Chapter 2

1613 Words
*JENNY's POV* Habang nasa byahe kami ay walang gustong magsasalita sa aming dalawa. Sabagay, ano naman ang pag-uusapan namin? At kahit noon pa naman hindi kami naging close ni sir George. Pinaling ko ang mga mata sa labas ng bintana para malibang ako dahil may hindi ako magandang nararamdaman sa sarili ko. Habang si Sir George ay seryosong abala sa pagmamaneho. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang sikmura ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nanlalamig at pinagpapawisan ang buong katawan ko—nasusuka ako! At kaunti na lang ay ramdam ko nang isusuka ko ang kinain ko kanina. Nahihilo ako sa tuwing naamoy ko ang magkahalong amoy ng kotse ni sir George at ng pabango niya. Grabe ang sakit sa ilong at ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na talaga kayang tiisin pa—sususka na talaga ako! "S-sir—sir G-george...a...ano po kasi... nasusuka ako—" hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin ng mangyari ang bagay na kinatatakutan ko. OMG! Patay ka Jenny! Sinukahan mo ang kotse ng boss mo! "s**t!" Narinig kong inis na bulalas ni sir George habang nakatingin sa parte ng kotse niya na nasukahan ko. Namamawis ang buong katawan kong napatakip ako ng bibig upang pigilan ang sarili na sumuka pang muli kaya hindi ko na alintana kung nagagalit ba siya sa akin. Basta ang alam ko lang ay gusto ko pang isuka ang lahat ng sama ng tiyan ko. Kunot-noo na kinabig niya ang manibela sa gilid ng kalsada at pinarada iyon doon. Mabilis naman ako na lumabas ng kotse saka ko ipinagpatuloy ang pagsusuka ko. Nanghihina ako na sumuka ng sumaka hanggang sa narinig ko ang yabag ni sir George na lumapit sa gawi ko. "You, okay, Jenny?" Tanong niya sa akin na hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa akin dahil feeling ko ay mas nangingibabaw ang buo niyang tinig na halatang na-badtrip sa nangyari. Inabot niya ang tissue. "Here," sabi niya at hindi na ako nahiya pa kaya kinuha ko naman iyon kaagad sa kanya ng hindi lumilingon sa kanya. "Salamat po sir," pasasalamat na sabi ko at pinunasan ang bibig ko. Natatakot ako na pumihit paharap sa kanya. Alam ko kasi na galit siya sa akin dahil nasukahan ko ang kotse niya. Hindi ko naman sinasadya eh. Ang sakit kasi sa ilong ng pabango niya pati na ang amoy ng kotse niya. "Sir, sorry po kung nasukahan ko ang kotse mo. Lilinisin ko na lang po mamaya pagdating natin sa mansyon," nakayuko na hingi ko ng sorry sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin at hindi sumagot. Pumihit siya pataligod sa akin saka lumakad pabalik sa nakaparada niyang kotse. Sabi ko na nga ba galit si sir... Natampal ko ang noo ko. Hay, Jenny. Palpak ka naman... Napapailing ako na lumakad papunta sa kotse. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na nililinis ni sir George ang nasukahan ko na parte ng kotse niya. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse upang sabihin na ako na ang magpapatuloy maglinis ng nasukahan ko. "Sir! Ako na po ang maglilinis—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napatakip ako ng bibig dahil sa amoy ni sir George. Parang bumaliktad ulit ang sikmura ko at nanghihina ako. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. May sakit ba ako? Or baka naman napagod ako sa paglalaba ko? "Sorry po sir," sabi ko tsaka mabilis na muling lumabas ng kotse. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalanghap na ako ng sariwang hangin. Hay, ang sarap sa feeling. Pero pag nasa loob ako ng kotse ni sir at naaamoy ko ang pabango niya, hay. Parusa sa akin. "Jenny, let's go!" tawag ni sir George sa akin at bahagya pa akong napaigtad sa gulat nang marinig ko ang boses niya na halatang naiinis sa tagal kong bumalik sa kotse. Hindi ko naman sinasadya na masukahan ang kotse niya eh. "O-opo sir!" ka agad na sagot ko saka mabilis na lumakad bapalik sa kotse bago pa tuluyang mag init ang ulo niya. Siya ang amo pero siya pa talaga ang pinaglinis ko sa suka ko. Sino ba naman ang hindi mababadtrip sa bagay na iyon. Pag pasok ko sa loob ng kotse ay malinis na at sure ako na nag spray pa siya ng pabango si sir George para mawala ang amoy ng suka ko. Muli ay mabilis akong napatakip ng bibig gamit ang dalawang palad ko. Pinagpapawisan na naman ako ng malamig at nanghihina sa pagkahilo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "What's wrong Jenny? Namumutla ka," kapagkuway tanong niya sa akin. "Are you sick?" he added and stared at me. Hindi maipinta ang mukha ko dala ng nararamdaman kong panghihina na umiling sa kanya. "Wala po sir," tipid na sagot ko. Habang tumatagal kong nalalanghap ang amoy ng loob ng kotse at ang pabango na ini-spray ni sir George sa kotse ay tila kandila ang katawan ko na unti-unting nauupos. "If you're not sick, then bakit ka ganyan ang itsura mo? Namumutla ka," sabi niya. "H-hindi ko rin po alam sir G-george," sagot ko sa tanong niya. "Dito lang naman po ako nanghihina sir, sa labas naman po hindi. Siguro po dahil sa amoy ng pabango mo at sa airfreshener ng kotse mo, kaya ako nahihilo, ang pangit po kasi ang amoy, ang sakit sa ulo. " Hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob at nasabi ko iyon kay sir George. Gulat naman siyang napatigil sa akma sanang pagbubay ng makina ng sasakyan saka bumaling ng tingin sa akin. "s**t!" Narinig kong sabi niya. Naiinis ba siya sa akin? s**t, mura iyon? ah. Magsasalita sana ako pero napatigil ako dahil nauna siyang magsalita. "Kailan ka pa ganiyan?" Puno ng kaseryosohan na tanong niya. Napakurap ako at napa isip. Kailan nga ba? Hindi ako kaagad naka pagsalita. Iniisip ko kasi kung kailan ako nagsimulang maging mahihiluhin sa byahe, at sa amoy na ayoko. "Mmm... siguro po 1 month na din po, sabi ni Lola baka nalimigan ang tiyan ko kaya ganito," sagot ko. Mabilis na nag iba ang timpla ng kulay ng mukha ni sir George sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya na napatitig sa akin. I got conscious sa paraan ng paninitig at paghagod ng mga mata niya sa katawan ko, especially sa—parte ng tiyan ko. "One month since you lelf the mansion..." he uttered. Wala sa sarili na napa tango ako. "Opo," sagot ko. Umawang ang bibig ko nang pinatay niya ang aircon at pagkatapos ay binuksan ang window ng sasakyan. "I hope it would you," tipid na sabi niya na hindi tumitingin sa akin saka binuhay ang makina ng kotse. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Himala ah. Hindi nagalit sa akin si sir? Pasimple akong tumingin sa gawi niya. Busy naman siya sa pagda-drave. At kahit alam kong busy siya sa pagmamaneho ay nasa mukha niya ang malalim na pag-iisip. Sa anong bagay naman? "May kailangan ka?" Napalunok ako sa gulat ng sandali siyang bumaling ng tingin sa akin. "Kung nasusuka ka ulit sabihin mo lang sa akin at ihihinto ko ang kotse," sabi niya na muling bumaling ng tingin sa daan. Bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ganito 'to sa akin ngayon, biglang bumait ah. Himala! Oh siguro kasi gusto niya akong bumalik sa mansyon para alagaan ang anak niya. Tumango-tango ako. Iyon nga siguro ang dahilan. Sinandal ko ang likod sa backrest ng upuan. Himala talaga at natutong magmalasakit sa akin ni sir sungit. Nakakapanibago ah. Pero baka ngayon lang ito. Pag-uwi sa mansyon ay back to the masungit na boss ulit siya sa akin. "Hindi na po ako nasusuka, sir, pero sige po pagnasusuka ako sasabihin ko po ka agad." Sagot ko at ipinikit ang mga mata. "Well, you should because if you vommet again here. You'll be the one would clean it up," sagot niya sa akin. See, sabi ko na nga ba. Babalik din kaagad ang kasungitan niya sa akin. Umingos ako at malalim na nagpakawala ng buntong hininga. "Sorry po ulit sir, hindi na po mauulit." sabi ko na itinuon na lang ang sarili sa pagtulog upang hindi na ako mahilo. Pero feeling ko naman hindi na dahil bukas ang lahat ng bintana ng kotse ni sir kaya nakakahinga ako ng maayos. Naramdaman ko na lang na may marahang kamay na tumatapik sa braso ko kasabay ng pagtawag sa panagalan ko. Alam kong si sir George iyon dahil dalawa lang naman kaming sakay ng kotse. Kaagad kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nasa loob na pala kami ng gate ng mansyon. Ay! ano 'yan Jenny, madam lang? Sarap tulog? Mabilis kong pinunasan ang bibig ko baka kasi may tumulo na laway habang sarap na sarap akong natutulog kanina. "S-sorry po sir," nahihiya na sabi ko saka umayos ng upo. "Kanina pa po ba tayo nandito?" inayos ko ang sarili upang bumaba na ng kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla akong napatigil sa sinabi niya. "Jenny, these past few weeks, have you noticed something weird to yourself?" malumanay na tanong niya. Aba! May sapi nga ata si sir ngayon ng kabaitan sa akin ah. Himala talaga! Bumaling ako paharap sa kanya at umiling-iling ako. "W-wala naman po sir..." napapaisip na sagot ko. Tumango siya. "Okay," tipid na sabi niya saka na una nang lumabas sa akin ng kotse. Nakakunot noo ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na siya ang may something weird! Pero mas mabuti 'yon ganiyan na sir George. Kaysa naman laging masungit at naka sigaw sa akin. Nakakataranda kasi ang boses niya eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD