Pagpasok ko sa mansyon ay kaagad na sumalubong sa akin si Pauline at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Welcome back, Jenny! Na-miss kita!" masayang bati niya sa akin na animoy isang taon kaming hindi nagkita. Pinisil-pisil niya ang balikat ko.
"Ang laki naman ng pinayat mo?" pansin niya sa katawan ko.
"Pumayat ba ako? Parang hindi naman ah," maang sagot ko. Hindi ko naman kasi ramdam na pumayat ako.
"Pumayat ka 'no, or baka naman nagpapayat ka talaga?" sabi nito saka ako hinila papunta sa maid's room. "Hay, salamat! May kasama na ulit ako dito. May kasama na rin akong mabubungangaan ni nana Norma," nakangisi na sambit niya sa pangalan ng tao na isa din kinatatakutan namin sa mansyon maliban kay sir George.
"Ikaw talaga, ang hanggang ngayon patola ka pa rin kay nana Norma," sabi ko at nilapag ang backpack na naglalaman ng mga damit ko sa bed dito sa double deck na tulugan namin ni Pauline.
"Eh, kasi nakakainis 'yang matanda na 'yan eh. Simula ng umalis ka naka apat na padala na ang agency ng babysitter na kapalit mo. Ang kaso ewan ko ba sa kanila ni sir George kung ano ang standard nila sa babysitter,"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Apat na babysitter?" hindi makapaniwala usal ko. As in apat na babysitter sa loob lang ng isang buwan na wala ako dito sa mansyon. Grabe ah.
Tumango si Pauline.
"Oo, apat."
"Pero bakit pinapaalis ni sir George?" Na-curious na tanong ko.
"Hindi kasi nila makasundo ang alaga mong 'yon, alam mo naman ang batang 'yon. Nuknukan ang tigas ng ulo at sobrang pasaway," Sabi niya at nakangiting humarap sa akin.
"Pero alam mo Jenny, kahit ganun ang batang 'yon ah, hinahanap ka niya. At 'yung nalaman na umalis ka, grabe ang iyak n'ya dahil sa iyo. Kaya 'tong si sir George hindi rin talaga matahimik sa kakahanap sa 'yo. Tsaka ilang beses na nga niya kinukulit 'yun agency para ibalik ka dito eh,"
Muling nanlaki ang mga mata ko. Wow. Talaga ba? Hinanap at iniyakan ako ng makulit na batang 'yun? Parang ayokong maniwala ah. Naningkit ang mga mata ko. So kaya naman pala sinadya pa talaga akong puntahan ni sir George sa lugar namin ay dahil sa alaga ko. Hmmp! At least ngayon alam na nila na kahit ganito lang ako eh may halaga din ako sa kanila. Kaya naman pala biglang bumait sa akin si sir George. Aba, dapat lang. Kasi pag sinungitan niya ako ulit ay aalis ulit ako.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko at makapag palit ng uniform ko ay ka agad akong umakyat sa silid ng makulit na alaga ko. Natutulog siya kaya iniwasan kong lumikha ng ingay para hindi ko maistorbo ang masarap na tulog ng bata. Napangiti ako.
Hmmp! Ikaw talagang bata ka. Kahit super kulit mo at super naiinis ako sa 'yo. Love pa rin kita at na-miss ko rin talaga ang kamalditahan mo. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang may pasa na binti ng alaga ko. Anong nangyari sa kanya? Maingat akong umupo sa gilid ng kama saka ko marahang hinaplos ang binti nito na may pasa...
Habang nasa malalim akong pag-iisip sa kung ano ang nangyari sa hita ni Kyline ay bigla akong napaigtad sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si sir George. Napalunok ako. Bakit bigla ay naging akward sa akin ang makaharap siya? Tsk! Ano ka ba Jenny!
"A-ano po ang nangyari sa hita ni Kyline, sir?" tanong ko at pilit na pinapakalma ang malakas na kabog ng dibdib ko. Umupo siya sa single sofa sa tabi ng kama ng alaga ko na nakatitig lang sa akin. Tila napapaso tuloy ako kung paano niya ako titigan.
Ambisyosa ka lang be, natural kanino titingin si sir George kung 'di sa 'yo dahil kayo lang naman ang magkausap. Nagtanong ka sa kanya remember?
"Ang sabi sa akin ng babysitter na pansamantalang nag-alaga sa kanya ay aksidenteng nadulas ang anak ko. But it turned out that she was hitting Kyline," sagot niyang umiigting ang panga. Tanda na galit ito sa babysitter na gumawa niyon sa alaga ko. May karapatan naman siyang magalit talaga. Kahit gaano kakulit ni Kyline ay bata pa rin ito. Ako nga kahit super ubos na ang pasensya ko sa makulit na batang ito eh dinadaan ko na lang sa tawa. Kahit pa sa isip ko gustong-gusto ko nang tirisin ang batang 'to! Pero sabi nga ni nana Norma. Unawain namin ang bata dahil sabik sa pagmamahal ng ina.
"Ang sama naman po ng tao na 'yon sir," hindi napigilan sagot ko. At dahil hindi siya sumagot sa sinabi ko ay inakala kong nakatulog siya sa kinauupuan niya sa sobrang pagod sa pag-dadrive ng sunduin ako. Mabilis kong binawi ang paningin ko nang makita ko na hindi siya natutulog. At nakatitig lang siya sa akin! Muli ay naramdaman ko na naman ang malakas na tahip ng kabog sa dibdib ko.
Bakit ba ako ganito? Noon naman pag nasa paligid ko si siya eh kumakabog ang dibdib ko sa kaba at takot sa kanya. Pero ngayon... Ngayon ay kakaiba ang hatid na kaba niya sa dibdib ko. Actually, nagsimula ito nang gabi na... basta 'yun na 'yon! Ayoko nang alalahanin pa. Doon sa madilim na opisina niya! Tumayo ako para lumabas ng silid ng alaga ko. Hindi ko kasi kayang tagalan na kasama ko siya sa loob eh.
"Ahm. Sir, puntahan ko lang po sandali si Pauline," naisip kong dahilan na sabi ko para makalabas ako ng silid. Dahil hindi siya muli sumagot sa akin ay nagpatuloy na lang ako lumakad patungo sa pinto. Nahigit ko ang paghinga ko nang marinig ko ang malumanay at malamig niya na tinig. s**t! Ang puso ko. Bakit ba ganito? Malakas ang pintig ng puso ko na pumihit ako paharap sa kanya.
"P-po sir?" tipid at garalgal na sagot ko. Sinadya ko pang hinimas ang lalamunan ko at umubo. "Sorry po, medyo makati lang kasi ang lalamunan ko," pagsisinungaling ko upang mapag takpan ang kaba sa sistema ko.
"Starting today, dito kana matutulog sa room ng anak ko,"
Lumaki ang butas ng ilong ko at nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi niya. Dito na ako matutulog sa tabi ng anak niya? Seryoso ba siya sa sinabi niya?
"P-po... S-sir? A-ano pong sabi mo? Dito po ako matutulog sa tabi ni Kyline? N-ng anak n'yo po?" hindi makapaniwala na tanong ko sa sinabi niya.
Tumango ito.
"Yes," tipid na sagot niya sa akin saka tumingin sa anak na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. "She was having a separation anxiety after you left," may lungkot sa tinig na imporma niya sa akin.
Napakurot ako kasabay ng pakiramdam na parang piniga ang puso ko sa lungkot sa natuklasan ko. Kawawa naman ang alaga ko… At may part ng puso ko na super na touch sa narinig ko. Hindi ko man lubos na maintindihan ang separation anxiety na sinabi ni sir eh pakiramdam ko ang meaning niyon ay nalungkot ng sobra ang alaga ko ng wala ako.
"Sige po sir, kung 'yan po ang makakabuti sa alaga ko, okay lang po sa akin." nakangiti na sabi ko. "Puntahan ko lang po si Pauline at aayusin ko na rin po ang mga gamit ko," isang simpleng tango lang ang sinagot niya sa akin kaya lumabas na ako ng silid ng alaga ko.
Isang bagay ang alam kong mabuting katangian ni sir George kahit nakakainis ang kasungitan niya sa akin. Iyon ay ang sobrang mapagmahal at mapag-alaga niya sa alaga ko. Iyon nga lang. Kahit gwapo at mayaman siya eh hindi swerte sa asawa. Yung real wife niya namatay na. Tas iyong second wife na inuwi niya dito eh hindi naman pala niya tunay na asawa kaya sa huli iniwan din siya.
Bumuntung hininga ako.
"Hays! Kawawa ka naman sir George, sana makahanap ka na ng babae na magmamahal sa iyo at magiging mabuti at mapagmahal na ina sa alaga ko soon. Aba, hindi na talo ang babaeng mapapangasawa mo. Ang gwapo mo eh kahit masungit ka—"
Mabilis akong napatigil sa pagsasalita at napailing ako saka ko tinakpan ang bibig ko ng palad ko.
"At bakit may pa gwapo ka na ngayon, ah, Jenny? Bumait lang sa iyo ng very light ang masungit na boss mo na iyon eh gwapong-gwapo kana kaagad sa kanya?!"
Sermon sa akin ng isang bahagi ng isip ko. Nag-init ang magkabila kong pisngi at kinagat ko ang ibabang labi ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito. So ano ang tawag dito? Crush? Ugh. Crush ko na ba si sir George? Mabait na kasi siya sa akin eh.
Umiling akong muli. No, Jenny. Hindi mo siya dapat maging crush. Hindi. Mabait lang siya sa iyo ngayon dahil sa anak niya, dahil sa alaga mo.
HINDI KO CRUSH SI SIR GEORGE, HINDI!