Kabanata 5

2516 Words
Kabanata 5 Chloe Evans “Chloe, nakapag decide ka na ba kung sino ang magiging leading man mo sa music video ng bago mong song?” Tanong ng manager ko dahil nabanggit ko sa kanya na gusto kong ako ang pipili ng magiging leading man ko sa bago kong music video. “Yes, may napili na ako,” nakangisi kong sagot. “That’s great! Sino ba iyan para macontact na agad? Seryoso ka bang hindi ka na magpapa-audition para sa role?” Umirap ako. Para sa akin hindi naman na kailangan iyon dahil music video lang naman. Konting pa-cute lang sa camera ay ayos na dahil hindi naman pang drama ang music video na gagawin. Sexy and intimate ang kanta ko kaya more on sexy scenes dapat. I agree naman na kailangan namin ng hot actor para sa role pero nakapili na talaga ako. Hindi nga lang ako sigurado kung papayag iyon na maging leading man sa music video ko. He’s actually not an actor. Malayo sa pagiging aktor ang lalaking iyon pero I am confident na magiging successful ang music video kung siya ang magiging partner ko. “Shayden Williams,” nakangising sabi ko. Natigilan ang manager ko at napaawang ang mga labi na para bang hindi makapaniwala sa pangalan na binanggit ko. “Shan Williams? You mean the president’s son?” “Yes, siya nga. Gusto ko siya ang maging leading man ko sa music video. Walang iba kundi siya lang,” may naglalarong ngisi sa mga labing sambit ko na nagpaloka ng husto sa aking manager. “Seryoso ka ba dito, Chloe? Paano naman natin mapapapayag ‘yon? Hindi naman showbiz ang taong ‘yon.” Nalilitong tiningnan niya ako na para bang hindi niya maintindihan na sa lahat ng tao ay ito pa ang napili kong maging leading man sa music video. “Just send him an offer,” tanging sabi ko habang inaayusan ako para sa isang guesting ko. He said he likes me. Kung gusto niya talaga ako papayag siya sa project na ‘to. Pero parang hindi yata kakayanin ng pride ko kung tatanggihan niya ang offer. But then, I am Chloe Evans, kahit kailan wala pang tumanggi sa akin kaya imposibleng tatanggi siya. “Again, are you sure about this, Chloe? Paano kung tumanggi siya? We need more options,” ani Anna. She is my manager mula pa nang magsimula ako sa showbiz. She’s close to my parents and she’s like my second mom na rin since masyado akong bata ng magsimula ako sa showbiz and alam na alam niya na hindi ako tumatanggap ng options dahil wala pa naman talagang tumatanggi sa akin. “Relax. Are you doubting me now?” I smirked while the make-up artist was busy fixing my eyebrows. Bumuntong hininga ang manager ko at hindi na sinagot ang tanong ko. “Just relax, okay?” “Oo nga naman, Anna. Wala ka bang tiwala dito sa alaga mo? She’s the brightest star in the showbusiness right now,” anang make-up artist ko na hindi na rin napigilang makisali. Tiningnan ko siya mula sa salamin at nang magtama ang tingin namin ay pareho kaming tumawa. I really like it when people praise me. As they should. I worked hard for all of these. Hindi ko mararating lahat ng ito kung hindi ko pinaghirapan ang lahat ng ito. At lahat ng iyon ay nagawa ko habang pinagsasabay ko ang pag-aaral ko. Never akong nag-stop sa school habang inaabot ko ang mga pangarap ko. Kaya sobrang proud ko sa sarili ko ngayon. “Hindi ba may rumors na may gusto raw sa’yo ang batang iyon, Chloe?” Tanong ni Sasha, ang make-up artist ko. She’s also very famous in her field. Of course, hindi naman ako kukuha ng kung sino-sino lang para mag-ayos sa akin. I have my own glow-up team. Whenever I have shoots in different countries ay kasama ko rin sila. Nagkibit balikat ako. Kunwa’y hindi interesado. Akala ko sa school lang kumakalat ang balitang iyon. Mukhang marami na talaga ang nakakaalam and I don’t know if it’s a good thing or not dahil madalas pa rin makita si Shan with other girls. I don’t like it. Hindi sa ayaw ko na makita siyang may ibang babae, I just don’t like the fact that he is claiming he likes me but he is often seen with other girls. Nakakainis lang dahil hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa mga babaeng iyon. Of course, mas maganda at mas sexy ako sa mga iyon at nakaka-insulto talaga. “Graduating student at schoolmate mo rin, tama?” Tipid akong tumango habang pinagmamasdan ang sarili sa vanity mirror. Napangiti ako. Satisfy sa aking ayos. “Gusto mo rin ba siya, Chloe?” Tanong ng manager ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Anong ngiti naman ‘yan?” “I don’t know. I mean… He’s hot, rich and smart. Pwede na rin bilang boyfriend ko.” “Ang tanong ko ay kung gusto mo rin ba siya. Bakit parang gusto mo lang yata siyang gawing boyfriend dahil siya si Shan Williams?” anang manager ko. “What’s wrong with that? My boyfriend should be perfect.” “Nobody is perfect.” “But I’m perfect, Anna. Paano ba ‘yan?” I said with a wink. Pareho silang tumawa ni Sasha at mas lalo namang lumawak ang ngisi ko. “Manang-mana sa’yo itong alaga mo, Anna.” “Of course! Iyan ang turo ko d’yan. Dapat laging confident.” “Oh, please. Hindi iyon confident lang. That’s a fact,” sabi ko habang pinapanood si Sasha na naglalagay ng blush sa pisngi ko. Kilalang-kilala na ako ni Sasha pagdating sa make-up. Alam niyang hindi ko gusto iyong masyadong makapal na make-up. I don’t think kailangan ko rin ng makapal na make-up. Tinawag na ako nang magsimula na ang show. Hiyawan agad ng mga tao ang sumalubong sa akin ng lumabas ako sa stage. Nagsimula akong kumanta. Kinanta ko ang isa sa mga sumikat kong kanta. Mas lalong umugong ang hiyawan hanggang sa matapos ako sa pagkanta. Pinasalamatan ako ng host ng show at pinaunlakan na maupo. It’s a talk show kaya pinaghandaan ko na ang mga posibleng maitanong sa akin. Hindi ako iyong tipo ng celebrity na madalas magpa-interview kaya talagang kaabang-abang kapag may guesting ako sa mga talk show na tulad nito. “Good morning, everyone! I am very excited about today’s episode because we have a very special guest with us. Her music has inspired and captivated the hearts of many people all around the country. Please give a warm welcome to the exceptionally talented Chloe Evans!” Muling naghiyawan ang mga tao sa studio. I smiled and waved at them. Sa tagal ko na sa industriya ay masasabi kong sanay na sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Sanay na akong pinapalakpakan at pinaghihiyawan. Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo kaya hindi na rin ako kinakabahan sa bawat guesting ko. “Thank you for being here, Chloe. It’s a pleasure having you with us. How’s everything going?” “Things are going great, Karina. Thank you for having me. Actually, I am thrilled to be here today,” nakangiting sagot ko bago bumaling sa audience upang bumati. “Hello everyone!” Muling naghiyawan ang audience sa studio. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. This is my life. Dito umiikot ang mundo ko. Masaya ako kapag nakikita kong pinapaluguran at pinupuri ako ng mga tao. I feel so proud of myself para maabot lahat ng ito. I worked hard for this, so I deserve this. Nagsimula ang host na magbato ng mga questions sa akin at lahat ng iyon ay walang kahirap-hirap kong sinagot. Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba sa mga tanong na ibinato sa akin dahil sanay na sanay na ako sa ganito. Ito na ang buhay ko kaya madali na lang sa aking sagutin ang kahit na anong tanong. Sa huling tanong ni Karina ay natahimik ang mga manonood sa studio na para bang masyado silang naka focus sa magiging sagot ko sa tanong na iyon. “Is it true that the presidential son, Shan Williams, is courting you?” I paused and looked at the audience who were still quiet and waiting for my answer. Then I looked at the camera and smiled sweetly. At muli, naghiyawan ang mga tao sa studio na para bang sapat na sa kanila ang sagot na iyon kahit na hindi ko naman talaga nasagot ang tanong. Ngumiti lang ako sa camera at para bang iyon na ang sagot sa tanong na hinihintay nila. Pinasalamatan ako ni Karina at nagpaalam na rin ako kaagad. May isa pa akong guesting after nito kaya hindi rin talaga ako pwedeng mag-extend pa doon. “My gosh, Chloe Evans! Tell me, what’s the meaning of that smile?” Agad na bungad sa akin ni Anais nang sagutin ko ang tawag niya. Nasa sasakyan na ako at papunta na sa isang show kung saan naimbitahan naman ako upang maging hurado. It’s a musical competition between multiple bands. Actually, excited ako sa show na ito dahil nag-eenjoy talaga ako maging judge sa mga musical competitions dahil alam kong dito talaga ako magaling. Ang pagkanta. Ito rin ang passion ko kaya natutuwa ako kapag pinapanood ang mga aspiring singers na pilit inaabot ang mga pangarap nila. Hindi sa pagmamayabang pero naging madali sa akin ang buhay showbiz kahit noong nagsisimula pa lang ako. Hindi ako nahirapan na sumikat dahil bukod sa magaling talaga akong kumanta ay maganda rin ako. Mabilis kong nakuha ang loob ng mga tao dahil doon. “I’m busy, Anais. Don’t tell me tumawag ka lang para itanong iyan?” Pairap kong balik sa kanya. “Duh! Of course! So, ano na nga? Anong meaning ng ngiti na ‘yon?” “Oh, please! Will I get paid if I answer your freaking question?” “Grabe! Para namang hindi tayo magkaibigan n’yan!” Muli akong napairap. This girl! Tumawag lang talaga para mang-intriga. “Fine! There’s no meaning behind that smile, ‘kay?” “What do you mean, girl? Iba ‘yong ngiti mo don! Don’t tell me sinadya mo ‘yon para mag assume ang mga fans mo na may something sa inyo?” Ngumisi lanang ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. “Oh, gosh! Iba ka talaga, girl! You know how to play the game. Mas iingay nanaman ang pangalan mo sa social media niyan dahil ibat-ibang speculations nanaman ang lalabas.” “Are you forgetting that your friend is Chloe Evans? Even if I don’t do anything, my name is still all over social media. Wala namang bago.” “Oh, well! Good luck sa next show mo, girl!” aniya at nagpaalam na rin kaagad. Talagang tumawag lang upang maki-chika. Ibang klase rin ang babaeng iyon. Kahit na busy rin naman siya ay nakuha pa talaga niyang sumagap ng balita. Live ang talk show na iyon kaya hindi na rin nakapagtataka na nakarating agad sa kanya ang tungkol roon. Binati ako ng mga kapwa ko singer nang dumating ako sa studio kung saan magaganap iyong battle of the bands. Lima kaming hurado at lahat sila ay nakatrabaho ko na before. Naging guest ko pa ang dalawa sa kanila sa concert ko last year. Sobrang excited ako para sa show na ito. I’m really looking forward to this project. I like talent shows like this, especially musical competitions because singing is my passion. Masaya ako kapag may kinalaman sa pagkanta ang trabaho ko. That’s why mas pinipili ko iyong mga ganitong project kaysa gumawa ng pelikula. I am an actress too. May mga pelikula na rin akong nagawa pero mas focus ako sa singing career ko kaysa sa pag-arte. “Grabe, tuwing nakikita kita parang mas lalo kang gumaganda,” ani Carla, isa sa mga kasamahan kong judge. She’s one of my guests sa concert ko last year. “She’s right. You’re glowing. In love ka ba? Who’s the lucky one?” Pagsang-ayon naman ni Freya, isa rin sa mga singer na nakatrabaho ko na rin before. I smiled and shook my head. “Kahit naman hindi in love ‘yan glowing ‘yan,” ani Dean. Isa rin siya sa mga napiling judge tulad ko. Lahat ng judges ay may mga pangalan na rin sa industriya at hindi basta-basta. Mabuti na lang dahil ayaw kong makipagplastikan sa mga artist na hindi ko naman kalebel. Nagsimula ng mag-perform ang naunang banda. Muntik na akong antukin sa napili nilang tugtugin at sa kung paano sila mag-perform. Gusto kong mainis dahil ang sabi ay sinala raw maigi ang mga kalahok ngunit unang banda pa lang ay wala na agad. Napabuntong hininga na lamang ako habang napapailing. Ito na ba iyong sinala nila? Mabuti na lang at hindi ako ang judge na nagbigay ng kumento sa grupong iyon, kung hindi ay baka kung anong masasakit na salita ang masabi ko. Sunod na grupo ay mas matino naman sa nauna pero kulang pa rin sa akin ang ibinigay nilang performance. Hindi ko maintindihan ang mga ito. Binigyan na sila ng pagkakataong mag perform sa big screen. Bakit hindi man lang nila galingan? “Mukhang wala kang nagugustuhan sa mga nag-perform, ah?” ani Lance sabay abot sa akin ng tubig. “Uminom ka muna. You look stress,” aniya sabay ngisi. “They are wasting our time here,” wika ko bago sumimsim sa tubig na inaalok niya. “Sinabi mo pa,” sang-ayon naman ng isa pang judge. “Mayroon naman silang potential kahit papaano.” Napatingin ako sa nag-comment noon at napairap. Seryoso ba ang babaeng ito? Hindi ko makita iyong potensyal na nakikita niya kung mayroon man. Mabuti na lang at ang sumunod na banda ay may ibubuga na. Kung hindi ay baka nag-walk-out na ako rito sa sobrang iritasyon sa mga performers. Ang mga sumunod ay maayos na rin kaya kahit papaano ay na-enjoy ko na rin ang show. Hanggang sa lumabas ang huling bandang mag-peperform. Naibaba ko ang pen na hawak ko at naningkit ang mga mata. Tama ba itong nakikita ko o namamalikmata lang ba ako? Hawak ang isang lumang gitara nagsimula siyang tumugtog. Isang sobrang pamilyar na kanta ang dumagundong sa buong studio kasabay ng hiyawan at palakpakan ng mga taong nanonood. Intro pa lang ay nakuha na ng grupo ang atensyon ng mga tao. Tamang kalabit sa piyesa ng gitara at tamang sabay ng palo sa drum, hindi maikakailang praktisado ang bandang ito. Their choice of song is good too. Itong ganitong kanta ang kanina ko pang hinahanap. Nagsimulang kumanta ang vocalist ng banda. Aaaminin ko, nagulat ako dahil hindi ko kailanman naisip na marunong kumanta ang Calix na ito. He’s actually good. Malinaw niyang nasasambit ang bawat salita sa awit. Hindi ako makapaniwala na ganito siya kagaling kumanta. Hindi ko na napansin na nakaawang na pala ang mga labi ko habang pinapanood ang performance ng kanilang grupo ngunit nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay agad rin akong nag-iwas. What the hell! He’s so good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD