Separated Love
by larajeszz
Chapter 83
Jaycee’s POV
Pinasunod ni Mr. Wilson si Asher do’n sa restaurant na kinainan namin. He asked him to take me home. Wala na naman kaming masiyadong pinag-usapan pa kaya umalis na rin kami after naming kumain. Ang weird sa feeling. Ine-expect kong tatanungin niya ako ng about sa buhay ko, mga family backgrounds or something… Pero wala. Parang kilalang-kilala na niya ako.
Mas naunang dumating ang driver ni Mr. Wilson kaya naman mas nauna siya sa pag-alis.
Hinarap pa niya ulit ako sa huling pagkakataon at nginitian. “I truly hope that you can convince him. It's for his own sake too. You understand me, right, Jaycee?”
Tumango ako at ngumiti, it was a fake one though. "Don't worry, sir. I'm positive that he'll understand where you're coming from. He won't make things too difficult for you."
Tumango lamang siya at pumasok na sa loob. At dahil naiwan akong mag-isa ro’n ay naupo muna ako habang naghihintay kay Asher.
“I’ll get over this, right?” pagkausap ko sa sarili. Bumuntong-hininga ako at pumikit, “I… hope I’d be over this.”
Hindi ko napigilan ang pagngiti nang matanawan sa ‘di kalayuan ang kotse niya. Tumayo ako sa bench na nasa labas ng restaurant at tumakbo na patungo sa kotse niya. Lalabas pa sana siya upang sunduin ako pero sinenyasan ko siyang manatili na lamang do’n.
Maging ang ngiti niya ay hindi na niya magawang pigilan nang makita ako. Tinanggal niya sa katawan ang seatbelt upang makalapit sa akin at halikan ako sa labi.
“I’m really sorry. I was just not available yesterday because-”
“You kept on apologizing,” I laughed and pinched his nose. “I understand, okay? Hindi mo kailangang humingi ng tawad.”
He sighed and let out a smile. “I'm well aware that whatever ever happens, you're always so understanding. But I still want to assure you that I am sorry.”
Kinabit na niyang muli sa sarili ang seatbelt at pinaandar na niyang muli ang sasakyan.
“Where do you want to go? I’ll make it up to you, I promise.” Hinawakan niya ang kaway ko na nakapatong sa hita ko habang nagd-drive siya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko at tumango naman siya. “Kahit saan na lang. Busog pa ako kaya kahit mamaya na lang siguro tayo kumain.”
Nagkamustahan lamang kami buong biyahe. Isang araw lang naman kaming hindi nagkasama pero grabe na kami agad kung magkamustahan. Isang araw pa nga lang na halos hindi kami nag-uusap, ang hirap na. Paano pa kaya kung… umalis na siya? Kakayanin ba namin? O… kakayanin ko ba?
“Asher,” pagtawag ko.
“Hmm?” Saglit siyang bumaling sa akin at muli nang ibinalik ang tingin sa dinaraanan.
Umiling ako, “N-Nothing... I’ll tell you later,” pahina nang pahina ang boses na sambit ko. Nagmamaneho siya. Baka ma-distract ko lamang siya kung sasabihin ko na sa kaniya ‘yon ngayon.
Naalala kong Sunday ngayon kaya sinabi ko sa kaniyang magsimba muna kami. Maaga pa naman kaya marami pa kaming magagawa mamaya. Mahaba pa ang araw.
Sa pinakalikod ng simbahan na lamang kami naupo para mas mabilis kaming makalabas mamaya. Puno na rin ngayon ang mga upuan kaya baka mahirapan lang din kami sa paghahanap ng mauupuan.
Lord, hindi ko pinagkakaila kay Asher na sumunod sa gusto ng lolo niya na makapag-aral sa malayo. Alam ko Pong tama ang sinabi ng lolo niya na dapat isipin kong para rin ‘to sa ikabubuti niya. Hindi ko Po hihilingin sa inyo na tulungan Niyong mabago ang isipan ni Mr. Wilson, ang hihilingin ko na lamang Po sa Inyo ay tulungan Niyo akong kayanin ‘to. Mahirap isipin na magkakalayo kami ulit pero may tiwala Po ako sa mga plano Niyo.
Pagkalabas namin ng simbahan ay magkahawak-kamay naming pinagmasdan ang mga tao sa labas. Nakapagsimba na rin kami rito noon kasama ang mga kaibigan namin. ‘Yon ‘yong araw na nalaman namin na may relasyon pala si Kuya Jaywen at Syrine.
Wala sa sarili akong napangiti nang maalala ‘yon.
“Ano na namang naalala mo?” natatawa ring tanong sa ‘kin ni Asher at tinapik ako sa braso.
“Nothing, it’s just,” pinagmasdan ko ang paligid, “…memories.”
He looked up again with a smile too. “Yeah, memories.”
Naglakad kaming dalawa patungo sa park na katapat lamang ng simbahan. Umalis siya saglit para bumili ng ice cream. Parehas kaming matagal nang hindi nakakakain noon kaya niya rin naisipan.
“Thanks,” nakangiting sambit ko nang bumalik siya at iabot sa akin ang binili.
“Ano ‘yong gusto mong sabihin sa akin kanina?” he asked while eating.
Napatitig ako sa kaniya at natigilan. I don’t know where to start. Hindi ko alam kung paano ko ‘yon masasabi sa kaniya na hindi ako pangungunahan ng emosyon ko.
“Nakausap mo ba ang lolo mo nang…kayo lang dalawa?” tanong ko.
Inosente niya akong tiningnan habang kumakain pa rin ng ice cream niya.
“Yeah, we did. I introduced you to him. Why do you ask?”
“’Yon lang? Wala ba siyang ibang nabanggit sa ‘yo?”
Pinaningkitan niya ako ng mata. “Bakit? Did my grandpa said something inappropriate to you?”
Ngumiti ako at umiling, “No, it’s not that.” Humarap ako sa mga taong naglalakad at pinagpatuloy ang pagkain. “Well, at least you told him that we’re married. That has lessened our worries, right?”
Hindi siya sumagot. Hindi ‘yon ang inaasahan kong reaksiyon niya. Akala ko ay matutuwa pa siya.
“Asher?”
Umigting ang panga niya nang mag-angat ng tingin sa akin, “I-I haven’t told him that…” aniya.
May namuong kaba sa dibdib ko. But, is that a bad thing? As long as he knows and he looks fine with it, I think we’d have no problem with that.
“Maybe your mom did?”
Umiling siya at nagbaba ng tingin. “I doubt that. If she had told him, she’d have asked for my consent first.”
Lumaylay ang balikat ko at napabuntong-hininga. Hinawakan niya ang kamay ko nang mapansin ‘yon.
“Hey, I’m not trying to hide you from him, okay? And I don’t think that it’s a bad idea that he knows it now. Because just like you’ve said, he’s fine with it. I just don’t know who told him that. Everyone who knows about us knows to keep it confidential with him.”
Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. “Naiintindihan ko. Don’t worry.”
Pinagpatuloy naming ang pagkain ng ice cream at walang nagsalita sa amin hanggang sa maubos ‘yon.
“Do you still have something to tell me? You look bothered,” pansin niya sa ikinikilos ko.
“The truth is, I haven’t told you yet the thing that I’ve been wanting to tell you since earlier.”
“So, what is it? I’m listening,” he said, and turned his whole body to face me.
I’ve sighed so many times already, so I’m pretty sure he has noticed that something’s going on with me.
“Your grandfather…”
Itinaas niya ang mga kilay niya at naghihintay sa isusunod ko.
“Go on,” he mouthed.
“He wants you to study in Paris.”
Natahimik kaming pareho. His mouth was slightly open when I said it.
“Okay?” He also didn’t know what to say. He scoffed, “I have no idea what’s going on inside his head and he wants to send us to Paris.”
Parang tinusok ang puso ko sa narinig.
“Ikaw lang ang aalis, Asher.”
That was short, but those five words just made a deep cut through my heart. And the pain in his eyes just worsened the pain that I was feeling.
Ayaw niyang magkahiwalay kami, ayaw ko rin naman no’n, pero kailangan niya umalis mag-isa. Sa tingin ko rin naman ay mas makakabuti sa kaniya kung sakali man na ro’n din siya makahanap ng trabaho.
“Bakit hindi ka puwedeng isama?” tanong ni Byron sa akin at pilit ko lang siyang nginitian.
Naririto kami ngayon sa bahay nila dahil death anniversary ng mommy niya. Wala sa bahay ang daddy niya kaya kami-kami lamang ang naroon. Hindi namin nakasama si Matthew dahil nagsimula na siya sa training niya.
“Grandpa said it might be hard for me to concentrate if I have someone to accompany me,” Asher answered. So, he already talked to him.
“Wouldn't it be harder if you don't have someone with you? I mean, you'll stay there for a year. Long-distance relationships are difficult,” Kuya Jaywen pointed out. “And some people that I know didn't last long in their relationships.”
Napakunot ang noo ni Aizan habang nakapangalumbaba sa lamesa. "That's odd. He knows that you two are married, so why now? Kuya only has one year left to study,” aniya “Maybe you didn't convince him well enough?”
Asher sighed. “You know him too well, Aizan. Once he said something, he meant it. It has to happen. No excuses.”
“Maybe there’s a way for it to not happen.”
Napatingin kami lahat kay Syrine. Sa akin siya nakatingin at pinaniningkitan ako ng mga mata.
“B-Bakit?” kinakabahang tanong ko.
“Are you pregnant, Jaycee?” diretsang tanong niya.
Napasinghap ako at ang mga kasama namin ay pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
“There's no way. I'm not experiencing any symptoms or signs of pregnancy... yet. Pero kapag meron naman ay sasabihin ko agad sa inyo.” Hindi ako tumatanggi sa sinabi niya, nagsasabi lamang ako ng totoo. Dahil bakit ko naman itatago sa kanila kung totoo nga na buntis ako?
“Okay, naniniwala naman kami. Nagbabaka sakali lang, ‘tsaka bakit hindi pa?” ani Syrine.
Nagkatinginan kami ni Asher. “Hindi pa siya graduate… mahihirapan lang kami kapag inuna namin ‘yon,” sagot ko.
“Pero hindi naman against ang parents niyo na magka-baby na kayo, ‘di ba? Baka naman puwede na pero kayo lang ang may ayaw,” sabi ni Cally.
Napakamot si Asher ng sentido niya, “It'd be great if we were about to have it, but it's not yet time. And I'm telling y'all this won't stop my grandfather from sending me to Paris.”
Napabuntong-hininga kaming lahat. Kung hindi pa sapat ang dahilan na ‘yon para pigilan ang lolo niya, paano pa kung ibang dahilan? He’s a reasonable man, so he always finds a way to get out of things. For him, there’s always a solution and a way out.
Binisita namin ang puntod ng mommy ni Byron. Hindi masiyadong mainit do’n dahil nasa loob ito ng isang museleo at presko rin ang hangin kaya napatambay kami ro’n saglit.
“Was she sick?” tanong ni Aizan kay Byron habang pinagmamasdan ang lapida ng mommy niya.
Bumuntong-hininga si Byron at tumango. “Breast cancer, stage four.”
“Dito rin nakalibing ang daddy namin,” sambit ulit ni Aizan. “Your mom and my dad are probably friends up there too.”
Niyaya ako ni Asher na bisitahin din ang puntod ng daddy niya habang kasama ni Byron ang iba naming kaibigan.
He kneeled on the grass and lit up our candles. “I'll bring flowers next time, Dad. I promise,” he said with a sincere smile. Tumayo siya at inakbayan ako. “I'm pretty sure you know this girl beside me. She's my wife now, Dad. Funny, isn't it? I still remember how supportive you were when we were playing as the bride and the groom.”
“Sorry, I can’t remember that,” nalulungkot na sabi ko habang nakatingin sa puntod. How I wish I also have a good memory as his. “Pero hindi ko kayo malilimutan, Dad.”
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano ako nilingon ni Asher nang tawagin kong “Dad” and daddy niya.
Naupo kami ro’n at tumingala sa langit. Walang masiyadong mga tao ngayon dahil weekdays kaya halos pailan-ilan lamang din ang nakikita naming bumibisita.
“You should go.” I know I broke the silence in a way that he didn't want to hear. He already knows what I’m talking about. "It would be hard, but think about how it would benefit you."
Halos ang pabguntong-hininga lamang naming dalawa ang nagsasagutan. Parehas naming ayaw pag-usapan ang bagay na ito pero kailangan. It’s not like we’ll get through this if we just run away from it. That’s not how life works.
Nakangiti niyang sinandala ng ulo sa balikat ko. Ipinikit niya ang mga mata habang ipinupulupot ang mga braso sa baywang ko.
“Would you be fine if I’m away?” He also broke the silence with something I do not want to hear.
“I know I’d be fine. A year wouldn’t be too long.” Mabuti na lamang at nakapikit siya ngayon. Hindi niya makikita ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “You’re lucky,” muli siyang sumeryoso. “Dahil ako? Hindi ko kaya.”
Mas lalong nagsunod-sunod ang mga luha ko. Oh god, hearing these words from him would make it difficult for me to let him go.
I want him to stay. I really do. But I also don’t want to take away from him a great opportunity for him to have a better life. I don’t want my love to be selfish. And I do not want him to make reckless decisions just for my sake. Our relationship isn’t just about me. I should do something for him too.
“So… are you going?” I asked.
My heart was shrunk into pieces when I heard him crying too. Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko.
“I’m… going.”
I somehow felt proud of myself. I've finally learned to sacrifice for something good.
-----
-larajeszz