Separated Love by larajeszz Chapter 104 Jaycee’s POV “Ano?! Sinabi niya ‘yon sa ‘yo?!” sigaw ni Cally matapos kong ikuwento sa kaniya ‘yong mga sinabi sa akin ni Asher kanina. “Oo. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Ni hindi ko nga siya pinapansin, eh!” naguguluhang saad ko. Napairap na lamang siya sa kawalan habang hinihilot ang ulo niya. “Asher Migo ‘mixed signals’ Dela Cruz pala ‘yan, eh! Dela Cruz moments.” “Dela Cruz din ang jowa mo,” pagpapaalala ko sa kaniya. Saglit siyang natigilan at nagkibit-balikat na lamang. Saglit akong natawa sa inaasta niya at dinugtungan ang kuwento ko. “Nakita niya rin sa cellphone ko ang picture Jacintha,” may pag-aalinlangang pag-amin ko. Nalaglag ang panga niya at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa akin. “Ano’ng sabi niya?” Malungkot akong

