Chapter 12

1596 Words
Nikolo made sure that Adina was comfortable in her seat before he proceeded. Inayos niya ang seatbelt ng dalaga. “Are you comfortable now?” Malapad na ngumiti si Adina at tumango, “yes, thank you.” “How about the coldness of the ac? Was it alright with you or should I add some more?” “Yup! Fine with me.” “Okay, then...” Doon lang pinaandar ni Nikolo ang sasakyan. Hindi halata sa mukha ni Nikolo pero kinakabahan siya. His heart was racing like crazy shít! Unang pagkakataon niyang naisakay sa dalaga sa kaniyang sasakyan. This is the closest he'd come with her! Nagbalak na siyang ibahin at rota at dalhin si Adina sa malayo at liblib na lugar na sila lang dalawa— malayo sa tao at ingay— pero baka mas lalong matakot si Adina sa kaniya. For now, he'll build himself to be a safe space for Adina, so that, one day... she wouldn't be afraid of him anymore. “Pwede bang magpatugtog sa stereo mo?” Adina was curiously staring at the digital screen of the car. “Of course! Do what you want, Amo— Adina.” “Thanks!" giliw na sigaw ni Dina. Nikolo doesn't like noises, but for his little baby... he'll endure whatever noise it is. And his decision was right because he got to hear Adina's voice, singing melodically. Maganda ang boses ni Adina. Parang dinuduyan siya sa hangin sa sobrang gaan at lumanay nito. “Kanta ka!” Si Adina sa kalagitnaan ng kanta. “Sumabay ka sa kanta!” Nikolo nervously laughed, “I'm not familiar with the song. Never heard of it.” Napalabi si Dina pero agad din na ngumiti, “It's one of my favorites!” Sinulyapan niya saglit ang kantang naka-play sa stereo para tingnan ang title. When he sees it, he makes sure he won't forget it. Aaralin niya. Para sa susunod, kaya niya nang sumabay sa kantahan. "Maingay ba ako masyado, Nikolo?" Dina suddenly asks after three songs. "No. Continue singing please," he said and stared. "I love hearing your voice." Nakita ni Nikolo ang biglang pagpula ng pisngi ni Dina. He innerly smiled. Fúcking cute... "Do you want snacks? I have chips backseat." Umiling si Dina, “I just my breakfast. Hindi pa ako gutom." Pero hindi nakinig doon si Nikolo. Kinuha niya mula sa backseat ang isang lalagyan ng chips at inabot iyon kay Dina. The traffic light was red, and they're waiting it to be green. Napalabi si Dina dahil paboritong chips niya ang naroon sa maliit na boxes. Busog siya pero parang inaakit siya ng mga tsitsiriya. "I said I'm not hungry..." Dina's lips was pouting, and when Nikolo sees it he almost lean forward to kiss it. Buti na lang naging green ang traffic light dahil kung hindi, baka nilukumos niya na ng halik ang labi ng dalaga. Habang nagda-drive siya, sinusubuan siya ni Dina. And as a smitten man, he receives them all. Sa imagination ni Nikolo, sila na ni Adina. Ganito pala pakiramdam na maalagaan ni Amoretto. Ang sarap! Moment later, they arrived at the mall. Sabay ulit sila na pumasok at napapatingin sa kanilang dalawa ang mga tao tuwing dumadaan sila. "Why are they staring at us?" mahinang bulong ni Dina sa kaniya habang naglalakad sila patungo sa isang clothing store. “Huh? Come again?" Narinig naman talaga iyon ni Nikolo. Gusto lang niya na mas lumapit pa sa kaniya ang dalaga. Dumikit si Dina sa kaniya at bumulong ulit. Now, Nikolo leaned forward to hear her clearly. “Nakatingin ang mga tao sa atin." Bulong nito ulit. "Dahil siguro sa'yo. Tawag pansin mukha mo, ih." Bumulong pabalik si Nikolo, “Na-uh. People are staring at us, It's because you're pretty." Dina playfully rolled her eyes, "sobrang bolero mo talaga, no? Kung ibang babae pa ako, baka nadala na ako sa pambobola mo." "Bakit hindi pa ba?” He said, teasingly. "Play hard, Nikolo. Mike is the only man for me." Dahil nauuna ang dalaga, hindi nito nakita kung papaano dumilim ang mukha ni Nikolo nang mabanggit ang pangalan ni Mike. Kinuyom ni Nikolo ang kamay para pakalmahin ang sarili. He took a deep breath. "Fúck..." Pumasok sila sa unang store. Agad na naghanap si Dina ng mga damit na gusto habang si Nikolo ay dumaretso naman sa counter at palihim na binigay ang black cars niya sa cashier. “Use this card to pay for all the clothes that—" palihim na tinuro ni Nikolo si Adina na walang kamalay-malay sa mga nangyayari, "—that pretty lady is buying, okay?" Tinanggap ng cashier ang itim na card, “noted sir." “At kapag binigay niya card niya, accept it. But use my card to pay." “Your girlfriend is so lucky to have you, sir." Komento ng cashier dahilan para lumapad ang ngiti ni Nikolo. "You think she's my girlfriend?" puno ng saya ang boses ni Nikolo. Nawala bigla ang inis niya kanina ng marinig ang pangalan ng asungot. "Ay, hindi po ba kayo sir?" biglang nagtakip ng bibig ang cashier. Nikolo smirk. "Papunta pa lang." Sabi niya na parang siguradong sigurado talaga. Maraming stores ang kanilang napasukan. And Dina bought ait of clothes. Katulad ng ginawa niya sa unang store, palahim na niyang kinakausap ang mga cashier na card ang gamitin niyang pambayad. At hindi alam iyon ni Dina, what she knows is she's paying her own clothes where in fact, she didn't pays anything. Naging sunod-sunuran si Nikolo para sa dalaga. Kahit saan nito gustong pumunta ay hindi niya pinipigilan. Somehow, the frustrations he got from the call earlier totally subsided. Nawala sa isip niya ang masasakit na salita ng ama. Everything about him, being the next boss— he totally forgotten it. Napatigil sa paglalakad si Nikolo dahil tumigil din si Adina na nasa unahan niya. Lumingon ito sa kaniya. “Hindi ka ba nabibigatan sa dala mo?” Sinubukan ni Adina na tulungan si Nikolo sa mga dala pero agad din iyon iniwas. “Akin na ang iba para hindi ka mabigatan.” Adina bought many dresses, office clothes and some casual clothes. Medyo marami-rami na nabibili niya at si Nikolo lahat ang nagbitbit. “Have faith in your man...” Nikolo flexed his muscles, “kita mong nga muscles na 'to? See, they're big, right?” “Pero sabihan mo lang ako kung gusto mong magpatulong, ha?” Nikolo smiled, “I don't think I will.” Nagpatuloy ulit sila sa katabing store. Bawat store ba dinadaanan nila ay may binibili si Dina. Matagal na ulit simula ng huling mag-shopping si Adina kaya marami ang pinamili niya. Matapos nilang mag-shopping ay biglang nakaramdam ng gutom si Dina. Hindi na nila namalayan ang oras. Ilang oras na rin sila sa paglilibot sa mga stores. "Hindi ka pa ba gutom?" Naalerto naman bigla si Nikolo at napatingin sa dalaga. "Gutom ka na? Why didn't you tell me?! Come! Let's look for good restaurants!" Sa gitna ng taranta ni Nikolo ay nakuha pang tumawa ni Adina. Nikolo frowned, "why are you laughing?" Dina shake her head but still giggling, "nothing. You just sounded like my dad earlier." Inabot ni Dina ang braso ni Nikolo at hinila papasok sa isang kulay green na kainan. Nikolo wasn't familiar with it but he could smell the good food the moment they enter. Nang mailapag ni Nikolo ang mga paper bags ay nagtaas siya ng kamay para kunin ang menu pero isang malakas na tawa ang narinig niya mula kay Dina. "Nasa Mang Inasal tayo, Nikolo. Not some fancy restaurants." Tumayo si Adina na tumatawa pa rin. Naiwan siya na mag-isa sa table nila at nang tingnan niya ang paligid, nakatingin ang mga tao sa kan'ya. They're looking at him while laughing. Dahan-dahan na binaba ni Nikolo ang nakataas na kamay. Hindi niya alam pero nag-init ang pisngi niya at nakaramdam siya ng kaunting hiya. He never felt embarassed before. And from his peripheral vision, he saw two men entered. He gazed at the men. “Why are you still tailing me?" he mouthed. Kanina niya pa pansin na nakabuntot sina Cesare at Rocco sa kaniya. Sinabihan niya ang dalawa na huwag sumunod pero hindi pa rin narinig. Hindi lang siya nagpalahata kanina dahil ayaw niyang mahalata ni Dina iyon. “We can't let you go alone by yourself." Cesare mouthed back. Nikolo just sigh. Wala siyang kawala sa dalawang kabute na 'to. Mabuti pa talaga si Orazio, hindi palaging nakabuntot. Dumating si Dina na may dalang tray ng pagkain. Tatayo sana siya para tulungan ito pero agad itong tumanggi. “Just sit there... let me serve you this time." Parang masarap ang pagkain. Some smoke chicken and weird color yellow rice. "Masarap 'yan, promise." Adina took her first bite using her hand. "Hmm, always tastes good." "Don't they have spoon or fork?" Hindi niya alam paano kumain ng nakakamay. "Masarap kumain kapag kinakamay." Napalunok si Nikolo dahil may iba siyang naisip sa sinabi ni Dina pero agad niyang pinilig para tanggalin ang pagiging green minded niya. Tinuruan siya ni Dina paano kumain gamit ang kamay. At minsan, napapasulyap siya kina Cesare at Rocco at nakikita niya kung paano umiirap si Rocco. “Ngayon lang kita natitigan ng malapitan," Dina suddenly said while staring at his face. "Ang ganda pala ng mata mo... kulay green." "Are they?" "Hmm. Sana gan'yan din kulay ng mata ng magiging anak ko sa future." Sinabayan ni Nikolo ang titig ni Adina. “Kung ako ang magiging ama... baka posible pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD