Kabanata 13

3235 Words
Kabanata 13 Chloe Evans “Ikaw?” Hindi makapaniwala at may halong iritasyong sambit ko. Kung mamalasin ka nga naman. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit ang lalaking ito pa talaga ang makikita ko dito? Ano bang ginagawa niya dito at bakit nandito siya? Nakakainis! Sinusundan yata ako ng kamalasan. Kumunot ang noo ni Calix na tila ba naguguluhan pero sandali lamang iyon dahil agad niya rin akong nakilala. “Evans?” May bakas ng gulat at halong pagkamangha niyang sambit. Napairap ako at muling ibinalik na lamang ang tingin sa karagatan. Kung minamalas ka nga naman. Gusto ko lang naman mapag-isa sana pero bakit sinusundan ako ng kamalasan hanggang dito? At sa lahat, ang lalaking ito pa talaga ang makikita ko. “Leave me alone,” malamig na sabi ko ng hindi siya nililingon. “Ikaw nga.” Humalakhak siya na para bang tuwang-tuwa. Mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon. “Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Mag-isa ka lang ba?” Sunod sunod na tanong niya na akala mo naman ay close kaming dalawa sa isat-isa kung makapagtanong. Gigil ko siyang binalingan. “Do you see anyone with me? Dumbass!” Sa hindi ko malamang dahilan ay naiinis talaga ako sa isang ‘to. Sa tuwing makikita ko siya ay mabilis na kumukulo iyong dugo ko. Mas lalo pang lumakas ang tawa niya, kaya mas lalo lang din tumindi ang iritasyon ko. Baliw na ba siya? “Walang duda. Ikaw nga talaga ‘yan,” naiiling niyang sinabi habang may naglalarong ngisi sa mga labi. Naghubad na ako ng shades dahil wala na rin namang kwenta kung susuotin ko iyon. Mukha lang akong tanga lalo dito. “I said, leave me alone.” Matalim ko siyang tiningnan ngunit hindi man lang siya natinag. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Hindi ba niya ako tatantanan? Sa tuwing magkikita kami ay talagang sinasamantala niya para bwisitin ako. “Hindi kita guguluhin,” aniya bago naupo sa buhangin tulad ko. Pumikit ako ng mariin sa inis. So, wala talaga siyang balak na umalis at iwanan ako dito? “Bakit ka nag-iisa dito? Paskong-pasko, nagmumukmok ka dito,” aniya na akala mo naman ay close kami para magkwento ako sa kanya. Muli ko siyang tiningnan ng matalim. Akala ko ba ay hindi siya manggugulo? Sa dami ng pagkakataon na magkikita kami ng lalaking ito, talagang ngayon pa? Bwisit talaga! “Grabe, pati ba naman ngayong pasko susungitan mo ako? Pwede bang time out muna kahit ngayong gabi lang?” pakiusap niya. Inirapan ko siya at nagdesisyong huwag na lang siyang pansinin. Aalis rin siguro ang bwisit na ito kung hindi ko papatulan o papansinin. Bakit ba naman kasi napakamalas ng araw na ito? Gusto ko lang namang mapag-isa. Bakit ba hanggang dito ay sinusundan ako ng kamalasan? “Hindi mo kasama ang parents mo mag-celebrate ng pasko?” Seriously? Hindi ba niya ako titigilan? Mukha bang nasa mood akong makipagkwentuhan sa kanya? Bakit ba kasi nandito siya? Hindi ba dapat kasama niya ang nanay niyang may sakit? “‘Wag mong sabihing nandito ka rin dahil sa trabaho? Sobrang workaholic mo talaga, ‘no?” Hindi ako sumagot. Bahala siyang mapagod kakasalita d’yan. Hindi ko siya kakausapin. But he’s here because of work? Does that mean they have a gig here? Good for them. Mukhang palagi naman silang may nakukuhang gig kahit natalo ang grupo nila sa competition ng Battle of the band. Kung sa bagay, hindi ko naman maitatanggi na may ibubuga talaga ang banda niya. Sila naman talaga ang pinakamagaling sa competition na iyon. Pero dahil sa pikon ko sa lalaking ito ay natalo tuloy sila. Hindi ko pa rin kasalanan lahat ng iyon. Kung talagang may sariling pag-iisip at desisyon ang mga kasama kong judges, hindi sila magpapa-impluwensya sa kumento ko. “Buti ayos lang sa mga magulang mo na hindi ka nila kasama sa pasko.” Hindi ko maiwasang mas lalong mapasimangot. Kaya nga ako nandito ngayon dahil ayokong maalala ang katotohanan na hindi sila ang tunay kong mga magulang. Tapos ang lalaking ito, walang ibang ginawa kundi ang banggitin ang parents ko. “Kung hindi lang talaga malaki iyong offer sa amin, hindi ko iiwan si nanay sa hospital ngayon. Pero sayang rin kasi. Saka gusto ring kumita ng mga kagrupo ko. Ayaw ko namang maging selfish,” kuwento niya kahit hindi naman ako nagtatanong. Paepal talaga kahit kailan ang lalaking ‘to. “I didn’t ask.” Hindi ko napigilang magsalita. Tumawa siya. “Alam kong hindi mo tinatanong. Gusto ko lang magkwento. Ayaw mo kasing magsalita, kaya ako na lang ang nagkukwento.” Ngumuso siya na tila ba tinatago ang ngiti. “Grabe, ang sungit mo talaga. Hindi ka ba napapagod magsungit? Kahit pasko walang pahinga? Ang mahal siguro ng mga ngiti mo. Tipid na tipid, eh. Sige, mag-iipon lang ako.” Baliw na talaga siya. Hindi ko maintindihan talaga ang takbo ng utak ng lalaking ito kahit kailan. Niyakap ko na lang ang tuhod ko at hindi na ulit siya pinansin. Nag-aaksaya lang siya ng oras dito. Wala akong balak na kausapin siya. “Bakit nga pala nag-iisa ka dito sa dilim? May problema ka ba?” As if naman may magagawa siya sa problema ko kung sasabihin ko sa kanya. Baka pagtawanan niya pa ako kapag nalaman niya ang totoo. “Ayaw mo talag magkwento? Baka mapanis ang laway mo niyan, sige ka.” Bakit ba ang daldal niya? Ganito na ba talaga siya? Hindi ko maaalang naging sobrang close namin para isipin niyang magkukwento ako sa katulad niya. “Alam ko na,” aniya at nilabas ang kanyang gitara. Doon ko lang napansin na dala niya pala iyon. It’s the same old guitar that he used during the competition. Sa dami ng gig nila, wala pa rin ba siyang pambili ng bago? Kawawa naman ‘yong gitara niya. It looks so worn out. Didn’t he feel sorry for it? I don’t think I could ever let my guitar get that beaten up. “Kakantahan na lang kita. May request ka ba?” aniya ngunit inirapan ko lamang siya. He chuckled again, but he also started strumming his guitar. An unfamiliar chord rang out. I looked away, pretending not to be interested in whatever he was playing, but I couldn’t deny how beautiful the piece sounded. I just couldn’t figure out what song it was– it felt like I was hearing it for the very first time. After just a few moments of strumming, he began to sing. Even now, I still find myself in awe every time I hear him sing. I would be a hypocrite if I said he’s not a good singer because he’s actually good, and his talent is undeniable. To be honest, for me kaya niyang makipagsabayan sa mga sikat na singer sa Pilipinas. The way he delivers each note? I can’t help but be in awe. Every word, every tone is filled with emotion as if every phrase tells a story, yet his voice remains calm and controlled, never forced or overdone. It is the kind of expressive, heartfelt singing that feels effortless, yet leaves a lasting impression– something so rare that some other singers cannot achieve. Gradually, I returned my gaze to him. It is really hard not to look at him when he’s singing like this. His expression was serious while his eyes were focused on his fingers as they danced across the guitar strings. For some unknown reason, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I could see how passionate he was when he sang. Somehow, nakikita ko ang sarili ko sa kanya sa tuwing tumutugtog ako. “Baby, you’re a distant sea…” Pumikit siya ng mariin habang kinakanta ang huling verse ng kanta. “Too deep, too bright, too far to reach…” Napaawang ang mga labi ko nang magtama ang tingin namin pero mabilis din akong nakabawi at agad nag-iwas ng tingin. Stupid! Baka isipin ng lalaking ito ay nalilibang ako ng pagkanta niya at humahanga. Baka lumaki ng husto ang ulo nito. Magaling siya, oo, at sigurado akong marami na rin ang nagsabi sa kanya noon pero hindi na niya dapat pang marinig mula sa akin iyon. Nang natapos siyang kumanta ay tumawa siya na parang tanga, kaya muli ko siyang nilingon. Tuluyan na yatang nabaliw dahil hindi ko pinapansin. “Si Queen Elsa ka ba? Natapos na akong kumanta, wala ka man lang reaksyon d’yan. Hindi ba maganda?” Hindi ako sumagot at muling ibinalik ang tingin sa karagatan. Ayaw niya talagang sumuko. Pero bigla akong na-curious kung siya ba ang nagsulat ng kantang iyon. Kung siya man, may talent rin siya sa pagsusulat ng kanta. I’m a composer too. Kaya alam ko na kung ilalabas niya ang kantang iyon ay magiging hit ito. Lalo na at gusto ng mga tao ngayon ang mga medyo malulungkot na kanta. His song is about a hopeless man who fell for a woman far above his reach– a woman he could never have, so he just loves her from afar. A one-sided kind of love… “Sayang sinulat ko pa naman ‘yon para sa crush ko,” aniya na siyang pumukaw ng atensyon ko. Napairap ako at hindi naiwasang sumagot. “Crush? Ano ka, bata?” “O, bakit? Masama ba?” Tumawa siya. “Hindi ko pa pwedeng mahalin ‘yon, eh.” Tumaas ang kilay ko. “At bakit hindi?” May batas ba na nagsasabing bawal magmahal? Ang weird talaga ng lalaking ito. Hindi ko ma-gets ang takbo ng isip niya. “Paano ko mamahalin ‘yon kung hindi nga matapos-tapos ang mga problema ko? Wala pa akong panahon sa kanya. Hindi ko pa maibibigay ang mga bagay na gusto niya lalo na ang oras ko. May mga bagay na kailangan kong unahin at ayusin sa sarili ko. Saka ko na ‘yon mamahalin kapag may ibubuga na ako.” Hindi ko maiwasang humanga sa pag-iisip niya. Kahit papaano pala ay ginagamit ng lalaking ito ang isip niya. Mas responsable pa siya kaysa sa mga magulang na gawa lang ng gawa ng bata. Hindi naman kayang palakihin. “Pwede namang pangarapin muna para dagdag inspirasyon…” “May isip ka rin pala,” panunukso ko. Ngumuso siya at ikinunot ang noo na tila ba na-offend sa sinabi ko. “Sana naisip mo ‘yan bago ka nag-drop out,” dagdag ko. “Huwag kang mag-alala, babalik naman talaga ako sa pag-aaral. Nag-iipon lang. Ang mahal kasi ng tuition doon.” “Hindi ako nag-aalala. At maraming libreng paaralan.” “Alam ko, pero gusto ko talaga doon.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka, at tila ba nabasa niya ang pagtatanong sa mukha ko kaya agad siyang may sagot. “Ewan. Mayabang kasi ako, eh. Gusto kong patunayan sa ama ko at sa asawa niyang minamaliit kami ni nanay na kaya kong magtapos sa kilalang paaralan ng hindi humihingi ng tulong sa kanila.” Mataas rin pala ang pride ng lalaking ‘to. Tama nga si Damon. Kahit sa kanya ay ayaw tumanggap ng tulong ng lalaking ito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait nang maalala ko nanaman si Damon. Ang lalaking itinuring kong matalik t totoong kaibigan… Sinong mag-aakala na kaya pala siya lapit nang lapit sa akin noon pa man ay dahil kapatid niya ako? Inakala ko pa na may gusto siya sa akin. Nakakatawa at nakakadiring isipin na minsan ko siyang hinangaan. “Ang dami ko ng na-share. Kumanta pa ako. Hindi ka man lang ba magkukwento d’yan? Bakit ka nga mag-isa dito?” “Why don’t you just leave me alone?” Muling pagsusuplada ko. “Malungkot kayang mag-isa. Saka ang dilim-dilim dito. Di ka ba natatakot?” Sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw talaga akong tantanan ng lalaking ito. Hindi ko alam kung ano ba kasing kailangan niya sa akin at narito pa siya. Oo, kahit papaano ay nalibang ako sa pagkanta niya pero hindi ko kailangan ng mapaglilibangan. Gusto ko lang mapag-isa. Sabay kaming napabaling sa bandang stage nang magsimulang magbilang ang mga tao. Hindi ko dala ang phone ko kaya hindi ko namalayan ang oras. “5… 4… 3…” Sumabay si Calix sa countdown. Habang ako ay nanatiling walang ganang nakatingin lamang sa kanya. “2… 1… Merry Christmas, Evans,” may ngiting bati niya, kasabay noon ay ang paglitaw ng mga fireworks sa kalangitan. Doon ko na itinuon ang atensyon ko. Marami at ibat-ibang makukulay na fireworks display ang sumabog at nagsilbing liwanag sa kalangitan. Hindi ko naiwasang mangiti sa ganda ng tanawin sa aking harapan. Sayang at hindi ko nadala ang phone ko. Hindi ko tuloy makuhanan ng picture ang magandang tanawin. “Ang ganda.” Nilingon ko siya nang marinig ko siyang magsalita ngunit agad ring napairap nang makitang sa akin siya nakatingin imbes na sa mga fireworks sa kalangitan. “Ang taray nga lang.” “Sino bang may sabing lapitan mo ako dito?” “Hindi ko naman alam na nandito ka. Nag-iisa ka kasi. Paskong-pasko tapos mag-isa ka dito. Ang lungkot naman no’n.” “Why do you care?” Nahinto siya na tila ba hindi niya rin alam ang isasagot sa akin. Inirapan ko na lang muli siya. “Bakit ka ba kasi nag-iisa dito? May problema ka ba?” Seryoso? Hindi pa siya tapos dito? Akala ko ay sumuko na siya sa kakatanong niyan. “It’s none of your business,” I said, coldly. “Alam mo minsan napapaisip ako kung bakit sobrang taray mo sa akin. Akala ko noon ganito ka lang talaga sa mga hindi mo ka-liga. Pero hindi ka naman ganito kay Damon.” “Pwede bang tumigil ka na kakabanggit ng pangalan ng lalaking ‘yon?” Kumunot ang noo niya na tila ba nagtataka. “O, bakit? Magkaaway kayo?” “Wala ka ng pakialam doon. Please, iwan mo na nga akong mag-isa.” Bakit ba kasi ang kulit niya? Hindi na lang niya ako iwan dito. Gustong-gusto niya talaga akong ginugulo. “Wait, don’t tell me, nagmumukmok ka ditong mag-isa dahil magkaaway kayo ni Damon? Anong nangyari? Akala ko ba ‘yong Williams ang boyfriend mo?” Tila naguguluhang tanong niya. Nakitaan ko rin ng pagkabahala ang kanyang ekspresyon na hindi ko maintindihan kung para saan. Anong kinababahala ng isang ito? Napabuntong hininga ako. Bakit ba napakadaldal niya? Mas nakakainis pa siya kaysa kay Shan. Kahit papaano ay mas tahimik si Shan kasama kaysa sa lalaking ito na hindi yata kayang tumahimik kahit sandali lang. Mas mabuti pang tumugtog na lang siya kaysa kung ano-ano ang sinasabi at tinatanong niya. Pero bakit ko nga ba siya ikinukumpara kay Shan? Gusto ko si Shan, kaya kahit nakakainis siya minsan ay natatagalan ko. Pero ang lalaking ito… “Tangina, Chloe Evans, huwag mong sabihing si Damon ang…” Hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi. Gigil ko siyang binalingan. “Hindi, okay? Tigilan mo nga ‘yang iniisip mo. Wala akong gusto kay Damon at imposibleng mangyari ‘yon. Nakakadiri!” Tumigil naman siya pagkatapos ng sinabi ko at nanahimik na lamang which is weird. Bigla na lang siyang tumahimik na para bang may malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay hindi ko na nakayanan at muli ko siyang binalingan. Pakiramdam ko ay iniisip niya talagang may gusto ako kay Damon at nakakainis isiping ganoon ang iniisip niya sa akin. “What the f**k are you thinking? Ang sabi ko wala akong gusto kay—” “Bakit? Dahil ba mahirap lang siya at hindi mo kalebel?” putol niya sa sinasabi ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa biglaang pagseseryoso niya. Ang weird talaga ng lalaking ito kahit kailan. Hindi ko siya maintindihan. “Huwag mo na palang sagutin,” aniya bago pa man ako makapagsalita. Tiningnan ko siya ng masama. Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito? Gusto niya bang palabasin na mapagmataas ako? Na namimili lamang ako ng taong magugustuhan base sa estado ng buhay nito? Pero kung iisipin, totoo naman iyon. Hindi naman talaga ako pumapatol sa lalaking mas mababa ang estado ng buhay sa akin. Bakit naman kasi ako pipili ng lalaking financially unstable? Then, napaisip ako bigla, baka nga totoong mapagmataas ako… Hindi ko naman din talaga mararating ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ng mga magulang ko. Malaking parte sila sa pag-abot ko ng mga pangarap ko. At siguro nga hindi ko mararating ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila. Kung hindi nila ako inampon baka tulad din ako nina Damon at Calix ngayon na nagsisikap umasenso. Pero hindi ko kayang isipin iyon. Hindi ko kayang isipin na wala ako ng lahat ng bagay na mayroon ako ngayon. Hindi ko kayang isipin na maghihirap ako tulad nila. Hindi mangyayari ‘yon. Maaring anak ako ng mga iresponsableng tao… pero hindi ako kailan man tutulad sa kanila. Hindi ako magiging kagaya nila. Hindi ako papayag. Kaya tama si Calix. Tawagin na nila akong mapagmataas pero kailan man ay hindi ako papatol sa mga taong hindi ko ka-lebel. Tumayo na ako at pinagpagan ang suot ko. I’m done here. Mukhang hindi naman ako titigilan ng lalaking ito, kaya aalis na lang ako. Mas mabuti pang magkulong na lang ako sa villa ko kaysa pakinggan ang mga walang kwentang sasabihin niya. “Aalis ka na?” tanong niya. “Obviously,” tanging sagot ko. Tumayo na rin siya at talagang tumulong pa sa pag pagpag ng mga buhangin na dumikit sa damit ko. Tiningnan ko siya ng masama nang maramdaman ko ang kamay niya sa puwitan ko. Mukha namang walang malisya iyon sa kanya pero nainis pa rin ako. Bakit ba kasi siya nakikialam at sinong may sabi sa kanya na hawakan ako? “Arte, parang hindi ko pa nahawakan ‘yan,” aniya, natatawa. “Gosh, anong klaseng pag-iisip meron ka?” gigil na sabi ko. Nakakainis! “Kung makatingin ka kasi sa akin parang minamanyak ka. Tinutulungan lang naman kitang magpagpag.” Tumaas ang kilay ko. “Hiningi ko ba ang tulong mo?” “Oo na, Miss Independent, hindi mo na kailangan ng tulong ng kahit nino. Ikaw na ‘yan, eh.” “Pinaglalaruan mo ba ako?” “Grabe, hindi pa nga tayo, inaakusahan mo na ako n’yan.” Hindi ko napigilang mapa-angil sa naging tugon niya. Ugh! Bwisit talaga ang lalaking ito kahit kailan. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na tinalikuran. Suko na ako. Bahala na siya sa buhay niya. Sinuot ko na ulit ang shades ko para walang makakilala sa akin hanggang sa makarating ako sa villa. “Huy, hindi ka naman mabiro. Sandali, ihahatid na kita,” aniya at talagang sumunod pa. Konti pa, mababaliw na ako dahil sa bwisit ito. “Pwede ba! Tigilan mo na nga ako!” Napalakas na ang boses ko. Bakit ba ayaw niya akong tigilan? Kanina pa siya. Hindi na nga niya ako binigyan ng katahimikan tapos ngayon gusto niya pa talagang sumunod. Matigas talaga ang ulo ng bwisit. Sinundan niya talaga ako hanggang sa villa ko. “Merry Christmas ulit. Good night, Evans,” aniya, nakangiti, bago ko siya tuluyang sinaraduhan ng pinto. Napabuntong hininga ako nang tuluyang nakapasok sa loob. Finally, peace. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko nagtungo sa bintana upang silipin ang labas. Nakita ko ang pagtalikod niya at ang tuluyang pag-alis. Napairap ako. Ang kulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD