Kabanata 10

3224 Words
Kabanata 10 Chloe Evans “Bakit kailangan mo pang alamin kung saan naka-admit ang nanay ng lalaking iyon? Don't tell me you're guilty?” Tanong ng manager ko nang tanungin ko kung saang hospital naka-admit ang nanay ni Calix. “N-No, I just want to help. Hindi ba mas mabuti na iyon para hindi lumala ang isyu? Kung tutulong ako at gumaling ang nanay niya, makakalimutan na rin ng mga tao ang tungkol dito.” Wrong. Alam kong mali iyon. Kung tutulong ako mas lalo lamang akong magmumukhang guilty. Pero hindi ko naman kaya na walang gawin. “Nababaliw ka na ba? Nag-iisip ka ba? Kapag tinulungan mo ang lalaking iyon, mas lalo kang magmumukhang guilty. Ang tama mong gawin ay ang manahimik na lamang. Mawawala rin ang issue na ito lalo na kapag lumabas na ang music video mo.” Napapikit ako ng mariin. Hindi ko kayang manahimik na lamang dito at walang gawin. “Saka bakit sobrang concern ka sa issue na ito? Sa mga past issues mo naman ay wala kang pakialam. Bakit tila sobra kang nag-aalala sa isang ito?” Napailing ako kahit na hindi naman ako kita dahil hindi naman kami naka-video call. “I'm not. Calix is a friend of one of my closest friends, so I just wanted to help in any way I could.” “If you really want to help him, there are other ways. You can do it secretly. He doesn't even have to know the help came from you.” “Yes, please. Let's do that. I really want to help.” I am used to helping others. Kaya hindi na nakakapagtaka para kay Anna ang pagtulong ko sa ina ni Calix. Marami akong tinutulungan. Mostly mga bata sa ampunan dahil alam kong hindi naman nila ginustong mapunta sa ganoong sitwasyon. Naging biktima lamang sila ng mga taong iresponsable. Hindi ko talaga maiintindihan kung paano natitiis ng isang magulang na maghirap ang kanilang mga anak. “You know, even with the way you are, you really have a good heart,” komento ni Anna. Tumaas ang kilay ko. “And what do you mean by the way I am acting?” Humalakhak siya at agad nang nilihis ang usapan. “Basta ako na ang bahala. I’ll make sure na makakaabot ang tulong mo sa batang iyon at sa kanyang ina.” Napabuntong hininga ako. “Thanks, Anna.” “Nga pala, kumusta ang huling araw niyo? May nasagap akong balita na kayo na raw?” I can’t help but roll my eyes again. My assistant had probably already gossiped to her about what happened on that island between me and Shan. Not that I could really hide anything from my manager anyway, she’s got eyes everywhere when it comes to me. The only person close to me that she cannot get any information from is my driver. I have already trained him not to say a single word to my manager. Mabuti na lang at loyal sa akin ang driver ko. The next day, Shan kept his word that we wouldn’t have lunch together. He just sent me an update about where he was eating. Meanwhile, I was meeting Damon at the school cafeteria. Madalas na kaming makitang magkasama kahit noon pa, and I guess it was no longer a big deal to our schoolmates. Baka nga iniisip nila na nagpapaturo ako sa lalaking ito dahil hindi ko naman maitatanggi na genius talaga itong si Damon. But I don’t actually need his tutoring or any help from him. I am confident that I could pass all my subjects without anyone’s help, even with my tight schedule. In fact, the more projects I received, the more motivated I became to work hard. “Ano ba kasi ‘yang ibibigay mo?” Tanong ko agad pagkalapag niya ng pagkain namin sa lamesa. Siya na ang umorder para sa akin. Palaging ganito kapag siya ang kasabay kong kumain. Siya rin ang nagbabayad ng pagkain naming dalawa kahit na alam niyang mas may pera ako sa kanya. Hinahayaan ko lang siya dahil alam ko naman ang pakiramdam kapag mataas ang pride. If I were in his shoes, I wouldn’t be comfortable letting a woman pay for me either, even if we weren’t a couple and she could easily afford it. “Pinapaabot ni Calix,” aniya sabay abot sa akin ng isang necklace. Agad ko naman itong nakilala. Ito ‘yong necklace na naiwala ko at hindi ko na maalala kung saan ko ba naiwala. What happened between Calix and me on the rooftop of some pub comes back to me. I can’t be mistaken, I was wearing this necklace that night. So probably, that’s where he found it, too. My face grew hot as the memories of that night came rushing back. I wanted to bury those moments and forget they ever happened. Every time I think about that night, I can’t help but feel annoyed and disappointed in myself for letting my emotions take me over. Noong gabing iyon rin mas tumindi ang galit ko para kay Calix, which led me to think of getting back at him, though in the end it all backfired on me. “Paano napunta kay Calix ‘yan?” Damon asked in confusion. My face flushed even more. I took a sip of my drink and composed myself. I shouldn’t be this affected because of that night. Mas lalong hindi pwedeng mahalata ni Damon na may kakaibang nangyari no’ng gabing iyon. “I don’t know. Why didn’t you ask him?” Ngumuso ako at sinimulan ng galawin ang aking pagkain. “Wala siyang sinabi. Pinaabot niya lang.” Tumaas ang kilay ko. “Bakit, hindi siya ang mag-abot? Utusan ka ba niya?” Umiling siya at nagkibit-balikat. “Pag nilapitan ka ba niya papansin mo?” He smirked dahil alam naman niyang mainit talaga ang dugo ko sa kaibigan niya. Come to think of it, I actually haven’t been paying attention to him lately whenever we run into each other. Lagi kong sinusubukan na iwasan siya kapag nakikita ko siya kahit saan. He even texted me, but I just blocked his number because I don’t want to remember what happened that freaking night. He rejected me, and I felt so f*****g stupid that night! I had never been the one to initiate s*x before. That was the first time it happened. And that asshole had the guts to turn me down? I can never accept that. Kaya sobra ang galit ko noon to the point na gustong-gusto kong makaganti sa kanya. “Hindi na rin niya maabot sa’yo ‘yan dahil nag-drop out na si Calix.” Natigilan ako at napaawang ang mga labi sa ibinalitang iyon ni Damon. Nag-drop out? Si Calix? Pero bakit? Kailan pa? “Nag-drop-out? Why?” Hindi ko naitago ang pagkagulat sa aking tanong. Akala ko ba nagsisikap ang lalaking iyon para sa kanyang ina? Bakit niya pababayaan ang pag-aaral niya kung ganoon? Ilang semester na lang ang tatapusin niya. Bakit kailangan niya pang huminto? Ang tanga talaga ng lalaking ‘yon kahit kailan. Hindi ginagamit ang isip. Palibhasa puro babae ang laman ng utak. “Natanggal siya sa scholarship program last semester. Sarili niyang ipon ang ginamit niya para lang magpatuloy this semester pero mas lumubha ang lagay ng nanay niya kaya nagdesisyon na lang siyang huminto na muna. May balance pa kasi siya sa school na kailangan niyang bayaran. Gusto kong tumulong sana pero ayaw naman niyang tanggapin ang tulong ko.” Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Kaya ba siya sumali sa competition na iyon ay para mabayaran ang balance niya sa school pati na rin ang bayarin sa hospital ng kanyang nanay? Pero natalalo sila dahil sa akin… Ibig sabihin ba nito ay dahil sa kagagawan ko kaya siya napilitang huminto sa pag-aaral? Hindi ko na magawang kumain pagkatapos ng mga impormasyong nakuha ko mula kay Damon. Hindi ko maitatanggi na sobrang guilty ako sa mga nalaman ko. Masyado ba akong sumobra sa pagganti? Napahiya at naapakan lang naman ang pride ko pero ang laking bagay pala sa kanya ng naging balik ko. Gusto kong mainis at sisihin ang sarili ko. Masyado ko nanamang pinairal ang emosyon ko kaya nangyari ang lahat ng ito. Bakit ba hindi ko makontrol ang sarili kong emosyon pagdating sa lalaking iyon? It feels like whenever he's involved, my emotions become so intense to the point na hindi ko na ito makontrol. Gosh! I hate this feeling! Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi dapat ako naaapektuhan ng ganito dahil lang sa lalaking iyon. Dapat ay wala akong pakialam kung anuman ang mangyari sa buhay niya. Oo, guilty ako sa nangyari sa kanya dahil alam kong may kasalanan ako pero hindi ko na dapat iniisip pa ito ng sobra o pinag-aaksayahan man lang ng oras. Hindi ko naman kasalanan na nawalan siya ng scholarship at may sakit ang kanyang ina. Kaya bakit ko sinisisi ang sarili ko sa lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay niya? Siguro natanggalan siya ng scholarship dahil nagpabaya siya. Hindi ko na kasalanan iyon. Responsibilidad niya bilang scholar ang alagaan ang grades niya. Kasalanan niya kung bakit siya natanggal sa scholarship program at labas na ako doon. “Nasaan ba ang kanyang ama at bakit tila siya ang umako ng lahat ng responsibilidad ng isang magulang?” Tanong ko nang nakabawi rin sa wakas mula pagkakagulat. “Pareho lang kami ni Calix na hindi nakasama ang ama mula pagkabata.” Napairap ako. Isa nanamang irresponsible parent. “Hindi ko talaga maintindihan kung paano natitiis ng isang ama ang iwanan ang mga anak nila. Maswerte ako sa mga magulang ko dahil responsible parents sila. Kailan man ay hindi ko naranasang maghirap dahil sa kanila.” Tumagal ang titig sa akin ni Damon bago siya nag-iwas ng tingin na para bang may hindi magandang naalala. Sandali lang iyon pero kitang-kita ko ang pagdaan ng pait sa mga mata niya. Naging masyado ba akong insensitive sa sinabi ko? Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil baka kung ano pa ang masabi ko nanaman. Tahimik lang talaga si Damon at hindi madalas magsalita kaya kailangan mo pang magbato ng magbato ng tanong para lang mapagpatuloy ang inyong usapan. Kahit may pagkatahimik ay para sa akin hindi naman siya suplado. Marami ang nagsasabi na suplado siya at hindi raw namamansin pero para sa akin siya ang pinakamabuting taong nakilala ko dito sa campus. Siguro hindi lang siya makasabay sa iba rito dahil iba ang kinalakihan niyang buhay kumpara sa majority ng mga students dito. Karamihan ng mga students dito ay galing sa mayayamang angkan o ma-impluwensyang pamilya. Tulad na lang ng magkapatid na Williams. “Bakit ba kasi dito niyo pa naisip mag-aral? Marami namang disenteng state university na pwede niyang pasukan. Para hindi na kayo nahihirapan ng sobra,” I asked curiously. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa kanyang kinakain. “May rason ako kung bakit ako nandito.” Tumaas ang kilay ko bago natawa. “Anong rason naman ‘yan?” “Kumain ka ng kumain. May pasok pa ako kaya kailangan ko rin agad umalis,” aniya. “Ang galing umiwas sa tanong. Ano kayang rason ‘yan. Don't tell me dahil sa babae ‘yan?” Inis niya akong tiningnan at napailing. “Wala ka naman yatang ibang babaeng nilalapitan dito kundi ako. Ang sabi mo hindi mo naman ako gusto, kaya sino?” “Hindi iyan ang rason kung bakit ako nandito, okay?” “Eh, ano?” “Basta. Kumain ka na lang.” Umirap ako at hindi na siya kinulit pa. Minsan kapag ayaw niya talagang magkwento, hindi mo siya mapipilit kaya ayokong mag-aksaya pa ng oras. Hinayaan ko na lang siya. Pero hindi pa ako sumusuko sa topic na ito. Malalaman ko rin kung ano ang rason kung bakit dito niya napiling mag-aral. “Si Damon ang sinasabi mong plano mo ngayong araw?” Bungad sa akin ni Shan ng sunduin niya ako sa last subject ko. Marami ang mga matang nakatingin sa amin dahil sa patuloy na kumakalat na isyung kami na raw. Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa sasakyan niya habang siya ay nakasunod lang sa likod ko. Alam naman na kasi niya ang sagot sa tanong niya, nagtatanong pa. “Why are you always with that guy?” Nagkibit-balikat ako at nanunuyang tiningnan siya. “Why do you think?” “Ugh! Do not look at me like that, nawawala ang inis ko.” I can’t help but roll my eyes. “Baliw ka na,” I said, shaking my head. “Damn! Why are you so beautiful?” Napabuntong hininga na lamang ako dahil nag-uumpisa nanaman siya sa kakornihan niya. Hindi ko talaga inakala na ganito ka cheesy ang lalaking ito. Hindi dumaan ang araw na magkasama kami na hindi siya naging ganito. “Akala mo ba dahil maganda ka ngayon makakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin ngayong araw? Hindi ka sumabay sa akin ng lunch para sa lalaking ‘yon.” “My gosh! He is my friend. Talagang pagseselosan mo ‘yong taong matagal ko na ring kaibigan?” “Kaibigan, huh? Iyon rin ba ang tingin niya sa'yo?” “Of course! Huwag mo ngang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Damon.” “I can't help it. Every time I see you, you’re always with him. You have plenty of friends here on campus, so why is it that he’s the one you’re with most of the time? “My god, Shan! Iba ang close mo lang sa kaibigan mo talaga. Iba si Damon sa kanila. I know and I can feel that he's a genuine friend.” “Really, huh? Sana lang ay gano’n din ang tingin niya sa'yo.” “Pagdududahan mo talaga kaming dalawa ni Damon?” “Hindi kita pinagdududahan. May tiwala ako sa'yo pero–” Agad ko siyang pinutol dahil alam ko agad kung ano ang sasabihin niya. “Pero sa kanya wala? That's so stupid. If you truly trust me, hindi ka mangangamba ng ganito. But I get it. It's understandable dahil bago pa lang tayo at wala ka pang tiwala sa akin. Kung gusto mo itigil na lang natin ito–” agad niya akong pinatahimik sa pamamagitan ng isang halik. Hinampas ko ang dibdib niya dahil sa gulat at iritasyon. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. “Oh my god, Calix! Akala ko hindi ka na babalik.” I couldn’t help but turn toward the direction of the voice when I heard that name. Then I saw him. He was wearing a white t-shirt and denim jeans, the fabric of his top embracing his hard chest and biceps. A white cap sat on his head, casting a shadow across his face, making it difficult for me to see his eyes properly. Akala ko nag-drop out na siya? Bakit nandito pa siya? “Uh, hindi. May kinuha lang akong gamit sa locker ko,” sagot niya sa babaeng tumawag sa kanya. Hindi ko na napakinggan ang sunod na pinag-usapan nila dahil hinila na ako ng tuluyan ni Shan. “Can you really blame me for wanting to keep you to myself? I want you all to myself, babe. Akin ka lang dapat. I want to be the only man who gets your attention and your time. I want to be the only man who’s always by your side. It frustrates me just thinking about another guy getting your attention. I understand that this relationship is still new, but you know that my feelings for you aren’t. Baka nakakalimutan mo na noon pa kita gusto.” Hindi ko nanaman maiwasang mapairap sa mga inamin niya. But I appreciate his honesty. At least, hindi siya takot sabihin kung ano ang totoong nararamdaman niya. May mga bagay siyang nasabi na hindi tama at alam niya iyon sa sarili niya pero sinabi niya pa rin because he wants to be honest with me. At sa totoo lang, napahanga niya ako roon. “Do I sound obsessed?” Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang isipin kung anong gusto niyang isipin. “I probably sound obsessed.” Bumuntong hininga ako. “Fine! Para matigil ka sa paghihinala mo, sumama ka na lang sa amin kapag magsabay ulit kami.” Dahan-dahang umangat ang gilid ng mga labi niya para sa isang ngiti. “Kung ganoon, pwede na rin ba akong sumama sa mga gig mo?” Tumaas ang kilay ko. “Ano naman ang gagawin mo roon?” “I want to watch my girlfriend doing her passion.” “Tsk! Baka gusto mo lang akong bantayan.” “Gusto ko laging nasa tabi mo.” As usual, umiral nanaman ang kakornihan niya. I made a face and shook my head. Good thing you’re smokingly hot. Hinatid niya ako sa condo ngunit hindi pa siya nakuntento kaya doon na rin siya naghapunan. Um-order lang kami ng dinner namin dahil hindi ko na kayang magluto pa. Sobra akong napagod ngayong araw sa hindi ko malamang dahilan. Nasa school lang naman ako the whole day pero parang pagod na pagod ako. Siguro sobrang na stress lang ako sa mga nakwento ni Damon kanina. Alam ko hindi ko dapat pinagtutuunan masyado ng pansin iyon. Hindi naman ako ang naglagay sa kanya sa ganoong sitwasyon kaya bakit ako ang nai-stress ng ganito ngayon? “You look tired. Come on, hatid na kita sa kwarto mo,” ani Shan at nauna nang tumayo mula sa couch. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong samahan sa kwarto ko. Hindi naman ako bata na kailangan patulugin. Nang hindi ako tumayo ay inabot niya ang kamay ko at marahang hinatak patayo. Hinayaan ko lang siyang gawin kung ano ang gusto niya. Hawak ang kamay ko ay dumiretso siya sa kwarto ko. First time niya lang rito sa condo ko pero kung umasta siya ngayon ay parang dito na siya nakatira. “I don't want to sleep yet.” “But you look tired. Nagpapahinga ka pa ba?” “Magbabasa lang ako sandali at matutulog na rin agad pagkatapos.” Nanliit ang mata niya sa akin na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko kung hindi ako matulog agad? “Hindi ako makakatulog agad. Kailangan kong magbasa hanggang sa antukin.” “Meron akong alam na paraan para makatulog ka agad,” he said with a meaningful grin while wiggling his eyebrows like a f*****g idiot. Hinampas ko ang dibdib niya. Napakapilyo ng bwisit na ‘to kahit kailan. “Umuwi ka na nga!” “Uuwi ako kapag natulog ka na.” “Bakit ba pinapatulog mo ako agad? Ang aga-aga pa.” Ganito ba kapag may boyfriend? Hindi ko maalala na ganito iyong una kong naging boyfriend. Kung sa bagay, masyado pa kaming mga bata noon. Para lang kaming naglalaro. Ito… Parang hindi ko kayang sabihin na naglalaro lang si Shan o ako man. I sincerely like this man. Lalo ngayon na mas nakikilala ko siya. Hindi siya arogante tulad ng inakala ko noon. He's actually a nice guy. Kahit pilyo ay alam kong may respeto siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD