MARAHAN na isinara ni George ang pinto ng opisina ni Dr. De Dios matapos niya itong sundan.
Hindi niya alam kung ilang santo na ang tinawag niya habang tahimik na sinusundan niya ang nakatatandang doktor.
Diyos ko Lord, wag naman sana akong mawalan ng trabaho! tahimik niyang dasal.
Pinagkiskis niya ang mga palad dahil namamawis na ang mga iyon sa sobrang kaba.
Marami niya siyang narinig na kwento kung paano sinigawan, pinahiya at sinibak sa posisyon ang Chief Medial Officer nila.
Marami ang takot at may ayaw dito, pero marami din naman ang nagsasabing sadyang perfectionist lang ito.
Hindi niya pa malamang kung saang panig siya maniniwala dahil magmula nang magsimula siya sa ospital na ito ay hindi naman siya nagkaroon ng interaction dito. Nakikita niya lang ito sa mga general meeting or di kaya ay sa mga malalaking event ng ospital.
Hinintay niyang ganap itong makaupo sa swivel chair nito bago siya lumapit sa kabilang ibayo ng office desk nito.
Diretso ang naging pagtayo niya habang wala sa loob na kinukutkot ang mga kuko niya sa sobrang kaba.
"Sit down, Ms Mariñas," seryoso nitong alok.
"O-Okay lang po ako, Doc," magalang niyang pagtanggi.
Kapag kasi naupo siya ay mas malalapit siya rito. At kung sesermonan nga siya nito, mas mabuti na ang maglagay siya ng appropriate distance sa pagitan nila.
Tumaas lang ang kilay nito atsaka tumango-tango.
Sandali itong hindi nagsalita at para bang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin.
Pasimple niyang tinitingnan ang ekspresyon nitong hindi nagbabago at nananatiling seryoso.
Ihinanda niya ang sarili sa posibleng suspension or worse, dismissal from work na ipapataw nito sa kanya dahil sa inappropriate behavior na nasaksihan nitong ipinakita nila ni Mai.
"So, Ms Mariñas...you like SB19?" maya maya ay seryoso nitong tanong.
Napamulagat siya.
Tama ba ang dinig niya?
"P-Po?" wala sa loob niyang tanong dito.
She has to be hallucinating! There is no way na iyon ang itatanong ng CMO sa kanya!
Puro kasi SB19 ang laman ng utak mo, Georgina! singit ng isang bahagi ng isip niya.
"Sabi ko, fan ka ba ng SB19?" ulit nito sa seryoso pa ding tono.
Medyo nalito siya. Hindi kasi iyon ang inaasahan niyang una nitong sasabihin.
"O-Opo, Doc," wala sa loob niya pa ring sagot dahil pilit na pinagtatagpi-tagpi niya pa rin sa isip niya kung ano ang tinutumbok ng nakatatandang doktor.
"Amazing. So who is your bias?" tanong ulit nito na para ba itong isang NBI agent sa isang interogasyon.
Lalo siyang nalito kaya lalong kumunot ang noo niya. Nagsisimula na siyang ma-weirdo-han sa boss niya. Hindi kaya ay nire-reverse psychology lang siya nito? At gusto talaga nitong madala siya sa usapan at kapag carried away na carried away na siya ay doon nito ibabagsak ang bomba sa kanya?
Pero sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ay mukhang hinihintay talaga nitong sagutin niya ang tanong nitong iyon.
"S-Seryosong tanong po ba 'yon?" alangan niyang tanong.
"But of course! Mukha ba akong nagbibiro?" seryoso nitong balik-tanong.
Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ano, kaya sunod sunod na iling na lang ang isinagot niya.
"So sino nga ang bias mo, at bakit?" ulit nito sa tanong kani-kanina lang.
"S-Si Pablo po, D-Doc," kabado niyang sagot sabay mahigpit na iniyukom ang mga kamao para ihanda ang sarili ano man ang susunod nitong sasabihin.
Pero tumango-tango lang ito sabay dapat ng kung anong folder mula sa mesa nito at prenteng sumandal sa sandalan ng swivel chair nito.
"May I ask bakit si Pablo?" kaswal nitong tanong habang marahang binubuklat ang hawak na folder.
"Po?"
Hindi talaga siya makapaniwala sa takbo ng usapan nila ng boss niya ngayon. Sino ba kasi ang mag-aakalang tatawagin siya ng boss niya para pag-usapan ang SB19 at bias niya?
"I mean, why not...Justin? Since mukhang mas malapit ang edad ninyo? Or...si Ken? since he seems to be the most appealing one to women?" dagdag pa nito.
Napalunok siya. Okay bukod sa weird ay naging awkward na din siya. Paano niya ba sasagutin ang tanong na iyon kung boss niya ang nagtatanong?
Alangan siyang ngumiti.
"It's alright, you don't have to answer me if it's too personal," maya maya ay sabi nito sabay inilapag ulit sa lamesa ang hawak na folder.
Pumormal ito ng upo tsaka itinukod ang pinagsiklop na mga kamay sa taas ng desk nito.
"Actually the reason why I ask you here is because, I conducted a mini survey at halos lahat sila ay ikaw ang ini-rerekomenda," wika nito sa mas seryosong tono.
From confusion to feeling weirded out, to awkwardness and now back to confusion again, iyan ang nararamdaman niya sa buong sandaling nakatayo siya sa harap ng CMO nila.
"I-Ini-rekomenda pong a-ano?" tanong niya.
"I have a personal favor to ask of you, Ms Mariñas," dagdag pa nito habang matamang nakatingin sa kanya.
Bigla siyang kinabahan. Ito na ba 'yong mga nababasa niya sa w*****d tungkol sa mga indecent offer kapalit ng malaking halaga????
Para siyang baliw na biglang napaatras.
"H-Hindi po ako gan'ong klaseng babae, Doc," wala sa loob niyang nasabi.
Natawa naman ang nakatatandang lalaki.
"No, no, it's not what you're thinking," natatawa pa din nitong sabi at mukhang nabasa ang iniisip niya.
Tumikhim siya para itago ang pagkapahiya.
Kung ano ano kasi binabasa sa w*****d e! Sita niya sa sarili.
"I did a little background check on you, and indeed, you seemed to be the perfect fit for the role," kapagkadaka'y sabi nito at sinundan iyon ng mabilis na ngiti.
"A-Ano pong role?" tanong niya.
Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga tsaka tumayo mula sa swivel chair at mabagal na nagpalakad lakad sa likuran niyon.
"You see, I have this nephew...a very special one. He uh, had recently lost something very important to him and now he is on the verge of loosing himself too," matalinhaga nitong sagot.
Napakunot siya ng noo.
Ano raw? wika niya sa isip.
Muli itong natawa. Marahil dahil nakaguhit sa mukha niya ang pagkalito sa mga sinabi nito.
"Forgive me, I cannot go into details just yet. Not until you agree and sign a nondisclosure agreement," sabi nito.
Ngayon naman ay napataas ang kilay niya.
Sabeee, may pa-nondisclosure agreement! VIP yarn? Muli ay pinili niya sarilinin ang komentong iyon.
Tumango-tango ang nakatatandang lalaki.
"As you may have already guess, my nephew is a VIP client," komento ng doktor.
Napamulagat siya. Mind reader ba ito????
"And of course, this favor, should you agree to it, will not be for free," dagdag pa nito sabay iniabot sa kanya ang folder na kaniya ay binubuklat nito.
Nagtataka namang kinuha niya iyon.
Mwinestrahan siya nitong buklatin ang hawak na mga papel kaya gan'on nga ang ginawa niya.
"That is a draft contract for your reference. It basically states that even though you will work for me temporarily, you will still get your basic monthly salary here in the hospital and still be entitled to all your employee benefits and bonuses. And also that you will get a monthly bonus of seventy thousand pesos every month, non taxable, for working privately for my nephew. And should he recover fully from this...predicament...you will receive another hundred thousand pesos bonus, nontaxable of course,"kaswal nitong wika.
Napaawang ang bibig niya sa mga narinig. Bagaman namamangha ay hindi niya pa rin maiwasang hindi magduda. Kung talagang pagiging private nurse ang magiging trabaho niya, hindi ba parang masyadong malaki naman ang offer nito?
"Maitanong ko lang ho , Doc ano? Hindi naman ho monster 'yang pamangkin n'yo ano?" alangan niyang tanong.
Kumunot naman ang noo ng manggagamot.
"At bakit mo naman naisip 'yan?" tanong din nito.
"E-Eh parang too good to be true po kasi itong offer ninyo e. Kaya siguradong may catch po ito. Kasi kung wala po, imposible walang ibang nurse, na mas magagaling at mas lalawak ang experience, na kakagat sa ganito kalaking offer," diretso niyang sagot.
Wala naman sigurong masama na magpakatotoo siya di ba? Tsaka mabuti na ang naniniguro.
Naiiling na natawa ang boss niya.
"Mildred was right. You are indeed a clever girl. Hindi ka basta-basta namamanipula," komento nito na ang tinutukoy na Mildred ay ang Nursing Director niya.
"Which is why ikaw lang talaga ang makakagawa ng trabahong ito. I don't need Master's degree or Oxford experience. I need you, Ms. Ms Mariñas, to take care of my dear nephew and see him through is full recovery,"dagdag pa nito.
"Di naman masyado, Dok," tugon niya habang pilit na pinipigil ang mapangiti sa mga narinig na papuri.
"So, Ms Mariñas, will you accept the offer?" tanong nito.
Sandali siyang nag-isip. Medyo alangan pa din kasi siya.
"Pwede ko po ba munang malaman kung ano 'yong case ng pamangkin n'yo?" hirit niya.
Ang manggagamot naman ang napaisip sa sinabi niya. Alam niyang sinabi nitong VIP client ang pamangkin nito pero kailangan niya din namang malaman kung ano ang haharapin niya.
"Kahit po 'yong case lang mismo, wag n'yo na i-disclose 'yong pangalan. Gusto ko lang po kasi malaman kung kaya ba ng powers ko 'yong case...a-alam n'yo na, pre-empting, basic nursing skill," patuloy niyang pangungumbinsi rito.
Muli itong nag-isip ng ilang segundo bago may kinuha na isa pang folder sa drawer ng desk nito.
"This is my nephew's full case notes. Skim through it at kung may tanong ka, you can let me know," wika nito habang iniaabot sa kanya ang naturang folder.
Gaya ng sinabi nito ay agad na binuklat niya iyon.
At halos lumuwa ang mga mata niya nang mabasa niya ang pangalan ng nagmamay-ari ng case notes na iyon.
STELLVERSTER QUITALES AJERO.
Mabilis na napatingin siya sa CMO niya.