Separated Love
by larajeszz
Chapter 84
Jaycee's POV
Ilang linggo pa lamang simula no’ng umalis siya, pero miss na miss ko na siya agad. Iba pala talaga sa pakiramdam na alam mong nasa malayo ang taong mahal mo. Na kahit anong pilit pa na sabihin mong nandiyan lamang siya sa malapit ay hindi makakatulong 'yon. Something's urging me to bring him back home, but I know I can't, and I shouldn't.
Niyaya ako nina Cally at Ivy na mamasyal. Alam kong ginagawa nila ito para hindi ako masiyadong mag-isip at malungkot.
"Cheer up! For sure ay nami-miss ka na rin no'n. Tingnan mo maya't maya ka niyang tatawagan," siguradong-sigurado na sambit ni Cally.
"Totoo, Jay. Hindi ka naman kayang matiis no'n, 'no?" pagsang-ayon naman ni Ivy.
Dinala nila ako sa isang library. Alam siguro nila na matagal na rin akong napatigil sa pagbabasa. Ito ang hilig naming magkakaibigan noon.
"Dito kami madalas ni Ivy no'ng college dahil magkalapit lang ang pinapasukan namin," sabi ni Cally habang naglalakad kami at naghahanap ng puwesto.
Malawak ang library na 'yon. Hindi ko alam na may ganito kaganda na rin palang library rito sa atin. Mataas ang ceiling at maging ang mga dingding ay may nakapinta ring mga libro kaya mistula itong bookshelf.
"Papunta raw si Aiden," sabi ni Ivy sa amin habang tinitingnan 'yong message sa phone niya.
"Madalas din ba si Aiden dito?" tanong ko.
"Oo, mas madalas pa siya kaysa sa amin dito," sagot ni Cally at bumaling kay Ivy na katabi niya, ako kasi ay nasa tapat nila. "Sabihin mo 'wag siyang pupunta rito kung may dala siyang bebe."
Tinawanan lang siya ni Ivy. "Grabe ka naman, minsan na nga lamang magsama 'yong dalawang 'yon."
Tumayo na kami ni Cally sa lamesa para maghanap ng librong babasahin. Hindi ko alam na pati ang feeling na maglakad sa corridor ng library ay mami-miss ko. Si Ivy ang naiwan sa lamesa dahil hihintayin na raw niya si Aiden at Ishan na galing lang din naman pala sa malapit.
Habang nagtitingin sa mga libro ay mayroong nakaagaw ng pansin ko. Ang book cover nito ay dalawang bata sa isang treehouse. Napangiti ako at kinuha na 'yon kahit na hindi ko pa nababasa ang description sa likuran. Alam kong pambata 'yon pero nakuha nito ang atensiyon ko.
“Ano ‘yan? Pambata? Seryoso ka ba, Jay?” tanong ni Ivy pagkabalik ko sa lamesa namin.
“Hayaan mo siya, ganiyan siguro epekto ng LDR. ‘Di mo alam ‘yon kasi ‘di mo pa nararanasan!” ani Cally.
Napairap si Ivy sa sinabi ni Cally. “Bakit naranasan mo na ba? Eh, wala namang ibang pinupuntahan si Aizan, ah?”
“Excuse me, ang layo kaya ng bahay nila sa bahay namin!”
“Ewan ko sa ‘yo!” Muling napairap si Ivy sa sinabi ni Cally.
Abala ako sa pagbabasa ng mga kinuha kong kuwento na pambata kaya hindi na ako sumali sa pagtatalo nila. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lamang akong nagkaroon ng interes na ganitong klase ng libro ang kuhanin. Bookworm ako pero mas pinili ko ang mga ito!
Ilang minuto pa ang nakallipas ay dumating na sina Aiden at Ishan. Napanguso na lamang ako nang makitang holding hands pa sila habang naglalakad papunta sa pwesto namin. Sana all!
Mas lalong humaba ang nguso ko nang buksan ko ang cellphone ko at wala man lamang akong nakitang message do’n mula kay Asher!
“Hi! Kamusta ka, Jay?” nakangiting bati sa akin ni Aiden.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Maayos naman.” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Blooming ka, ah? Skin care reveal naman!”
Nahihiya niyang dinampian ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay niya. “Wala ‘to… Gano’n pa rin naman ang ginagamit ko sa sarili ko, eh,” mahinang sagot niya.
“Amp*ta, ‘wag ka nang magkunwari! Hindi ikaw ‘yan!” ani Cally. May halong diin ang pagkakasabii niya no’n pero hindi ‘yon malakas dahil nasa library kami.
“Nagmamahinhin ka pa r’yan porke’t nandyan si Ishan,” sabi naman ni Ivy.
“B-Bakit naman ako mahihiya, eh, kilala naman ako n’yan! Alam niyang maingay ako…” depensa ni Aiden.
Narinig namin ang pagtawa ni Ishan. “Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla na lamang ‘yan nanahimik, eh.”
“Baka may dalaw?” Pagkibit-balikat ko.
“Oo! Mayroon nga. Kaya medyo wala rin ako sa mood, eh,” pagkumpirma ni Aiden at hinilot pa ang sentido niya.
Hindi na nagtagal ang pagkukuwentuhan namin dahil kumuha na rin ng librong babasahin ‘yong dalawang bagong dating. Sabi ni Aiden ay kailangan pa rin niyang magbasa-basa ay mag-aral. Minsan talaga ay nawawala sa isipan ko na estudyante pa rin siya at hindi gaya namin nina Cally at ivy na graduate na.
Hinatid kami ni Ishan sa mga bahay namin, ako ang unang bumaba sa amin. Niyaya ko pa silang pumasok pero tumanggi sila.
"Kakakain lang namin ni Ishan, Jay," ani Aiden.
"Next time na lang din ako, Jay. Alam mo naman 'tong isa kong kasama... may iniiwasan d'yan," sabi ni Cally at hinampas naman siya ni Ivy sa braso.
Kumaway ako at pinanuod ang pag-alis ng sinasakyan nila. Hinihilot ko ang sentido ko habang papasok sa bahay namin. Bakit sumakit ang ulo ko? Dahil ba ito sa rami ng nabasa kong libro na pambata?
Pagkapasok ko pa lamang ng pinto ay naamoy ko na agad ang niluluto ni Matthew. Bakit gano'n? Nag-fail ba siya rito sa niluluto niya ngayon? Bakit parang iba ang amoy no’n ngayon? Hindi naman ako duda sa kakayahan niya dahil may tiwala akong magaling talaga siya sa pagluluto, pero parang iba yata ngayon?
Nakita ko ang pagsilip ni Matthew mula sa kusina. "Ate Jaycee, gumagawa ako ng lasagna. Favourite mo 'to, 'di ba?"
"Si Mommy ang may favourite d'yan," sabi naman ni Kuya sa kaniya. Hindi ko alam na nandito na pala siya. Akala ko ay nag-date din sila ni Syrine.
"O-Oh, sige... mamaya, Matt. Magbibihis muna ako," sagot ko sa kaniya at nagpunta na sa kuwarto.
Hindi ko na nakaya ang pagpipigil ko kanina ng paghinga. Tumakbo ako sa C.R at napaduwal. Bakit gano'n? Mukhang maayos naman sa kanila ni Kuya Jaywen ang amoy ng niluluto ni Matthew. Hindi nila ito napuna at mukhang normal lamang sila.
Napabitaw ako sa lababo at napaupo sa harap nito. Hindi kaya... sintomas na naman 'to ng panibagong sakit? Unti-unting lumakas ang t***k ng puso ko... paano kung may sakit na naman ako?
Napatayo ako ro'n dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa kama at sinagot 'yon. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang makita sa screen ang pangalan ng asawa ko. Oh god, I miss him so much!
Pinilit kong pakalmahin ang sarili bago ko sinagot ang tawag niya.
"Hey, I just got home. Sorry if I didn't get to call you. I immediately fall into sleep," pagbungad niya.
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman na kailangan mong mag-adjust dahil iba ang oras d'yan."
I heard him laugh. "Yeah. It's far different from Australia." Kasunod noon ay ang matunog niyang paghinga. “I miss you… so much,” aniya gamit ang malambing niyang boses.
“I miss you more,” sagot ko naman.
“Eh, kung umuwi na kaya ako?” Alam kong nakangisi siya habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. “Should I go home, love?”
Napapangiti ako sa mga sinasabi at kapilyuhan niya pero alam naman naming hindi na pupuwede.
“Tigilan mo ako, Asher Migo. Hindi naman porke’t miss na miss mo na ako ay uuwi ka na kaagad dito,” saway ko sa kaniya.
I heard him laugh. “Why not? Makikiusap ako kay lolo.”
Sa gitna ng pag-uusap namin ay napahinto siya sa pagsasalita nang marinig ang pagduwal ko. Ilang beses kong minura ang sarili sa isipan. Siguradong mag-aalala siya lalo pa at hindi naman niya ako mapupuntahan agad.
"Are you sick? What have you been doing all day?" tanong niya. Pinilit niyang maging kalmado pero rinig ko pa rin ang pag-aalala.
"Nothing much... I was at the library with friends," pagsasabi ko ng totoo. "Not trying to scare you, but... what if this is another illness? You know... I don't want to make you worried, but I don't want to keep anything from you either."
Natahimik siya at mabibigat na paghinga lamang ang narinig ko mula sa kaniya.
"It's been a few weeks since we got married..." Kinabahan agad ako kahit hindi pa man niya natutuloy ang sasabihin. "Maybe you're pregnant?"
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig. "P-Paano naman ako mabubuntis..."
"What do you mean 'paano'? We had an i*********e, so it's possible."
Napakagat ako ng labi nang sabihin niya ‘yon. He didn’t even stutter!
Hindi ko naisip 'yon... I thought it was a safe i*********e. Hindi naman ako galit sa kaniya for not using protection, ang naisip ko lang ngayon ay ang posibilidad na... buntis ako!
"Baby, I'll call you back. Grandpa's calling me. Bye," paalam niya.
"A-Alright. Bye. Ingat ka r'yan, I love you."
"I love you too."
Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba ako sa dining kung nasaan sina Kuya Jaywen at Matthew. Pinilit kong labanan ang sarili na tiisin ang amoy ng pagkain. Maayos ang amoy no'n sa kanila, nasa akin ang mali. At ayaw ko rin namang ma-offend si Matthew.
"Malapit na 'tong maluto," sigaw ni Matthew mula sa kusina.
Wala sa sarili akong naupo sa harapan ni Kuya Jaywen.
"Ano'ng problema? Maputla ka," puna niya sa akin.
Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Can you get me some pregnancy test?"
-----
-larajeszz