Chapter 5

1336 Words
"Please, Daddy..." muling pakiusap ni Kyline kay sir George nang hindi ito sumagot sa pakiusap ng anak. Tumakbo si Kyline palapit kay sir George na nakaupo sa sofa at pagkatapos ay hinila ito papunta sa kama. Wala naman nagawa si sir George kung hindi ang sumunod kay Kyline. Napalunok ako nang maramdaman kong lumundo ang isang bahagi ng kama dahil sa bigat ni sir George. Awtomatiko akong napaupo sa kama. Nakahiga na kasi kami ng alaga ko nang pumasok dito sa loob ng kwarto si sir George upang mag good night kiss sa anak nito. Ang akala ko kasi ay hindi na pupunta pa dito si sir George kaya naman sando lang ang suot ko. Napayoko ako sa pagkapahiya dahil sa suot kong pantulog. Short lang kasi ang pinartner ko sa sando dahil wala naman akong panjama, at saka hindi ko rin nakasanayan na panjama ang suot matulog sa gabi simula pa noon dahil wala naman kaming aircon sa bahay. "Okay, Daddy will sleep here," Masayang nag tatalon si Kyline sa narinig na sinabi ni sir George. So, paano ako? "Sige po sir, doon na lang po muna ako sa maid's room matutulog kasama ni Pauline," nahihiyang sabi ko. Akma sana akong tatayo sa kama ngunit maagap akong pinigilan ni Kyline. "No, Mommy, you are not going to sleep with Ate Pauline, you are sleeping here with us," nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi niya. Maging si sir George ay nabigla din sa narinig na sinabi ng anak nito. Napalunok at bigla akong pinagpawisan ng malapot sa pagkapahiya kay sir George dahil baka isipin niya eh kung ano-ano ang tinuturo ko sa alaga ko. Si Pauline ang dahilan kaya mommy ang tawag sa akin ni Kyline. Kanina kasi ay narito ang bruha na iyon at tinuruan ang alaga ko na simula raw ng gabi na ito ay mommy na ang itatawag sa akin ng alaga ko at sa kanya naman ay ate Pauline. Pasaway na Pauline na 'yon, ginawa pa akong mommy. Sa bata kong 'to, mommy? Eh para nga lang kaming magkapatid ng alaga ko! Napa-ubo ako. "Um... a-ano kasi..." nahihirapang pagsasalita ko na hindi ko magawang maisatinig ang gusto kong sabihin sa alaga ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko na nakalunok kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. "D-don't call me Mommy, Kyline. Ate Pauline just joking you, call me Ate, or kaya Yaya," napapa kamot sa ulo na sabi ko sa alaga ko saka ko naiilang na sinulyapan si sir George. Mabilis na napaso ang mga mata ko nang mag tama ang mga mata naming dalawa. Nakatitig pala siya sa akin. Mas lalo akong na tensed! Isipin na baka akala niya ay masyado akong nagte-take advantage dahil dito na ako natutulog sa silid ng alaga ko. Ngek! Nagte-take advantage talaga? Bakit ko naman gagawin ang bagay na 'yon? At ni sa panaginip ko ay hindi ko pinangarap na maging Mommy sa ganitong edad ko. 23 years old palang ako 'no! "It's okay, Jenny. Let her call you Mommy, wala naman masama doon." Wika nito. Napabaling ako ng tingin kay sir George dahil sa sinabi nito. "P-po? S-sir?" napapakurap na manghang sagot ko. "Naku, sir. Hindi po, nakakahiya po sa ibang tao baka may makarinig na tawagin akong Mommy ng alaga ko. Saka, malayo po sa itsura namin para maging mag-ina kami kasi... kasi yung kutis ng anak niyo po pang mayaman kumpara sa kutis ko. At saka ang layo ko po sa itsura ni Ma'am Clara—" Napatigil ako sa aking pagsasalita at mabilis napatakip ng bibig dahil sa pangalan na dumulas sa labi ko. Bawal na bawal nga pala na bangitin ang pangalan ng namayapang asawa ni sir George dito sa loob ng mansyon lalo na sa harapan nito. "S-sorry po Sir..," naiilang na nakangising sabi ko sa kanya at sinabayan ko pa ng peace sign ng dalawang daliri ko. Patay, galit ata si sir dahil sa kadaldalan mo, Jenny! Ang daldal mo kasi eh! "Malaki naman 'tong bed ni Kyline, you can sleep with us." sa halip ay sagot nito sa akin. Nabahala ako sa sinabi niya. Kahit nakuha na niya ang p********e ko ng hindi niya nalalaman na ako ang babae na sinipingan niya dahil sa sobrang kalasingan niya. Dalaga pa rin ako at ayokong matulog na may kasamang lalaki sa iisang kama. Kahit pa siya ang boss ko. Babae ako eh. Saka nakakailang kasi. Maingay at malikot pa naman akong matulog. Kung kami lang ng alaga ko ay ayos lang na mag hilik ako. Pero ang makasama si sir George sa pagtulog ay sobrang nakakahiya. At hindi ko rin ito gustong makasama matulog sa isang bed dahil bumabalik sa isipan ko kung paano niya ako inangking sa loob ng opisina niya. Ugh. Gustong-gusto ko nang kalimutan ang gabing iyon. Pero sadiyang nakatatak na ata sa puso at isip ko ang bawat pangyayari. Kung paano niya hinawakan at hinalikan ang labi ko. Hindi naman masama na tumutol ako sa gusto nilang mag-ama na matulog ako dito sa kwarto ng alaga ko kasama ang ama nito. Kaya ako ang masusunod. Isa pa ang sabi ni sir George kaya lang niya ako pinapatulog dito kasama ang anak nito dahil walang kasama si kyline. Eh nandito naman siya. kaya sila na lang ang matulog na magkatabing mag-ama. "H-hindi na po sir, malikot at humihilik po kasi akong matulog. Baka mapuyat lang po kayo dahil sa akin at hindi kayo makapasok sa trabaho bukas. Kaya doon na lang po ako sa maid's room," giit na sabi ko sa kanya. Mabilis naman akong hinila ni Kyline pabagsak sa bed dahil sa sinabi ko kaya na-out of balance ako at lumanding katawan ko sa kama. Parang tumalon ang puso ko sa kaba ng aksidente na tumama ang katawan ko sa hita ni sir George. Nanunuyo ang aking lalamunan na napalunok ako dahil sa nangyari. Pasaway talaga ang alaga kong 'to! "Sleep with us, Mommy!" mariing sambit sa akin ni Kyline at niyakap ako ng mahigpit kaya nawalan ako ng pagkakataon na tumayo kaagad sa kama. He glared at me. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya saka nagsalita. "Dalaga pa po ako sir George, at kabilin-bilinan po ng Lola ko na 'wag na 'wag akong matutulog na may kasamang lalaki..." Nahihiya at lakas loob na sabi ko. "H-hindi rin po kasi ako sanay na matulog na may kasamang lalaki... S-sorry po sir, alam ko pong kayo ang amo ko. Pero hindi po talaga maari na matrulog ako na nandito po kayo," dagdag na katwiran ko sa kanya. "It's okay, Jenny. I understand. Don't worry, lilipat na lang ako mamaya sa room ko kapag mahimbing ng natutulog ang anak ko," kapagkuwan ay sagot niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Hay, salamat naman at naiintindihan ni sir George ang dahilan ko. "Salamat po sir," nahihiya na sagot ko saka ko inayos ang alaga kong nakadagan sa baywang ko. Inutusan ko ito na umayos na ng higa para makatulog na kami dahil pinangako ko sa kanya na maglalaro kami sa labas bukas ng umaga kaya dapat na maaga kaming dalawa matulog. Sa gitna naming dalawa ni sir George nakahiga si Kyline. Nakayakap siya sa akin pero hawak niya ang kamay ng ama nito kaya hindi ko mapigilan ang malakas na pintig ng puso ko dala ng init na hatid ng kamay ni sir George sa balat ko sa may bewang ko. Hindi talaga ako makapaniwala na mabait na sa akin ang mag-ama na ito. Parang noon lang kung bulyawan ako ni sir George dahil sa alaga ko. At hindi ko ma-imagine na sobrang bait at sweet na sa akin ng bulinggit na 'to. Humikab ako habang abala ang kamay ko na haplusin ng paulit-ulit ang mahabang buhok ng alaga ko. Tsk. Mukhang mauunahan ko pang matulog ang batang 'to eh. Napapapikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Kaya naman hindi ko na namalayan ay hinila na ako ng antok na pumipintig ng malakas ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD