CHAPTER 6

1417 Words
PAGKABABA ni George mula sa taxing naghatid sa kanya, ay agad na itinabing niya ang isang kamay sa mukha para salagin ang sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Alas nwebe na ng umaga. Nine thirty ang sinabing oras ni Dr. De Dios noong huling nagkausap sila para pumirma siya ng kontrata. Hindi na niya inisip ang halaga ng perang ino-offer nito. Nang malaman niya pa lang na isa sa miyembro ng SB19 ang magiging kliyente niya ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na siyang pumayag. And today is her first day. Aaminin niyang kabado siya. Kagabi pa lang ay hindi na siya mapakali at pilit na nire-rehearse sa utak niya ang gagawin at sasabihin niya sa unang pagkikita nila ni Stell. And if she's lucky enough, maybe she will get to meet her very own bias too! Lalo tuloy siyang naexcite sa ideyang iyon kaya bitbit ang mga gamit ay agad na siyang lumapit sa may guard house "Excuse me po, Kuya," pasintabi niya sa security guard na nakatayo sa loob niyon. "Yes, Ma'am?" "Ah, ako po 'yong bagong nurse ni Mr. Ajero. Georgina Mariñas, pero George na lang po," pagpapakilala niya. Hiningan lang siya nito ng ID at matapos i-double check ay agad din naman siya nitong binigyan ng visitor's pass atsaka pinapasok na sa malaking gate. At dahil may kalakihan ang mga dala niyang maleta ay tinulungan na siya ng guard na ipasok ang mga iyon sa gate. Inilibot niya ang paningin pero wala siyang makitang bahay. Panay damuhan na halatang well-maintained dahil pantay-pantay ang pagkakagupit niyon, na pinapagitnaan ng isang mahabang daan. Hindi niya matanaw kung saan patungo ang daanang iyon, kaya muli niyang binalingan ang security guard. "Ahm, excuse me ulit, Kuya, pero saan po 'yong daan papunta sa bahay nina Mr. Ajero?" nahihiya niyang tanong. "Ah may paparating na ho para sunduin kayo, Ma'am, pakihintay na lang," magalang din nitong sagot. Isang ngiti at tango lang ang isinagot niya, tsaka niya ito tinalikuran ulit para igala ang paningin, para hanapin ang sinasabi nitong susundo sa kanya. At hindi nga nagtagal ay may naaninag siyang isang golf cart na papalapit sa may kinaroroonan niya. Hindi niya mapigilang hindi mamangha nang huminto iyon sa tapat niya mismo. Noon lang siya nakakita ng totoong golf cart. Alam niyang mamayaman lang ang mayroon niyon. "Good morning po, kayo po ba si Miss Georgina?" nakangiting bati sa kanya ng nagmamaneho niyon na hula niya isa sa mga staff doon. At dahil mangha pa din ay hindi na niya nagawang sumagot kaya tumango na lang siya. Bumaba ito para tulungan siyang isakay ang mga gamit niya sa cart at hindi nagtagal ay binaybay na nila ang mahabang daan na kanina pa niya tinatanaw kung saan patungo. Hindi siya magkandaumayaw sa kakalingon sa bawat daraanan nila. Bukod kasi sa napakalawak ng bakuran ay may mga automatic sprinklers pang maya't mayang nagsi-spray ng tubig sa mga d**o, at napakagandang niyon tingnan. Bukod pa roon ay punong puno rin ng magaganda at makukulay na bulaklak ang hardin kaya mas lalo siyang namangha. "Wow," wala sa loob niyang nasambit. "Mahilig ka sa bulaklak, Ma'am?" tanong ng nagmamaneho ng cart sa kanya. Medyo nahiya tuloy siya dahil baka isipin nito ay ignoranteng ignorante siya. "A-Ahm, oo," sabi niya lang para takpan ang hiya. Hindi naman ito sumagot pa. Maya maya lang ay nakita na niya ang malaki at mala-palasyong bahay na habang lumalapit sila ay lalong lumalaki sa paningin niya. At nang ganap huminto sila sa tapat niyon ay mas lalo lang lumaki ang pagkakaawang ng bibig niya. "Torooy, lakas maka-Boys Over Flowers," mahina niyang komento habang iginagala ang paningin sa kabuan ng palasyo. "Miss Mariñas! Welcome!" biglang sambulat ng isang pamilyar na boses. Natigil ang ginagawa niyang paghanga sa bahay at nabalingon ang pansin sa lumabas mula sa malawak na double door entrance. "Dr. De Dios," sambit niya sa ngalan nito. Agad na nalipat ang tingin niya sa mas nakababatang lalaki na nakasunod dito. Oh shocks! aniya sa isip. Pero gayun pa man, alam niyang kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat, dahil napangiti ang lalaki. "Judging by your reaction, mukhang kilala mo na ang pamangkin ko, but nevertheless, allow me to introduce him," wika ni Dr. De Dios. "Miss Mariñas, my nephew, who is also the COO of 1Z Entertainment, Yani De Dios, Yani, this is the Miss Georgina Mariñas, our best nurse," dagdag pa ng huli. Para naman siyang natuklaw ng ahas at nakatulala lang sa nakababatang lalaki. "Please to meet you, Miss Mariñas. I'm Yani," magiliw na pagpapakilala naman nito sabay lahad ng kanang kamay sa kanya. Wala sa loob na tinanggap niya iyon dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. "Kakapanood ko lang ng interview n'yo ni Pablo kahapon, tapos..." tila nahihipnotismo niyang sambit. Natawa naman ito. "Well, thank you very much. Nabanggit nga nitong si Tito Boris na isa ka ring A'tin, so thank you, really, for all your support," nakangiti pa ring sabi ng binata. Nalipat bigla ang tingin niya sa boss niya at mataman niya itong tingnan. Wait lang, Dr. Boris De Dios...sa isip niya. Pagtapos ay muli niyang inilipat ang tingin sa nakababatang kasama nito. Yani De Dios...ibig sabihin... She tried to connect the dots in her mind and when it all made sense ay napasinghap siya't sabay takip ng kamay sa bibig. Muling natawa ang dalawang lalaki sa harap niya. "Yes, Miss Mariñas, pamangkin kong buo si Yani, na kapatid ni Justin ng iniidolo mong SB19," natatawang sabi na lang ng boss niya. Muli siyang napasinghap nang marinig na iyon mula dito. "Nakakaloka ang plot twist, Doc!" bigla niyang nasabi sabay tampal sa balikat nito. Mukhang nagulat naman ang nakatatandang lalaki sa ginawa niya. Maging siya ay nagulat sa sarili niya dahil sandali niyang nakalimutan na boss niya nga pala ito. "Ay sorry po," nahihiya niyang sabi. Natawa na lang din ulit ito. "It's alright. I understand how you feel," tugon naman nito. "Well then, shall we get into business and introduce you to the man of the hour?" maya maya ay sabi ulit ng manggagamot. Oo nga pala. Nandoon pala siya para sa trabaho. Muntik na naman niyang makalimutan iyon. Biglang bumalik ang kaba niya nang maalala ang rason kung bakit siya naroon. Gayun pa man ay tumango-tango na lang siya. "Very well, let's--" "Tito Boris," biglang pigil ni Yani sa akmang pagpapatiuna nito. "Gusto ko po sanang makausap muna si Miss Mariñas bago natin siya ipakilala sa kliyente niya? Kahit po sandali lang?" tila nag-aalangang wika pa ng huli. Tiningnan muna siya ng boss niya, pero kinalaunan ay tumango rin ito. "Thank you," sabi ni Yani rito atsaka siya binalingan. "Miss Mariñas?" tawag nito sa kanya. "George na lang po, Sir," sagot niya naman. Ngumiti ito at tumango. "George," ulit nito sa pangalan niya. "Pwede ba kitang makausap sandali?" tanong nito na tinugon niya naman ng pagtango. Inakay siya nito at bahagya silang lumayo sa Tito Boris nito. Nang makuntento sa distansya nila sa nakatatandang lalaki ay tumigil ito at bigla ay parang naging alangan. Nagtaka tuloy siya. "George, I know you're a fan of the group..." he awkwardly said. Tumango naman siya, although she is still wondering kung saan papunta ang usapan nila. "Each of the boys have their own image and personality na minahal ng fandom nila. And..." Muli itong huminto at para bang pilit na hinahanap ang tamang mga salita na gagamitin nito. She patiently waited for him to finish what he is about to say. "T-Things happened... and m-may mga slight changes... lalo na kay....lalo na kay Stell," maya maya ay pagpapatuloy nito. Doon niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay kung ano ang pinapatungkulan nito. "Sir Yani," tawag niya rito para kunin ang atensyon nito. Nang tingnan siya nito ay nginitian niya ito. "Okay lang po. I understand," she reassured him and smiled again. "I'm a huge fan, and official and certified A'Tin, yes. But I am also a professional," dagdag pa niya. "Kaya don't worry, kahit na itapon pa po ako ni Sir Stell sa Ilog Pasig o sa South China Sea, wag kayong mag-alala, marunong akong lumangoy. Lalangoy ako pabalik and I will see to it na magrerecover siya, hm?" pabiro niyang dagdag para pagaanin ang usapan nila. Natawa naman ito. She saw a sense of relief in his face tsaka siya nito nginitian. "Thank you," wika nito. "For Stell and for A'Tin!" Nagkatawanan sila bago nagpasyang pumasok na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD