JENNY's POV
Kinasanayan ko na ang magising ng alasingko ng umaga. Napabalikwas ako ng gising nang maramdaman kong may mabigat na braso ang nakayakap sa akin. Mabilis kong minulat ang mga mata ko at halos tumalon ang puso ko sa lakas ng kabog ng mapagsino ko ang nagmamay-ari ng braso na 'yon.
Shit!
Sambi ko nang makita kong wala na sa gitna ang alaga ko at... ako na ang nasa gitna ng mag-ama! Jusko po! Paano nangyari 'to? Lumipat ang alaga ko sa kabilang gilid ko, kaya ako ang pinagitnaan nila.
Kagat ang aking ibabang labi na dahan-dahan kong inalis ang braso ni sir George mula sa pagkakayakap sa akin. Napalunok ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng akin dibdib nang gumalaw si Sir George at mas niyakap pa ako ng mahigpit. Marahil ay akala pa rin nito na ang alaga ko ang katabi at yakap nito.
Nataranta ako kaya napapikit na lang ako. Nagihit ko ang aking paghinga nang maramdaman ko ang init ng hininga nito na tumatama sa buhok ko. Sa posisyon namin ay nakasubsob ang mukha ko sa malapad na dibdib ni sir George dahil mas hinigpitan pa nito ang yakap sa akin.
Nang hindi na ito kumilos pa ay dahan-dahan kong muling minulat ang mga mata ko. Sunod-sunod akong napalunok nang ang malapad na dibdib nito ang bumungad sa mga mata ko.
Jusko po! Bakit ba ganito ang puso ko. Nagwawala sa sobrang lakas ng kabog sa tuwing nalalapit ako kay sir George. Hinawakan ko ulit ang braso nito upang alisin sa pagkakayakap sa katawan ko. Ang awkward ng posisyon namin at ayokong magisingan ni sir George na ako ang yakap niya at hindi ang alaga ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng sawakas ay tuluyan ko ng naalis ang braso nito sa pagkakapulupot sa katawan ko. Maingat akong tumayo mula sa aking pagkakahiga sa kama at inusad ko ang tulog na tulog na alaga ko palapit sa ama nito.
May gulay, ang aga-aga eh pinagpapawisan tuloy ako ng malapot. Bakit ba naman kasi hindi lumipat 'tong si sir George sa kwarto nito? Kaloka naman, oh!
Napapailing akong lumakad papasok sa banyo upang maghilamos at magpalit ng dami. Pagpasok ko sa pinto ng banyo ay napasandal ako sa likod ng pinto upang pakalmahin ang t***k ng aking puso.
Kaasar naman 'tong si sir George, eh! Kung alam ko lang na hindi na pala nito magagawang lumipat sa silid nito eh 'di sana hindi na ako natulog para ako na lang ang lumipat sa maid's room sa ibaba. Sinabi ko na nga na ayokong may katabing lalaki eh. Haist Kakaloka. Gustong-gusto ko na ngang kalimutan ang gabi na 'yon, eh. Gusto ko na talaga.
"Edi kalimutan mo, Jenny! Madali lang naman gawin 'yon eh. Kung gusto mong kalimutan gawin mo! Tsaka, ikaw lang naman kasi ang nag-iisip ng kung ano-ano kaya ka nagkaka-ganiyan sa tuwing nasa harap ka ng boss mo, 'di ba? Bawas O.A kasi, be, hindi ka kagandahan 'no!"
Sermon sa akin ng munting tinig sa isip ko sa pag-iinarte ko.
"Excuse me! Hindi sa pagiging O.A ang tawag dito 'no! Dalaga pa rin ako. At isa pa... Kasalanan ko ba kung palagi kong naiisip ang ginawa sa akin ni sir George sa office niya? Akala mo naman madaling kalimutan ang lahat eh. Hindi ganun kadali 'yon, 'no. Lalo pa ay si Sir George ang... nakauna sa akin. Sabi nga ang first ay super memorable. At totoo nga 'yon..."
Sagot na pangangatwiran ko sa sarili ko.
"Hays!" napapailing na napatakip ako ng mukha. Bakit ba pakiramdam ko ay mas naging mahirap sa akin ngayon ang magtrabaho dito sa mansyon. Kung kailan naman bumait na sa akin ang maldita at pasaway na alaga ko ay saka naman ako nagkaganito.
Ang hirap naman iwasan ni sir George dahil unang-una siya ang ama ng alaga ko at ang tao na nagpapa-sweldo sa akin. Kaya kahit anong gawin kong iwas ay hindi ko magagawa. Sayang naman kung mag-reresign ako. No! Hindi ako maaring mag-resign at umalis dito dahil baka isumbong ako ni sir George kay Lola na nagnakawa ako ng five thousand kay sir George. Malulungkot si Lola kaya hindi maari.
Napabuntong hininga na lang ako.
Okay, chilax, Jenny. H'wag kang O.A kasi. Wala lang 'yon sa boss mo kaya dapat huwag ka din paapekto. At isa pa, hindi naman niya alam na ikaw ang babae na... 'yon. So wala kang dapat na ikailang kay sir George. Kumilos ka lang ng normal, Jenny. Ganun lang 'yon ka-easy 'di ba? Mahihirapan aka talagang kalimutan ang nangyari na 'yon sa office ng sir George mo kung palagi mong iisipin. Kailangan mo ng pera kaya dapat na work ang isipin mo at hindi ang... tagpo ng gabi na 'yon.
-------
Paglabas ko ng banyo naabutan kong gising na si sir George. Napalunok ako dahil gustuhin ko man na iwasan ito ng tingin ay hindi ko nagawa. Magiging bastos naman ako kung babalik ako sa loob ng banyo.
"G-gising na po pala kayo, Sir," pilit kong pinakalma ang sarili ko upang maging maayos ang pagsasalita ko.
"Sorry, hindi na ako nakalipat sa kwarto ko. Ang tagal kasing matulog ni Kyline," sagot nito habang inaayos ang unan ng anak.
Lihim akong napalunok at mabilis na nag-init ang aking magkabilang pisngi. So, ako ang unang nakatulog sa aming tatlo? Nan Geez! Nakakahiya naman kay sir George. Ako pa talaga ang naunang makatulog sa kanilang mag-ama... Sa amo ko.
Napapaisip tuloy ako kung anong itsura ko habang natutulog ako. Naghihilik na kaya ako habang gising pa silang mag-ama. Tinitigan kaya ni sir George ang mukha ko habang natutulog ako kagabi. OMG! Nakakahiya ka Jenny!
"Um... O-okay lang po 'yon sir, s-sige po... Punta lang po ako sa ibaba para tulungan sila maghanda ng almusal," naiilang na sabi ko upang makalabas na ako ng kwarto.
Mabilis akong lumakad papunta sa pinto at nang-akma ko na sanang pipihitin pabukas ang seradura ay nahigit ko ang aking paghinga ng magsalita ito.
"Dumito ka na lang sa kwarto, Jenny. 'Di ba ang sabi ko sa 'yo wala ka ng ibang trabaho dito sa mansyon kung 'di ang bantayan lang ang anak ko." sabi ni sir George.
Napalunok ako at napanganga sa narinig ko. Pumihit ako paharap sa kanya.
"A-ano po... kasi...sir..." hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil sa pagkailangan ko nang makita kong nakatitig siya sa katawan ko... Sa parte ng puson ko.
Mabilis na bumaba ang aking paningin sa tiyan ko. Okay naman ang suot kong damit ah. Bakit ganun siya makatitig sa akin...
"It's 5 O'clock in the morning, masyado pang maaga kaya tabihan mo na lang dito ang anak ko at matulog ka ulit," utos nito sa akin pagkatapos na sipatin ang oras sa suot na wrist watch.
"Pero... sir-----"
"Sundin mo na lang ako, Jenny. Wala ng pero-pero. Isang trabaho lang ang gusto kong gawin mo dito sa mansyon, 'yon ay ang alagaan ang anak ko." mahigpit na putol nito sa pagsasalita ko.
Napayoko na lang ako. "O-okay po, sir." tangin nasabi ko.
"Good. Now, go back to sleep, Jenny. Para may lakas ka sa buong araw na pag-aalaga ng anak ko," sabi nito saka lumakad papunta sa pinto at tuluyang lumabas ng kwarto.
Napakurap ako at napatitig na lang sa nahihimbing sa pagtulog na si Kyline.
Mamaya kakausapin ko ang makulit na batang 'to! Sa susunod eh 'wag na 'wag lilipat ng posisyon sa paghiga lalo na kung nandito ang ama niya!