Kabanata 14

3032 Words
Kabanata 14 Chloe Evans Nang humarap ako sa salamin ay saka ko lang napagtanto ang hitsura ko. I looked so f****d up and Calix saw me like this. Ugh! Kaya siguro kanina pa niya ako pinaglalaruan. I probably look like stupid to him. Bwisit talaga! Pero ano nga bang pake ko sa iisipin ng lalaking ‘yon? He’s not that important for me to worry so much about what he’s thinking right now. Saka sa dami ng iniisip ko ngayon, idadagdag ko pa ba ang lalaking ‘yon? Nag-shower ako at nagpalit bago tuluyang nahiga na. Nakatulala lamang ako sa kisame ng ilang minuto. Iniisip ko ang mga nangyari kanina nang bigla kong mapagtanto na kahit papaano pala ay naktulong ang pangungulit sa akin ng Calix na iyon. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko kanina. Kahit wala naman talaga siyang ginawa kundi ang inisin ako, but somehow it helps. May silbi rin pala ang pangungulit niya. Then bigla na lang nag-flash sa isip ko ‘yong hitsura niya habang kinakanta iyong kantang isinulat niya mismo. Hindi ko maitatanggi na maganda ang isinulat niyang kanta. Mas lalo pa tuloy tumindi ang guilt na nararamdaman ko dahil mas lalo kong napatunayan na deserve nilang mag-champion sa competition na iyon. Fine, I’ll admit it now, he’s really talented. He’s also very passionate. Alam ko. I can see it with the way he sings. “He’s not that bad…” Wala sa sariling bulong ko. “No, actually, he’s good. He’s really good.” Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto ang sinasabi. “f**k! I can’t believe I am saying this.” Agad akong hinila pabalik sa reyalidad nang tumunog ang phone ko at rumehistro ang number ni Mom sa screen. I sighed deeply. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi. Kung ako lang, ayokong sagutin. Hindi ako galit sa mga itinuring kong magulang. Sa totoo lang ay nagpapasalamat pa nga ako sa kanila pero hindi ko lang talaga matanggap na hindi sila ang tunay kong mga magulang. Masakit para sa aking isipin iyon at sobrang hirap tanggapin. Sa huli ay napagdesisyonan kong sagutin na lamang ang tawag. Kinumusta lang naman nila ako at binati ng Merry Christmas kahit na ang totoo ay alam naming hindi masaya ang paskong ito para sa aming pamilya. Sinabi ko sa kanila kung nasaan ako para hindi na sila mag-alala, ngunit pagkatapos ng tawag na iyon ay ang tawag naman ni Shan ang pumasok. Ayokong kausapin siya dahil hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Sobrang gulo ng isip ko at baka mapagbuntungan ko lamang siya ng galit ko. Ayoko namang mag-isip siya ng husto ngayong Christmas, kaya naisipan kong i-message na lang siya upang kahit papaano ay mapanatag siya. Hindi nga lang siya tumigil sa pagtawag kahit na sinabihan ko na siyang mag-uusap kami pagdating niya. Kaya naisipan kong patayin na lang ng tuluyan ang phone ko. To be honest, I want him here. Gusto ko siya dito sa tabi ko ngayon at naiinis ako dahil malayo siya. Naiinis ako na wala siya gayong kailangan na kailangan ko siya. I want to tell him everything… gusto kong ikwento sa kanya ang lahat pero hindi ko magawa dahil nasa malayo siya. Ayokong pag-usapan namin ito sa tawag lang. Gusto ko nasa tabi ko siya. I want to cuddle as I tell him everything. Muling bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. “Please, come home,” bulong ko sa sarili ko na para bang isang dasal. Hanggang sa tuluyan na akong kainin ng antok at makatulog. Kinabukasan ay nagpasya akong maglakad-lakad sa tabing dagat. Maya-maya na siguro ako maliligo sa dagat kapag medyo umaraw. Malamig kasi ang hangin at sigurado akong malamig din ang tubig. Ayokong magkasakit o magkasipon dahil lang pinilit kong maligo sa ganitong panahon. I’m wearing a flowy sundress with my white bikini underneath. May dala rin akong tote bag kung saan nakalagay ang ilang mga kakailanganin ko. I didn’t bother to wear sunglasses since hindi pa naman ganoon katirik ang araw. Wala rin masyadong tao sa paligid. Some of the tourists are probably still asleep because of the event last night. Baka nga umaga na nakatulog ang mga iyon. I was planning to stay here for the entire Christmas break. Ayoko munang bumalik sa Manila at mas lalong ayokong bumalik sa rest house namin sa Baguio. Ayoko munang harapin sina Mom. Maayos at naging tahimik naman ang mga sumunod na araw ko sa resort. Mabuti naman at mukhang umalis na ang grupo ni Calix. Hindi ko na ulit binuksan ang phone ko dahil ayaw ko muna talagang kumausap ng kahit na sino, most especially Damon. Morning of New Year’s Eve, I saw the ever-annoying Calix again. Looks like they’re back again to perform at the New Year’s countdown. “Good morning, Evans,” nakangising bati ni Calix nang magkasalubong kami sa restaurant ng resort. Bigla tuloy akong nawalan ng gana pero ayoko namang masira ang huling araw ko dito, kaya hinayaan ko na lamang siya. “Nandito ka pa rin?” Kumunot ang noo ko at hindi naiwasang mapairap. “Obviously,” walang ganang sagot ko. “Wala ka talagang kasama magbakasyon?” Tumingin ako sa paligid ko. “May nakikita ka bang kasama ko?” Mas lalong lumawak ang ngisi niya. “Hindi lang ako sanay kasi kapag nakikita kita lagi kang may kasama.” Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit ba palagi na lang may napapansin ang lalaking ito sa akin na para bang lagi niya akong pinagmamasdan sa malayo. Umiling ako at hindi na pinagtuunan pa ng pansin iyon. Kumuha na lang ako ng pagkain sa buffet table at dumiretso na sa bakanteng lamesa. Hindi na siya sumunod sa akin dahil sigurado akong alam naman niyang pag-uusapan kami kung may makakita sa aming magkasamang kumakain. In the worst-case scenario, someone could take our photo and spread rumors about us. I can’t let that happen. I can’t afford to be associated with that man. Kaya sana naman ay tantanan na niya ako ng tuluyan. Nang natapos siyang kumuha ng pagkain ay nagtungo siya sa malayong lamesa kung saan naroon ang bandmates niya. After kong kumain ay bumalik na ako sa villa ko upang makapagpalit. I want to swim. This time, I decided to wear my red bikini and just put a cover-up over it. “Miss Chloe, pwedeng magpa-picture? Fan na fan niyo po kais ako,” anang isang babaeng naglakas loob na lumapit sa akin. Ngumiti ako ng pilit. “You’re so sweet, and thank you for the support. However, I am on a private vacation right now, so I hope it’s okay if I don’t take pictures for now. But I really do appreciate you coming over,” I said, refusing to take pictures with her. Kiming ngumiti ang babae tila dismayado sa naging pagtanggi ko. Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at nilampasan na ng tuluyan. “Ang damot naman parang picture lang,” rinig kong bulong niya nang medyo makalayo na ako. Napairap na lamang ako sa kawalan at hindi na pinatulan pa. Tama nga ako. Fan daw. Kung talagang fan kita, alam mo na hindi ako nagpapakuha ng picture kapag nasa bakasyon ako. Stupid. I looked for a spot where there were no people so that no one would bother me while I swam. When I finally found a quiet and perfect spot, I immediately took off my cover-up. I applied sunscreen all over my body before finally heading into the sea to swim. Huminto ako nang nasa hanggang tuhod ko na ang tubig dahil may narinig akong tumawag sa pangalan ko. My eyes widened and my lips parted in surprise when I realized who was standing on the shore, watching me. Mariin ang titig niya sa akin at nakaigting ang kanyang panga na tila ba nagpipigil ng matinding galit. Paano niya nalaman na nandito ako? “Claudia Rae Evans,” he called out my name. From his tone alone, I was sure he was dangerous. Kaya imbes na lumapit ako sa kanta ay nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. “Come here,” aniya sa malamig na paraan. Umiling ako, nagmamatigas. “You don’t really want the easy way, do you? You want to make things difficult, huh? Fine, then, just wait until I get close to you,” may pagbabantang sabi niya. Ngunit imbes na matakot ay mas lalo pa akong naglakad palayo sa kanya. “Chloe!” May iritasyon niyang tawag ngunit hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang lumangoy papalayo. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang may maramdaman akong matitigas na brasong pumalupot sa baywang ko. “Hanggang kailan mo ako balak takbuhan, huh?” May halo pa ring iritasyon sa tono niya. Hinampas ko ang dibdib niya. “Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung bakit bigla ka na lang nakikipaghiwalay? Kung hindi pa ako nagmakaawa sa manager mo, hindi ko pa malalaman na nandito ka. Hindi mo man lang masagot ang tawag ko.” Halata sa kanya ang matinding pagpipigil. Alam kong galit na galit siya dahil sa ginawa ko pero nakikita kong nagsusumikap siyang pigilan ang galit na iyon. “Bitiwan mo nga ako!” Muli kong hinampas ang dibdib niya ngunit nahuli niya lamang ang mga kamay ko. Iginapos niya iyon sa likod ko gamit lamang ang isang kamay niya. “I said, let me go!” Pilit akong pumiglas sa hawak niya pero sadyang mas malakas siya sa akin. “Mag-uusap tayo,” may diin niyang sabi. “Mag-uusap tayo sa Manila! Bakit ka ba nandito? Sabi ko mag-uusap tayo pag-uwi mo.” “Nakauwi na ako. Mag-usap na tayo.” “Hindi dito! Bakit mo ba ako sinundan dito? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako? Talagang sumugod ka pa dito?” Tinignan niya ako ng masama. “Hindi makapaghintay? Ilang araw mo akong binaliw kakaisip ng dahilan kung bakit bigla kang nakikipaghiwalay. Ni ayaw mong sagutin ang tawag ko. Tingin mo makakapaghintay pa ako na makauwi ka ng Manila? You think I could have a peaceful vacation in the States when I don’t even know where in the world my girlfriend is?” Tila pikon na pikon na niyang tanong. “Sinong may sabing girlfriend mo pa ako?” Pairap na sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-iinarte ng ganito. Siguro naiinis lang ako isipin na kaya naman pala niya akong uwian, bakit umabot pa ng ilang araw? “You are the only one who decided to end things. We’re both in this relationship– I didn’t agree to the breakup, so we’re not broken up,” aniya sa matigas na paraan. Tiningnan ko lamang siya ng masama, napagod ng pumiglas. Bakit pa nga ba ako nag-aaksaya ng oras at lakas kung alam kong wala naman talaga akong laban sa lalaking ito. “Can we please talk now?” aniya sa mas mahinahong paraan. Inirapan ko siya. “Please, babe?” Ngumuso siya na tila ba nagmamakaawa. Bumuntong hininga na lamang ako at mukhang sapat ng sagot iyon sa kanya dahil agad na niya akong dinala sa shore. Nang maibaba niya ako sa tuyong bahagi ng dalampasigan ay agad niyang hinubad ang shirt niya. Mukhang hindi na niya iyon nagawang hubarin dahil sa paghabol sa akin. Nakita kong balak niya pang hubarin ang kanyang gray shorts, kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nakita niya iyon kaya tumawa siya at hindi na itinuloy ang binabalak. Kinuha niya iyong towel na dala ko kanina at ipinatong iyon sa balikat ko bago naupo sa likod ko. Mabilis na pumalupot ang mga bisig niya sa katawan ko dahilan upang mawala ang konting lamig na nararamdaman ko. Dito talaga niya balak mag-usap? “What’s our problem?” Pag-uumpisa niya. “Dito talaga tayo mag-uusap?” Naramdaman ko ang pagtango niya. “Yup, here.” Muli akong napairap. “Hindi pwede sa villa mo o sa akin dahil baka hindi tayo makapag-usap ng maayos. Do you seriously think I can just move on that easily from the fact that you’re wearing a red bikini right now while I’ve been longing for you for days?” Hinampas ko ang bisig niyang nakayakap sa akin pero ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. “Why don’t you go and find yourself a new girlfriend who can satisfy your needs?” “No one in this world can satisfy me but you,” bulong niya sa tainga ko. I got goosebumps when he said that, but not in a bad way or anything. Bigla tuloy akong napaisip. Bakit ba nag-iinarte pa ako dito kung gusto ko pa rin naman talaga siya? I guess hindi ko lang talaga mabawi iyong mga nasabi ko sa kanya na hiwalay na kami dahil sa pride ko. Totoo naman na walang sapat na dahilan para makipaghiwalay ako sa kanya. Galit lang talaga ako noong mga panahon na iyon kaya nadamay siya. “Pwede na po ba tayong mag-usap?” aniya, pagkaraan ng ilang sandali na walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakapatong lamang ang ulo niya sa balikat ko habang pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan. “Fine, hindi pa tayo hiwalay,” sabi ko dahil sa totoo lang ay hindi pa rin ako komportableng magkwento sa kanya tungkol sa totoong nangyari. Ewan ko. I want to tell him everything pero hindi ko magawa… Hindi ko maintindihan ang sarili ko. “Bakit ka muna nakikipaghiwalay?” “Sabi ko hindi na nga tayo hiwalay.” “Hindi naman talaga tayo naghiwalay.” “Then, bakit mo pa ako tinatanong n’yan?” “I just want to know the reason why you suddenly want to break up with me.” Bumuntong hininga ako. Talagang hindi niya palalampasin ang topic na ‘to, huh? “Ayokong pag-usapan,” malamig na sabi ko. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya sa likod ko. “It’s fine if you’re not comfortable sharing your problems with me. I understand if you don’t fully trust me yet. But I want you to know that whatever you’re going through right now, I am always here for you. You can tell me anything– I promise, I’ll never judge you. I’m too in love with you to see anything wrong with you,” aniya habang hinahaplos ng kanyang palad ang baywang ko. Alam ko naman na sa aming dalawa ay hindi lang ako ang takot magsabi ng problema. Alam ko na may iniisip rin siyang problema sa pamilya niya na hindi niya magawang sabihin sa akin. Ramdam ko iyon sa tuwing mapupunta ang usapan namin tungkol sa parents niya. Tila ba lagi siyang umiiwas na pag-usapan ang pamilya niya. Kung magkwento man siya tungkol sa pamilya niya, palaging tungkol kay Scarlet lang na hindi naman ako interesado. Akala niya ba ay okay na kaming dalawa ng maldita niyang kapatid? Ni hindi na kami nag-uusap ng babaeng ‘yon pagkatapos ng huling pagtatalo namin. Mas mabuti na iyon dahil ayokong-ayoko talaga ng pumapatol sa mga ganoong tao. “Bakit ang aga mong maligo rito? Kumain ka man lang ba?” tanong niya pagkaraan muli ng ilang sandaling katahimikan. Tumango lamang ako. “Ako, hindi pa,” aniya at inilapit ang bibig sa tainga ko upang ibulong ang mga kasunod na salita. “But I’m not hungry for food…” Kinurot ko ang bisig niyang nakayakap sa akin. Humalakhak siya na tila ba hindi man lang nasaktan sa pananakit ko. “Kumain ka na nga.” “Samahan mo ako, please…” Bumuntong hininga ako ngunit sumang-ayon rin naman sa gusto niyang mangyari. Hinatid niya muna ako sa villa ko bago siya nagtungo sa kanya upang makapagpalit. Nagbihis ako at nag-ayos na rin ng konti bago lumabas muli. Hindi na ako nagpasundo sa kanya dahil malapit na iyong villa niya sa restaurant at hassle masyado kung pupunta pa siya sa akin tapos babalik ulit. Habang naglalakad ako papunta sa restaurant ay nakasalubong ko ang grupo nila Calix. Mukhang nag-eensayo na sila para mamaya. Napansin ko ang matalim na titig sa akin ng isa sa mga ka-banda niya. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin pero halatang-halata ang galit sa tingin niya. Hindi ko na sana papansinin ngunit napansin din yata ni Calix ang titig nito kaya agad na sinaway. Nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglalakad. Naisip kong baka galit ito sa akin dahil sa isyung kumalat sa social media na ako raw ang naging dahilan kung bakit hindi sila nanalo. May katotohanan naman iyon, kaya kung masama ang loob niya sa akin ay magalit lang siya. I don’t really care. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Inirapan ko si Calix nang lingunin ko siya. “Pasensya ka na sa kaibigan ko,” aniya sa seryosong tono. “If he’s still bitter because you lost, he probably would have complained during the show. But I don’t mind if he’s angry or not. Magalit lang siya nang magalit– I don’t really care,” sabi ko at tuluyan na siyang nilagpasan. Pagdating ko sa restaurant ay naroon na si Shan. Tumayo siya nang matanaw ako at sinalubong pa ako ng halik na akala mo naman ay hindi kami magkasama kanina kung umarte. Napatingin tuloy ako sa paligid namin. Marami ang nakatingin sa aming dalawa na halatang kinikilig pa. Ngumuso ako at hinayaan siyang igiya ako sa lamesa namin. “Hindi ako kakain dahil kumain na ako.” Ngumisi siya. “I know, but I still got you some desserts,” he said. Tinignan ko siya ng masama dahil alam naman niyang ayaw na ayaw kong pinapangunahan. “You know I hate it when you’re on a diet. I always want to see you full and satisfied.” “Gusto mo lang akong tumaba,” pairap na sabi ko. “Pwede rin. Para wala ng aaligid-aligid sa’yo,” aniya, may naglalarong ngisi sa mga labi. “Even if I gain more weight, I will still be beautiful,” I said confidently. “For sure,” pagsang-ayon naman niya. Hindi ko naiwasan ang mapangiti pero dinaan ko na lang sa pag-iling. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Hindi mawawalan ng pambobola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD