Separated Love by larajeszz Chapter 108 Jaycee’s POV Hinatid lang namin si Cally sa hotel dahil sasama ako kay Asher sa condo kung saan siya nag-s-stay. Marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman. Parang hindi ko na kilala ang taong mahal ko kahit pa halos isang taon lang naman kaming hindi nagkasama. “Text ka, Jay, ‘pag nando’n na kayo,” paalala ni Cally pagkababa niya ng sasakyan at may ngisi pa sa mga labi. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata pero tumawa lamang siya at naglakad na papalayo. Matagal na katahimikan ang naghari sa loob ng sasakyan. Halos ang mabibigat na paghinga na lamang ni Asher ang naririnig ko. “Tapos ka na ba sa plates mo?” tanong ko sa kaniya. He sighed before answering. "Almost done with the last one." He seemed to be in a bad mood since we

