CHAPTER4

1243 Words
NANG... magsimulang lumuwag ang restrictions dala ng Covid ay minabuti ni George na tapusin na ang kontrata sa Saudi at bumalik na muna ng Pinas. At heto nga't mag-iisang taon na magmula nang makauwi siya. Dahil na din sa naging maganda niyang performance sa dati niyang ospital ay nabigyan siya ng magandang rekomendasyon ng dati niyang boss, kaya nakapasok siya sa isang prestihiyosong ospital sa Pilipinas. "Georgeeee!!! My saviour! Naku, tara dito, daliiii," agad na salubong sa kanya ni Mai, isa sa mga katrabaho niya, sabay hila sa kanya sa isang tabi. Sa tono at paraan pa lang ng pagtingin nito ay alam na niyang may kailangan ito sa kanya. Pabiro niya itong inirapan tsaka nagkunwaring nagbuklat ng ilang chart sa lamesa. "Hmm, ano na namang kailangan mo sa'kin, Marietta?" kunwa'y seryoso niyang tanong. "Grabe ka naman sakin, tinawag lang e, may kailangan agad?" pagmamaang-maangan nito. Nagkibit balikat lang siya at patuloy sa pagkukunwaring wala siyang interes na tulungan ito. Isa si Mai sa mga naging ka-close niya nang magsimula siyang magtrabaho sa ospital na ito. "Eeehhh, George, 'yong isang pasyente ko kasi, kanina pa nagrerefuse ng meds. Tapos ayaw din daw niya akong nurse niya, lahat ng sabihin ko, kung hindi sino-soplak e ayaw sumunod! Ke dami-daming arte, 'di naman gwapo!" inis nitong reklamo. Kunwa'y pasimple niya itong inamoy. Nakakunot ang noo naman itong lumayo ng bahagya sa kanya. "Ginagawa mo?" tanong nito na parang nawi-weirdohan sa kanya. "Baka kasi di ka naligo kaya ayaw ng pasyente mo sa'yo," natatawang pang-aasar niya. Nanlaki ang mga mata nito. "Hoy, excuse me no?! At least three times kaya ako kung maligo sa isang araw! 'Kala mo sa'kin Arabo?!" depensa pa nito sa sarili. Medyo napalakas pa nga ang boses nito kaya agad niya itong sinenyasang tumahimik. "Shh!" "Maka-ano ka d'yan e! Inaano mo'ko e," reklamo pa nito. Doon na siya natawa. "Joke lang! 'to naman, dinamay mo pa mga arabo, grabe ka. Hindi lang sila gan'on kabango, pero mga gwapo naman sila," kaswal niyang komento habang nagbubuklat ng mga chart. "Sus! E kung gwapo, ba't ka man lang fluming-fling d'on, aber?!" tanong naman ni Mai sabay isiningit pa ang mukha nito sa pagitan niya at ng chart na binabasa niya. Medyo nagulat siya sa ginawa nitong iyon kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me 'no, dalagang Pilipina kaya 'to," tugon niya at sinundan iyon ng pag-irap. "Suuuss! Dalagang Pilipina...tse! Ang sabihin mo, kaya wala kang jowa hanggang ngayon, e dahil ang gusto mo, mga Pablo Nase ang level ng lalaki para maging jowa mo! Gondo mo eh, 'no?" pang-aasar nito sa kanya sabay himas pa sa gawing baba niya. Pero imbes na mainis ay mas lalo niyang itinaas ang mukha habang kunwari itong ginigitgit. "Gondo talaga! Bakit, aangal? Aangal?" patol niya sa pang-aasar ng kaibigan. Tila naaalibadbaran naman siya nitong itinulak palayo na mas lalo niyang ikinatawa. "Tsaka, bakit? Ano naman ang masama kung gawin kong standard ng magiging jowa ko si Pablo, aber? Gwapo, talented, wholesome, mabait, maalalahanin and the list can go on and on, baka abutin pa tayo hanggang next week," may pag mamalaki niya pang dagdag habang binibilang sa mga daliri niya ang maraming magagandang katangian ng iniidolong mag-aawit. Pagdating kasi talaga sa SB19, lalo na sa bias niyang si Pablo, ay hindi siya nagpapatalo ng basta-basta. "Mhie, kasi 'yong gusto mo naman 'yong tipong gagawan ka ng kanta, haharanahin ka, susuyuin, sasayawan ka ng, I Want You habang tinititigan ka ng ganyan," wika nito sabay tila nang-aakit na sumayaw pa ng ilang steps ng binanggit nitong kanta ng sikat at iniidolo niyang banda, ang SB19. Agad niya itong pinigil at mabilis na luminga-linga sa paligid. "Uy! Ano ka ba?! May makakita sa'yo!" mahina niyang sita rito. Pero imbes na tumigil ay nagpatuloy lang ito sa pag giling sa harap niya habang kinakanta pa ang ilang linya ng awitin. " ðŸŽķBaby I want, I want, I want youðŸŽķ," "Pst! Tumigil ka na sabi!" "Eehhh! Tulungan mo na kasi akoooo!" paghihimuktok nito habang nagpapapadyak na parang bata at patuloy na nakikiusap na tulungan niya ito. "Oo na! Oo na! Ako na bahala sa pasyente mo, basta tumigil ka na kakagiling mo d'yan, nakakahiya ka," sabi niya na lang para magtigil na ito sa kung ano-anong nakakahiyang bagay na pinaggagagawa nito. "Yehey!!! Thank you, Georgina! Labyu!" pagbubunyi nito 'tsaka mabilis na pumasok sa Nurse's Station. Napailing na lang siya. Minsan ay nakakalimutan niyang magka-edad lang sila nitong ni Mai dahil madalas ay para itong bata kung umasta. Maya maya ay bigla ulit itong lumabas. " ðŸŽķPablo, I want, I want, I want you!ðŸŽķ" pagkanta nito habang banayad na gumigiling at inaabot sa kanya ang chart ng pasyenteng ipinapakiusap nito sa kanya. "Shh! Tumigil na sabi e!" saway niya ulit dito sabay hablot sa chart mula rito. Bahala na nga ito. Nagkunwari na lang siyang itinuon ang pansin sa chart na binigay nito sa kanya. Hindi na lang niya ito papansin para ito na mismo ang kusang tumigil sa mga kalokokan nito. "Uy kinikilig! Naiimagine niyang sinasayawan siya ni Pablo ng I want you," patuloy nitong panunukso at bahagya pa siyang sinundot sa tagiliran. "Pst! Marietta! Ang harot!" pagalit niya rito. Pero humagikhik lang ito at mukhang tuwang tuwa pa sa ginagawa nitong panunukso sa kanya. "Sus! Mas maharot 'yong reaksyon mo n'ong kaldagan sa concert! Wag ako, Georgina MariÃąas! Kitang-kita ko! Enjoy na enjoy ka sa kaldagan!" sabi nito sa mas malakas na boses. Medyo nagpanic tuloy siya dahil mukhang sandaling nakalimutan ng baliw niyang kaibigan na nasa ospital sila at wala sa tambayan. Agad niya itong pinandilatan para pasimple itong sawayin. Alam niya ang tinutukoy nito. Ito ay iyong unang pagkakataon na nakasama niya itong manood ng concert ng SB19 last year sa Araneta Coliseum. "Naku! Naku! Naku! 'Wag mo akong pandilat-dilatan d'yan, Georgina ah! Tingnan mo nga at namumula ka na! Kasi naaalala mo 'yong mga kalda---mmm!" Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad na tinakpan niya ang bibig nito bago pa man nito ulitin na naman ang salitang 'kaldag'. "Mai? Tahimik muna ah, kung ayaw mong maireport ng misbehaviour at work," mahina niyang paalala dito. Mukha namang natauhan ito bigla at sunod-sunod ang naging pagtango. Marahan nitong tinapik-tapik ang kamay niyang tumatakip sa bibig nito kaya agad na niya rin itong binitawan. "Behave," hirit niya pa. Isang alanganing ngiti lang ang isinagot nito sabay nag- 'peace sign'. Naiiling na natawa na lang siya sa kalokohan ng kaibigan. "Ms. MariÃąas!" Kapwa sila napatingin ni Mai sa direksyon kung saan nanggaling ang mala-kulog na boses na tumawag sa kanya. Para silang mga estatwang nanigas nang mapagsino ang tumawag sa kanya. "Dr. De Dios," nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan ng Chief Medical Officer nila. Seryoso ang mukha nito habang papalapit sa kinatatayuan nila. Medyo may edad na ito at kalat sa buong ospital ang pagiging terror at istrikto nito. Kaya tiyak na kung nakita at narinig nito ang kulitan nila ni Mai ay may kalalagyan silang pareho. Napalunok siya ng sunod-sunod. Ito na kaya ang katapusan ng career niya? Nang ganap na makalapit ang nakatatandang lalaki sa kanila ay nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa. "In my office. Now," ma-awtoridad nitong utos tsaka sila nilampasan. Pasimple niyang siniko ang kaibigan. "'Kaw kasi," lihim niyang sita dito. Hindi na ito sumagot pero kita niya ang kaba sa mukha nito. Kabado man ay wala siyang nagawa kung di ang sumunod na lang sa boss nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD