Separated Love by larajeszz Chapter 99 Jaycee’s POV The words that he used felt like he was referring to me. I was his wife... so, that post was for me, right? Paskong-pasko pero wala akong ganang lumabas ng kuwarto namin ng anak ko. Pero kailangan dahil kailangan ko siyang paliguan mamaya at dapat siyang pasikatan sa araw kahit saglit lamang. Gusto ko lamang magmukmok sa kama ko buong araw. Kung ako pa ‘yong dating Jaycee na walang responsibilidad ngayon ay baka gano’n na nga ang mangyari. Nararamdaman kong pugto ang mga mata ko. Kapag tinanong nila ako, sasabihin ko na lamang na may pinanuod akong nakakaiyak na movie kaya nagkaganoon ang mga mata ko. Maiintindihan naman nila ‘yon dahil alam nila na mabilis akong maiyak. Inabot ko ang cellphone ko sa tabi ko upang tingnan ‘yong po

