Kabanata 11
Chloe Evans
“I’ll just go to the restroom,” I excused myself from our table.
I am here in BGC for the opening of the new pub that’s owned by one of the good singers I know. I’m with Anais earlier, but I don’t know where she is now. It is always like this when we hang out, sa kalagitnaan ng gabi ay nawawala na lang siyang bigla. Nasanay na ako kaya hindi ko na siya hinahanap kapag nawawala siya. Magpaparamdam na lang ‘yon kinabukasan.
Bago ako umalis sa lamesa namin ay may bandang inimbita upang mag-perform sa stage. Hindi ko na narinig itong tumugtog dahil agad na akong nagtungo sa restroom. Pero natigilan ako nang may marinig na iyak mula sa isang kwarto malapit sa restroom. I got curious, kaya walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang nag-iisang pinto malapit sa restroom.
Bumungad sa akin ang isang pamilyar na babae. Basang-basa ang damit at magulo ang kanyang buhok. Agad siyang napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig nang buksan ko ang pinto. Medyo madilim sa kwartong iyon kaya agad kong hinanap ang switch upang buksan ang ilaw.
“What are you doing here?” I asked her curiously. If I’m not mistaken, she’s an actress too. I’m not sure lang kung saang network. Basta pamilyar siya.
“Ah, n-nasaraduhan lang. S-Salamat sa pagbukas ng pinto,” nakayukong sagot niya at nagsimula nang maglakad patungo sa akin kung nasaan ang labasan.
Ngunit bago pa siya makalabas ng tuluyan ay muli akong nagsalita. “If someone bullied you, tell me. This isn’t my party, but I’m against bullying, and I won’t stay silent about any kind of bullying,” I said. Hindi ako tanga. Hindi lang naman sa school nangyayari ang bullying. Kahit saang trabaho meron noon. Nananahimik at hinahayaan lang ng iba kaya nagpapatuloy. And I hate it!
Hindi ako nagmamalinis. Alam kong masama ang ugali ko pero hindi ako kailanman nanapak ng tao. Then suddenly, Calix face flashed in my head. Well… That’s different. Aminado ako na mali ang ginawa kong pagganti sa kanya.
“Ah, hindi. Aksidente lang talaga na nasaraduhan ako dito. S-Salamat ulit,” aniya at mabilis nang umalis.
Napairap ako at hinayaan na lamang siya. Wala akong magagawa kung siya mismo ay hinahayaan lang ang mga taong iyon na apihin siya. Hinding-hindi ako papayag na may gagawa sa akin no’n. Wala rin naman sigurong maglalakas loob na gumawa sa akin no’n kung ayaw nilang ang buhay nila ang masira.
Nagtungo na ako sa restroom pagkatapos no’n at medyo nagtagal roon. I accidentally splashed water on my face, so my eye makeup got a bit smudged, and I decided to fix it first before heading out. Pabalik na ako sa lamesa namin nang may humila sa akin. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag-reak hanggang sa makarating kami sa… rooftop. May isang ala-alang bigla na lang nag-flash sa isip ko.
“What the f–”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan ako ni Calix. He gave me a deep, hungry kiss that I couldn’t avoid right away because I was caught off guard. My eyes widened in shock at his aggressiveness. His kiss lingered until I finally came to my senses. I quickly pushed him away and slapped him.
Napahawak siya sa kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal at nakakunot ang noong tumitig sa akin na para bang nagtataka pa siya kung para saan ang sampal na iyon.
“You, asshole! Who gave you the f*****g right to suddenly grab me like that? You f*****g scared me!”
Pinahid niya ang namuong dugo sa gilid ng labi niya. Naka-nail extension ako at nasagi siguro ang labi niya nang sampalin ko siya kaya nagdurugo iyon. I crossed my arms against my chest and looked away. He’s still in front of me, and his other hand remains on my back, holding me close.
Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Bakit bigla na lang niya akong hihilahin dito pagkatapos naming hindi mag-usap ng matagal? Isa pa, hindi ba siya galit sa akin sa ginawa ko? Ako ang sinisisi ng iba kung bakit hindi ang banda nila ang nanalo. Hindi ba dapat ay nilalayuan niya ako ngayon? Wala ba siyang mahilang ibang babae, kaya ako nanaman ang naisipan niyang guluhin?
“Hindi mo na pwedeng basta na lang gawin ulit ito,” mariing sabi ko nang hindi sinusuklian ang tingin niya.
Hindi siya umimik kaya napilitan akong ibalik ang tingin sa kanya. Nakataas ang dalawang kilay niya na para bang naghihintay ng dahilan sa sinabi ko.
“I’m in a relationship now.”
Tila napapasong lumayo siya sa akin. Agad naglaho ang naglalarong ekspresyon sa kanyang mukha pagkatapos kong sabihin iyon. Kahit madalas na kaming makitang magkasama ni Shan ay hindi pa namin inamin sa publiko ang tungkol sa relasyon namin kaya nananatiling palaisipan sa mga tao ang totoong estado ng relasyon naming dalawa.
“I’m sorry. Hindi ko alam,” agad na paghingi niya ng paumanhin. Tuluyan na siyang lumayo sa akin at naglakad papunta sa edge railing ng rooftop at sinandal ang mga braso roon.
“Si Williams ba?” Tanong niya nang hindi man lang ako nililingon.
Inayos ko ang dress ko dahil bahagyang nagusot iyon dahil sa diin ng hawak niya kanina. Naglakad ako patungo sa pwesto niya pero hindi na lumapit ng husto. Ginaya ko siya at ipinatong ang mga siko sa railings. Nilingon niya rin ako sa wakas.
Ngumuso ako. “Sino pa nga ba?”
Ngumisi siya. “Kung sa bagay. Imposible naman yatang si Damon ang boyfriend mo.”
Tumaas ang kilay ko. “At bakit imposible?”
“Because I know you’re not the type to pursue someone who is out of your league.”
I fell silent. What he said was somehow true. I am not really the type of person who would seek a guy who isn’t on my level. So, even if I really like someone, if I feel like he doesn’t belong with me or in my world, I still won’t pursue him. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya. Dahil kung talagang gusto niya ako, he’ll do anything just to fit into my world.
“Is that a bad thing?” Tanong ko pagkaraan ng ilang segundong katahimikan.
He turned away from me and looked at the view before us. “Of course not. Tingin ko tama lang ‘yon.”
My forehead creased. Hindi ko inasahan na sasang-ayunan niya ang pananaw ko. Akala ko ay aakusahan niya akong mapagmataas. Kaya nagulat ako na sumang-ayon siya.
“Won’t you accuse me of being high and mighty?” I smirked. Hindi ko alam kung mabait lang ba talaga ang lalaking ito o pinaplastik niya lamang ako.
“Kung ako ang magkakagusto sa’yo, hindi rin ako papayag na mag-settle ka lang sa tulad ko. I’d find a way to be your equal.”
I froze. Hindi ako makapaniwala na parehong-pareho ang iniisip niya sa iniisip ko rin. Dinaan ko na lang sa tawa ang pagkagulat sa sinabi niya. Muli siyang napabaling sa akin.
“Wow! That actually came from you? You don’t even seem like the type who yearns for anyone. I’m pretty sure that even if you like someone, you would never be the one doing the chasing. You’re a player. So, please don’t make me laugh.”
Natigilan siya at napabuntong hininga na lamang. “Wala akong magagawa kung ganyan ang tingin mo sa akin.”
“Bakit? Hindi ba totoo naman? Have you ever been in a serious relationship?”
“Never.” He shook his head.
“See? So, bakit ka nagsasalita na parang ikaw pa ‘yung marunong maghabol pagdating sa pag-ibig? You’re so funny!”
“Wala pa akong karapatang magseryoso. Ni hindi ko pa kayang bigyan ng magandang buhay ang sarili ko, kaya anong karapatan kong manligaw o magseryoso? If you think I’m playing around right now, I have my reasons. At kahit kailan wala akong pinaasang babae. Alam nila ang limitasyon ko. I always make sure my intentions are clear whenever I get involved with someone,” tuloy-tuloy na sabi niya bago huminto at mariing tumitig sa akin. “We hooked up too. Now tell me, did I ever lead you on? Did I ever make you hope for something?”
My eyes widen in fury. Alam ko tinatanong niya lang ang mga ito dahil gusto niyang patunayan na mali ang mga akusasyon ko sa kanya. Pero hindi ko mapigilang mainis sa mga tanong niya.
“See? Hindi naman, di ba? Kasi hindi naman ako gano’n. Aminado ako na gago ako pero hindi ako kailan man nanakit ng babae.”
Umirap ako. “Ikaw, alam mo, minsan mo na nga lang ako kausapin lagi ka pang nakairap. May nagawa ba akong masama sa’yo at ang init ng dugo mo sa akin?”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nanatiling nakakrus ang mga braso sa dibdib. “Pero ayos lang. At least, kinakausap mo na ulit ako ngayon.”
Muli akong napabaling sa kanya dahil doon. Gusto ko siyang awayin pero naalala ko na may atraso pa nga pala ako sa kanya at kahit alam ko na hindi ko naman kasalanan ang pag-drop out niya ay hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty, kaya pinalampas ko na lamang iyon. Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa tanawin na nasa harapan.
“How’s your mother?”
Naramdaman ko ang mabilis na pagbaling niya sa akin na tila ba nagulat sa naging tanong ko. Pinanatili ko ang aking tingin sa tanawin habang hinihintay ang kanyang sagot.
“Totoo ba ito? Nagtatanong ka na tungkol sa akin?” Halata ang pagkamangha sa kanyang tono.
Ginawa ko ang makakaya ko upang hindi umirap. Bakit ba hindi na lang niya sagutin ang tanong ko?
“Minsan okay, minsan hindi,” maikling sagot niya, as if he didn’t want to share much about his mother or his life…
“Bakit ka nag-drop out?”
Matagal siyang nakasagot na tila ba masyado siyang namamangha na nagtatanong ako tungkol sa kanya. Kahit ako ay nagugulat sa sarili ko. Siguro ay dala lang rin ito ng guilt. Aminado ako na may mga bagay akong ginagawa na hindi na tama, but I’m not totally a bad person. Kahit marami ang nagsasabing malamig ang puso ko… Kilala ko ang sarili ko. Siguro ganito lang ako dahil deep inside I’m scared. Takot akong masaktan. I am afraid of getting hurt because I have never actually experience deep pain. Life has been kind to me. Things have always worked in my favor, and I have never experienced failure. Maybe that is why I am so afraid of it, because I know I am not used to such things. I’m not built for it. It’s like an unfamiliar feeling for me, and that’s what scares me the most, that someday, I might get to experience it.
“Kailangan. May sakit si nanay at ako lang ang meron siya.”
“Then why are you here? Huminto ka sa pag-aaral pero nandito ka para ano? Maghanap ng babae?”
Tumawa siya na tila ba nakakatawa ang sinabi ko kahit wala namang nakakatawa doon. Nahihibang na yata ang lalaking ito.
“Naimbitahan lang kaming mag-perform. Ayoko sanang tanggapin dahil alam kong imbitado ka at ma-babadtrip ka lang. Kaso lang malaki kasi ang offer at kailangan din ng bandmates ko ng raket, kaya tinanggap ko na. Sayang din naman.”
“Bakit mo naman naisip na mababadtrip ako kung mag-perform ang banda mo?” Tumaas ang kilay ko.
“Hindi ba mainit ang dugo mo sa banda ko? That’s why we ended up losing the grand finals.”
I was caught off guard that he brought that up, so I couldn’t respond right away. Gosh, halata ba masyado na guilty ako?
“Do you believe the rumors?” For sure alam niya kung ano ang tinutukoy ko.
Nagulat ako nang umiling siya. “Alam ko na ginawa namin ang lahat para manalo pero siguro naman hindi lang kami ang naghirap ng husto para sa kompetisyon na iyon. I think the band that won deserved that championship. All of us worked hard and did our best to win. Kahit binuhos namin ang lahat ng makakaya namin hindi pa rin siguro sapat.”
But they deserved that championship too… ‘Yan ang bagay na hindi ko kayang aminin sa kanya. Mas lalo lang yata akong na-guilty na hindi man lang niya ako sinisisi sa nangyari kahit totoo namang malaki ang naging parte ko para matalo sila.
“Pero kung may ginawa ka man para matalo kami, tinatanggap ko ‘yon bilang hamon. Hindi man ngayon pero alam ko balang-araw magbubunga rin lahat ng paghihirap namin.”
Natahimik na lamang ako at hindi na nagtanong pa. Bakit ko ba kasi kinakausap ang taong ito? Dapat umalis na lang ako kanina. Kaya lang siya ang nagdala sa akin dito. Nawalan na tuloy ako ng ganang bumalik sa loob.
Ilang sandaling katahimikan ay nakita kong nagsindi siya ng sigarilyo. Matalim ko siyang binalingan. “Huwag kang manigarilyo sa harap ko!”
Napatingin siya sa akin. May ngising naglalaro sa kanyang mga labi. Agad niya namang binagsak sa sahig ang kasisindi pa lang na sigarilyo at tinapakan iyon.
“Pasensya na,” paghingi niya ng paumanhin.
Humalukipkip ako. “Bababa na ako,” sabi ko at umambang tatalikuran na siya ngunit agad niyang nahagip ang palad ko.
“Teka lang. Pinatay ko na nga, o. Dito ka muna. Hindi ka ba nagagandahan sa tanawin?”
Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad niyang tinanggal ang pagkakahawak sa palad ko. Kanina pa ang lalaking ito. Basta-basta na lang niya akong hinihila na para bang may karapatan siyang gawin iyon.
“Hindi ko sinabing patayin mo ang sigarilyo. Ang sabi ko huwag kang manigarilyo sa harap ko.”
“Eh, paano ‘yon, gusto pa kitang kasama?”
Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng lalaking ito at ang lakas yata ng loob niya ngayon? Kung sa bagay, kung ano-ano na nga ang ginawa niya sa akin noon. Ganito din iyon. Nasa isang rooftop kami ng isang pub. Ewan kung anong trip ng lalaking ito at ang hilig manghila sa rooftop.
“Nakita ko umalis na ang kaibigan mo. Wala ka ng babalikan doon,” aniya para makumbinsi akong manatili rito.
Umirap ako. “Marami akong kaibigan.”
Ngumisi siya. “Hindi naman lahat ‘yon kaibigan mo. Si Anais lang talaga iyong totoong kaibigan mo doon, hindi ba?”
“You know her?” Hindi ko mapigilang magtanong. Kung sa bagay, kilala nga rin siya ni Anais.
“Si Anais?”
Umirap ako. “May iba ka pa bang nabanggit bukod sa kanya?”
Tumawa siya, kaya mas lalo lang akong nairita. Ito ang dahilan kung bakit lagi akong naiirita sa lalaking ito. Parang pinaglalaruan niya lang ako palagi. Ang hirap kausap.
“Magaling na artista si Anais kaya natural lang siguro na kilala ko siya kahit pa hindi ako mahilig manood ng mga TV shows.”
“You don't know her personally then?”
“Ah, matagal na kasi ‘yon. Hindi ko alam kung tanda pa niya pero naipakilala na rin kami sa isat-isa noon.”
Tumaas ang kilay ko. Kaya pala kilala siya ni Anais. Naipakilala sa isat-isa, huh? Tsk! Pareho silang malandi, kaya posible rin na may nangyari na sa kanila. Pero ano nga bang pakialam ko? Buhay nila iyon. Labas na ako kung anuman ang pinaggagawa nila noon.
“Paano mo nasabing siya lang ang tunay kong kaibigan doon?” Muli kong ibinalik sa pagkakahalukipkip ang mga braso ko.
“Siya kasi ang madalas kong makitang kasama mo. Pero nakita kong umalis na siya kanina,” aniya na tila ba binabantayan niya ang kilos ng kaibigan ko.
Bigla akong nakaramdam ng iritasyon sa hindi ko malamang dahilan.
“Just don't suddenly grab me like that again. I already have a boyfriend, and I don't want people thinking I am cheating on him.”
Ngumisi siya at agad na tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. “Congrats nga pala sa inyo,” aniya na hindi ko alam kung sarkasmo. “Bagay kayo,” dagdag pa niya na ikinairita ko lang.
Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na mag-stay pa doon. Iyon na yata ang pinakamatagal na naging pag-uusap namin ng lalaking ‘yon. Hindi ko rin alam kung paano ko ba siya natagalan no'ng gabing iyon. Basta ang alam ko lang ay kada may sasabihin siya ay hindi ko mapigilang mapairap. Bwisit pa rin ako sa kanya pero siguro dahil na rin sa guilt na nararamdaman ko, kaya kahit papaano ay nato-tolerate ko na ang presensya niya.
Sinundo ako ni Shan ng gabing ‘yon at hinatid pauwi sa condo. Nasanay na rin naman ako na gano’n siya. Kaya lang kung minsan ay parang nawawalan na ng trabaho ang driver ko. Lagi na lang kasi siyang nandyan. Kahit sa pagpasok sa school minsan ay sinusundo pa ako ni Shan sa condo para lang maisabay. Hatid sundo niya ako kahit saan pa man ako magpunta. Kahit sa mga gig ko ay hindi siya nagpapahuli. Lagi siyang naroon sa lahat ng ganap ko sa buhay, kaya rin maingay ang usap-usapan sa social media na kami na nga talaga kahit wala pang confirmation mula sa ibang dalawa. Halata na rin naman kasi. Kahit sa school ay tila wala naman siyang tinatago. Hindi naman din talaga namin tinatago ang relasyon namin. What you see is what you get. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa amin. I don’t really care.
After that night on the rooftop with Calix, I never saw him again. I guess, wala na ring magiging dahilan para magtagpo pa ang mga landas namin dahil nag-drop out na siya. Wala na rin akong balita tungkol sa kanya. Nagkikita pa rin kami minsan ni Damon pero never akong nakibalita sa kanya. Para saan pa? But I kept sending help to his mother anonymously. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para hindi kainin ng konsensya ko.