Kabanata 6

2748 Words
Kabanata 6 Chloe Evans After ng preliminary round ay hindi na ako nakadalo pa sa mga sumunod na stages ng kompetisyon. Naging busy na rin kasi ako sa ibang mga projects ko at hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng ganang maging hurado ng show na iyon, kahit pa malaking project ito. Hindi lang siguro ako na-satisfy sa mga ipinakitang performance ng mga kalahok, kaya hindi na ako dumalo pa muli. Nakapasok ang banda nina Calix sa preliminary pero wala na akong balita kung hanggang saan sila nakarating. Ayoko ring makibalita dahil para saan pa? They are not important para paglaanan ko pa ng oras at pansin. “May sagot na si Shan sa email ng team,” balita ng manager ko. Narito kami ngayon sa shooting ng pelikula ng sumisikat na bagong love team. Naimbitahan akong mag cameo para sa unang pelikulang pagbibidahan ng dalawa. Hindi ko na dapat tatanggapin ang project na ito dahil masyado ng masikip ang schedule ko pero pinilit ako ni Anna na tanggapin ang proyekto. Alaga niya rin kasi ang isa sa mga bida at alam niyang kapag lumabas ako kahit saglit lang sa pelikula ay marami ang tatangkilik dito na mga fans ko rin. “What’s his answer?” I asked sa tonong tila walang pakialam. Isa pa ang Shan na ‘to. Naiinis ako sa kanya. Ang tagal ng nag-send ng email ang team namin at naka-ilang follow up na rin pero ngayon lang nakuhang mag-reply. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay sinasadya niyang ignorahin ang mga emails ng team. Hindi ko alam kung anong gusto mangyari ng Shan na iyon. Kung ayaw niya ay huwag niya! Hindi siya kawalan. Marami namang ibang sikat na celebrity ang paniguradong papayag kapag sinendan ng proposal ng team ko. Kaya lang naman gusto ko siya ang makasama ko sa music video na iyon ay dahil alam kong pag-uusapan iyon kung siya ang magiging kapartner ko sa music video. He’s not a celebrity pero maingay ang pangalan niya sa social media lalo na at kapapanalo lang ng kanyang ama bilang presidente ng bansa. I thought it was nice having the presidential son as my partner in my music video. Pero kung ayaw niya, huwag niya. Mag viviral pa rin naman ang music video ko kahit wala siya doon. “He’s willing to shoot the music video for free with only one condition.” Tumaas ang kilay ko. For free? Ano naman kaya ang kondisyon na gusto niya para pumayag siyang gawin ng libre ang music video? “What is it?” “He wants a date with you.” Hindi ko napigilan ang pagsugat ng isang ngisi sa aking mga labi. Ibang klase talaga ang Shan Williams na iyon. Ang dami niya pang pasakalye. Pinatagal niya pa talaga. Sa huli, gusto niya lang pala makasecure ng date sa akin. “So, what do you think?” “Let him know that I agree to his terms.” Napangiti rin si Anna sa naging sagot ko. “Ang bilis naman ng sagot mo. Hindi naman halata na gusto mo rin ang binatang iyon.” Agad nawala ang ngisi sa mga labi ko. “What are you talking about? He’s willing to shoot the music video for free, it’s a good deal, tatanggi pa ba tayo?” Nangingising umiling si Anna. Sa itsura niya pa lang ay alam ko na kung ano ang iniisip niya. Oh my goodness! “And so what if I like him too?” Agad namilog ang mga mata ni Anna. “So, totoo nga? Gusto mo rin ang binatang iyon?” Umirap ako. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal ito sa kanya. Nagkaroon na rin naman ako ng boyfriend before. Pero matagal na iyong huli. Mas naging mapili na kasi ako. Mas tumaas pa lalo ang standard ko sa pamimili ng boyfriend. Pero kung sa bagay, famous din iyong una kong naging boyfriend at hanggang ngayon ay pinag-uusapan. Hindi lang talaga kami nag work dahil pareho lang naman kaming naglalaro noong naging kami. Bata pa ako noon kaya wala pa sa isip ko ang magseryoso at siguradong ganoon rin siya. Playboy kaya ang gagong ‘yon. But we’re on good terms right now. “So?” “Ang tanong ko ay kung gusto mo ang binatang iyon. Huwag mo nga akong ma-so-so d’yan! Maldita talaga ‘tong batang ito!” Pairap na sabi ni Anna. “Fine! I like him too. So, what?” “So, pag niligawan ka, sasagutin mo siya?” Nagkibit balikat ako. “We’ll see… Pag magaling humalik. Why not?” Naiiling na tiningnan ako ng manager ko. “Ewan ko sa’yo. Basta ang lagi kong paalala sa’yo, ah? Landi responsibly. Huwag mong hayaang masira ang career na ilang taon mong pinaghirapan.” Nakasimangot ko siyang binalingan. “Of course! Duh, I’m not stupid.” “Pinapaalalahanan lang kita dahil mukhang matinik sa babae ‘yang Shan na ‘yan. Marami akong nababalitaang na lilink d’yan. Mukhang babaero tulad ng ama.” Bahagyang naningkit ang mga mata ko. “Babaero ba si President Williams noon?” Kuryosong tanong ko. “Oo, no. Marami ang nalink na babae dyan noon. Mapa modelo at artista ay naiugnay sa kanya. Bali-balita pa nga na may anak ‘yan sa labas pero kahit kailan ay hindi naman niya sinagot ang isyu na ‘yon.” “Talaga? I don’t know that.” “Bata ka pa kasi non. Pero mukhang nagbago naman na si President Williams. Saka abala ang taong ‘yan. Lalo na ngayon at presidente na siya ng bansa. Pero aminin mo, kahit may edad na gwapong-gwapo pa rin.” Hindi naman yata maikakaila iyon. Masasabi kong maganda talaga ang lahi ng mga Williams pero kahit kailan ay hindi ako na-intimidate sa magkapatid na Williams. Bakit naman ako ma-intimidate sa kanila kung ako si Chloe Evans? “Kaya ikaw, huwag ka masyadong papadala sa Williams na ‘yan. Balita ko pa ay hindi nag-g-girlfriend ‘yan at puro fling lang. Huwag kang papayag na paglaruan ka lang nyan at isama sa mga koleksyon niyang babae.” Naiirita kong tiningnan ang manager ko. Tingin niya ba talaga ay magpapa-uto ako sa lalaking iyon? “I’m not stupid, ‘kay? Tingnan mo kung sino ang mababaliw sa aming dalawa sa huli.” “What do you mean?” Nagtatakang tiningnan ako ng manager ko. “May balak kang gawing boyfriend ang Williams na ‘yan?” “What’s wrong with that? He’s Shan Williams. Hindi makakasira sa image ko kung magiging boyfriend ko siya. Kung tutuusin makikinabang pa ako dahil mas pag-uusapan ang pangalan ko pag nangyari ‘yon.” “Don’t tell me ‘yan lang ang dahilan kung bakit gusto mo siyang maging boyfriend.” “Of course, sino ba ang tatangging maging girlfriend ng isang Shan Williams. Their family is one of the most influential families in the country.” “Grabe! Parang pinaplano mo na talaga na gawin siyang boyfriend.” Umirap ako at hindi na itinanggi pa ang akusasyon ni Anna. Isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin. After ng shoot ay nag-aya muli si Anais na mag-night out. Pagod ako dahil sa sunod-sunod na trabaho pero pumayag pa rin ako. I met up with her at a restaurant to have dinner before we went to the pub we often visit. He kissed me intensely habang ang kanyang kamay ay pumasok sa skirt ko at dumapo sa aking inner thigh. Napaungol ako sa rahan ng haplos niya sa akin. His other hand travelled on my chest and expertly palm them alternately. Mabilis ang kilos ng kamay niya at ganon din ang kanyang mga halik na tila ba sabik na sabik siya ngunit nagagawa niya pang pagsabayin ang lahat ng iyon. He’s really good. Sa lahat ng nakahalikan ko masasabi kong siya ang pinakamagaling so far. Dalang-dala ako sa halik niyang malalalim at punong-puno ng pagnanasa. Hindi pa siya nakuntento at ipinasok niya pa sa suot kong sleeveless ang ang kanyang kamay upang mas mahawakan ako ng maayos. When his finger brushed the sensitive spot of my chest, my eyes almost rolled in so much pleasure. “f**k, Sandoval!” Bumaba ang halik niya sa aking panga pababa pa ng husto sa aking leeg while his experts fingers continue their sweet torture. Napayakap ako sa batok niya nang bumaba pa ng husto ang kanyang halik hanggang sa nasa ibabaw na iyon ng aking dibdib. At tila nawala na ako sa aking katinuan nang hilahin niya lang pababa ang sleeveless top ko at walang pagdadalawang isip na hinalikan ang dibdib ko. He sucked them as if he’s just a kid, enjoying his favorite candy. “Oh, damn! Calix! Ah!” He palmed both of my breasts, and while looking straight into my eyes, his tongue glided on my n*****s and alternately licked them like a hungry beast. And god, he’s so f*****g hot while doing that. I want to close my eyes because of too much pleasure, but I can’t bring myself to do so, because his eyes are hypnotising. “Oh, f**k! f**k!” Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganitong tagpo. He found me again on the dance floor at inaamin ko nang lumapat pa lang ang mainit na katawan niya sa akin ay nakaramdam na agad ako ng kakaibang init and suddenly naalala ko iyong mainit na tagpo namin sa sasakyan ko. But this time, siya na ang humila sa akin, hindi sa sasakyan ko kundi patungo sa rooftop ng bar kung saan walang katao-tao. I’m not stupid, alam kong anumang oras ay pwedeng may makahuli sa amin dito pero parang tinakasan na ako ng katinuan at hindi na ako makapag-isip ng maayos. Lalo nang simulan na niya akong halikan. I feel addicted to his hungry kisses. Nang magsawa siya sa paghalik sa dibdib ko ay muli niya akong hinalikan sa mga labi at muli nanaman akong pansamantalang nawala sa aking sarili. Ilang beses ko pang niremind ang sarili ko na si Calix Sandoval itong kahalikan ko. Fine, I don’t hate him that much, pero kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko na makikipaghalikan sa katulad niya. He annoys me all the time, but damn, I can’t deny the fact that he’s a good kisser. Muling naglakbay ang malikot niyang kamay sa loob ng skirt ko. This time naramdaman ko ang pagdapo ng daliri niya sa pagitan ng mga hita ko kahit may saplot pa ito. Huminto siya sa paghalik at muling tumitig ng diretso sa mga mata ko. Habang nakatitig sa mga mata niya ay saka ko lang napagtanto kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata. Tila ba, kahit hindi kami nag-uusap ay alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari. Nangungusap ang mga ito. Isang tingin sa mapupungay na mga mata niya, and I already know he enjoys what is happening right now just as much as I do. “Let’s go somewhere else,” humahangos na sambit ko. Ngumisi siya at naramdaman ko na lang ang pagpasok ng daliri niya sa panloob ko. “Why? Anong gusto mong mangyari?” Nagawa ko pang umirap kahit sa kabila ng ipinaparamdam niya sa akin. This f*****g idiot! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Dito pa namin gawin ito? My god, I’m not into public s*x! Alam kong alam niya ang gusto kong mangyari pero nagtatanga-tangahan pa ang bwisit na pobreng ito! “I’m not a f*****g virgin,” iritadong sambit ko. Kung nag-aalala siya na virgin pa ako ay gusto kong linawin sa kanya ang parteng iyon. Hindi ako virgin na hahabol-habol sa kanya pagkatapos ng isang mainit na gabi. Kilala ko ang mga lalaking katulad niya. Ayaw nila sa virgin dahil takot sa commitment. Anong tingin niya sa akin? Maghahabol sa kanya? Ni hindi siya nababagay para sa katulad ko. Pero tangina! Bakit ba ang sarap niyang humalik?! Humalakhak siya. Lintek! Pati ang pagtawa niya ay ang hot pakinggan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Tuluyan na akong nilalamon ng lust. I really want him tonight. “You think I am worried because you’re a virgin?” aniya na tila ba nakakatawa ang pinag-uusapan namin. “Kung ganoon bakit nag-aaksaya pa tayo ng oras dito? Let’s go to my place,” impatient na aya ko ngunit hinalikan niya lamang ako upang patahimikin. Bwisit! Pakiramdam ko natapakan ang pride ko. Bakit ba niya ako tinatanggihan? Halatang-halata naman na gustong-gusto niya rin akong maangkin. Ramdam ko sa mga halik niya na gigil din siya, kaya hindi ko maintindihan kung bakit pa siya nagpipigil pa. Hindi ko maintindihan ang taong ito. Siguro dahil sobrang magkaiba naming dalawa. Sa pamumuhay pa lang ay ang dami na naming pagkakaiba. Kaya rin hindi talaga kami nagkakasundo. Akala ko sa ganito na lang kami magkakasundo pero mukhang hindi rin. Dahil ayaw niyang sundin ang gusto ko. Nakakainsulto pero hindi ko magawang tumanggi sa ginagawa niya sa akin ngayon o magreklamo man lang. He had completely inserted his finger into my underwear. His expert hand was causing different sensations throughout my system, and I could not help but moaned continuously by the sensation he is causing me. Gusto kong mainis dahil hindi ko man lang masuklian ang ginagawa niya. Gusto kong pantayan o higitan pa ang pinaparamdam niya pero hindi niya ako hinahayaang gawin iyon. Namumungay ang mga mata ko nang magmulat. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at muli akong inatake ng malalalim na halik. I hugged his nape to kiss him back, matching the intensity of his kiss, while his fingers continue its wonder. Mas lumalim pa ng husto ang mga halik niya na para bang hindi na rin niya kayang pigilan ang sarili, and when I thought I lose myself completely, I finally reached the peak. I hugged him tightly, trembling as the rush of sensation washed through me. That was an intense release. Damn you, Sandoval! As always, tinulungan niya akong ayusin ang damit ko. Nakita ko pang pinahiran niya ng panyo ang pagitan ng mga hita ko bago inayos ang undergarment ko. Nag-init ang buong mukha ko sa ginawa niya at agad na napaiwas ng tingin sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng sarili habang inaayos niya ang skirt ko. Nang matapos ay tumayo na ako at agad na nagsimulang maglakad nang hindi siya nililingon at walang sinasabing kahit ano. I hate him. Tang ina ng Sandoval na ‘yon. Para akong nainsulto sa ginawa niya. Ilang beses niya akong tinanggihan na para bang hindi man lang siya natuksong angkinin ako, and I f*****g hate him for that. Pakiramdam ko ay talunan ako. Hindi ko matanggap na bumigay ako sa kanya samantalang siya ay hindi man lang natukso sa akin. f**k him! Sino siya sa tingin niya para gawin iyon sa akin? Isa lamang siyang pobre! Hindi ko itatanggi na nagustuhan ko kung anuman ang ginawa niya sa akin pero pagkatapos ng lahat, doon ko lang naramdaman ang labis-labis na pagka-insulto. Ni hindi man lang siya natapos. Ganoon-ganoon lang at sa public place niya pa talaga ginawa iyon sa akin? Gusto ko siyang murahin ng paulit-ulit pero alam kong magmumukha lang akong tanga kung gagawin ko ‘yon. Wala na rin akong lakas para gawin pa iyon. Kung ayaw niya, huwag niya. Sino ba siya sa tingin niya? He's a nobody! Sagad ang pagka-insultong naramdaman ko pagkatapos ng lahat. Sinubukan niya akong sundan hanggang sa sasakyan ko pero hindi ko na siya nilingon pang muli. Dinukot ko ang phone ko mula sa aking purse at agad tinawagan ang aking manager. “O, hija, napatawag ka?” Bungad sa akin ni Anna nang sagutin ang tawag pagkaraan ng dalawang ring. “Kailan ang finals ng the battle of the bands?” “Huh? Bakit, hija? I'm not sure. Next week, I think…” tila naguguluhan niyang tugon. “Please make it possible for me to be one of the judges again in the finals.” “Huh? Akala ko ba ayaw mo na roon dahil hindi ka kamo satisfied sa mga kalahok? Bakit suddenly gusto mo na ulit maging hurado sa show na iyon?” “Basta kahit anong mangyari kailangan isa ako sa mga judges sa finals.” “Huh? O-O sige. Gagawa ako ng paraan. Pero bakit ba pabigla-bigla ka naman ng desisyon?” “I’m tired, Anna. Ibababa ko na ito,” wika ko bago ko pinatay ang tawag. Sumandal ako sa backrest ng sasakyan at ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD