Kabanata 7

2714 Words
Kabanata 7 Chloe Evans “Evans, sandali!” Hindi ko napigilang umirap nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko alam kung anong sadya ng lalaking ito sa akin. Malinaw na isang malaking insulto sa akin ang nangyari kagabi at ayoko ng makaharap pa siya pagkatapos noon. Syempre hindi ako papayag na matatapos itong lahat doon. Of course, I'll have my revenge. But now is not the time for that. May tamang oras para doon at hindi ngayon iyon. Matindi pa ang galit na nararamdaman ko sa kanya ngayon kaya hanggat maaari ay ayaw ko na munang makita siya. Ngunit ang bwisit na lalaki talagang may gana pang lumapit sa akin. I don’t remember him being like this to me before. Never siyang lumapit sa akin noon. Kaya hindi ko maisip kung sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na lapit-lapitan ako ngayon. Inignora ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad ngunit agad rin akong nahinto nang may humablot sa wrist. Galit akong bumaling sa kanya pero napaawang ang mga labi ko nang mapagtantong si Shan iyon. Inayos ko ang reaksyon ko at luminga upang hanapin ang gagong si Calix. Naabutan ko siyang nakatanaw lamang sa amin ni Shan sa hindi kalayuan. Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Naabutan ko siyang sinusundan ang pinanggalingan ng tingin ko kaya agad na akong nagsalita. “What do you want?” I crossed my arms against my chest. “Nakalimutan mo na ba? We have a deal, remember?” I shook my head. Of course, hindi ko makakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit siya ang gusto kong maging leading man sa music video ko. Naiinis at sawa na akong makarinig ng mga rumors tungkol sa mga babae niya. Sawa na rin akong ikumpara sa mga losers na ‘yon. Kung hindi siya gagawa ng paraan para maging kami, then I will. Ramdam ko na gustong-gusto niya ako. Hindi niya lang magawang manligaw dahil gaya nga ng sabi nila, ang mga katulad niya ay takot sa rejections. Ngumiti ako at pinalandas ang palad ko sa kanyang dibdib. “Of course, bakit ko naman kakalimutan ang tungkol doon?” sabi ko sa tila nang-aakit na tinig. “But let's schedule it for next week. I'm quite busy this week,” I added. Ngayon ang unang araw ng prelim kaya hindi pwedeng kung anu-ano ang unahin ko. Isa pa, he's not the priority. Boys are always at the very bottom of my list. Kahit pa ang gwapo niya at ang hot niya ngayong araw dahil sa suot niya. He's not wearing his uniform. Gwapo na siya kapag naka-uniform pero ibang klase rin talaga ang dating niya kapag naka-casual lang. Ang bango pa ng lalaking ito. Parang ang sarap… natigil ako nang may kung anong pumasok sa isip ko. “I know, baby. Kailan ba hindi naging busy ang isang Chloe Evans?” Ngumisi siya at hinawakan ang palad kong nasa kanyang dibdib at pinagsalikop ang aming mga daliri. Naningkit ang mga mata ko sa ginawa niya. “Pero sasabay kang kumain sa akin mamayang lunch hanggat hindi pa na s-schedule ang date na ipinangako mo sa akin.” Umirap ako at binawi ang kamay mula sa kanya. “Fine! Eleven o'clock ang lunch ko. Hintayin mo ko sa parking,” tanging sinabi ko bago ko siya tinalikuran ngunit muli nanaman niyang hinila ang wrist ko, this time mas malakas na kaysa sa nauna, kaya agad akong sumubsob sa dibdib niya. Nang makabawi ako ay inis ko siyang hinampas sa dibdib dahil sa ginawa niya. “What? Ano pang kailangan mo? Late na ako!” “Susunduin kita sa class mo. Sa akin ka sasakay mamaya,” may makabuluhang ngiting sabi niya. Medyo hindi ko naintindihan iyon kaya kumunot ang noo ko sa kanya. “Excuse me?” Tumawa siya ng bahagya. Even his laugh is so f*****g hot. “Ang ibig kong sabihin sa sasakyan ko ikaw sasakay mamaya. Pero pwede rin iyong kung anuman ang iniisip mo.” Muli ko siyang hinampas. “Aw, kanina ka pa, ah. Tsansing ka lang yata,” pang-aasar niya pa. Sinamaan ko lamang siya ng tingin bago nagpasyang iwanan na. Minsan nakakairita rin ang lalaking iyon. Mabuti na lang talaga gwapo siya at malaki pa ang katawan. “Oh my gosh, girl! Ang daming nakakita sa inyong dalawa ni Shan sa hallway. So, what's the real score between the two of you, huh?” “Oo nga, Chloe. Kayo na ba?” Pagpasok ko pa lang sa class namin ay iyon na agad ang bungad sa akin ng mga blockmates ko. Naiiling ko silang nginitian. Ayokong magsalita dahil wala pa naman talagang nangyayari pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil mukhang umaayon ang lahat sa akin. Mas lalong mabilis na kakalat ang tungkol sa amin ni Shan nito kung sa hallway pa lang ay marami nang nakakita sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko kanina at iyon siguro ang naabutan ng mga ito kaya ganito na lamang ang reaksyon nila. “Why are you smiling? Kayo na siguro! Magkwento ka!” Pangungulit nila pero sa huli ay bigo silang makakuha ng kahit anong sagot mula sa akin. My phone vibrated, agad kong kinuha iyon mula sa aking Hermes. My forehead creased when an unregistered number appeared on my screen. Unknown number: May gagawin ka ba mamaya? Sino naman kaya ito? Agad akong nagtipa ng reply kahit na alam kong hindi dapat ako sumasagot sa mga unknown number. Me: Who's this? Unknown number: Calix Agad kong naibaba ang phone ko nang mabasa ang mabilis na reply niya. s**t! Hindi ko alam kung paano o kung kanino niya nakuha ang number ko. Bwisit na Damon iyon. Siguro siya ang nagbigay sa lalaking ito ng number ko. Pero pwede ring ang driver ko. Bwisit naman! Ano bang kailangan ng Calix na ‘to sa akin? Imbes na mag-reply sa message niya ay ipinasok ko na lang ulit ang phone ko sa bag. Istorbo! Pagkatapos niya akong insultuhin kagabi ay may gana pa talaga siyang magparamdam sa akin. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ‘yon. Paglabas ko ng klase ay naroon na agad si Shan sa tapat ng classroom namin. Nakasandal siya roon habang pinagtitinginan ng mga kabatch kong students. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil alam kong ang pinagtitinginan ng lahat ngayon ay ako lang naman ang hinihintay. “Hala, ikaw yata ang hinihintay, Chloe!” ani Michelle nang makita si Shan. Napalakas ang boses niya kaya nakuha niya agad ang atensyon ni Shan. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay agad siyang umayos ng tayo at lumapit sa akin. “OMG! Ikaw nga ang sadya,” bulong ng isa pang kasama ko bago tuluyang nakalapit sa amin si Shan. “You’re good?” Nakangiti nitong tanong. Naaamoy ko agad ang mamahalin nitong pabango. “Tangina ang gwapo na ang bango pa,” rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko. Hindi ko sila masisisi dahil maging ako ay hindi ko maitatanggi sa sarili ko na gwapo talaga si Shan at sobrang lakas ng dating. This man. This is the man I should be with. Ito dapat ang lalaking hinahalikan at kinababaliwan ko, hindi kung sino-sino lang. Ito ang lalaking nababagay sa katulad ko. Tumango lamang ako bilang tugon kay Shan bago niya kinuha ang Hermes ko na para bang matagal na niyang ginagawa iyon. Hinayaan ko siya at nagpaalam na sa mga kasama ko. Ngumiti lamang siya sa mga ito bago kami tuluyang umalis. Habang papunta sa parking ay nagtipa ako ng message para sa driver ko. Panigurado kasing maghihintay iyon, kaya sinabi ko na lang na umuwi na muna siya dahil ang sasakyan naman ni Shan ang gagamitin namin. “Where do you want to eat?” Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang iyon at ibinaba na ang phone. In fairness, he’s considerate enough to ask me where I want to eat. “Actually, I want some salmon today.” “Iyon lang?” Tumango ako bilang sagot. “Iyon ba ang favorite ng isang Chloe Evans?” aniya, nakangisi. Pinantayan ko ang ngisi niya. “Bakit? Ililista mo na ba sa journal mo para hindi mo makalimutan?” Lumawak ang ngisi niya. “I don’t have a journal, but maybe I should start one. Wanna know what I’d call it? Chloe Evans’ Obsessions.” “That’s funny,” tugon ko sabay irap. “Gusto mo ‘yon? May journal ako about sa mga obsesssions mo tapos ikaw naman ‘yong obsession ko,” banat niya. Natawa ako dahil sobrang lame noon. Hindi ko alam na meron palang ganitong side ang lalaking ito. Kung hindi mo siya kilala o makakausap, iisipin mong masungit siya dahil hindi siya madalas na ngumiti. He’s always serious. Lalo na kapag nasa laro. “Ew, you’re so corny,” sabi ko kahit natatawa pa rin sa banat niya. “Corny ba?” aniya, napapakamot sa kanyang batok. “Sa bagay, ikaw nga pala si Chloe Evans, mahirap nga naman talagang mag-pa-impress sa’yo. Pero dapat lang ‘yan. Hindi pwedeng kung kanikaninong gago ka lang humahanga. Sa akin lang dapat.” Tiningnan ko siya ng masama. “Will you shut up? You’re so corny!” Natawa siya at hindi naman na umimik ulit hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Gaya ng inaasahan ko, marami ang mga matang nanonood sa amin. May nahuli pa nga akong kumuha ng litrato naming dalawa. I don’t really mind. Gusto ko nga na kumalat pa lalo na may namamagitan sa amin ni Shan para matigil na rin iyong mga babaeng nagpapantasya sa kanya. Tapos na ang maliligayang araw mo Shan Williams, hindi ka na pwedeng makipaglandian kung kanikaninong babae. Lahat ng babaeng may gusto sa’yo ay magdadalawang isip ng lumapit pa. Dahil sino ba naman ang magtatangkang kumalaban sa akin? Please, mapapahiya lang sila. Nagtuloy-tuloy ang pagsasabay namin ni Shan mag-lunch. Consistent din siya sa pagsundo sa akin sa classroom at hindi ko namamalayan na nag-e-enjoy na rin ako sa company niya. Sa totoo lang, masarap kasama si Shan. Hindi siya katulad ng ibang lalaking naka-date or naka-hook-up ko na walang kwentang kausap. Hindi niya rin ako kailanman binastos. Ni hindi nga man lang makahalik ang gago. Sa lahat ng mga lalaking nakausap ko noon, siya na yata ang pinakamatagal kong nakakasama pero walang nangyayaring kahit ano. Kahit halik, wala. Isang linggo na rin kaming lumalabas tuwing lunch. Hindi pa nangyayari iyong date namin dahil busy kami pareho sa prelim pero parang date na rin naman iyong paglabas-labas namin. Depende kung ano ba ang definition niya ng isang date. Tonight is the final round of the show Battle of the Bands. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil nagdadalawang isip ako sa pagdalo sa show kahit na noong tinawagan ko ang manager ko ay buong-buo naman ang aking desisyon na maging hurado sa gabing ito. Pilit kong inalala ang pang-iinsulto sa akin ni Calix noong gabing iyon. Hindi pupwedeng hindi ko siya mabalikan sa ginawa niya. Inaamin ko na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa ginawa niya. Naiinis pa rin ako kapag naiisip na bumigay ako sa kanya at siya… ni hindi man lang– Pumikit ako ng mariin. Agad kong hininto ang pag-iisip ng husto tungkol doon. Hindi mahalagang balikan ko pa ang nangyaring iyon. Nagsasayang lang ako ng oras. Ang mahalaga, ngayong gabi, makakaganti ako sa ginawa niyang pang-iinsulto. “Good evening, everyone! Welcome to the most-awaited night, the finale of Battle of the Bands! Handa na ba kayong masaksihan ang huling pagtutunggalian ng mga talento at pangarap?” Napuno ng hiyawan ang buong studio mula sa audience. Marami ang mga taong nagpunta para manood ng show at kanina noong dumating kami ay nakita kong marami rin ang mga taong nag-aabang sa labas. Talagang inaabangan ang gabing ito. Medyo nagulat ako dahil hindi ko akalain na magiging sobrang hit ng show na ito kahit na isang buwan lang ang itinagal ng show. “Ngayong gabi, our finalist bands will give it their all, and there’s no holding back! Pero bago ang lahat, let’s welcome our judges who will decide who rocks the hardest tonight!” Nagsimula nang ipakilala ng host isa-isa ang mga kasamahan kong judges at nang tumapat ang spotlight sa akin ay naghiyawan ang mga tao sa audience. “And finally, nagbabalik, she’s a legendary pop singer of her generation, and the woman behind some of the biggest hits in OPM– everyone, let’s give it up for Ms Chloe Evans!” Hiyawan muli mula sa mga audience na nanonood sa studyo. Ngumiti ako sa camera at kumaway. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Blanko ang isip ko at ayokong isipin ng isipin masyado ang lahat ng ito. Itutuloy ko ang plano at wala akong pakialam kung may mga tao akong matatapakan ngayong gabi. Hindi na ako nagulat nang mapagtantong ang grupo ni Calix ang unang magpeperform dahil nasabihan na kami roon. Blanko pa rin ang isip ko habang ipinapakilala ang banda nila at nagpiplay sa screen ang recording ng interview nila. Pagkatapos ng video recording ay umakyat na rin ang grupo nila sa stage. Nagulat ako sa lakas ng hiyawan ng mga tao sa studio. Hindi ko inasahan na ganito kalakas ang impact nila sa audience. Kumuyom ang palad ko. Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaang manalo siya ngayong gabi. Sisiguraduhin ko ang pagkatalo mo, Calix Sandoval. Calix takes the mic, glancing in my direction pero hindi iyon nagtagal. He looks so nervous tonight. He wasn’t like that during the preliminary round. Napangisi ako. Saan na napunta ang cofidence mo ngayon, Sandoval? For sure kinakabahan na siya ngayon dahil alam niyang hindi ko sila bibigyan ng mataas na score. Nagsimulang tumugtog ang banda sa mabagal na intro. Calix grips the mic stand, eyes down for a beat while strumming on his old, used guitar, then looks straight in my direction again. I instantly averted my eyes from him. Nagsimula siyang kumanta. Unang linya pa lang ng kanta ay nagsisigawan na ang mga tao sa studyo. Hindi ko na muling ibinalik ang tingin ko sa stage. I hate the fact that the audience enjoys their performance. The band slowly builds up intensity, drums join in, and the lights start to brighten with the chorus. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa stage at muli ring nagtagpo ang tingin naming dalawa. But this time, siya naman ang naunang magbawi. Pumikit siya ng mariin. He grips the mic tighter and sings the final chorus of the song with full emotion. Then he opened his eyes again and looked straight at me. He takes a step closer to the edge of the stage, never breaking eye contact. Hanggang sa kahuli-hulihang linya ng kanta ay hindi niya inalis ang tingin sa akin. My grip on the pen tightened as the last notes faded. Tila natulala ako nang natapos ang kanta. Naiinis ako dahil hindi ko maikakaila sa sarili ko na maganda ang naging performance ng banda nila. Pero agad ko ring inayos ang sarili ko. Hindi. Hindi ako papayag na manalo siya. Hanggang sa matapos ang performance ng huling band finalist ay wala akong imik. Ngunit nang kunin na ng mga kapwa ko judges ang opinyon ko ay doon ko na sinimulan ang plano ko. I’ll make sure na hindi rin sila makakakuha ng mataas na score mula sa ibang judges. Nagsimula na ang botohan at nagsimula na ring magbigay ng opinyon ang mga judges para sa mga kalahok. Syempre bago ang lahat ng iyan ay na-impluwensyahan ko na sila, kaya hindi ganoon kaganda ang naging kumento nila sa grupo ni Calix kumpara sa ibang band finalist. At sa huli, syempre ako ang nagwagi. Kahit na obvious naman na ang grupo ni Calix ang may pinakamalakas na impact sa audience, hindi ang grupo nila ang tinanghal na kampyon. Nakangiti akong umakyat sa stage kasama ng ibang judges upang batiin ang nanalong banda. Nagtama ang tingin namin ni Calix habang pababa ang grupo nila sa stage. Ngumisi ako upang ipakita sa kanya na masaya akong masaksihan ang pagkatalo niya. Ngunit wala akong makitaang emosyon mula sa kanya hanggang sa tuluyan na silang makababa ng stage. My smile slowly faded as a strange tightness gripped my chest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD