Separated Love by larajeszz Chapter 101 Jaycee’s POV “Anak, may lagnat si Jacintha. Dadalhin na namin siya ngayon sa hospital.” Simula nang ibalita sa akin ‘yon ni Mommy kanina ay hindi na ako mapakali. Napapatulala na lamang ako dahil wala ako ngayon sa Pilipinas. Gusto kong tumakbo na ngayon pauwi para makita ang anak ko, pero alam kong napakaimposible noon dahil napakalayo ko ngayon sa kaniya. “Jay, time to go.” Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ng katrabaho na si Kylie. Tumango ako sa kaniya at agad na sumunod sa kaniya papalabas ng unit. “Ayos ka lang ba? Mukhang namumutla ka,” puna niya sa akin. Pilit akong ngumiti sa kaniya. “Tumawag kasi ang Mommy ko at sinabing nasa hospital daw ngayon ang baby ko.” Napatakip siya ng bibig niya at bumakas din sa kaniya ang pag-aala

