Separated Love by larajeszz Chapter 102 Jaycee’s POV Hindi ko alam kung anong klaseng sakit pa ba ang gusto kong maramdaman at pumayag ako na si Ashley ang kuhaning architect sa bahay ko. Nasabi na rin no’ng kapitbahay naming Engineer sa pamangkin niya na kinukuha ko ito bilang architect at agad din naman daw itong pumayag. Ipinakita sa akin ng tito niya ang ilan sa mga gawa niya at hindi ko mapagkakailang magaling siya. Mas magaling si Asher, pero nahihiya akong siya ang kuhanin… Naisipan ko rin na tutal naman ay papunta rin kami ni Cally sa Paris this month ay baka makausap ko siya para ma-discuss sa kaniya ang design at details na gusto ko para sa bahay ko. “Ito, Jaycee.” Itinapat ni Cally sa akin ‘yong winter jacket na hawak niya. March na ngayon at ilang araw na lamang ay lili

