Kabanata 15
Chloe Evans
Alas nuebe ng gabi nag-start ang event para sa New Year’s countdown. Since Shan and I had nothing to do at the villa, we decided to join the event. We’re going home tomorrow anyway, so we figured we might as well make the most out of it. Minsan lang din ako magkaroon ng ganitong bakasyon. Isa pa, gusto ko rin talagang uminom. Since I got here, I haven’t visited any bars or gone out to party even once. I just think that it would be weird to go to a bar alone if you’re a celebrity. I don’t want to end up in the headlines, and people would think I’m heartbroken or lonely.
So, I think tonight is the perfect time to drink and get wasted. Besides, Shan is here in case I get too drunk. For sure, he’ll look after me and protect me. I always feel safe when I’m with him– na para bang walang makakagalaw sa akin kapag nasa tabi ko siya.
He got us both some drinks. Inabot niya sa akin ang alak at nakangiting tinanggap ko iyon. I missed drinking and partying. Although I’m always busy with school and my career, I’m proud that I still have a social life. I feel more alive when the lights are low and the music is loud.
Sumimsim ako sa inumin na binigay niya at napanguso. From the taste of the alcohol, I immediately could tell that it would not even get me tipsy. Natawa siya sa reaksyon ko. Alam niya agad kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon ko. Good. It’s nice that, somehow, he’s starting to read or understand what’s on my mind. At least now I know that this relationship is improving and that we’re really getting to know each other better.
“Uuwi na tayo bukas, di ba?”
“So? Hindi naman ako magmamaneho, ikaw naman,” sabi ko dahil napag-usapan na namin kanina na sa sasakyan niya ako sasakay pauwi ng Manila. Ipapakuha na lang daw niya sa driver niya iyong sasakyan ko dito at ihahatid sa condo ko.
“So, ang sinasabi mo ba ay hindi ako pwedeng uminom? Ikaw lang dapat?”
“Come on, Shan, I really want to drink and have some fun tonight,” sabi ko sa tonong alam kong makukumbinsi siya. Kung sa bagay, kailan ba siya tumanggi sa kung anong gusto ko? Sa aming dalawa, lagi naman talagang ako ang nasusunod. Hindi naman siya nagrereklamo. Subukan niya lang.
Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pagbigyan ako. Sinamantala ko ang pagkakataong ‘yon upang maglibang dahil paniguradong pagbalik namin ng Manila ay marami nanaman akong nakapilang trabaho. Hindi ko pa nabubuksan ang phone ko ulit pero sigurado akong tadtad na iyon ng mga message ng manager ko. At ten o’clock, I asked Shan to dance with me. He refused at first, but when I started dancing alone, he eventually joined me. He knew that if he didn’t join me, someone else would come up and dance with me. And of course, he wouldn’t let that happen. He’s too possessive to let me dance with another man, and I know he’s only like this with me.
His arms wrapped around my waist as I swayed my hips to the rhythm. I could immediately feel the warmth coming from his body. I smirked and started to move again with more confidence. Then he began to move slowly, matching my rhythm. I smirked more.
Until the song slowed down. I stopped because I really don’t like this kind of tune when dancing. Not that I hate the music, I actually love it, but I’m not into slow dancing. I don’t know, it just feels too cheesy for me. Muli akong um-order ng maiinom dahil naubos na pala iyong in-order ni Shan. Tiningnan lamang niya ako na tila ba hindi siya sang-ayon na um-order ulit ako ng alak pero wala siyang magawa. Ngumisi ako at imbes na asarin pa siya lalo ay pinatakan ko na lamang siya ng isang mabilis na halik sa labi.
Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at mas inilapit pa ako sa kanya ng husto. “Walang matutulog ngayong gabi,” bulong niya sa tainga ko. Hinampas ko ang dibdib niya dahil sa mga iniisip niya pero tinawanan niya lamang ako. I know exactly what he meant by that statement.
“Aalis na tayo bukas. Kung sana ay napaaga ang dating mo, e di sana mas mahaba ang oras natin,” may halong pagtatampong sabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong ipakita sa kanya ang pagkadismaya ko. May balak naman pala siyang sumunod at umuwi, bakit hindi niya ginawa ng mas maaga?
“I’m sorry, kung sinabi mo lang sana na gusto mong kasama ako sa Christmas at New Year, e ‘di sana hindi na ako umalis. Hinihintay lang naman kitang mag-aya,” aniya.
Bigla kong naalala ang mga nangyari bago ako napunta rito. Wala naman talaga sa plano ito. Gusto ko naman talagang i-spend ang bakasyon na ito with my parents pero dahil sa nangyari parang hindi ko na magawang humarap sa kanila. Sumimsim ako sa baso ko. I hate that I still think about it even though I’m supposed to be enjoying myself right now.
Ano ka ba, Chloe! Bukas babalik na kayo ng Manila at magiging abala ka nanaman. Huwag mong sayangin ang oras na ito kakaisip sa mga bagay na hindi mo naman na mababago.
“Bakit ka nga pala nandito? I thought you wanted to spend the entire break with your parents? Did something happen? Is there a problem you want to talk to me about?” Magkakasunod na tanong niya ngunit may pag-iingat sa kanyang tono habang sinasabi ang mga iyon.
Agad akong umiling. “Ayaw kong pag-usapan,” malamig na sabi ko. Tumango lamang siya at pinatakan ako ng halik sa noo.
“It’s fine if you’re not ready to talk about it yet. But I want you to remember that I’m right here. I will always be here for you, babe. I’m not going anywhere, no matter what. Even if you push me away over and over again. Whatever your problem is, it’s my problem too. You don’t have to face it alone. You have me now,” he said with a gentle smile.
Ngumiti ako. I know. I just know. Hindi pa kami umaabot ng taon ni Shan pero ramdam ko na sincere siya sa mga sinasabi at pinaparamdam niya sa akin. Kahit pa palagi akong nagbibigay ng problema sa kanya ay iniintindi niya pa rin ako. Kailan man ay hindi siya napagod na suyuin at intindihin ako. Sana lang ay hanggang sa magtagal kami ay ganito pa rin siya.
I know bata pa ako para magseryoso pero I really want this relationship to work. I think he’s the perfect man for me. Hindi ko iniisip na kami na hanggang sa dulo pero walang problema sa akin kung mangyayari iyon. He’s a good man. Wala akong masasabi sa kanya dahil kahit babaero siya noon ay hindi siya naging iresponsable, lalo na sa pag-aaral niya. Nagagawa niya pa ngang pagsabayin ang sports at ang pagiging top student. Bibihira lang ang nakakagawa noon. Hindi na nakapagtataka na mas lalo akong nahuhulog sa kanya. We’ve been together almost every day in the past weeks, yet I never once felt bored when I’m with him.
After a while, Calix’s band was called to perform on stage. My attention immediately turned to the stage. Compared to his usually light and easygoing aura whenever he approaches me, for some unknown reason, he always seems serious and mysterious whenever they performs. It is completely different from his usual self. Iyong makulit at maingay na Calix na sobrang nakakairita.
Bakit kaya? Ganito ba talaga siya kaseryoso sa tuwing tumutugtog sila? Kung sa bagay, noong kumanta siya habang nasa tabing dagat kami ay seryoso din naman siya kahit kaming dalawa lang. Baka ganito lang talag siya kaseryoso pagdating sa pagtugtog… na sa tingin ko ay magandang bagay. At least, seryoso siya sa ginagawa niya at hindi siya naglalaro lang. Alam ko naman na seryoso siya sa ginagawa niya dahil nagre-reflect naman iyon sa performance niya. Kaya naiintindihan ko ang mga humahanga sa kanya at nadismaya nang hindi manalo ang grupo nila dahil totoo namang may talento siya. Mataas lang ang pride ko no’ng gabing iyon at hindi makapayag na hindi makaganti.
Since they started playing, I couldn’t take my eyes off Calix singing so passionately. There were moments when he closed his eyes while singing, as if he truly felt every word he was singing, and judging by the audience’s reactions, they were feeling it too. The song they chose was very emotional, so some of the drunk people even started crying, probably carried away by the music. Now this is what they mean by singing with emotion. I’ve said it many times, I like the way he sings, with emotion… conveying a message beyond just the lyrics.
“This is the first time I’ve heard him sing. He’s truly good,” kumento ni Shan sa tabi ko nang matapos ang unang kanta ng banda. Nilingon ko siya, bahagyang nakakunot ang noo. Hindi ko inasahan na magkukumento siya sa pagkanta mismo ni Calix, hindi sa buong grupo.
“You know the vocalist?” Nagtaas ako ng kilay. Tipid siyang tumango, which is weird…
“How do you know him?” Sa hindi malamang dahilan ay natawa ako.
Magkaiba sila ng circle of friends kaya parang imposible naman na magkakilala sila. Pero parang naalala ko noon na kinausap niya ako dahil nakita niya kaming magkasama sa isang bar. Hindi ko na matandaan pero alam ko na si Calix ang tinutukoy niya noon.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa’yo niyan? What was going on between you and Calix back then?”
My lips parted, and I was taken aback. I didn’t know how to answer his question, but it also felt pointless to deny what was going on between Calix and me back then, and if I didn’t admit it now, it would only make it look like we had an even deeper connection. Ayokong isipin ni Shan iyon.
“We hooked up before,” I said, like it’s not a big deal. Hindi naman talaga big deal dahil marami na rin naman akong naka-hookup noon at ganoon din siya.
“Yeah, I saw you with him that f*****g night,” he said, his jaw clenched.
Nabanggit na niya ito noon pero hindi ko na matandaan kung saan ba iyon o kailan. “Saan?”
Siya naman itong nagsalubong din ang kilay. “What do you mean when? Huwag mong sabihing hindi lang isang beses nangyari iyon?” tila nababahala niyang tanong.
Napairap ako. “Huwag mong gamitin ang past ko sa akin. Kahit kailan ay hindi ko sinumbat sa’yo ang mga naging babae mo noon,” inis kong balik sa kanya. Tinukom niya ang mga labi niya na tila ba pinipigilan ang sariling mainis ng husto.
“Why are you ruining our night? Can we just not talk about our pasts?”
“How could I not, when you can’t take your eyes off him while he’s singing?” puno ng iritasyon niyang balik.
Umawang ang mga labi ko. “What the hell are you talking about? I’m just watching here. Ang sabihin mo, you’re just jealous. My gosh, pati ba naman kay Calix, magseselos ka? Do you think I’d leave you for him? Hindi ako nasisiraan ng ulo para gawin iyon,” I said, laughing, when suddenly my eyes met Calix’s cold gaze. I didn’t realize they had already come down from the stage and were passing by our table. My smile instantly disappeared.
“It’s been a long time, Calix.” Shen even managed to greet him, so I immediately turned to him. What the hell is he doing? Are they even close for him to talk to him like that? Calix stopped in his tracks to give Shan his attention.
“How’s your mom by the way?”
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Calix na tila ba hindi nagustuhan ang pagbanggit ni Shan sa kanyang ina. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Shan ang tungkol sa ina ni Calix. Close ba sila? Hindi ko maalalang nakita ko silang magkasama noon.
“Ayos lang siya. Huwag mo ng problemahin ang tungkol kay Nanay. Worry about your own parents,” tugon naman ni Calix na kinagulat ko dahil tila may laman ang sinabi niyang iyon. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya kami ngunit mabilis na tumayo si Shan mula sa kinauupuan niya upang sundan siya.
“Wait for me here,” Shan told me and immediately followed Calix. Mas lalo akong naguluhan sa nasaksihan ko. What’s going on? Why is Calix talking to Shan like that? Surely he knows that Shan’s father is the president of this country. At talagang iniwan pa ako ni Shan dito para sundan siya na para bang may importante siyang sasabihin dito.
What’s going on? From that brief awkward conversation, I could feel that there’s a deeper connection between them. Were they close friends before? But how? I’ve never seen them together. Obviously, magkaiba sila ng circle of friends. Puro galing sa maimpluwensyang pamilya ang mga nakakasama ni Shan, kaya imposibleng magkaibigan sila or nasa iisang circle of friends lamang sila.
I was still confused when I stood up and headed to the restroom to freshen up. I didn’t know why I'm so bothered right now. Ano naman ngayon kung magkakilala silang dalawa o baka nga magkaibigan pa? I shouldn’t be thinking about that anymore. Whatever is going on between them is none of my f*****g business. Bahala sila d’yan. Pero hindi ko lang talaga makuha kung bakit ganoon kausapin ni Calix si Shan na para bang may halong galit at sarkasmo.
Even after leaving the restroom, what I had witnessed earlier still lingered in my mind. Hindi ko alam kung bakit masyado akong bothered sa nangyari. Maybe I just didn’t expect that they actually knew each other personally. Sino ba naman kasi ang mag-iisip na magkakilala sila o baka nga magkaibigan pa?
A cold, nigh wind blew, and I instictively wrapped my arms around myself, shivering. Ngunit mas lalo lang tumindi ang panlalamig ko nang may sumunggab sa akin mula sa likod. Tinakpan niya ang ilong at bibig ko ng isang panyo. Sinubukan kong pumiglas mula sa pagkakahawak sa akin ng kung sino ngunit kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala o makagawa man lang ng ingay dahil masyadong malakas ang may hawak sa akin. Hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Nagising na lamang ako at ang una kong nasilayan ay ang buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan. Agad akong nakaramdam ng takot nang maalala kung bakit ako nawalan ng malay. Bumangon ako mula sa pagkakahilata at halos mapaigtad sa gulat nang mapagtantong nasa isang maliit na bangka ako at nasa kalagitnaan ng karagatan.
How did I end up here? Who attacked me earlier? I quickly scanned my surroundings, but all I could see was water. That’s when it hit me—I was far from the shore. Panic surged through me. Tiningnan ko ang bawat sulok ng bangka ngunit wala man lang akong nakitang sagwan, so I had no way to steer the boat anywhere. Damn it! Sino ang gagawa nito sa akin? At anong dahilan niya para gawin ito sa akin?
“Help! Help me, please!” Sinubukan kong sumigaw kahit na alam kong imposibleng may makarinig sa akin dahil nasa kalagitnaan ako ng dagat at wala akong matanaw kundi puro tubig lamang. Ni wala akong matanaw na malapit na isla dahil sobrang dilim.
“Please, help me! Nandito ako! Tulong!” Tuloy-tuloy ako sa pagsigaw at paghingi ng saklolo habang niyayakap ang sarili. Giniginaw ako dahil sa malamig na ihip ng hangin at nahahaluan pa ng takot. Hindi ko maisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. I should be celebrating the New Year’s Eve right now, but here I am, in the middle of nowhere, alone, cold and terrified.
I’m already on the verge of tears. Halos mapaos na ang boses ko katatawag ng saklolo ngunit wala man lang dumadating. I don’t even know kung alam na ba ni Shan na nawawala ako at kung hinahanap na ba niya ako. I don’t have my phone with me, so I can’t even call him. I feel so f*****g hopeless. Ilang beses akong nagmura habang bumabagsak ang mga luha ko. Alam kong walang magagawa ang pag-iyak ko sa sitwasyon ko ngayon pero hindi ko mapigilan. Naiinis ako! Naiinis ako na nangyayari sa akin lahat ng ito. Ito na ba ang karma ko sa ginawa ko sa banda ni Calix? Bakit tila sobra-sobra naman ito?
Nang napagod ako sa pagsigaw ay iyakap ko na lang ang mga tuhod ko at sinubsob ang mukha doon. Gusto kong mag-isip ng mga positibong bagay. Siguro naman ay hinahanap na ako ni Shan ngayon. Makikita rin nila ako dito. Kailangan ko lang sigurong maghintay ng konti. Hindi ko maintindihan kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Wala bang security ang resort? At sino ang may motibong gagawa sa akin nito? Ayoko na munang isipin iyon. Ang mahalaga ay walang siyang ginawa sa akin. Suot ko pa rin ang damit ko at wala akong nararamdamang kahit ano sa katawan ko kaya nakakasiguro akong hindi niya ako ginalaw. Pero bakit niya ginagawa ito?
I lifted my gaze to the sky as colorful fireworks began to burst into the sky. Instead of watching them with joy, all I feel now is sadness and fear. The truth hit me again—ampon lamang ako at ang mga kinalakihan ko ay hindi ko pala tunay na magulang. It still hurts every time it crosses my mind. Hindi ko pa rin matanggap. I know thinking about it right now won’t do me any good, but I can’t stop myself from remembering it. Hindi ko alam kung bakit sumasabay pa ito sa mga iniisip ko ngayon. Dapat ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano makakaalis dito at makakaligtas.
Pinanood ko ang bawat pagsabog ng ibat-ibang makukulay na fireworks sa kalangitan. Gusto kong sumigaw upang muling subukang humingi ng tulong ngunit tuluyan na akong napagod. I’m not the type of person who gives up easily, but right now, I can feel the exhaustion down to my bones. Parang nawalan ako ng energy sa lahat ng nangyari nitong nagdaang mga araw. This year has been nothing but one disaster after another and I f*****g hate it!
Habang unti-unting naglalaho ang mga makukulay na ilaw sa kalangitan ay naramdaman ko ang bahagyang paglakas ng alon sa karagatan. Napahawak ako ng mahigpit sa dalawang gilid ng bangka dahil pakiramdam ko ay tataob ito. Napatili ako nang muling umalon ng malakas at tuluyan nang tumaob ang bangkang sinasakyan ko. I forced myself to swim despite the panic taking over me. I clung to the boat, which was now flipped upside down. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi lang dahil sa lamig kundi maging sa takot. Wala akong maramdaman kundi takot. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, naghahanap ng pinakamalapit na isla na pwede kong languyin.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na palutang-lutang lamang hanggang sa wakas ay may matanaw akong isla. It was a bit far from where I was, pero kung mag-iisip pa ako ng matagal ay mas lalo akong mapapalayo doon. Without hesitation, I dove underwater and swam toward it. I swam so fast that I didn’t even think to take a moment to catch my breath. I kept going until I ran out of breath. Agad akong umahon at nagpalutang upang kumuha ng hangin. My chest was rising and falling rapidly as I gasped for air.
But I hadn’t yet rested for long when another wave rose and immediately swept me away. The current dragged me for what felt like forever, and several times I felt my body slam against the rocks. Until eventually, everything turned black.