Separated Love by larajeszz Chapter 98 Jaycee’s POV “Merry Christmas, our princess!” Kinuha muna ni Mommy sa akin si Jacintha dahil sinabi kong gagawa muna ako ng graham cake para mamayang gabi. Busy na si Matthew masiyado kaya gusto kong makatulong kahit papaano. “Mamimili na kami ng panregalo, magpapasabay ba kayo?” Nilapitan kami ni Syrine habang abala siya sa paglilista. Mukhang madami ang nagpapabili sa kaniya ng mga panregalo para sa exchange gift namin mamaya. “Ikaw, Matt?” “Hindi na. Naka-order na ako online,” sabi ni Matthew. Hindi na siya nag-abalang tumigil sa paghahalo ng niluluto niya nang sinagot niya si Syrine. Nagkatinginan kami ni Syrine. “Sigurado ka bang dadating din ngayong araw ‘yong in-order mo?” tanong ko. Napatigil siya sa paghahalo at humarap sa amin. “Ah

