Separated Love by larajeszz Chapter 103 Jaycee’s POV Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng message mula kay Ashley. Ako ang unang nag-message sa kaniya sa social media dahil sinabi ko sa kaniya na papunta ako ng Paris. Ang message niya ngayon sa akin ay nagsend siya ng address ng isang café kung saan daw kami magkikita. “Gusto mo bang samahan kita?” bakas ang pag-aalala sa boses ni Cally. Tumawa ako sa kaniya habang abala sa pag-b-blower ng buhok ko. “Cally, she seems harmless.” Umikot ang mga mata niya, mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko. “That’s not what I meant! Makakaya mo bang maharap ‘yon? Bakit ba kasi ‘yan pa ang kinuha mong architect? At paano kung kasama niya si Dela Cruz?!” mahabang litanya niya. Pinatay ko ang blower at humarap sa kaniya. “Ano naman kung kasama niya s

