang kilay nito at halatang hindi nito nagustuhan ang narinig.
Pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya magpapatinag.
Inayos niya ang sarili at matuwid na tumayo para harapin ito ng buong tapang
.
"At ang totoo niyan, kaya lang ako pumayag sa offer ni Dr. De Dios ay dahil nagbabaka sakali ako na habang nandito ako at nagtatrabaho sa'yo, ay makikita ko ng madalas si Pablo, bilang sa iisang bahay kayo kakatira," buong tapang niyang pagtatapat.
Lalong nalukot ang mukha nito at mas nanlisik ang mga mata.
Napalunok siya. Pero kailangan niya itong harapin.
Maya maya ay muli ito tumalikod atsaka naglakad pabalik sa may bintana kung saan ito nakatayo kanina.
"Everyone leave," kalmado nitong turan pero ramdam niya ang pinaghalong sakit at galit sa mga salita nito.
"But Stell--"
"Tito Boris," agad na pigil ni Yani sa akmang pag-alma pa ng tiyuhin.
"I think it's better that we all listen to Stell for now," sabi pa ng nakababatang lalaki.
Hindi man sang-ayon ay napilitan na lang tumalima ang CMO niya at nagpatiuna nang lumabas.
Binigyan siya ni Yani ng nagpapaunawang tingin kaya tumango na lang din siya at sumunod na rin sa doktor.