Gabi na nang maka-uwi sina Adina at Nikolo sa bahay ng dalaga. Adina tried inviting Nikolo inside her house for some coffee but he declined.
“No, Adina. You should rest your feet already." Saad ni Nikolo at napasulyap sa paa niya. "Kahit hindi mo sabihin, alam kong kumikirot na 'yang paa mo."
Napadako rin ang mata niya sa kaniyang paa. Nakasuot naman siya ng komportable na sapatos kaya lang ay maghapon sila panay lakad nang lakad kaya medyo nakakaramdam siya ng sakit at ngalay.
"Thank you so much for today, Nikolo... I really enjoyed that you tagged along." Adina smiles, "Kapag hindi ka busy, shopping tayo ulit? Next time, isasama ko rin si Claire para marami tayo. The more the merrier."
"I will make time for that."
Nagpaalam na si Nikolo. Si Adina naman ay tinanaw ang umalis na sasakyan ni Nikolo, saka lang siya pumasok ng hindi na tanaw ng mata niya ang sasakyan. Ngunit ang hindi alam ni Adina ay hindi talaga tuluyang umalis si Nikolo. He just parked his car few blocks from her house. Nilakad ni Nikolo ang distansya sa kaniyang pinag-parked-kan ng kotse at bahay ni Adina. At agad na inakyat ang malaking puno at pumwesto sa sanga na kita ang bintana ni Adina at kita ang dalaga sa loob.
Kagagaling lang ni Adina ng banyo. She took a hot shower before lying on her bed. Her feet hurts but she still smiling. Wala... ang saya niya lang. She never thought Nikolo is a good shopping buddy.
Na-feel bad tuloy siya. First impression niya pa naman kay Nikolo ay babaero at gago pero hindi naman pala. Sobrang judgemental niya naman pala. After their shopping today, Adina, changes her impression about Nikolo.
Hindi na gago pero pakiramdam niya babaero pa rin. Nikolo would flirt with her from time to time. Buti na lang at may boyfriend siya at mahal niya si Mike. She's so loyal to Mike. Kahit pa banat nang banat si Nikolo sa kaniya kanina.
Natawa si Adina ng maalala ang mga pick up lines at jokes ni Nikolo. Some were cringe and corny but still funny. Hindi siya natatawa sa pick up lines at jokes, natatawa siya dahil si Nikolo ang nagsasabi.
"Oh, titingnan ko kung magkano nagastos ko ngayon araw lang." Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa night stand para tingnan ang nagastos niya sa araw lang ngayon.
Ngunit nang buksan niya ang kaniyang back account, walang record siyang nakita. Kumunot ang kaniyang noo.
"How come there's no notifications of my expenses?" Tanong niya sa sarili at muling chineck ang notifications pero wala pa rin.
"May glitch ba sa system?"
She checked it many times. Pero kahit anong gawin niya, wala siyang nakitang notifications. Paano nangyari 'yon? Usually naman, nagno-notif sa kaniya lahat ng transaction na ginagawa niya. Lahat ng gastos siya pero ngayon, wala. Kahit isang transaction ay walang receipt.
Maya maya ay napahikab siya. Huminga siya at ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang nakatulog. Sobrang himbing ng naging tulog niya, dahil na rin sa pagod mula sa paglilibot. Habang sa kabilang banda ay tahimik na nakamasid si Nikolo at pinapanood ang maamong mukha ni Adina habang natutulog. Ilang oras muna siyang nanatili bago tuluyang umalis.
Kinabukasan nagising na lang si Adina na parang may humahalik sa kaniya. Mabilis siyang napabalikwas at ganon na lang ang naging ginhawa niya nang makita si Mike ang humahalik sa kaniya.
"Did I scared you, babe?"
Bumalik sa paghiga si Dina at tumabi naman si Mike. They cuddles and snog.
"Napaaga ang uwi mo? Kumusta ang convention sa Cebu?"
Mike hugged her closer, "pretty boring... umuwi na lang ako agad kasi na miss kita. Mas gusto kitang makasama."
"But that's for your business though," Sabi niya. "Ikaw ang magmamana ng company niyo. You should know the basics on how to handled it, babe. Makakatulong sa'yo ang convention."
Humingang malalim lang si Mike at yumakap sa kaniya.
Alam ni Dina na hindi gustong manahin ni Mike ang negosyo nila. Mike wanted to be a soldier but he's father don't want him to be. Katulad niya, nag-iisang anak lang din ako Mike. And his mother díed the moment he was born. He felt guilty because of it. Kaya rin ginagawa lahat ni Mike ang gusto ni Tito Roger dahil ayaw ni Mike ma-dissapoint lalo ang ama.
"If I have my own choice... ayaw ko naman talaga. You know what I want, babe." Ani Mike.
"Soldier..."
"Pero ayaw ni Papa. He wanted me to take over his business." Ramdam niya ang lungkot sa boses ni Mike. "Gusto kong umayaw. For once... I wanted to have my own choice. Pero laging kinukuha ni Papa lahat. Siya nasusunod sa lahat. Kahit naman na ayaw ko, gusto niya pa rin."
Niyakap niya ng mahigpit ang nobyo. Mike has his own battles, too. At pinangako niya na hindi niya it iiwan. She comforted Mike.
"One day... you'll get to decided for what you what. Darating din ang araw na ikaw naman ang masusunod. Desisyon mo naman ang masusunod. You can chose, babe." Hinalikan niya ito. "Just hold on, alright? Darating din ang araw mo."
Mike went silent. Siya rin ay piniling manahimik. The silence was their loudest comfort. Ang sarap lang ng ganito na may kayakap at karamay ka sa lahat ng bagay. May taong nandiyan para damayan ka.
"I felt better, babe." he spoke after their long pause. "I love you, babe. I don't even know what to do without you."
"I love you more! Ang suwerte suwerte ko nga dahil may gwapo at mabango akong boyfriend!"
Sinimulan kilitiin ni Dina si Mike. Tumawa si Mike. Dina smiled too. Masaya siya na nakikitang masaya rin si Mike. Gumanti rin si Mike sa pagkiliti sa kaniya. And that's how their morning went.
Saka lang bumangon ang dalawa ng matapos ang kulitan nila. Sabay silang naligo at sabay na bumaba ng hagdanan.
"Nga pala... I brought you some dried mangoes, babe. We had it as a snack at a convention yesterday and it was delicious. Naalala kaya bumili rin ako para natikman mo." Sabi ni Mike habang naglalakad sila papuntang kusina. "Bumili rin ako ng lechon. They said the best lechon is Cebu made, so..."
Napangiti siya. Kahit na malayo sila sa isa't-isa, hindi pa rin siya kinalimutan ni Mike.
"Thank you, that's so sweet of you, babe."
Pilyong ngumiti si Mike at tinaas baba pa nito ang kilay, "may reward ba ang pagiging good boy ko?"
Humalakhak siya, "you already have your reward during shower, babe."
Mike snuggle her closely, "isa lang 'yon. Dalawa dapat kasi dalawa ang pasalubong ko."
Nagsimula ulit ang dalawa magkulitan. Napuno ng masayang tawanan ang bahay ni Dina dahil sa nobyo. Sabay nilang hinanda ang agahan.
They are talking as they eat.
"Nga pala, babe. May sagot na ba si Tito Adriano sa proposal ni Dad na i-merge ang kompanya niyo at namin?"
Dina swallowed her food before answering.
"Dad's still thinking about it..." she replied, "pero ifa-follow up ko mamaya. That's actually a great idea. Both companies are good in the market. Maganda ang feedback ng mga consumers."
"That's what I'm saying." Sang-ayon ni Mike, "kaya naman makipagsabayan ng negosyo namin sa inyo. Though, your company is very high in the market, hindi naman nalalayo ang amin."
"But..." Dina frowned, "why do you want to merged it with ours? Bakit gusto niyong i-under sa kompanya ni dad ang negosyo niyo?"
Mike shrugged, "to make us family. Magiging mag-asawa naman tayo sa future. Magiging isa rin tayo... by the way, babe. How's shopping yesterday? Napansin ko pagpasok ko kanina na andaming paper bags sa living room. Inaya ka na naman ni Claire?"
Napasulyap si Dina sa living room kung saan niya nilagay ang mga binili kahapon. Hindi niya pa iyon naaayos.
"I didn't go out with Claire yesterday."
"You shopping solo?"
" Hindi. I went with Mr. Moretti, yesterday." Dina casually said making Mike choke. "Hey, okay ka lang?"
"I'm fine..." tapos ay kumunot ang noo ni Mike. "Bakit ang lalaking 'yon ang kasama mo? Hindi ka ba sinabahan ni Claire?"
"She was busy... and Mr. Nikolo happens to be available." Paliwanag ni Dina. "At siya ang nagpresenta na sumama, and babe... if you're thinking that Mr. Nikolo likes me that's why he went with me? No, stop that. At isa, walang malisya ang shopping namin kahapon. Kakaibiganin ko si Mr. Nikolo kasi investor siya namin. That's nothing but pure business."
Humingang malalim si Mike, "hindi naman ako nagdududa sa'yo, babe. Wala lang akong tiwala sa lalaking 'yon."
"That's my first impression too. Akala ko gago siya pero hindi naman. He's actually really nice."
"Still... don't go friends with him."
Ang hindi alam ng dalawa... ang kanilang pinag-uusapan na si Nikolo ay nakikinig at nanonood sa kanina sa harap ng screen monitor.
Nakakuyom ang kamay ni Nikolo at halata sa mukha ang inis dahil nakita niya na naman ang asungot sa love story nila ni Adina.
"How dare you talk bad behind my back..." inis na sabi ni Nikolo at kinuha ang envelop at inilabas ang litrato na linakatatago ni Mike. "So this is the reason why you keep coming back to Cebu... ano na lang kaya gagawin mo kung malaman ni Dina na may lihim ka?"