Hindi ako kumikibo habang nasa harap kami ng lamesa dito sa loob ng kitchen. May importante daw na sasabihin si sir George sa aming lahat kaya pinatawag kami. Nakaupo ng magkatabi sa upuan ang dalawang guard dito sa lamesa. Ako at si Pauline ay magkatabi naman. Si nana Norma naman ay nakatayo lang habang hinihintay ang pagdating ni sir George. Parang alam ko na kung ano ang mahalagang sasabihin sa amin ni sir George. Tungkol kaya iyon sa pagtulog ko sa silid ng alaga ko?
Nang sabihin sa akin ni sir George ang bagay na iyon ay wala pa akong sinabihan kahit na sino. Kaya maging si Pauline ay wala pa rin kaalam-alam at alam kong napa-puzzel siya sa nangyayari.
Alam ko kasi na masa-sad siya sa oras na sabihin ko na simula sa araw na ito ay doon na ako matutulog sa kwarto ng alaga ko. Naputol ang pag-iisip ko nang mabilis na tumayo ang dalawang guard nang makita nila na pumasok dito sa kitchen si George.
"Magandang gabi po sir, George," magkasabay na pagbibigay galang ng mga ito.
"Salamat," tipid na sagot naman ni sir George at tumango kina kuya guard.
"Maupo po kayo," sabi ni sir George at humila ng silya sa may—tabi ko—Susko! ito na naman ang puso po! Ang bilis tumahip ng kakaibang kabog sa tuwing lalapit sa akin siya. Lihim akong napalunok at kinuha ang baso ko saka ko inubos ang laman niyon.
May gulay ka Jenny, ano ka ba?!
Tumikhim muna si sir George at pagkatapos ay nagsalita.
"Nana Norma, mang Danilo, mang Rudy, Pauline, gusto ko lang po ipaalam sa inyo na simula ngayon ay sa kwarto na ng anak ko matutulog si Jenny. At wala na din po siyang ibang magiging trabaho dito sa bahay na kung 'di ang alagaan at bantayan lang ang anak ko,"
Imporma niya sa mga ito. Napa-awang ang labi ni Pauline sa narinig, samantalang si nana Norma naman ay mabilis na nagbago ang timpla ng mukha sa narinig na sinabi ni sir George. Sa hilatsa ng expression ng mukha nito ay halata na hindi siya sang ayon sa idea ni sir George na sa silid ako ng alaga kong bata matutulog.
Nagbaba ako ng tingin. Ayokong makita ang mukha ni nana Norma, at lalong ayoko sanang marinig ang sasabihin niya dahil sigurado akong hindi iyon maganda sa pandinig ko. Ang kaso imposibleng mangyari yun dahil nasa magkakaharap lang kami.
Hindi pa rin maipinta ang mukha na humila ng silya si nana Norma sa tabi ni sir George at pagkatapos ay umupo roon.
"A-anong sabi mo George? Sa silid ni Kyline matutulog si Jenny?" hindi makapaniwala na tanong niya kay sir George saka mabilis na tinapunan pa ako tingin at pagkatapos ay muling pumaling ng tingin sa kausap. "P-pero parang hindi naman ata tama na doon siya matulog sa silid ng anak mo, hindi ba?" sabi pa niya.
"Makakatulong po sa anak ko kung doon matutulog si Jenny sa tabi niya. Isa pa po, 'yon din naman ang bilin ng pediatrician doctor niya. Much better kung may kasama ang anak ko sa pagtulog. Since si Jenny naman din po ang dahilan kung bakit nagkaroon ng separation anxiety si Kyline," magalang at mahinang paliwanag na sagot ni sir George.
"P-pero... George..." tanging nausal ni nana Norma. Huminga ito ng malalim saka ako muling sinulyapan. "Kung 'yan ang sa tingin mong makakabuti sa bata, ikaw ang masusunod, George. Sana lang ay alagaan na niya ang anak mo ng mabuti ngayon. At sana lang ay 'wag na siyang gumawa ng hindi maganda at bawasan ang kapalpakan niya sa pag-aalaga sa bata," ani nana Norna na mas binigyan diin pa ang huling binitawang salita at mariing nakatitig sa mga mata ni sir George na waring binabalaan ito na sana ay tama ang desisyon na doon ako patulugin sa silid ng alaga ko.
Nakalunok ako dahil hindi nakatakas sa akin ang palihim at makahulugang tinginan ng mga mata nila nana Norma at sir George.
Tumahip ang kaba sa dibdib ko. Alam kong may laman ang binitawang salita na iyon ni nana Norma at pati na ang mga magkahinang na mga mata ng mga ito ay mayroon din ibig sabihin. At kahit hindi na sumagot pa si sir George sa sinabi ni nana Norma ay ramdam kong may hindi magandang laman ang isip ng mga ito laban sa akin.
Pero ano naman iyon? Wala naman akong ginawa na hindi maganda sa mansyon simula ng pumasok ako dito. Maliban lang talaga sa pagkuha mo ng limang libo sa opisina ni sir George ng walang paalam. Sabagay, kahit bali-baliktarin ko ang buong pangyayari ay malinaw na pag nanakaw pa rin ang ginawa ko iyon…
"Huwag mo na lang intindihin ang matanda na 'yan, inggit lang 'yan sa 'yo," bulong sa akin ni Pauline nang maramdaman niya na may hindi maganda sa katahimikan nila nana Norma at sir George.
Nginitian ko ito.
"Wala naman talaga akong pakialam sa kanya," bulong na sagot ko sa kanya.
"Ganyan talaga pag senior na, masyadong mapait ang dila. Wala kasing maging jowa!" Humahagikgik na pilyang bulong pa niya sa akin kaya natawa na rin ako sa kanya.
"Daddy! Daddy!" Ang umiiyak na tinig ni kyline ang pumutol sa katahimikan namin sa kitchen.
"Oh. Gising na pala ang alaga mo, Jenny. Sige na puntahan mo na dahil matutuwa 'yan pag nakita ka for sure," wika sa akin ni Pauline.
Mabilis akong tumango sa sinabi nito. "Oo nga," sagot ko na tumayo na sa kinauupuan ko.
"Pwede na rin po kayong bumalik sa trabaho niyo," narinig kong sabi ni sir George sa dalawang guard bago ako lumakad palayo sa mga ito.
"Mag usap na lang po ulit tayo mamaya, nana Norma." Wika naman ni sir George rito.
Masaya akong tumakbo paakyat sa hagdan kung saan nakatayo ang alaga ko at umiiyak. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumigil sa pag-iyak saka ako tinitigan ng masama.
Napalunok ako. Akala ko talaga ay mabait na ang batang ito? Sa itsura nitong salubong na naman ang mga kilay ay mukhang galit sa akin. Mana talaga sa ama noon!
"I hate you for leaving me!" Matulis ang nguso na sigaw niya sa akin habang naka-krus pa ang dalawang maliliit na braso sa dibdib.
Manang mana talaga sa ama ang bulinggit na ito!
Nakangiti na tumigil ako sa harap niya.
"Sorry," tipid na sabi ko at tinitigan ko siya sa mga mata. Malapad kong idinipa ang dalawang braso ko at hinintay ko na yumakap siya sa akin.
Unti-unting lumambot ang galit niyang mukha at lumamlam ang mga mata habang nakatitig sa akin. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin nang makita kong mangilid ang mga luha ng alaga ko at pagkatapos ay mahigpit kong niyakap.
"Ssshhh… stop crying na okay, yaya is here na…" pagpapatahan na sabi ko sa kanya kasabay ng paulit-ulit kong paghaplos sa mahaba nitong buhok. Pero sa halip na tumahan siya sa pag-iyak ay lalo lamang itong umiyak.
"Y-yahhhh…. yaya… please don't leave me again… please…" umiiyak na sumamo niya sa akin saka yumakap ng mahigpit at takot na takot na muli ko siyang iwan.
Nahabag ako ng sobra sa nakikita kong lungkot ng alaga ko. Hinaplos ko ang likod niya at mas niyakap ko pa ng mahigpit upang madama niya na hindi ko na siya muling iiwan pa.
"Yaya, will not leave you ulit," lintik! Tama ba ang sagot ko sa kanya? Hays! Ito na naman ako eh. Dudugo na naman ang ilong ko sa kaka-english sa batang ito!
Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa alaga ko nang bubatin ko ito pabalik sa silid nito. Para kasing wala akong buhat na 4 years old na bata sa gaan nito. Ang laki din ng pinayat ng alaga ko simula ng umalis ako. Samantalang noon eh halos sumakit ang likod ko sa bigat ng batang ito sa tuwing naiisipan na pumasan sa likod ko. Hindi bali. Patatabain kita ulit. Promise!
Sa halip na sa kwarto ko idiretso ang alaga ko ay sa dining ko dinala upang pakainin ng hapunan. Dahil halos ayaw niyang umalis sa tabi ko ay nagpa-assist ako kay Pauline na bigyan ng makakain si Kyline. Nakaupo sa hita ko ito habang sinusubuan ko ng pagkain nang dumating si sir George saka umupo sa hapagkainan sa harap namin.
Ugh! Ito na naman ako. Bigla na naman akong na-conscious sa presensya niya.
Pilit kong in-ignore ang nagsisimulang kakaibang pakiramdam sa sistema ko. Nag-focus ako sa pagpapakain ko sa alaga ko.
"Kakain ka na din ba George?" Maya maya ay narinig kong tanong ni nana Norma kay sir George.
"Coffee na lang po siguro nana Norma, hindi pa rin naman po ako nagugutom." Sagot nito kay nana Norma habang pinapanood ako sa pagpapakain ko sa alaga ko.
Sunod-sunod akong napalunok nang mabilis akong sumulyap sa gawi niya at hindi ko inaasahan na mag tama ang mga mata naming dalawa. Gusto kong pagsisihan ang ginawa kong iyon na pag sulyap sa gawi ni sir George.
Tsk! Mas lalo tuloy akong na-conscious eh!
Hindi nagtagal ay inilapag ni nana Norma ang tasa ng kape na tinimpla nito sa ibabaw ng lamesa sa tapat ni sir George at pagkatapos ay nagpaalam din ito na may gagawin sa itaas.
Tila napapaso ang balat ko sa init na ginagawang paninitig ni sir George sa katawan ko. At kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam kong tila ini-examine niya ang kabuuan ng katawan ko sa paraan ng paninitig niya sa akin habang umiinom ng kape.
Napa-thank you G, ako nang sa wakas ay natapos ko na rin pakainin ang alaga ko.
Tumikhim ako.
"Akyat ko na po si Kyline sa kwarto sir para mapalitan ng damit," lakas loob na sabi ko pero iniwasan kong mapatingin sa mga mata nito.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makalayo ako sa dining area habang buhat-buhat ko ang alaga ko.
Ano ka ba Jenny?! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?!
Inis na tanong ko sa sarili ko habang lumalakad patungo sa kwarto ng alaga ko.
"Can you sleep with us, please, Daddy…"
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig kong pakiusap ng alaga ko sa ama nito.
"Please… Daddy…" ulit na pakiusap pa ni Kyline sa ama.
Sunod-sunod akong napalunok kasabay ng malakas na dagundong ng t***k ng puso ko habang hinihintay ang isasagot ni sir George sa alaga ko.
Sabihin mo na No, sir George. Sabihin mo na No! Hindi ka pwedeng matulog dito sa kama sa tabi namin ng alaga ko. Hindi pwede sir George! Hindi pwede!