Kabanata 9
Chloe Evans
We stayed in Coron for five days, but my team went home on the fourth day. Only Shan and I were left in Coron, along with my assistant and his bodyguards, which you could hardly notice since they always stayed hidden and kept their distance. Siguro ay hindi komportable si Shan tuwing nariyan sila ngunit wala siyang choice dahil marami ang banta sa kanilang pamilya.
Our last day in Coron turned out to be a special one. I admit, I was truly happy to be with him. Whenever I was around him, I never felt bored. Masaya lang talaga siyang kasama. He’s also not a dull conversationalist because what he says actually makes sense, even though I am usually the one who ends up talking and sharing more about myself. Madalas siyang magtanong ng kung anu-anong bagay sa akin, but when it’s my turn to ask him, his answers are short. I don’t know if that’s just how boys are, or if he's hiding something from me. But I don’t want to overthink. Kung hindi siya kumportableng magkwento tungkol sa sarili niya, then bahala siya. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa pamimilit sa kanyang magkwento.
It was a sunny afternoon at the beach. Marahan ang hampas ng alon sa karagatan, and a few people are having fun in the distance. And here I am sitting on the sand, wearing my shades, while Shan is busy building a small sandcastle beside me. Pinanood ko lang siya habang binubuo niya iyon.
Last day na namin ito at kailangan na naming bumalik sa Manila bukas ng umaga. Gusto ko pa sanang magtagal ngunit hindi pwede dahil may trabaho pa ako at school na kailangang isipin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko naman ang ginagawa ko.
Ngumisi siya nang natapos sa ginagawa at naupo sa tabi ko. Maghapon na kaming magkasama. Kanina ay nag island hopping kami at kung anu-anong activities ang sinubukan namin. Hindi ko alam na magaling rin pala ang lalaking ito mag surfing. Lahat na lang ba ay alam niya? May hindi ba siya kayang gawin?
“You know, this castle’s missing something,” he said, grinning.
Nagtaas ako ng kilay. “What?”
“This sandcastle is missing a queen.” He winked.
Natawa ako dahil mukhang alam ko na kung saan nanaman papunta itong mga kalokohan niya. Lagi na lang talaga siyang may baon na banat. Para sa womanizer na tulad niya, sobrang cheesy niya. O baka ganito niya kinukuha ang mga babae niya.
“Then go find one,” kibit balikat kong tugon.
Nilapit niya ang sarili sa akin at nakangising tinitigan lamang ako. “Nasa tabi ko na pala siya,” aniya habang nakangisi pa rin ng pagkalawak-lawak.
I raised my eyebrow. “Who said I want to be your queen?”
“But you already are,” mabilis na tugon niya.
“Oh my gosh! You’re so cheesy,” natatawang sabi ko.
“Pero gusto mo.”
“You wish!”
“Really? Then prove me wrong. Look me in the eyes and say you dislike me.”
“Oh, you’re so annoying!” Umirap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
He chuckled and moved even closer to me, invading my personal space. I have no choice but to look back at him. Our faces were so close that with just one wrong move, our lips would touch. I couldn’t stop myself from staring at his lips, while he, on the other hand, was gazing intently into my eyes.
“Say it now,” he said, almost a whisper.
I unconsciously bit my lip. I was very tempted to kiss him. It felt as if there was a magnetic force pulling me toward him. I want to have a taste of his lips again. Hindi ko pa maalis sa isipan ko iyong unang beses na hinalikan ko siya. I want his kiss so badly.
“Just kiss me, you idiot,” I said in annoyance, and without hesitation, he seized my lips in a deep, passionate kiss.
Pumalupot ang mga bisig niya sa baywang ko habang hinahalikan ako. He kissed so passionately that I felt like I was melting in his arms. I couldn’t stop myself from returning his kisses. I didn’t understand how he managed to kiss me so calmly when I was already gripping his hair, pulling him closer to deepen the kiss. I wanted to kiss him so deeply until we both ran out of breath, na para bang ako pa itong mas uhaw sa halik sa aming dalawa.
I was very disappointed when he stopped. I shot him an annoyed look, but he just smiled, his eyes still heavy and dazed. We were both panting, struggling to steady our breathing, yet I found myself wanting to kiss him again, as if my thirst for his kisses could never be satisfied.
Sinubukan kong halikan muli siya ngunit bahagya siyang lumayo kaya mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon. Bigla akong may naalalang tagpo sa ginawa niya. I really hate it when someone resists or rejects me.
“What are you doing? Kiss me,” inis na utos ko sa kanya. Nanghihina siyang ngumiti. Kita ko ang paglandas ng tingin niya sa aking mga labi. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkasabik sa aking halik pero hindi ko maintindihan kung bakit niya pa pinipigilan ang sarili.
“Make it official first. Say that you belong to me now,” napapaos niyang sabi bago pinagdikit ang aming mga ilong.
“Hindi mo ako pag-aari,” mariing tugon ko.
“Baby, I am going crazy wanting to kiss you, but no matter how much I want to, I won’t, not until you tell me you’re mine.”
Napairap ako. Nakakainis rin talaga ang lalaking ito kahit kailan.
“Fine, I’m your girlfriend now,” I said na para bang hindi iyon ang plano ko noong una pa lang.
Of course, I will be his girlfriend. Walang ibang babae ang pwede niyang maging girlfriend kung hindi ako lang.
“Tell me you’re mine,” tila nagmamakaawang sabi niya.
“Nope,” pagmamatigas ko at sinubukan siyang halikan muli. Hindi na rin naman siya nanlaban pa at ginantihan na rin ang mga halik ko.
I'll be his girlfriend pero hindi ako papayag na maging pag-aari ng sinuman.
I woke up when I felt a gentle kiss on my forehead. A smile formed on my lips as I slowly opened my eyes. I found Shan sitting next to me, already dressed, and there was food placed on the side of the bed. I still felt exhausted, but the smell of the food made me hungry.
“What time is it?” Tanong ko dahil nakababa lahat ng kurtina sa buong kwarto at hindi ko matanaw kung maliwanag pa ba.
“It's nine o'clock. I didn't want to wake you up so you could rest until tomorrow, but I knew you'd be hungry.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tuluyan nang bumangon. I'm so hungry. Kahit nakatulog ay ramdam ko pa rin ang pagod sa mga ginawa namin buong araw. Lalo na iyong… Nag-init ang buong mukha ko nang maalala ang nangyari kanina sa amin.
Hindi ko na nga matandaan kung paano kami umabot dito sa kwarto. He's a good kisser. Hindi ko maikakaila iyon at hindi lang siya sa halik magaling. Sa halos lahat yata ng bagay ay magaling ang lalaking ito. Masyadong naging mabilis ang lahat pero wala akong pakialam. I like him and obviously he likes me too, kaya bakit pa papatagalin ang lahat? Isa pa, hindi naman na ako virgin para magpabebe pa. Isa pa, independent and responsible akong tao. I have my own money. Walang mapipintas ang mga tao sa akin if one day mabuntis man ako, na hindi rin naman mangyayari dahil alam ko kung ano ang limitations ko. Hindi rin ako papayag na may mangyari sa amin ng walang protection. Hindi ako tanga para sirain lahat ng pinaghirapan ko. I'm still very young at masasabi ko na nasa point ako ng buhay ko na malaya kong nakukuha at nagagawa lahat ng gusto ko.
“Do you want to extend our stay here?” he asked while I was sipping on my glass of water.
I immediately shook my head in disapproval. “No, I can't. I need to attend class.”
Ngumisi siya at kumuha ng tissue upang pahiran ang gilid ng labi ko. Natigilan tuloy ako dahil sa ginawa niya at na-conscious ng bahagya. Kanina pa ba iyon doon?
My gosh! Nakakahiya! Ganoon ba ako kagutom na hindi ko namalayan ang dumi ko na kumain?
“I'm just really hungry,” paliwanag ko kahit wala naman siyang sinabi.
“Uh-huh,” tanging naging tugon niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Pero hindi rin nakatiis at nagtanong na.
“Bakit? Gusto mo bang mag stay pa rito? Pwede naman. You can stay here at mauuna na ako.”
Agad siyang umiling bilang pagtanggi. “No way. Sabay tayong uuwi. Ihahatid kita sa condo mo.”
Natawa ako. “I have a car with a driver.”
“So? I'm your boyfriend. It's now my responsibility to drive you home. Hindi ako papayag na hindi ako ang maghahatid sa'yo sa condo mo. Baka kung saan ka pa pumunta.”
Mas lalo akong natawa. “So, anong balak mo? Paghihigpitan mo na ako ngayon? Ikukulong o kokontrolin ang pag-alis ko? Tsk! Ayoko pa naman sa lalaki iyong nakakasakal.”
“I won’t do that to you.”
“Then, anong ibig sabihin mo sa sinabi mong baka kung saan pa ako pumunta?”
“I don't care kung saan ka pa pumunta as long as kasama mo ako.”
“Hindi ba parang nakakasakal naman iyon? Lagi ka ng nakabuntot sa akin kung ganon? Kung nasaan ako, nandoon ka rin dapat? Hmm…”
Pumikit siya ng mariin bago ako iritadong tiningnan. “Fine! I won’t do that. But please sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta sa tuwing may lakad ka.”
I smirked. “Hindi ko alam na clingy ka pala as a boyfriend.”
“I never had a girlfriend before.”
“That means sa akin ka lang ganito.”
Naglaho ang iritasyon sa mukha niya nang makita ang nanunuya kong ekspresyon.
“Sa'yo lang.”
Ngumuso ako upang pigilan ang malawak na ngiti. Dapat lang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag kasama ko ang lalaking ito. Hindi naman ako dating ganito. Ngayon konting bagay na sabihin niya ay hindi ko mapigilang mapangiti.
“Pero gusto mong mag-stay pa dito?” Balik ko sa pinag-uusapan namin kanina.
Tumango siya. “I want us to stay here for a few more days,” he said with a serious tone.
I want that too, but I know my priorities. Umpisa pa lang ay alam ko na kung anu-ano ang mga bagay na dapat kong unahin at hindi ito ‘yon. I'm too young to prioritize love over my dreams. Masyado akong maraming pangarap para sa sarili ko at kahit malayo na rin ang narating ko ay hindi pa sapat iyon. Marami pa akong bagay na gustong maabot.
A lot of people think I'm too strict with myself. But isn't that just right if you really want to achieve your life goals? How can you reach your dreams if you always let yourself do whatever you feel like doing?
Besides, I don't want to end up like other people who lost their dreams just because they prioritized their young hearts over their goals. I know better. Hindi ko sila hinuhusgahan sa mga naging desisyon nila sa buhay dahil choice nila iyon. Siguro maswerte lang talaga ako dahil umpisa pa lang alam ko na kung ano ang mas makakabuti para sa akin at ano ang hindi.
They say falling in love is one of the greatest things that can happen to someone, and I won’t deny that. But I’m also aware it's the very thing that can break you and stir up all sorts of emotions in you. Love has a huge impact on people, especially on the youth. So if you don't learn to control your intense feelings, it can end up breaking you completely.
“I really can't.”
Tumango siya ng nakangiti kahit na alam kong pilit lang. “Alam ko. Ayos lang magkikita naman tayo sa school. Sa akin ka ulit sasabay mag-lunch, okay?”
Natigilan ako dahil naalala ko ang message sa akin ni Damon noong isang araw. May ibibigay daw siya sa akin pero hindi niya maibigay dahil hindi niya ako makita palagi sa campus. Kaya nangako ako sa kanya na magkikita kami ng lunch break para maibigay na niya kung anuman iyong gusto niyang ibigay.
“What? Hindi pa rin pwede?”
“May plano ako no'n. Sa ibang araw na lang tayo magsabay.”
Bumuntong hininga siya at bigla na lang akong kinabig palapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakapag-react nang halikan niya ako.
“If that’s the case, susulitin ko na lang ang gabing ito,” aniya bago ako sunod-sunod na inatake ng halik.
I laughed and tried to break free from his kiss. “Hey, we're not done eating yet.”
“I'm craving something else now,” napapaos niyang sabi bago ako muling halikan.
Napangisi ako sa pagitan ng mga halik niya ngunit hindi na rin naman tumutol pa at nagpaubaya na ng tuluyan.
“Kayo na ba ni sir, miss?” anang assistant ko nang mapansin ang kakaibang closeness namin ni Shan.
Hindi na rin naman siguro maipagkakaila iyon dahil masyadong obvious itong si Shan. Since we woke up this morning, he hasn’t done anything but stay close to me, and whenever he gets the chance, he steals kisses. Hindi ko alam na ganito pala siya kapag nagka-girlfriend. Mabuti na lang talaga at ako ang first girlfriend niya. Hindi ko kailangan magselos sa isiping may ibang babae siyang ginawan ng mga bagay na ito. Hindi rin naman ako iyong tipo ng babae na mabilis magselos. I'm self-secured. Wala akong makitang rason para pagselosan ko ang ibang babae. If he ever does something foolish and decides to cheat on me, then goodbye. I don’t need to make things hard for myself or feel jealous over someone.
Ngumiti lamang ako sa assistant ko bilang tugon at nagtitili na ito sa sasakyan. Nagtataka tuloy si Shan nang makabalik ito at hindi pa rin kumakalma ang assistant ko.
Gaya ng pangako ni Shan hinatid niya kami ng assistant ko sa condo at nagpaalam na rin agad siya dahil kailangan ko pang magpahinga. May pasok na bukas sa school at kailangan ko pang magbasa kahit katatapos lang ng exam.
Naligo muna ako bago ako nahiga sa kama. Hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong magbasa muna ng mga messages from my friends. Inuna ko na iyong galing kay Anais.
Anais:
Uy, totoo ba? Kayo na raw ni Shan Williams?
Napairap ako. Ang bilis talagang sumagap ng chismis ng babaeng ito. Kauuwi lang namin pero tila may nakarating na agad na balita sa kanya na kami na ni Shan. Kung sa bagay, marami rin naman ang nakakita sa amin sa Coron. Baka may kumalat na rin na mga litrato namin sa social media.
Me:
Saan mo naman nasagap iyan?
Mabilis ang naging reply niya.
Anais:
Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong? Basta! May nasagap lang akong balita somewhere. Ano na nga? Kayo na ba talaga o landian lang ang lahat ng ito?
Napairap ako dahil halatang kating-kati ang babaeng ito sa chismis dahil hindi na nakapaghintay ng sagot ko at tumawag na talaga. Natatawang sinagot ko naman agad ang tawag niya.
“Ano na, girl? May balak ka bang magkwento o gusto mo na akong mategi dito kakahintay ng chika mo?” Bungad niya pagkasagot ko ng tawag.
I laughed and had no choice but to tell her everything that happened in Coron. The b***h couldn’t believe it; she probably thought I was joking. Not satisfied, she even went to my condo para lang makumpirma kung nagsasabi ako ng totoo. And of course, she brought some alcohol with her. This girl, really, hindi talaga mawawalan ng alak kapag siya ang kasama mo. Naghahanap lang yata ng kasama uminom ang babaeng ito, eh.
“Nga pala, may rumors sa social media ngayon na ikaw daw ang dahilan kung bakit natalo ang banda ni Calix. They said you manipulated the other judges’ scores, that’s why Calix’s band didn’t win, even though it was obvious that their band was the best among all the finalists.”
Halos maubo ako sa iniinom kong alak nang sabihin iyon ni Anais.
“What?” Gulat na tanong ko. “Saan nanggaling ‘yan?”
She sighed. “Sabi ko na nga ba hindi mo pa alam ‘tong chismis na ‘to, eh. Sobrang saya siguro ng trip niyo sa Coron at hindi mo na naisip magbasa ng mga updates sa social media! Noong isang araw pa ‘yang issue na ‘yan.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam na may kumalat pala na ganitong issue. Usually, kapag may mga issues ako ay binabaliwala ko lang dahil hindi naman totoo. Pero this time, guilty ako kaya hindi ko magawang ipagwalang-bahala lang. Pero paano kumalat ang issue na ‘yon?
“For sure, mga tagahanga ng banda ni Calix iyong nagkakalat ng issue. Hindi matanggap na natalo ang hinahangaang grupo, kaya nagkakalat ng fake news.”
Natahimik ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon dahil sa totoo lang ay nag-aalala ako. Hindi ko alam kung bakit iniisip ko ito ng sobra. Alam ko naman na hindi nila mapapatunayan ang akusasyon na iyon laban sa akin. It’s hard to prove that I manipulated the other judges’ scores—unless I admit it myself. Bagay na hinding-hindi ko gagawin. Hindi pa ako nasisiraan ng bait.
“The issue blew up because Calix’s mother is in the hospital, and I heard her condition is serious. The prize money from the show was supposed to be used for her treatment, but since they lost, mas maliit ang natanggap nilang pera at kailangan pa nila itong paghati-hatian.”
Natulala ako. Hindi ko magawang magsalita o mag-react man lang sa mga narinig ko mula kay Anais. What if totoo nga na gagamitin ni Calix ang prize money para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit tapos pinatalo ko lang ang grupo nila dahil sa personal kong galit sa kanya?
Nang makaalis si Anais ay agad kong tinawagan ang manager ko upang alamin ang kabuuan ng isyu mula sa kanya. Pinayuhan niya ako na huwag ng isipin pa iyon dahil hindi naman daw mahalaga iyon. Mahirap patunayan ang mga bintang ng mga tao dahil miski ang mga kasama kong judges ay hindi aamin na totoo ang mga bintang na iyon. Their credibility is also on the line if they admit that they allowed me to manipulate them. Saka may sarili silang mga isip. Choice nilang pakinggan ako, kaya bakit nila isisi sa akin lahat ng ito?