Chapter 15

2884 Words
Mula sa labas ng kuwarto ng kanyang Ate Justine, ay malinaw na naririnig ni Simone, ang pag-iyak at hinagpis ng nakatatandang kapatid. Sobrang sakit nito para sa ate niya, at hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin para mabawasan man lamang ang sakit na nararamdaman nito. Ngunit, isa lang ang alam niya sa ngayon, ‘yon ay kailangan nito ng makakasama sa oras na ito. Kaya naman kahit na alam niya na maaaring magalit ang kapatid sa kaniyang gagawin, ay ginawa niya pa rin. Tahimik siyang pumasok sa kuwarto nito at naupo sa tabi nito bago ito niyakap ng mahigpit upang sa ganoong paraan ay maipadama niyang hindi ito nag-iisa. “Ate Justine, okay lang ‘yan. Iiyak mo lang ang lahat ng ‘yan. Alam ko na malakas ka, at alam ko rin na malalampasan mo ang lahat ng ito. Nandito lang ako, kami nila Mama, Papa, Kuya Keith, at saka si Ate Arlene. Nandito kami sumusuporta at nagmamahal sa ‘yo. Tandaan mo po ‘yan.” Mahinang sabi ni Simone, habang hinahagod ang likod ng kapatid, tulad ng ginagawa ng kanilang ina sa tuwing umiiyak sila dahil nadapa at nasugatan sila noong mga bata pa lamang sila. “Simone, ang sakit-sakit kasi, eh. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, ang sakit sobra! Parang hindi na ako makahinga, ang bigat-bigat sa dibdib.” Pilit na sambit ni Justine, habang umiiyak. “Ano ka ba naman Ate Justine, ikaw pa ba? Alam kong kaya mo ‘yan, ikaw kaya si Justine Aisha Green, ang isa sa pinaka matalinong estudyante sa school natin. At higit sa lahat isa ka sa pinaka maganda, mabait at mapagkumbabang babae na kilala sa buong campus.” “Ikaw ang ate ko na kakambal ng kuya kong pogi na si Keith Andrew Green. Kaya sige lang iiyak mo lang ‘yan lahat ngayon. Hindi sila worth it para sa ‘yo. Basta nandito lang ako sa tabi mo, okay?” She said to cheer her older sister up, and to lighten her mood. Hinayaan niya lang si Justine, na umiyak nang umiyak sa loob ng halos dalawang oras. Kaya naman ganoon na lamang pamumugto ng mata nito at halos sipunin na rin ito dahil sa kakaiyak. “Okay ka na po ba?” Simone asked after she finished wiping her older sister’s tears. Bumaling naman si Justine, sa nakababatang kapatid. “I would be lying if I said I’m okay, right?” tanong niya habang pinupunasan ang pisngi na basang-basa ng luha.  “Oo nga naman, ito po uminom ka na muna ng tubig. Halos maubos na yata ang tubig mo sa katawan kakaiyak.” Simone said as she handed her a glass of water while her other hand was busy caressing Justine’s back. Justine remained silent for a minute while staring outside the window. And Simone knows she’s going through a lot right now. That’s why Simone decided to keep quiet and wait for what she will say. “Simone.” Justine  called her sister’s name. Ang kanyang mga mata ay nakapako pa rin sa tanawin sa labas ng kanyang kuwarto. “Ano po ‘yon?” “Naisip ko lang na hindi ko na sila dapat iyakan. I shouldn’t think of them right now, instead, I should focus on my therapy. What do you think?” Walang buhay nitong sabi habang ang mga mata ay nakatingin sa kawalan. “Kung ‘yan po ang gusto mo. Eh, ‘di okay. Susuportahan po kita.” “Thank you, Simone.”  And just like that  Justine, finally smiled. But, Simone knew that her sister’s was half-fake and half-true. She knew that Justine was forcing herself to smile. In that way she won’t be worried about her older sister, as if she wouldn’t. “Ate Justine, ano po kaya kung simulan na natin ang therapy mo para sa araw na ‘to? I’m sure nandoon na po ang physical therapist mo.” Suhestyon ni Simone, upang pansamantalang maalis sa isipan ng kaniyang kapatid ang sakit na nararamdaman nito. Ang sakit na dinulot ng mga katotohanang kanilang pilit na itinago. “Sige.” Walang pag-aalinlangang tugon ni Justine. “Okay, halika ka na po. Tulungan na kita,” Simone said while gesturing to her that she will help her get on her wheelchair. “Huwag na Simone, kaya ko na ito.” Maagap na pagtanggi ni Justine kay Simone. “Okay po.” Nag-aalangan namang tugon ni Simone, habang  dahan-dahang bumaba ng kama si Justine, para makasakay sa wheel chair. Alam ni Simone, at nakikita niya na nahihirapan na ang kapatid pero hinayaan na lamang niya ito, dahil kapag tinulungan niya ito ay bababa lamang lalo ang tingin nito sa sarili at iisiping kinaaawan nila ito. They headed to the rehabilitation room and in just a minute Justine’s therapy started.  Maraming equipment ang loob ng silid na ‘yon at maihahalintulad sa isang mini gym sa unang tingin. And if you would look at it in a different aspect, and side it seems that Justine just had her work out with her trainer, but the truth is, she has her therapy. Justine was doing her best, even though she kept falling every time she tried to stand up and walk, but Justine still kept trying even though she looked so tired and had a hard time.  At habang pinapanood ni Simone, ang kaniyang nakatatandang kapatid na nahihirapan ay hindi niya mapigilan ang mapaluha. She doesn’t know why and where those tears came from, but, there is one thing for sure, she respects, idolizes, and loves her sister more than she did before. Thus, she doesn’t want to see her sister crying in pain once again. This pain was already more than enough. Her sister didn’t deserve to be pained and hurt like this.  Dra. Maggie told them the other day that Justine might look like she was already fully recovered, but the truth is that she’s not. Kaya dapat na ipagpatuloy nito ang physical therapy, since Justine’s making good progress. At sa susunod na mga araw naman ay magsisimula na ang consultation nito sa isang psychiatrist. To see if she is mentally stable, or, if she recovered mentally. And Simone, believes that her sister will be fine since they are sisters after all. …  “Okay ka lang ba Jean? Namumutla ka,” Sean asked worriedly. “Oo, okay lang ako.” Walang buhay na sagot naman ni Jean. “Are you sure?” Paniniguro niya dahil hindi siya naniniwala sa sagot nito. “Oo nga! Ang kulit mo!” singhal ng nobya sa kaniya na lubos niyang ikinagulat. “Tanong nang tanong, kumain ka na nga lang.” “Sorry.” He apologized even though he didn't know what he did wrong. He was holding her hands yet she still seems so far away from him. Sean, wondered if there’s something happened to her. Pero ayaw naman niyang tanungin ito, dahil baka mas lalo lamang itong magalit sa kanya at madagdagan pa ang init ng ulo nito. “Sean, pasensiya na kung nasigawan kita kanina.” Malambing na paghingi ng paumanhin ni Jean, sa nobyo kasabay ng pagpulupot ng kanyang mga braso sa bewang nito. “Ang totoo kasi niyan babe, noong isang araw ay nagkita kami ni Justine. Pinapunta niya ako sa ospital at doon tinanong niya kung totoo ba na tayo na. And then, sinabi ko ang totoo at sa huli ay nag-away pa rin kami. Pero kahit na nagkaganoon, ang mahalaga naman ay alam niya na ang totoo at wala na siyang dahilan pa para makipagkita sa ‘yo, ‘di ba?” Jean continued while leaning her head on Sean’s chest. “What did you say!” Gulat na sambit ni Sean, dahil sa narinig mula sa nobya. Hindi niya napigilan ang mapatayo bigla kaya naman gulat ang gumuhit sa mukha ng nobya.  “Bakit mo naman ginawa ‘yon? Alam kong alam mo ang puwedeng mangyari sa kaniya, ‘di ba? Paano mo nagawang sabihin sa kaniya ang mga bagay na ‘yon, Jean? Hindi mo man lang hinintay na gumaling siya ng tuluyan bago mo sinabi ang lahat. Akala ko ba best friend mo siya?” Halos kapusin na si Sean, ng hininga sa bilis ng pagsasalita. Nakakunot ang kanyang noo at marahas na ihinilamos ang mga palad sa mukha habang pilit na pinapakalma ang sarili. “Ano bang mali sa ginawa ko, Sean? Tell me!” Jean hissed back at him. “Sinabi ko lang naman sa kaniya ang totoo, ah. Bakit hindi ka ba masaya na alam na niya ang totoo? Kasi ano? Kasi mahal mo pa siya, na mayroon pa rin siyang puwang diyan sa puso mo? Na naging panakip-butas mo lang ako noong mga panahon na wala siya at ngayon na nandito na ulit siya, iiwan mo na ako, tama ba ako?” Akusa nito sa kaniya habang mariin siyang idinuduro. Lumambot naman ang kalooban niya nang makita ang malungkot na mata ng nobya kasabay ng mga luhang nag-uunahan sa pag-agos. “No!” Mariin niyang giit sa akusa ni Jean. “Nagkakamali ka. Jean, mahal kita. Iyon ang totoo at kung ano man ang nararamdaman ko para kay Justine, wala ng halaga ‘yon dahil ikaw na ang mahal ko.” Sean said as he cupped her face. “So tama nga ako, may pagtingin ka pa rin sa kaniya.” Mahinang akusa ni Jean. “Jean, makinig ka sa akin, ikaw lang ang mahal ko.” He said as he pulled her closer to him. Hugging her tightly to ease her pain. “Kung totoo ‘yang sinasabi mo na wala ka ng pagtingin sa kaniya, bakit hindi ka tumingin sa mga mata ko at sabihin sa akin na hindi mo na siya mahal.” “What should I do? Kahit ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang naramdaman ko para kay Justine. How should I explain it to her.” Naguguluhan at nahihirapang tanong ni Sean sa sarili. “Ano? Bakit hindi mo magawa? Should I take your silence as a yes? That you still have feelings for her, Huh ? Sean?” “I . . . I’m sorry, Jean. Hindi ko alam, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Justine. I’m really sorry, pero I swear, sinisiguro ko sa ‘yo na mahal kita.” Pag-amin nito sa tunay na nadarama. Dahil ayaw niyang mag lihim sa dalaga. “Mahal na mahal at ‘yon ang totoo, babe-”  “Tama na Sean, tigilan na natin ‘to.” Mahina at malamig na putol ni Jean, sa sasabihin niya matapos marahas na kumawala sa mga bisig ni Sean. “What do you mean?” Naguguluhan man ay may ideya ng tumatakbo sa kaniyang isipan. “Let’s break up.” Walang mababakas na kahit anong emosyon nitong sambit. “A-ano ba ang sinasabi mo? Break up? Bakit?” Natatarantang sambit ni Sean, ang mga kamay ay naka hawak sa magkabilang braso ng nobya. “Sean, we can’t go on with this setup. Dahil ikaw na mismo ang may sabi na naguguluhan ka sa nararamdaman mo. Kaya ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon?” Blanko ang ekspresyon nitong sambit. Diretso ang tingin sa kaniyang mga matang nagtatanong at naghahanap ng kasagutan. “Na ang boyfriend ko ay may pagtingin pa rin sa ex-girlfriend niya?” May hinanakit sa tonong sambit pa ni Jean, kasabay ng pagtulong muli ng kaniyang luha. “Sean napapagod na ako. Kasi, ever since you started visiting Justine, right after she woke up at sa tuwing mag kasama tayo ay wala kang naging ibang bukangbibig kung hindi si Justine. And, to tell you the truth Sean, all this years I don’t have any confidence in myself that you will stay by my side forever.” Marahang pinunas ni Jean, ang mga luhang patuloy sa pag-agos.  “That you won’t leave me when Justine, finally wakes up. And I keep on telling myself that you love me the way I love you. I keep holding in to that tiny hope that you’ll be by my side forever. Na hinding-hindi mo ako iiwan . . .” “Pero hindi ko maalis sa isip ko ang katotohanan na si Justine, talaga ang mahal mo at naging panakip-butas mo lang ako noong mga panahon na nangungulila ka sa kaniya. Sean, alam ko ‘yon, alam na alam. At alam ko rin na darating ang araw na iiwan mo ako, dahil ako naman ang unang gumawa ng hakbang para maging tayo. Kahit na alam ko na si Justine, ang mahal mo at girlfriend mo siya. At kahit pa na hindi mo sabihin, malinaw naman na inigaw kita kay Justine, at ‘yon ang totoo . . . Kitang-kita at alam na alam ko kung gaano mo siya kamahal. Kung gaano ka kasaya noong high school pa lamang tayo. Kaya nga masayang-masaya ako dahil umabot pa tayo sa tatlong taon kahit na walang kasiguruhan ang nararamdaman mo para sa akin.  Ako naman kasi ang kontrabida sa relasyon niyo ni Justine, ako ang may kasalanan, ako ‘yong lumapit sa ‘yo. Kaya Sean, sa tingin ko ay oras na para i-let go ka.” At tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Jean. “Sa panahon na magkasama tayo naging masaya ako kaya Sean, let’s break up.” Jean said in between her sobs without taking her eyes off of him. “Ano bang sinasabi mo, Jean?  Hindi ko ‘to matatanggap!” Mariing sabi ni Sean, habang ang mga mata ay matiim nakatingin sa nobya habang ang mga kamay ay nakahawak sa braso ng dalaga. “Hindi ako pumapayag. We’re not breaking up, that’s it!” He hardly contradict. “Puwede ba! Sean, huwag mo na akong pahirapan pa!” Singhal niya dito habang marahas na kinalas ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang mga braso.  “I said I’m breaking up with you, and that’s final. Kaya Sean, ngayon break na tayo!” Matigas namang diin ni Jean. “I hope na maging malinaw sa ‘yo ang nararamdaman mo at kung sakali man na si Justine, pa nga ang mahal mo, sana maging masaya ka sa kaniya. Dahil deserve niyo ang maging masaya. Ang tanga ko naman kasi, alam ko na nga na girlfriend mo na ang bestfriend ko, inahas ko pa. Pero kung sakali man na hindi kayo magkatuluyan ni Justine, sana mahanap mo ang tamang babae na magmamahal sa ‘yo ng buong-buo, papasayahin, at aalagaan ka. This would be the last, Sean.” Jean said before leaning closer to Sean.  “I love you.” She said with full of emotion as she stared at him intently as if she was memorizing every inch of Sean. And, then she slowly walks away, leaving her broken heart behind. “No! This can’t be!” Sigaw ni Sean, nang makabawi na sa gulat at pagkalito sa mga nangyayari. “Paano ako sasaya at paano ko naman hahanapin ang babaeng ‘yon kung ikaw ang babaeng ‘yon. Jean, ikaw ang mahal ko, ikaw lang. So please let’s talk about this. I’m not accepting this. Hindi ako makikipaghiwalay sa ‘yo, hindi ako pumapayag na maghiwalay tayo ng ganito na lang.” He begged her right after he run towards her, and hug her tightly so that she can’t go. “Sean, ano ba! Bitawan mo ako!” Singhal ni Jean, habang nagpupumiglas. “Sean!” Sigaw niya pa rito nang mas humigpit ang yakap nito sa kaniya. “I said let me go! Can’t you understand that? Or, are you really that stupid?” “Please, Jean. Don’t do this to me.  I’m begging you.” He pleaded while his tears started falling. “I’m sorry, Sean. But, my decision is final, so please let me go. I’m begging you too.” She begged while holding her tears. Unti-unti ay lumuwag ang yakap ni Sean, sa dalaga kaya naman kinuha ni Jean, ang pagkakataon na ‘yon upang kumawala sa mga bisig nito at tumakbo palayo. Gustuhin man niyang habulin ang dalaga, hindi na niya magawang ihakbang ang mga paa mula sa kinatatayuan at para bang napako na ito. “I’m sorry Sean, mahal na mahal kita pero in the end nagawa kitang saktan. Nasasaktan din naman ako sa ginawa kong ito at hindi ko naman talaga gustong makipag-break sa ‘yo. Pero sa tingin ko mas makabubuti ito sa atin. Para maintindihan mo ang tunay mong nararamdaman. Alam ko na may puwang pa diyan sa puso mo si Justine, at alam ko rin na gagawa si Justine, ng paraan para ipaglaban ka sa kabila ng mga sinabi ko sa kaniya. After all, siya naman talaga ang mahal mo at inagaw lang naman kita sa kaniya. Pero kung sakali man na talagang mahal mo ako, at kung tayo talaga, I will gladly accept you.” Lumuluhang usal ni Jean, sa isipan habang mabibigat ang mga hakbang na naglalakad palayo sa lalaking lubos na minamahal. “I’m sorry dahil naging makasarili ako. Hindi ko na inisip pa ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid ko. Masyado kong inuna ang sarili ko. Kaya heto ako ngayon nahihirapan din at naguguluhan sa lahat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD