CHAPTER 3

1369 Words
DAY 36.. Pinakatitigan ni George ang numerong minarkahan ni Maris sa white board na nakadikit sa dingding.Nakasalampak siya sa sahig habang pilit na tinitiis ang init ng suot niyang hazmat suit. Dahil kasi matagal at mahirap isuot ang protective equipment na ito, ay pinipili na lang nilang magtiis sa init kaysa hubarin pa ito sa tuwing nakatoka silang magpahinga. "Thirty six days, guys," matamlay na wika ni Poch. Gaya niya ay nakaupo din ito sa sahig, sa kabilang ibayo na ng silid kung saan sila namamahinga matapos ang isa na namang madugong resuscitation procedure. Member ng l***q si Poch. Ito na yata ang pinakamasayahin at positibong taong nakilala niya magmula nang dumating siya sa Saudi. Pero maging ito ay tumamlay na at nawala na ang positive energy nito sa mga naranasan at nasaksikahan nila nitong mga nakaraang linggo. Nagpalitan silang tatlo ng tingin. Tama, tatlumpu't anim na araw na magmula nang magsimula ang giyera nila laban sa deadly virus na Covid 19. "From ten, down to three..." dagdag pa ng huli na ang tinutukoy ay ang bilang nilang magkakasama nang magsimula ang pandemya, hanggang sa ngayong silang tatlo na lang ang natira. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Ang katatapos lang kasi nilang resuscitation attempt ay isinagawa nila sa isa sa mga kasamahan nilang tinamaan ng Covid. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakabalik at tuluyan nang nahulog sa bingit ng kamatayan. Narinig niya ang pagsinghot ni Maris, tanda na umiiyak ito. "Nakausap ko pa si Ate Conchita kagabi n'ong pumasok ako sa cubicle niya para palitan 'yong swero niya at na-out na naman," sabi nito sa garagal na tinig. Nabaling dito ang tingin nila ni Poch. Oo nga pala, si Maris nga pala ang nakatoka sa katrabaho nilang naospital dahil sa masamang tama ng Covid. Yumuko ito, marahil ay para subukang itago ang pag-iyak. Pero kahit medyo may distansya ito sa kanila at nakasuot pa ng hazmat, ay kita pa rin nila ang malalaking patak ng mga luha nito. "Ka-videocall niya pa 'yong asawa at anak niya sa Pinas. Abot ang paghingi niya ng sorry na mas maraming oras at panahon ang ini-spend niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaysa sa piling ng pamilya niya. Na absent siya sa maraming importanteng pangyayari sa buhay ng mga anak niya kasi nasa malayo siya," pagpapatuloy nito sa pagitan ng pagsinghot. She is sure all three of them could relate to each and every word that Maris had said. After all, lahat naman ng OFW ay may kanya-kanyang rason kung bakit mas piniling makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas, malayo sa piling ng mga mahal sa buhay. "Tapos sabi niya pa sa'kin, kapag daw nalampasan niya ang dagok na 'to, mag-fo-for good na siya sa Pinas at mas magiging present na siya sa buhay ng mga anak niya...tapos..." Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil tuluyan na itong napahagulhol. Isa pa sa pinakamalupit na bagay na dala ng pandemya ay ang pagbabawal sa kahit na anong close contact sa bawat isa. Kaya kahit na gustong-gusto niyang yakapin si Maris para damayan ito, ay hindi niya magawa. Napabuntong hininga na lang siya habang pilit na pinipigil din ang sariling mga luha dala ng kwento ng kasamahan. Hindi niya rin tuloy maiwasang hindi maisip ang sarili niyang pamilya. Ang Ate Dana niya at pamangking si Amber, pati na rin ang nanay niya at bunsong kapatid na si Keila. Kahit naman hindi gan'on kaayos ang relasyon nila ng nanay niya ay nanay niya pa rin ito. "Eh tayo kaya? Ano kayang mangyayari sa'tin? Dito na kaya matatapos ang lahat sa'tin? End of the world na nga kaya talaga? Ayokong magawa kay Ate Conchita, George," maya maya ay tila kabadong sabi ni Maris. Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabing iyon ng kasama. Ayaw man niyang aminin, pero sa nangyari kay Ate Conchita ay mas lalo siyang pinanghinaan ng loob. Nakita niya kung paanong naghirap ang nakatatandang kasamahan habang nakaratay ito sa ICU bed. Pakiramdam niya ay parang bigla siyang lumapit sa kamatayan dahil sa nasaksihan niya kanina. Kilala siya sa department nila for being assertive and confident in whatever she does. Kaya nga siya napromote agad to Charge Nurse in just year. Pero hindi na niya mahanap ang bahaging iyon ng sarili niya ngayon. Days suddenly became uncertain. Tiningnan niya sina Poch at Maris. Ni hindi niya sigurado kung bukas pag gising nila ay magkakasama pa din ba silang tatlo. Walang nagsalita sa kanila pero mukhang alam na ng isa't isa kung ano ang nararamdaman nila ng mga oras na iyon. Fear. They said prayers are the strongest armor once can possess. But judging by how many lives were lost in the last couple of weeks, hindi niya alam kung mapapaniwalaan pa ba niya ang mga dasal. Sigurado naman siyang bawat isa sa mga nag-agaw-buhay ay kumapit sa dasal. Pero sa huli ay kinuha pa rin sila ng kamatayan. Napayakap siya sa mga tuhod at ipinatong ang ulo sa taas niyon. She felt vulnerable. Binasag ng isang awitin ang katahimikan sa loob ng silid. Napatingin siya sa gawi ni Poch dahil doon banda nagmumula ang tunog. "Napanood ko lang sa youtube n'ong isang araw. Kanta daw ng SB19 para sa mga frontliners," komento ni Poch habang itinataas ang hawak nitong cellphone, kung saan nagpi-play ang isang video doon. Hindi naman na sila nagkomento pa ni Maris at tahimik na lang na pinakinggan ang bawat salita sa awitin. ♫🎶 Pag-gising sa umaga'y tinig mo ang paboritong himig 'Di naman siguro 'to isang panaginip Pinagdarasal parati Kaligtasan mo't mapawi Ang lungkot sa iyong mata 'Di na luluha pang muli Panahon ma'y nagdidilim Liwanag ay sisikat din Sabay nating haharapin Takot sa puso'y alisin Lahat ng to'y lilipas din Walang pagsubok na 'di kakayanin Ibig ko lang ipahiwatig Na basta may pag-ibig Sa puso natin magwawagi, yeah Oh, sigurado babangon tayo Kaya'ng lahat, ikaw at ako 'Wag kang susuko Magkasama tayo Hanggang sa dulo Ikaw at ako ♫🎶 The song was inspiring. Pakiramdam niya isinulat iyon para sa kanya. Ang bawat salita sa awitin ang kailangang-kailangang marinig ng mga kagaya niyang nasa frontline at nakikipaglaban sa virus na kumuha na ng maraming buhay at patuloy pa rin sa paghahasik ng lagim. Namalayan na lang niya ang sariling lumuluha na rin. Nitong mga nakaraang araw kasi, pakiramdam niya ay napakawala niyang kwenta dahil wala siyang magawa kung di ang panoorin ang mga pasyente nilang unti-unting nawawalan ng liwanag sa mga mata. Maraming beses na kinuwestyon niya ang sarili kung karapat-dapat pa ba siyang tawing frontliner kung wala naman siyang nagagawa sa panahong kailangang-kailangan siya ng mga pasyente niya. Naisip niya rin ang pamilya niya sa Pilipinas na halos dalawang taon na niyang hindi nakikita at nakakasama magmula ng umalis siya. Sa sitwasyon ng mundo, hindi malayong hindi na nga niya kailan man makasama ang mga ito. Paano na ang pamangkin niya? Ito pa naman ang pinakamalaking dahilan kung bakit niya pinilit na makaalis ng bansa. May sakit kasi ito sa puso at kailangan ng mahaba at mahal na gamutan bago ito maging eligible for heart transplant. Kung mamamatay siya sa laban sa Covid, tiyak na gan'on din ang mangyayari sa pobre niyang pamangkin. Lalo siyang napaluha sa isiping iyon. Anim na taong gulang lang ito. Matalino at bibong bata. Isipin niya pa lang na mawawala ang malambing niyang pamangkin ay parang binibiyak na ang dibdib niya. Siguro ay sa pinagsama-samang pagod, lungkot, takot at pisikal na antok kaya hindi niya namalayang unti-unti na siyang hinila ng antok habang nakaupo. Hindi niya masabi kung panaginip ba iyon o flashback ng bawat Code blue na naganap nitong mga nakaraang araw, pero ramdam niya ang patuloy na pag-agos ng mga luha niya kahit nakapikit na ang mga mata niya. Sa kauna-unang pagkakataon, sa loob ng tatlumpu't anim na araw, nagawa niyan iiyak ang lahat ng emosyong pilit niyang isinantabi para sa tawag ng tungkulin niya bilang isang frontliner. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nasa ganoong isipin nang biglang umalingawngaw ang malakas na alarm. "Code blue! Code blue! Team One needed at Cubicle four! Please respond immediately!" Halos sabay sabay silang tatlo na napabalikwas sila ng bangon at agad na tumakbo kung saan sila kailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD