“Tahan na, Simone. I’m sure na bukas ay gigising din si Justine, kaya tumahan ka na, okay? Trust me,” pag-aalo ni Keith, sa bunsong kapatid.
Simone was crying all night, she was blaming herself that Justine, might fall into a coma once again because of what she said. Siya na lamang at si Simone, ang nasa ospital para bantayan si Justine. Ang kanilang mga magulang ay umuwi na dahil may trabaho pa ang mga ito kinabukasan, kaya kailangan na nilang umuwi. Samantalang siya naman ay sa tanghali pa ang pasok sa trabaho, kaya ayos lamang na doon na muna siya magpalipas ng gabi para samahan ang mga kapatid.
Pagkatapos ng ilang oras na pagpapatahan sa kapatid ay nakaramdam si Keith, ng gutom at uhaw kaya naman nagpasya siyang lumabas sandali upang bumili ng makakain. Kasabay ng kaniyang pagtayo ay ang pagkunot ng kaniyang noo.
“Justine,” aniya nang makita ang dahan-dahang pagmulat ng mata ng kaniyang kakambal.
“Ate Justine,” Simone whispered her older sister’s name. Her eyes are swollen from crying nonstop, and then she aimlessly wipes her tears away as she stands up to see if her sister is awake.
“Simone, tawagin mo si Dra.Maggie. Bilis!” Keith immediately instructed when he confirmed that his twin was awake.
Nagmamadali namang lumabas ang kapatid upang tawagin ang doktora na hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin.
“Justine, wala bang masakit sa ‘yo? Nakikilala mo ba ako?” Keith asked continuously as he examined her twin while Justine just smiled weakly at him.
“K-keith, s-siyempre naman nakikilala kita,” utal na sagot ni Justine.
“Mabuti naman,” ani Keith, matapos bumuga ng hangin dahil hindi nangyari ang kinatatakutan nila. “Wait lang, tinatawag na ni Simone, si Dra. Maggie,” dagdag pa niya.
“Si Sean, nasaan siya?” Justine asked, and that made him froze in an instant from where he was standing.
“Si Sean? Nakauwi na siya. Kanina pa,” mahinang sagot niya sa kakambal.
“Ganoon ba?” malungkot na sambit ni Justine.
Alam ni Keith, na malungkot at dismayado ang kaniyang kakambal dahil wala ang dating nobyo. But, rather than concerning himself with Sean, he silently wonders if Justine, remembering that Simone, told her the truth. And if she was mad at them, or, if she loathes them.
Dra. Maggie came a minute later. She checked Justine, and asked her a few questions. And before she left, she told them that there's nothing to worry about because Justine, was alright. Though, they still need to monitor her condition, especially her mental and physical health. Lalo na ngayon na malaki ang posibilidad na mas lumala ang depression, anxiety at trauma ng dalaga, matapos ang nangyari ilang oras pa lamang ang nakalipas.
“Ate Justine,” Simone called her name nervously.
“Hmm. . .” Justine mumbled as she turned to face her younger sister.
“I’m sorry, Ate. I’m really sorry.” Muli ay tila tubig sa talon na bumuhos ang mga luha ni Simone.
“I will accept your apology. Pero hindi ibig sabihin noon ay pinapatawad ko na kayo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit n’yo kinailangan na magsinungaling at ilihim sa akin ang totoo. Hindi ko matanggap ang mga nangyari. Pasensya na,” puno ng hinanakit na sambit ni Justine.
“Kuya Keith, Simone, puwede ba na iwanan n’yo na muna ako? Gusto kong mapag-isa, please lang,” she pleaded while she turns to her left, her back was facing them.
“Pero. . . Justine,” Keith trailed off, trying to have a conversation with his twin.
“Keith, please. Let me be alone for now. Please, I’m begging you,”
“Okay. Tara na, Simone,” he surrendered because he knew her twin sister better than anyone. He knew her just like the way she knew him.
“Okay po,” Simone answered in a low voice. She was sad and blaming herself that Justine, was mad at them. Nang dahil sa padalos-dalos niyang desisyon ay nagalit ang kaniyang Ate Justine. She shouldn’t have done that, and she should have shut her mouth.
“Nandito lang kami sa labas ni Simone, kaya tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, okay?” Keith said before they leave her alone, just like what she wished.
“This must be hard for her. Nagpatong-patong na ang sakit na nararamdaman niya. First, naaksidente siya. Second, she can’t move her legs. Third, we lied to her. And fourth, Jean and Sean, cheated on her, they even betrayed her. Kung may magagawa lang sana ako para maalis o mabawasan man lamang ang sakit na nararamdam niya. I can tell and feel that she’s really mad because she rarely calls me ssssby name in that tone. She usually calls me ‘Kuya’ even though we are twins,’ Keith thought as they walk towards the door.
“Kuya, galit si Ate Justine. Anong gagawin ko?” nag-aalalang tanong ng bunsong kapatid ng makaupo sila sa upuan sa labas ng kuwarto ni Justine.
“Wala kang kailangang gawin,” he said while caressing his little sister’s hair to comfort her. “Just let her be alone for now. Sigurado naman ako na bukas ay huhupa na rin ang galit ni Justine. Kaya huwag ka ng malungkot, okay?”
Tumango lamang ang kapatid bago ihilig ang ulo sa kaniyang balikat. They just stayed there, sitting at the chairs beside her room. Tulog na si Simone, nang maisipan ni Keith, na silipin kung kumusta na ang kakambal sa loob ng kuwarto nito. And just like what he thought, she’s crying. He badly wanted to wipe her tears, and tell her that everything will be alright. But, he can’t. It’s better to let her be alone for now. Bukas na lamang niya ito susubukang kausapin para ipaliwanag at ipaintindi ang lahat.
“How did this happened to me? My best friend and boyfriend betrayed me, even my family. All of them lied to me. I know I shouldn’t be mad at my family. Dahil kasalanan ko rin naman kaya ako nagkaganito. Pero, bakit pa nila kinailangan na magsinungaling sa akin? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko, mababaliw na ako sa mga nangyayari sa akin. Idagdag pa na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nai-lalakad ang mga paa ko. Bakit pa ba ako nagising kung ganito lang din naman pala ang makikita at mararamdaman ko?” lumuluhang tanong ni Justine sa sarili, malayo ang kaniyang tingin habang patuloy na humihikbi.
She cried and cried all night, she cried out all of the pain she had inside, together with frustrations she felt. But, no matter how much she cried, hindi pa rin nito maaalis ang katotohanan na limang taon na ang lumipas. At marami na ang nagbago habang comatose siya at nakahiga sa kama. Ang mga nagbago na iyon ay imposible na para sa kaniya na ibalik sa dati. No matter what angle and situation she looks at it, she still can’t figure things out.
Sean and Jean, she can’t help herself for hating both of them. She felt hundreds of knives stabbing her chest by just thinking about what happened to them while she was in a coma. The pain was unimaginable, and it was much more painful than the pain she felt when her body hit the wall that day. Jean was her best friend, and she was like a sister to her. And now, how could this happen to them? She loves him so much, and she thinks that he loves her too. Iyon naman pala ang best friend na niya ang minamahal ng inaakala niyang nobyo pa rin niya, na ang bestfriend na niya ang nagmamay-ari ng puso nito. Puso na dating nasa kaniyang mga kamay. The truth was overwhelming that it was so hard for her to believe. The pain was extreme for her to handle. Masyadong mabigat ang lahat para sa kaniya.
She didn’t realize that she fell asleep while crying. The next morning when she woke up, Simone was already there sitting beside her while sleeping like a baby. At kahit na natutulog ito ay malinaw niyang nakikita ang bakas na katulad niya ay magdamag din itong umiyak.
“Pinag-alala ko na naman kayo, at sila Mama,” Justine whispered while she gently caress her younger sister’s soft hair. “I’m sorry, Simone. I’m sorry. Dahil sa akin nahihirapan ka rin,” she softly whispered as she hold her sister’s hands. Marahan namang gumalaw ang kapatid at nag-angat ng tingin sa kaniya.
“A-ate? Gising ka na po pala,” may pag-aalinlangang sambit nito.
“Sorry. Did I wake you up?” Justine asked as she tried to pull herself up with her little strength to sit properly.
“Hindi naman po. Ano. . . Uhmm. . . Ate Justine, sorry po talaga,” muling paghingi ng tawad ni Simone, nakayuko at nilalaro ang hintuturo.
“Simone, hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. Ako nga dapat n ahumingi ng tawwad sa inyo. Alam ko na dahil sa akin ay nahirapan kayo nila Mama. I’m sorry.”
“Wala ‘yon Ate. Hindi mo naman ginusto ang maaksidente, ‘di ba?” tipid ang ngti sa labi na sagot ni Simone, nang sa wakas ay nagawa na niyang mag-angat ng tingin sa kaniyang ate. “Teka lang, nagugutom ka na ba Ate? Gusto mo kumain na tayo ng agahan?”
“Oo, tara na kain na lang tayo. . . Simone, can you help me get on my wheelchair?” Justine asked her as she slowly tried, and did her best para makababa sa kama. Then Simone helped her to get on her wheelchair.
ONE WEEK had gone by, and for that period, Sean never came. Ayaw rin naman niya na makita at maka-usap ito sa kasalukuyan, but she knew that she can’t run away forever.
She knew better than anyone that she must face them head-on; that’s why Justine asked her little sister a favor to send her message to Jean, that she wanted to talk to her. She must clear things up with Jean before going, speak to Sean, and clear out their relationship. Based on the outcome of her conversations with Jean, she will decide whether she will fight for him or let him go. After all, it seems that for him, their relationship had already ended five years ago. And since the truth is out that he and her best friend are dating.
“Gusto mo raw akong makita, Justine?” Walang emosyon na tanong ni Jean, pagpasok nito sa kuwarto ni Justine. Halata na nanggaling pa ito sa trabaho base sa unipormeng suot.
“Nandito ka na pala. Pasensiya na kung pinapunta kita dito kahit na busy ka sa trabaho mo.” Tinapatan ni Justine, ang intensidad ng tingin at boses ng dating kaibigan nang ibaling niya ang atensyon dito. “Maupo ka na muna.” Inilahad niya ang kamay patungo sa sofa na nasa gilid lamang ng kaniyang kama.
“Mukhang talaga ngang alam mo na ang totoo. I’m sorry, Justine.” Paghingi ng paumahin nito, nang biglang magbago ang timbre ng boses nito. Mula sa kanina lamang ay walang emosyon, ngayon ay humihingi ng despensa at mababa na ang tono nito.
“I, we di-” Bago pa man matapos ang sasabihin ay inunahan na siya ni Justine.
“Jean bakit? Paanong naging kayo ni Sean?” She asked while holding her tears, and anger towards her best friend. “Tell me, ano ba ang nangyari habang comatose ako. At paano mo nagawang i-date si Sean, gayong alam mo na ako ang girlfriend n’ya?”
“I’m really sorry, Justine. Pero ang totoo kasi n’yan ay mahal ko na talaga noon pa man si Sean, bago pa maging kayo.” Diretsahang pag-amin nito sa kaniya.
“What did you say?” Hindi makapaniwalang tanong ni Justine.
“Plano ko naman talaga na kalimutan na ang nararamdaman ko sa para kaniya at suportahan na lamang ang relasyon n’yo. Pero Justine, hindi ko magawa. Dahil sa bawat araw na lumilipas mas lalo ko siyang minamahal.” Muling nawalan ng emosyon ang tono ng pananalita nito habang mataam at diretsong nakatingin sa mga mata ng kaibigan. Kung kaibigan pa nga bang matatawag ni Jean ang sarili.
“At noong araw na naaksidente ka, kami ang magkasama. Kaya hindi s’ya nakarating sa oras, at dahil doon, Sean blamed himself for what happened. He even gave up everything he had because of you, he never go to our graduation ceremony. Hindi rin siya nag-take ng entrance exam para sa university na gusto niyang pasukan.”
“For one whole year Justine, I watched him suffer. Buhay nga s’ya at kasama namin pero patay naman ang puso at isipan n’ya.” Nakakuyom ang mga kamaong sambit ni Jean, habang ang mga luha ay unti-unti nang nagbabadya na tumulo.
“Sinarado n’ya ang lahat ng damdamin niya dahil sayo! At nasaan ka ba noong mga panahon na ‘yon wala, ‘di ba? Dahil ako ang nandoon sa tabi niya noong mga panahon na iyon. Naroon ako sa tabi niya at ina-alalayan siya. Tinutulungan na makatayong muli, na magkaroon ng panibagong buhay. . .” Jean paused lashing out at her for a second as she heaved a sigh.
“Yes, it might be true that I’m the one who made the first move, or, you might say I seduce him. Para makuha siya at mahalin niya rin ako. Pero Justine, ako ang nasa tabi niya noong mga panahon na lugmok na lugmok na siya, noong mga panahon na hindi na niya kayang umahon pa, ako rin ang nandoon at tumulong sa kaniya na kalimutan ka pati ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ako ang gumamot sa sugat na idinulot mo sa kaniya. Kaya Justine, I’m begging you, let him go. Please Justine, let Sean go.” Isa-isang pumatak ang mga luhang pinipigil ni Jean, ganoon na rin si Justine, na tulala habang nakikinig sa bawat katagang binibitawan ng kaibigan.
“Hayaan mo na kami ni Sean, hindi ko ito sinasabi bilang kaibigan mo. Dahil alam ko na hindi na kaibigan ang tingin mo sa akin. Simula nang maging kami ni Sean, ay wala na akong karapatan para maging best friend mo. Kaya naman sinasabi ko ito sa ‘yo at nakikiusap ako sa ‘yo bilang kapwa babae. Justine, please let him go, and let him be mine. Set him free Justine. Set him free from all of his burdens, and pain from the past. Dahil hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa sitwasyon nating ito.”
Hindi naman kaagad na nag-sink in sa utak ni Justine, ang mga sinabi nito. Pero isa lamang ang naiintindihan niya at ‘yon ay ang namumuhi siya sa kaibigan. Hindi niya lubos maisip na ito ang Jean, na nakilala at kaibigan niya. Hindi na niya makita ang dating Jean, na nakilala n’ya. Malayong-malayo na ito sa best friend n’ya. Hindi na niya kilala ang babaeng nakatayo ngayon sa kaniyang harapan at tahimik na lumuluha.
“At saka kahit naman na ano pa ang gawin mo wala ka naman ng iba pang magagawa kung hindi ang maging pabigat kay Sean,” Jean continued. “All this years he blamed himself, he was guilty sa nangyari. At isa pa huwag mo rin sanang i-misunderstood ang dahilan ni Sean, kung bakit siya nagpanggap at nagsinungaling para sa ‘yo.” Tila naman may isang matalas na punyal ang isinaksak sa dibdib ni Justine, nang muli ay nagbago ang tono ng pananalita ni Jean.
“Iyon ay dahil lamang sa konsensya at pakiramdam na responsibilidad niya ang tulungan ka para mapabilis ang paggaling mo. Dahil naaawa siya sa ‘yo, ‘yon lamang at wala ng iba pa.” Dagdag pa ni Jean, na mas lalong nagpabigat sa damdamin ni Justine, at nagpaliit ng tingin niya sa kaniyang sarili.
“Tama na!” Justine shouted as she covered her ears with her tiny palms. “Shut up!”
She couldn’t take all of it anymore. Hindi na ito ang Jean, na best friend niya at nakilala niya. Ibang- iba na ito, ibang tao na ito. Wala na ang best friend niya. Matagal ng nawala ang Jean, na naging best friend niya.
“Lumabas ka na!” Justine roared while clenching her fist. “I don’t want to hear anymore, so get out! I don’t want to see your d*mn face!” She shouted as she pointed at the door.
“Okay.” Walang emosyon na tugon naman ni Jean, at saka siya tuluyang umalis. Tuluyan na siyang lumisan sa buhay ni Justine, bilang kaibigan.
Mabibilis ang bawat hakbang ni Jean, palabas ng ospital, dahil alam niya na hindi na niya kakayanin pa ang manatili ng ilan pang minuto sa loob noon. Nagmamadali siyang sumakay ng taxi at doon ay ibinuhos niya ang damdaming pilit na pinatigas at ginawang bato dahil sa lubos na pagmamahal niya kay Sean. Kung kinakailangan na maging masama siya ay gagawin niya, mapanatili lamang ang binata sa kaniyang piling.
The moment that Jean left, her tears began flowing through her eyes like a river. It hurts her so much. It stings, she can’t take all of the pain. Walang anesthesia sa mundo na makakaalis sa sakit na nararamdaman niya, dahil talo pa niya ang pinatay sa sakit na kasalukuyang nararamdaman.
She never felt betrayed like this in her entire life. Maski minsan ay hindi niya inasahan na ang kaisa-isang tao na inaakala niyang hindi siya magagawang saktan at lokohin ay ang siyang nanakit sa kaniya ngayon. Hindi lubos akalain ni Justine, na sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata ay ito ang kaniyang kakaharapin. At kung maaari lamang na ma-comatose siyang muli upang matakasan ang sakit na nararamdaman ay buong puso niyang tatanggapin. Maigi para sa kaniya ang manatiling tulog at walang malay nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman ang nakamamatay na sakit na nararamdaman dahil hindi niya alam kung kakayanin niyang tiisin ito. O, kung mahihilom ba ito.