Kabanata 12
Chloe Evans
The Christmas break came, nagbakasyon ang pamilya nila Shan sa States kaya buong Christmas break ay hindi kami magkasama. Although, lagi naman kaming magkausap sa phone. I also did not accept any gigs or projects in the meantime because my parents invited me to stay at our rest house in Baguio to celebrate Christmas there. I rarely get to spend time with them, so I agreed and took that as an opportunity to rest as well. A lot has happened this year. I f*****g deserve a break.
However, when I saw Damon talking with Mom at a local coffee shop in Baguio, I was immediately puzzled. I immediately knew there was something wrong. I had no idea what they were discussing, and I was not even aware that they knew each other. They seemed to be talking about something so serious when I approached their table. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay may mali dito. I was very nervous as I walked toward them. Para akong hihimatayin sa bilis ng t***k ng puso ko. I like this coffee shop because it’s not too crowded, so there aren’t many people to bother me. But I never expected to see Mom and Damon here.
Habang papalapit ako ng husto sa pwesto nila ay unti-unti ko ng naririnig ang pinag-uusapan nila.
“Stay away from my daughter. Layuan mo ang anak ko kung ayaw mong–”
“Bakit kailangan niya akong layuan, Mom?”
Agad napatayo si Mom sa kinauupuan niya at maging si Damon. Parehong may gulat sa mga ekspresyon nila nang makita ako. Hindi ba dapat na mas magulat ako dahil ano ba ang maari nilang pag-usapan na dalawa dito? Tapos ang una kong maririnig mula sa aking ina ay ang pagtaboy sa kaibigan ko? Kailan man ay hindi niya ito ginawa sa mga naging kaibigan ko noon. Kahit nga sa naging boyfriend ko ay hindi niya ito nagawa. Kaya bakit? Bakit niya ito ginagawa ngayon? At bakit kay Damon?
“C-Chloe, sweety. What are you doing here?” Halata sa boses ni Mom ang pagkataranta. Hindi ko alam kung para saan iyon. Ano ba ang tinatago niya mula sa akin? Ano ang tinatago nila ng kaibigan ko sa akin? Bakit sila nagtatagpo rito na para bang may lihim sila?
“I asked you first, Mom. Bakit kailangan akong layuan ng kaibigan ko? At bakit magkasama kayong dalawa? May kailangan ba akong malaman?” Sunod-sunod na pagtatanong ko.
Mom’s expression showed even more fear and panic. I didn’t want to stress her further by asking too many questions, so I turned to Damon instead, hoping to get some answers from him.
“What are you doing here, Damon?”
Hinawakan ni Mom ang kamay ko na tila ba gusto akong pigilan. “Chloe, let’s go home. Magpapaliwanag ako–”
Agad ko siyang pinutol.
“No, Mom. Hindi tayo aalis dito nang hindi nasasagot ang mga tanong ko. It’s okay if you cannot answer me right now. I’m pretty sure Damon has all the answers to my questions,” I said, coldly.
Muli akong bumaling kay Damon na mas kalmado na ngayon ang ekspresyon. His jaw tightened, and his lips pressed into a firm line. I could see in his face that he wanted to answer my questions, but whenever he glanced at my mother, he seemed hesitant. I couldn’t help but roll my eyes. This is bullshit!
“Anong nangyari sa dila mo at hindi ka makapagsalita? We’ve shared meals several times, yet you never once mentioned to me that you and my mom know each other. Now, I want you to answer my freaking questions– what are you doing here, and what were you two talking about before I arrived? Answer me!”
“Chloe, calm down,” aniya dahil medyo napapalakas ang boses ko. Alam ko na hindi dapat ako gumawa ng kahit anong eskandalo dito dahil kahit konti lang ang customer ay nasa pampubliko pa rin akong lugar at anytime pwede akong makuhanan ng kung sino. Pero paano ako kakalma kung walang may gustong sumagot ng tanong ko sa kanilang dalawa.
“You want me to calm the f**k down? Then, f*****g answer me!”
“C-Chloe, honey, please… umuwi na muna tayo. Doon ko na ipapaliwanag sa’yo ang lahat. Huwag dito,” ani Mom.
Dahil may respeto pa rin ako sa aking ina ay hindi na ako nagmatigas pa. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“You’ll come with us,” malamig na sabi ko kay Damon.
Nakita ko ang pagkatigil ni Mom na para bang hindi siya sang-ayon na isama namin si Damon sa rest house pero hindi rin ako papayag na umalis dito nang hindi siya kasama. Sobrang dami ng katanungan sa isipan ko at hindi ko na yata kayang maghintay ng matagal upang masagot ang mga iyon. I need answers now.
I couldn’t think of any f*****g reason why my mother would be meeting with my friend here, and asked him to stay away from me. I also had no idea how Damon ended up here– did he follow me? But why would he do that? Why would he follow me here? What reason could he possibly have?
Everything suddenly came back to me–how Damon and I met, how we became close to each other. I used to think he liked me, kaya lagi siyang lapit ng lapit sa akin noon. But he made it clear that he didn’t have any feelings for me, at alam kong totoo ‘yon. Wala siyang gusto sa akin. Sigurado ako doon. But if it’s true that he didn’t like me, why did he approach me that day, and why did it happen several more times after that? He’s not the type to approach someone first.
People say I’m intimidating, which is why my schoolmates, even my fans, don’t usually approach me. But he did– even when we didn’t know each other yet, even though he didn’t come from a wealthy family, he still dared come up to me. I don’t know where he got the confidence to do that. He’s actually not the kind of person who’s easy to approach, either. In fact, many people think he’s a snob because he doesn’t really talk to anyone. But why me? What made him decide to approach me and talk to me that day?
May iba pa ba siyang maaring motibo sa paglapit sa akin?
Hindi na rin nakatanggi si Mom sa gusto kong mangyari at pinagbigyan na akong isama si Damon sa rest house. Pagdating sa rest house ay sinalubong kami ni Dad. Hindi na siya nagulat nang nakita si Damon na kasama namin na tila ba nasabihan na siya ni Mom habang nasa daan kami. Kalmado lamang ang reaksyon ni Dad kumpara sa reaksyon ni Mom na tila sobrang nag-aalala.
“Now, explain,” malamig na sabi ko nang nakaupo na kaming lahat sa sala.
Humugot ng isang malalim na hininga si Mom bago siya nagsalita. “I’m sorry, anak. I’m sorry kung inilihim namin ito sa’yo ng matagal na panahon. Noon pa dapat namin sinabi sa’yo ang totoo, kaya lang natakot kami ng daddy mo. You’re a strong independent girl, natakot ako na baka kapag nalaman mo ito ay tuluyan ka ng mawala sa buhay namin.”
“Malaman ang ano? Mom, pewede bang huwag na kayong magpaligoy-ligoy. Gusto kong malaman ang totoo! Tell me the truth!”
“Chloe, huwag mong pagtaassan ng boses ang iyong ina,” sita ni Daddy.
Pumikit ako ng mariin dahil mahirap din sa akin ito. Hindi ko kailan man gustong pagtaasan ng boses ang sarili kong magulang. I have so much respect for my parents. They are the ones who gave me a good and comfortable life. I could never be rude to them, but I am starting to get impatient and frustrated. I just want to know the truth. Bakit hindi nila maibigay sa akin ‘yon?
“It’s okay, hon. I understand our daughter. This is not easy for her.” Umusog si Mom sa tabi ko at hinawakan ang mga palad ko. Muli akong pumikit. Pilit pinipigilan ang sariling magalit. Bakit ba ayaw na lang nilang sabihin sa akin ang totoo para matapos na ito? Mas lalo lamang nila akong pinahihirapan.
“I know you deserve to know the truth, and I’m really sorry that we kept it from you for such a long time. Chloe, you were adopted. But please know that we have never, even for a moment, seen you as anything less than our own. We have always loved you and treated you as our true daughter. You were never someone else’s child in our eyes, hindi ka kailan man naging iba sa amin. You’re our only daughter, and believe me, your dad and I love you so much. I am so sorry it took us this long to tell you the truth. We just couldn’t bring ourselves to say it because we didn’t want to hurt you. I know finding out about this will surely hurt you.” Huminga siya ng malalim.
My mind went completely blank after what she said. Hindi ko alam kung paano magrereak sa mga nalaman ko o sa mga sinabi niya. It felt as if I had frozen in my seat after hearing her revelation.
“Inaamin ko na naduwag rin kami ng daddy mo. Natakot kami na baka tuluyan mo na kaming talikuran kapag nalaman mo ang totoo dahil hindi mo naman na talaga kami kailangan. You are strong enough to stand on your own without asking for our help. Sweety, we’ve always seen you as our real daughter. Hindi namin makakayanan kung tatalikuran mo kami bilang mga magulang mo. You are our life, sweetheart. Ever since you came into our lives, your dad and I have felt alive again. You brought colors and meaning to our world. We love you so much, our dear daughter.”
Bumagsak ang luha sa mga mata ko ngunit nananatiling walang emosyon ang aking mukha. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman. Ang alam ko lang ay sumisikip ang dibdib ko sa mga narinig mula sa aking tinuring na ina. Tama sila. Sana nakinig na lamang ako. Sana hindi ko na inalam ang totoo dahil hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang katotohanang ito.
Pinunasan ko ang luha sa magkabilang pisngi ko. “Kung ganoon, anong kinalaman ni Damon dito? Bakit kailangan mo siyang palayuin sa akin?”
Malungkot na yumuko si Mom. Tinapik ni Dad ang kanyang likod upang paghingi ng pahintulot na sagutin ang aking tanong. Hindi umimik si Mom kaya si Dad na ang sumugot ng tanong ko.
“He’s your brother. He had been coming to the house even before, hoping to see you, but your mother and I never allowed it. He tried several times to visit, but out of fear that you might leave us, your mother would turn him away every time he came for you. Then one day, he just stopped visiting. Akala namin ay sumuko na siya. We had no idea that you two had become friends at school,” Dad explained.
“Alam mo noon pa lang na magkapatid tayo at hindi mo sinabi sa akin? Kaya ka lapit ng lapit ay dahil magkapatid tayo?” Matalim ang tingin na ibinibigay ko kay Damon.
Hindi ko kayang tanggapin lahat ng sinabi nila. I’m adopted? I didn’t come from a wealthy family, gaya ng lagi kong ipinagyayabang– dahil ang totoo, ampon lang ako. But what I can’t accept most of all is the fact that I came from irresponsible parents. How can I say they were irresponsible? Because if they were responsible, they never would have given me up for adoption. Tangina! Nasusuka ako. What I despise most are people like Damon and Calix’s parents– those who cannot give their children a decent and comfortable life.
I used to look down on people whom I thought weren’t on my level, avoiding anyone who didn’t measure up to my standards, only to realize I’m no different from them. Everything I’ve f*****g discovered today feels like a slap in the face. I was too proud, believing I was above them. But I was wrong. I’m just the same as they are… maybe even beneath them.
No, I can’t accept that. I refuse to accept that I’m on the same level as them. Even though I grew up rich, I worked hard and struggled to achieve everything I have now. I won’t allow myself to be compared to them. I am not poor, and I will never be one. Because I am not like them, I will never be irresponsible like them. But how can I take pride in everything I have accomplished when I know that a huge part of it came from the help of the people I once thought were my real parents?
“Patawarin mo ako, Chloe. I couldn’t bring myself to tell you about this because I didn’t want to disappoint you. I was scared to see the look of disappointment on your face once you found out that I am your brother, at na iisa lang ang mga magulang natin. I know you despise irresponsible parents. I also know how much you hate the kind of life we have. Yes, Mom made mistakes, but Chloe… please know that she was never a bad person.”
“Anong tingin mo sa kanya, Damon, huh? Mabuting ina? What kind of mother gives her own child up for adoption? If she couldn’t handle raising a child, then she shouldn’t have been so f*****g reckless! She’s a w***e!”
Bigo niya akong tiningnan. “Please, don’t say that. You don’t know our mother. Don’t say things you’ll end up regretting.”
“O, talaga? Sorry, ah. Sorry kung hindi ko kilala ang nanay natin,” I said with sarcasm. “Pasensya na kung hindi ko siya nakilala dahil hindi niyo naman ako binigyan ng pagkakataong makilala siya. Pero mabuti na lang din pala. Buti at hindi ko siya nakilala. I am so grateful that I never got to meet your worthless mother!”
“Chloe!” Tumaas ang boses ni Damon.
Naramdaman ko ang paghawak ni Mom sa siko ko. Nanikip ng husto ang dibdib ko. Tangina! Hindi ako dapat nasasaktan ng ganito dahil sa mga walang kwentang tao.
“Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo. Sana pala hindi ko na lang nalaman. Sana pala habang buhay na lang na naging sikreto ang tungkol dito dahil nasusuka akong malaman na galing ako sa iresponsableng mga tao!”
“Please, don’t say that. Hindi ginusto ni mama na ipaampon ka. She had no choice!”
“Kung nag-iisip lang sana siya, hindi na sana niya ako pinagbuntis pa!”
“Please, Chloe, makinig ka muna sa akin. Pakinggan mo muna ako. Don’t talk like that about Mama when you don’t even know what really happened.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Sapat na sa akin ang mga nalaman ko. Makakaalis ka na,” malamig na sabi ko at tumayo na. Tapos na ang usapang ito. Hindi ko na kailangan marinig pa ang ibang detalye. Hindi ko kailangan malaman ang dahilan kung bakit niya ako pinaampon. Sapat na sa akin ang lahat ng nalaman ko. Sapat na iyon upang malaman ko kung anong klaseng ina siya.
“Chloe, please… pakinggan mo muna ang paliwanag ni mama.”
Galit na bumaling ako kay Damon. “Pakinggan? Alam mo kung anong pinakamagandang ginawa ng nanay mo? That’s when she gave me away. Because of that, I didn’t have to live the miserable life you have now, and most importantly, I never had to meet her. Kaya bakit ko siya pakikinggan, Damon? Tingin mo ba gusto ko pa siyang makilala? Ni ayaw kong makita siya. Kaya tigilan mo ‘yang ilusyon mo na pakinggan ko ang paliwanag ng nanay mo dahil kahit kailan wala kong planong makilala siya.”
Hindi na siya nagsalita pa, kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang tuluyan nang umalis. Ngunit sinundan lamang ako ni Mommy.
“Anak, where are you going?”
“Gusto ko mapag-isa, Mom. Don’t worry, hindi ako galit sa inyo ni Daddy. I just wanna be alone.”
Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang paghihirap niyang pigilan ang mga iyon ngunit hindi niya magawa. Hindi ako tanga. Alam kong walang kasalanan si Mommy sa akin. Dapat ko pa nga silang pasalamatan ni Dad dahil binigyan nila ako ng kumportableng buhay at minahal na parang tunay na anak. Pero gusto ko lang talagang mapag-isa muna. Naiinis ako. Nagagalit ako. Hindi sa kanila kundi sa sarili ko at sa tunay kong mga magulang.
“Kung iyan ang gusto mo, anak. But please, update me. Please, gusto kong makasigurong ligtas ka kung nasaan ka man.”
Tumango ako at niyakap ang babaeng tinuring kong tunay na ina. Mahal na mahal ko si Mommy at hinding-hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya. She’s a good mother at ganoon din si Daddy. Ni hindi nila ako pinaghigpitan. Lagi nilang ginagalang ang mga desisyon ko kahit noong wala pa ako sa hustong gulang. Malaki ang tiwala na ibinigay nila sa akin. Lahat ng hilingin at gustuhin ko ay mabilis nilang naibibigay. Kaya paano ako magagalit sa kanila? Hindi ko kaya.
Ayokong bumalik ng Manila pero ayoko rin bumalik sa rest house. Gusto ko lang mapag-isa. Bumuntong hininga ako habang nagmamaneho. Di ko alam kung saan ako papunta. Hindi ko na isinama ang driver ko dahil alam kong gusto niyang mag-celebrate ng pasko kasama ang kanyang pamilya.
I checked in at a resort in Baler, Aurora. It was already dark when I arrived here. I just changed clothes and immediately headed to the seaside to welcome Christmas there. Every Christmas Eve, there’s a countdown event held at the seaside, so that’s where I went. I only wore a hoodie and shades, so no one would recognize me. I probably looked like a lunatic right now, but I didn’t care anymore. I just wanted to unwind. I didn’t want to remember the things I discovered today.
Kanina pa tawag ng tawag si Shan. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina. Gusto kong magsumbong sa kanya pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang aminin sa kanya na mababa lang ang pinanggalingan ko at hindi ako katulad niya na galing sa maayos na pamilya. Ni hindi ko nga magawang tanggapin sa sarili ko na anak ako ng mga iresponsableng tao.
So, I decided to break up with him. Para saan pa na boyfriend ko siya at hindi ko man lang masabi sa kanya ang tungkol sa problema ko? Alam kong masyado akong padalos-dalos. I ended our relationship without any explanation, and I did it over text. Alam kong hindi tama iyon. Pero ayoko muna siyang isipin sa ngayon. Masyadong magulo ang isip ko at galit ako. Maaring pagsisihan ko itong mga pinaggagawa ko pero wala na akong pakialam pa. Bahala na. Basta ayoko na munang makausap ang kahit na sino ngayong gabi. I just want to be alone.
Marami ang tao sa may seaside dahil sa event. May stage din na naka-set-up doon at may mga tumutugtog na banda. Imbes na magtungo ako sa kasiyahan ay minabuti kong maglakad-lakad sa hindi masyadong matao. Rinig pa rin naman ang tugtog galing sa stage pero iilan na lang ang tao sa bandang nilalakaran ko. Unti-unting humihina ang tugtog habang papalayo ako ng papalayo sa mga tao.
Nang sa wakas ay wala na akong masyadong matanaw na tao ay naupo ako sa buhanginan. Wala na akong pakialam kung malagyan ng buhangin ang suot ko. Hindi ko rin naisip na magdala ng sapin na mauupuan. Rinig ko pa rin ang tugtog mula sa pwesto ko pero mahina iyon.
I took off my shades and dropped the hood of my jacket as I didn’t need them anymore. Masyado na akong malayo sa nagkakasiyahang mga tao. Wala ng dumadaan man lang sa banda ko, kaya hindi ko na kailangang magtago pa. A deep sigh escaped my lips as I gazed out at the ocean. Mabuti na lang at maliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituwin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala lamang doon nang maramdaman kong may paparating. Agad kong ibinalik sa ayos ang hood ng jacket at isinuot ko na muli ang aking shades.
“Miss, ayos ka lang ba d’yan?” anang lalaki nang tuluyan itong makalapit sa akin.
Napaawang ang mga labi ko nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
Fuck.