Kabanata 8

2745 Words
Kabanata 8 Chloe Evans At last, the date we had agreed on finally happened. I didn't expect Shan to prepare so much for this date. Guess what? He just rented the whole restaurant beside the beach. We're here in Coron together with my team to shoot the music video and naisip kong dito na rin gawin iyong date na napagkasunduan namin ni Shan. Biglaan lamang ito kaya hindi ko akalain na makakapaghanda siya ng sobra para sa gabing ito. I was really impressed that he reserved the whole restaurant for us. Laging fully booked ang restaurant na ito, which is why I was really amazed when I found out that we have the entire place only for ourselves. Kung sa bagay, magugulat pa ba ako? He's from an influential family. Parehong mga magulang niya ay galing sa pinakamalalaking pangalan sa bansa. He's even the presidential son, kaya bakit nga ba naman ako magtataka kung nagawa niyang ipa-reserve ang buong restaurant na ito para sa aming first ever official date? Lihim akong napapangiti dahil paniguradong kaiinggitan nanaman ako ng lahat kapag kumalat ang tungkol sa gabing ito. Ngunit sa tuwing titingin siya sa akin ay nagpapanggap akong tila wala lang ang lahat ng ito sa akin. Na para bang hindi man lang ako na impress sa hinanda niyang ito. But the truth is I was really amazed by everything he planned. Kahit sa mga pagkaing hinanda sa amin ay hindi ako nadismaya. Lahat ng iyon ay nagustuhan ko. Hindi ko alam kung tinotoo niya ba iyong paggawa ng journal ng mga paborito ko dahil lahat ng sinerve sa aming pagkain ay talagang nagustuhan ko. Ilang beses na rin naman kaming kumain sa labas pero hindi ko naisip na talagang tinitake notes niya ang mga kinakain ko. Maging sa pagpili ng inumin ay hindi siya nagmintis. Ang hirap aminin pero totoong napahanga niya ako ngayong gabi. Kanina pa nga ako nagpipigil na halikan siya. Kung wala siguro ang mga staffs ng restaurant ay baka kanina ko pa siya nasunggaban ng halik. He looks even hotter in my eyes now. Hindi ko maiwasang mapangisi ng palihim. Akin ka na simula ngayon. “You have a good set of parents,” komento niya matapos naming mapag-usapan ang tungkol sa mga magulang ko. He's always like this when we're together. Lagi siyang nagtatanong tungkol sa akin na para bang sobrang interesado siya sa buhay ko. When we're talking, I always feel like he's so eager to know me more. Honestly, I feel the same towards him. And I have never felt this way about anyone before. Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng interes sa buhay ng ibang tao. I valued my time so much. Pero kay Shan, willing akong maglaan ng ilang oras para lang kilalanin siya. It's hard for me to admit it, but I truly like him. He's the best man for me. We're perfect for each other. Kaya sisiguraduhin kong mas lalo kang mababaliw sa akin, Shayden Williams. “You talk as if your parents are not the best when in fact, you have the president of this country as your father and the first lady as your mom,” I said, smirking. Ngunit isang tipid na ngiti lamang ang naging tugon niya sa sinabi kong iyon. Hindi ko tuloy maiwasang malito sa nakuhang reaksyon mula sa kanya. I'm not dumb. Alam ko kapag may mali na. May problema ba siya sa mga magulang niya? Pero ano naman kaya ang pwedeng maging problema ng lalaking ito sa mga magulang niya. Sa pagkakaalam ko, he's father is a great politician. “Is there a problem?” “You don't know my parents yet,” he said, faking a smile. “What do you mean? Your father is the president of the Philippines. Paanong hindi ko sila makikilala?” Natatawang tanong ko pero mas nangingibabaw ang pagkalito sa sinabi niya. “I don’t want us to talk about my parents. I didn't date you just to talk about them.” “But you asked me about my parents first!” Giit ko. “Because I wanna know everything about you.” “At ikaw? You don't wanna share anything about yourself?” “Why? Don't tell me you're interested in knowing me,” he chuckled. “I know you damn well, Chloe. I know how you valued your time. Hindi mo ito sasayangin para lang kilalanin ang isang tao.” Nawala ang ngisi niya nang makitang nakatitig lang ako sa kanya at wala man lang reaksyon sa komento niya. “What?” “I thought you were smart? Do you really think I'd let you date me just for nothing? You're right, I truly valued my time, kaya bakit ko naman iyon sasayangin sa date na ito?” Kunot ang noo niya sa pagtataka. “Aren't you here because of our agreement? You want me to shoot your music video, so I asked for a date in return.” Tila litong sabi niya. Napairap ako. “Stupid. I have lots of friends who are good actors. Why do you think I asked for you even though I know you're not interested in stuff like this? You’re not even in show business!” Bumakas ang gulat sa kanyang mukha na para bang may napagtanto. “Gosh!” I rolled my eyes as I shook my head. Para sa playboy na tulad niya, nakakapagtakang hindi man lang niya naisip ang dahilan ng pagpili ko sa kanya bilang leading man. Unti-unting gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi. Muli akong napairap at nag-iwas na lamang ng tingin sa kanya dahil titig na titig siya ngayon sa akin na para bang maglalaho ako sa paningin niya kung hindi niya ako babantayan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang taong ito. Tila ba sobrang mangha siya sa kanyang napagtanto. Baliw! Akala mo naman hindi ko alam na halos araw-araw siyang nakakatanggap ng confession sa mga babae. I sipped on my wine, and when I looked at him again, he was still staring at me, grinning. “So, Chloe Evans is interested in me… Tama ba ako?” aniya na tila ba isang malaking sikreto ang kanyang natuklasan at hindi niya halos mapaniwalaan. “Do you like me too, Chloe Evans?” He chuckled. Why does he seem so happy? Na para bang ngayon lang may nagka-interes sa kanya. Kung sa bagay, hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi naman ako basta-bastang nagkakagusto sa kung sino lang. For sure he’s too proud of himself right now. “You look so stupid,” puna ko sa kanya dahil hindi na mabura-bura ang ngiti sa mga labi niya. “So, totoo pala talaga?” “What?” Lito kong tanong. “Na kapag suplada ang babae sa'yo, ibig sabihin gusto ka niya.” Hindi nakuntento at nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. “Eh, sobrang suplada mo sa akin. Ibig sabihin ba nito ay gustong-gusto mo rin ako?” Hindi ko maiwasang mapairap muli. Hindi niya talaga palalampasin ang pagkakataong ito para manukso. Mabuti na lang talaga gwapo siya at gusto ko siya. Kung ibang lalaki siguro itong nanunuya sa akin ay baka kanina ko pa nilayasan sa asar. “So, technically speaking, between the two of us, you're the one who made the first move…” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at muling nairita. “You, jerk! I didn't make the first move! What the f**k are you talking about?” “You asked for me. It means nagpapapansin ka sa akin,” he said, smirking. “Oh, really? Kung ganoon, i-cancel na natin ang shoot. Maghanap ka ng ibang date mo!” Inis na sabi ko, nakaamba ng tumayo nang hawakan niya ang kamay ko. Ang lawak ng ngisi ni gago na para bang waging-wagi siya. I hate it when he’s like this. It feels like he’s making fun of me. “Grabe, hindi ka naman mabiro. I was just kidding.” “You’re not funny,” I said, still annoyed. Kung hindi ka lang hot! “I know you didn't make the first move. Ako naman talaga ang unang nagpapansin sa'yo. Actually, matagal na nga ‘yon. Pinagkalat ko na ikaw lang ang babaeng gusto ko at sinadya ko ‘yon para makarating sa'yo. Mukha namang effective dahil nandito na tayo ngayon,” aniya, hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi. Kahit yata sa pagtulog ng lalaking ito ay nakangiti pa rin siya. “You know what? For a playboy like you, you're so cheesy.” “Anong playboy? Hindi ako ganoon, ah. Sa ating dalawa ikaw nga itong playgirl.” At talagang nanuro pa siya, ah? Excuse me, I am not a playgirl. Malinaw sa mga nakasama kong lalaki kung ano lang ang gusto ko. Never akong nagpaasa. Kung may umasa man, kasalanan nila ‘yon dahil hibang sila. Bakit naman nila iisipin na magseseryoso ako sa mga katulad nila? I will only be serious to those people who are my equal. “What are you talking about?” “Ayoko ng pag-usapan. Naiinis lang ako kapag naaalala ko iyong mga naging lalaki mo,” aniya, biglang naglaho ang tuwa sa mukha. Ako naman ang natawa. “As if you didn't play with your girls.” “Hey, I didn't play with them. All the women I've been with knew my intentions from the start. It was purely to satisfy physical needs. I never gave them false hope.” Tumaas ang kilay ko. Pareho lang naman kami pero bigla akong nairita ng maalala ang mga naging babae niya. Ang tagal na pala niya akong gusto pero nakuha niya pang tumikhim ng ibang babae kaysa… nevermind. I don’t want to seem bitter. That's so stupid. I am Chloe Evans, walang lugar ang jealousy sa isang katulad ko. “So, the rumours are true, huh?” His forehead creased. “What rumours?” “That you're not into serious relationships,” I said before I sipped on my wine. “But with you it's different.” “For sure,” I said, rolling my eyes. I know. Wala kami rito ngayon kung alam kong makikipaglaro lang sa akin ang lalaking ito. Pero ang loko, akala yata sarkasmo ang sinabi ko. “Hindi ka naniniwala? I have never dated any woman before. This is the very first time I did all of these for a girl. But it's okay if you don't believe me now. Marami naman akong oras para patunayan sa'yo na seryoso ako dito. I wanna be your boyfriend, Chloe,” aniya, biglang naging seryoso. “Not just a random boy you fuck.” “We never f**k,” pagtatama ko sa kanya. Ngumisi siya. “Not yet, baby. And we won't f**k– we'll make love.” “Oh, come on! Where's the fun in that?” “You'll see. After I make love with you, you won't ever think about other boys anymore.” “Uh-huh?” Alam kong masyadong mabilis ang lahat pero gaya nga ng sabi niya, mahalaga ang oras para sa akin kaya bakit ko patatagalin pa? Magkahawak kamay kaming bumalik sa hotel na tinutuluyan namin. Mula pa sa restaurant ay hawak na niya ang kamay ko at hindi na niya ito binitiwan pa. Nananamantala yata ang lalaking ito dahil hindi ko naman siya sinisita. Hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. What’s the point na pigilan pa siya kung gusto ko rin naman talaga siya? That’s kinda stupid. Nilakad lang namin ang hotel mula sa restaurant dahil walking distance lang naman iyon at masarap ding maglakad-lakad sa shore. Malamig ang hangin at puno ng bituin ang kalangitan. Suot ko ang suit jacket ni Shan kaya hindi naman ako masyadong nilamig. Hindi ko alam pero magaan ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon. I feel like that moment is perfect. Hindi ganito ang pakiramdam kapag ibang lalaki ang kasama ko. “Magpahinga ka na. Maaga tayo bukas, di ba?” Aniya nang ihatid ako sa kwarto ko. I smiled and closed our distance. His eyes slightly widened from amusement. Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa nakuhang reaksyon mula sa kanya. Gosh, he’s so handsome. I totally get why there are a lot of girls begging for his attention. Sinong hindi magpapaka-desperada para sa katulad ni Shan? Well, ako siguro. I am not the type of girl who will beg for a boy’s attention. I hooked my arms around his nape and tipped my toe to reach his lips. Then I gave him a feathery kiss just to tease him. Halos sumunod ang labi niya nang umatras ako. Pumikit siya ng mariin na tila ba nagpipigil habang may sumusugat na ngiti sa kanyang mga labi. I smiled too. I know he liked it, and he obviously wants more. But that’s all you’ll get right now. Nang dumilat siyang muli ay madilim na ang mga mata niya pero may sumusugat pa ring ngiti sa kanyang mga labi. “How am I supposed to sleep now, huh? Tell me, baby.” Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. “I don’t think that’s my problem anymore. Sweet dreams, Shan.” I winked as I opened the door to my room and went inside. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nasa shower. Hindi ko kailan man naisip na makakaramdam ako ng ganito para sa isang lalaki. He’s really something… Iba talaga siya kumpara sa mga lalaking nakasama ko. Siya lang ang tanging nakapagparamdam sa akin ng ganito. Parang nag back-fire sa akin ang lahat. Ako naman ngayon ang hindi makatulog. Nakakainis! Hindi ako nagkaganito kanino man. Ganito pala ang pakiramdam kapag gusto mo talaga ang isang tao. You cannot sleep thinking about them… “Good morning, Miss,” anang assistant kong si Alice nang pagbuksan ko siya ng kwarto. “Morning, Alice,” I smiled back. “Blooming kayo, miss. Mukhang naging maganda ang date niyo ni sir Shan kagabi, ah?” puna niya na mas lalong nagpalawak sa ngiti ko. Naupo ako sa harapan ng vanity mirror habang nakangiti pa rin. “Mukhang gusto niyo talaga siya,” muling komento ng assistant ko. “Masyado bang halata?” Kumunot ang noo ko. “Hindi naman miss. Halatang-halata lang,” aniya at tumawa. Sumimangot ako. “Naku miss, huwag niyo masyadong ipakita sa lalaki na gustong-gusto niyo siya. Kasi base on my experience, kapag nakikita ng lalaki na mas mahal sila ng babae, nawawalan sila ng gana o kaya naman tinitake for granted nila. Naku, miss.” Napangisi ako. “Do I look like someone you can just take for granted? That will never happen to me, Alice,” I said confidently. “Kung sa bagay, miss. Imposible nga naman iyon,” aniya na para bang naliwanagan. “At sino ba iyang mga lalaking gumawa sa’yo niyan? Whoever they are, they don’t deserve you.” “Sinabi mo pa, miss. Kaya nga pinalitan ko agad.” Napangisi ako. “That’s right. Ipakita mo na hindi sila kawalan,” wika ko habang nagpapahid ng sunscreen para makababa na kami. Mag breakfast pa kami with the team bago mag-shoot kaya kailangan na rin naming bumaba agad. Pagkatapos kong mag-ayos ng konti ay bumaba na kami. Hindi na ako nagulat nang makitang naroon na rin si Shan kasama ang team ko. Wala siyang team na kasama. Naiintindihan ko dahil hindi naman siya celebrity. Tanging ang mga bodyguard niya lang ang kasama niya dito sa Coron. Agad siyang napatayo nang mamataan ako. Titig na titig siya sa akin habang papalapit kami ni Alice sa lamesa nila. Humila siya ng upuan sa tabi niya kaya roon na ako naupo. Pinaghila niya rin si Alice ng mauupuan nito. “Salamat, sir Shan,” anito na hindi man lang magawang itago ang pagkakilig. Ang lawak ng ngiti ng gaga. Nang mapatingin siya sa akin ay agad naglaho ang ngiti niya. Inirapan ko lang siya at tinuon na ang pansin sa mga taong nasa lamesa. Ang lawak ng ngisi sa akin ng manager ko, mukhang alam niyang may nangyari sa date namin ni Shan kagabi. Pinag-usapan lang namin ang mga mangyayari mamaya sa shoot, and surprisingly, walang kahit anong reklamo galing kay Shan. Kung anuman ang sabihin ng direktor ay sumasang-ayon lamang siya na para bang game na game siya kahit ano ang ipagawa sa kanya nito. Parang mas naka-focus pa siya sa akin kaysa sa mga sinasabi ng direktor dahil kanina ko pa siya nahuhuling nakatitig lamang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD