Emilia Tumigil ang sinasakyan namin sa pier. Bumaba kami at sinalubong kami ng isang lalaki kung saan ibinigay ni Roman ang susi ng kotse nito. "Papa, are we going to ride that big ship po?" tanong anak namin nang makita nito ang isang puting malaking bark na sinasakyan ng mga tao. "Yes, son. We're going to the island," sagot niya. Hindi ako nagsalita. Sumunod lang ako kay Roman na bitbit ang mga gamit nito habang pasakay kami sa barko. Buhat-buhat ko naman si Rowan na hindi magkanda-ugaga sa pagtingin-tingin sa paligid. Nakarating kami sa isang kuwarto kung saan inilapag ni Roman ang mga bag namin sa isang malambot na malaking kama. Kasya na siguro ang isang pamilya rito. "P-Papaano ka nakakuha ng ganitong kuwarto? Sa pagkakaalam ko ay mahal ang ganito," sabi ko habang inililibot an

