Kabanata 4

2189 Words
Kabanata 4 Chloe Evans My head hurts when I get to school. Damn, I drank a lot last night. This is one of the many reasons why I don’t like to party when I have school the next day. But I’m also not the type of person who gets too drunk at night outs. I know my limitations. That is why I don’t understand why I drank that much last night. It’s not the first time na nakarami ako ng inom at nalasing. Pero ito ang unang pagkakataon na nagpakalasing ako kahit na alam kong may pasok kinabukasan. So f*****g stupid. Maaga pa naman kaya naisipan kong magtungo na muna sa library. May kailangan pa akong i-review kung sakaling may surprise quiz mamaya. Mahilig pa namang magpa-surprise quiz ang professor namin sa Literature. Kailangan ako ang may pinakamataas na score sa class. I don’t think I could take it if one of my classmates scored higher than me. Kailangan ako ang highest sa class. As always. Kinuha ko ang kailangan na libro at agad na naupo sa bakanteng silya. Masyado pang maaga kaya konti lang ang tao sa library. Ito ang dahilan kung bakit inaagahan ko ang pasok. Ayaw ko kasi ng maraming tao. Ayokong may umaabala sa akin sa tuwing nagbabasa ako. Kaya lang sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako sa pagbabasa. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin at may nilapag ito sa lamesa kung saan ako nakasandal. “Hangover?” Tanong ni Calix na siyang bumungad sa akin nang dumilat ako. Agad akong na conscious sa itsura ko. Naabutan niya akong tulog? Hindi ko alam kung paano nangyaring nakatulog ako bigla. For goodness sake nasa library pa ako at naabutan ako ni Calix sa ganong ayos. Damn it! Ganoon kalala ang hangover ko? “O, inumin mo,” aniya sabay lahad ng gatorade. Iyon ‘yong pinatong niya sa lamesa kaya nagising ako. Tiningnan ko siya ng masama. Wala naman siguro siyang inilagay na kung ano dito, di ba? “Malinis ‘yan. Kabibili ko lang sa cafeteria. Tingnan mo naka sealed pa, o. Kung makatingin ka parang lalasunin ka, ah?” aniya nang napansin ang pag-aalangan sa itsura ko. Gusto kong matawa kaya lang naalala kong si Calix ang kaharap ko. Baka isipin niyang close na kami kapag tinawanan ko siya. Kaya sa halip ay umirap na lamang ako at hindi tinanggap ang inaalok niya. “No, thanks,” tanging sabi ko at tiningnan ang oras. Saglit nga lang akong nakatulog dahil maaga pa rin naman. May time pa akong magbasa. “Ang arte mo naman. Sayang naman ang tinakbo ko sa cafeteria kung hindi mo naman iinumin ‘yan?” Muli akong napabaling sa kanya at nagtaas ng kilay. “Sino ba ang nagsabi sa’yong gawin mo ‘yon?” “Nagmamalasakit na nga ‘yong tao tapos ganyan ka pa.” “Well, I don’t need your malasakit. I am not a charity case.” “Alam mo ibang klase ka talaga.” “I know,” I answered proudly. Buti alam niya. Narinig ko ang buntong hininga niya pero hindi ko na siya nilingon pa at nag-focus na lang sa binabasa. Hindi na rin naman siya nangulit pagkatapos noon at nagsimula na ring magbasa ng dala niyang libro. “Hi Calix!” Natigil ako sa pagbabasa nang marinig kong may tumawag sa katabi ko. Bakit ba kasi dito pa naupo ang bwisit na ‘to? Pinayagan ko ba siyang tumabi sa akin? “Tapos ka na doon sa chapter five? Wala akong naintindihan. Paturo naman,” sabi ng babaeng tumawag sa kanya bago ito naupo sa harap namin. Great! Tuluyan na akong huminto sa binabasa ko. Sinarado ko ang libro at nag-angat ng tingin sa babaeng kausap ni Calix. Agad din naman itong napalingon sa akin at halata ang pagkagulat sa mukha nang makilala kung sino ako. “Who said you can sit there?” “Chloe!” Nilingon ko si Calix sa tabi ko. “At ikaw? Sino ang nagbigay sa’yo ng permisong tumabi sa akin? Can you please leave me alone?” Walang sabing tumayo si Calix mula sa tabi ko. “Let’s go,” aniya sa babae bago sila tuluyang umalis upang lumipat ng table. Nakakainis talaga kahit kailan kapag naiistorbo ako sa pagbabasa. Nawalan tuloy ako bigla ng ganang magbasa. Nahinto ang tingin ko sa gatorade na iniwan ni Calix. Tinitigan ko iyon ng masama at umirap. Gaya ng inaasahan ko nagpa-surprise quiz ulit ang professor namin sa Literature pero hindi na nakakagulat na ako pa rin ang may pinakamataas na score sa klase. Nang natapos ang unang klase ay nagkaayaan ang mga blockmates kong tumambay sa coffee shop sa tapat lang ng campus. Kahit wala akong ganang makipag-socialize dahil masakit pa talaga ang ulo ko ay sumama pa rin ako. Binigay ko ang order ko sa isa sa mga ka-close kong classmate bago naupo sa lamesang napili nila. Gusto kong tumungo muna sana sandali dahil habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang pananakit ng ulo ko pero ayoko namang magmukhang ewan dito. Nakapila sa counter ang mga kasama ko habang ako lang mag-isa sa table namin, kaya kung tutungo ako dito ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Mamaya may kumuha pa ng litrato ko at i-post sa social media na may misinformation na caption. Ang hilig pa naman ng mga tao sa fake news. May kumalat lang na litrato kahit crop photos pa ‘yan, bibigyan na agad ng meaning. Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto ng coffee shop at pumasok ang maingay na grupo nila Shan. Nagtatawanan sila at nag-aasaran nang dumating. Parang automatic na nahanap ako ni Shan sa kinauupuan ko. Isang tapik lang sa kasama niya at agad siyang nagtungo sa pwesto ko. Napairap ako nang hilahin niya ang upuan sa harapan ko at maupo doon. “Why are you alone here? Where’s your boyfriend?” Nagtaas ako ng kilay. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? “So, sino ba sa dalawa ang boyfriend mo?” “What are you talking about?” Iritado kong balik sa kanya. “Akala mo ba hindi ko napapansin na you and Damon are always hanging out? But I wonder why you were dancing with someone else last night. I saw you pull him out of the bar, Chloe. Sabay din kayong bumalik,” aniya sa seryosong tono. Nakita niya kami ni Calix kagabi? Pero kung nakita niya man kami, ano namang pakialam niya? At ano ring pakialam niya kung lagi kaming magkasama ni Damon? “Why do you care?” Umirap ako. “You know why,” aniya at ngumisi. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Alam ko kung ano ang ginagawa ng lalaking ito. “Will you stop it? I know I’m gorgeous and you’re attracted to me, but you can’t fool me into believing that you’re jealous. I know better. I know what you are doing. If you want to hook up with me, then there’s no problem, Shan. I am open to hookups.” “What if I want more than that?” “Oh, shut up. I know you damn well. You don’t do labels.” “You know I can make an exception just for you.” “Of course, you’ll make an exception for me. Who wouldn’t want me as their girlfriend, right?” He smirked with amusement. “Kaya mas lalo akong nababaliw sa’yo, eh.” Dumating na ang mga kasama ko kaya nahinto doon ang pag-uusap namin ni Shan. Nakipagbatian pa siya sa mga kasama ko bago siya tuluyang bumalik sa mga kasama niya. Nang mapatingin ako sa lamesa nila ay hindi ko maiwasang mapairap dahil naabutan kong nakatingin siya sa akin habang ang mga kasama niya ay abala sa kung anong pinag-uusapan. Ngumiti siya nang nakita ang pag-irap ko. I know very well what kind of game he is playing right now. “Hindi ba nanliligaw sa’yo si Shan?” tanong ni Pearl, isa sa mga close kong classmate. Sumimsim ako sa inumin ko bago walang ganang umiling na tila ba hindi ako interesado na pag-usapan ito. “Kalat na sa buong campus ang pag-amin niya na ikaw iyong ideal woman niya.” “Kinausap ka niya kanina. Anong pinag-usapan niyo?” “I don’t want to talk about him,” tanging tugon ko. Hindi na para ipagkalat pa kung anuman ang pinag-usapan namin. “Bakit? Ayaw mo ba sa kanya? You don’t find him attractive, Chloe?” Tanong naman ni Michelle. Isa rin siya sa mga pinagkakatiwalaan kong classmate. Dumako ang tingin ko kay Shan dahil sa tanong na iyon. “He’s fine,” tanging naging sagot ko dahil ayaw ko naman magsinungaling. He’s actually good. He’s handsome, and his body? Oh, God! Ayoko na lang magsalita. I don’t know. I feel like it’s forbidden to praise him that much. He is also from an influential family. He’s actually the perfect boyfriend for me. Tall, handsome, smart and most importantly, from an influential family. But I don’t like what he is playing right now. Alam kong gusto niya akong maging girlfriend para maiyabang niya. Iyong babaeng maipagmamalaki niya sa mga kaibigan niya. Well, kung sa bagay, maipagmamalaki ko rin naman siya. After all, he’s every woman’s fantasy. Makikinabang din ako sa kanya. Kaya okay na din sigurong gawin siyang boyfriend. If magkakatuluyan kami. We’ll be a power couple. Matalino rin naman siya tulad ko at galing pa sa mayamang angkan. Wala akong masasabi sa background niya. Maliban na lang siguro sa pagiging playboy niya. Never napabalitang nagkaroon siya ng serious relationship or girlfriend. Puro fling at hookups lang. But I’m not a hypocrite to judge him for that. Dahil tulad niya ganoon rin naman ang ginagawa ko. I just don’t feel like being in a serious relationship with someone. I easily get bored. Pero kung mag-bo-boyfriend man ako, I want him to be the best. Hindi pwedeng kung sino lang. I am Chloe Evans. Everyone looks up to me. I am always the trend setter, even in the field of fashion. I am always the best. Always on top of everything. I can’t afford to have a loser for a boyfriend. I need the best boyfriend that I could get. Iyong kalebel ko o mas higit pa if meron man. “Bagay kayong dalawa,” ani Pearl. “Oo nga. Bagay na bagay kayo. You’ll make a good couple,” si Michelle naman. “But I heard sila na ni Rebecca. I saw them last night too,” singit ng mahaderang si Emma. I don’t like this girl. Halata naman kasing ayaw niya sa akin dahil inggit na inggit siguro siya sa ganda ko at sa dami ng may gusto sa akin. Hindi kasi siya napapansin kaya umaagaw eksena palagi. I know girls like her. Attention seeker. “Baka fling lang. Hindi naman nag g-girlfriend si Shan. Mukhang si Chloe lang ang hinihintay niya,” anang isa pa naming kasama. I forgot her name. “Pero hindi naman siya nanliligaw sa’yo, Chloe, right?” Muling sabi ng mahadera. Hindi ako sumagot. How dare she question me? “If he really likes Chloe, bakit hindi siya nanliligaw sa kanya?” anito pa sabay kibit ng balikat na para bang may gustong iparating. “Maybe he’s just afraid to get rejected by Chloe,” sabi ni Pearl, sabay baling sa akin. “After all, she is Chloe Evans,” dagdag naman ni Michelle at nag hi-five pa ang dalawa na para bang nagkakaintindihan ng husto. “Ang mga lalaking katulad niyan, takot sa rejection.” “Bakit, Chloe? Balak mo ba siyang ibasted kung manligaw siya sa’yo?” tanong ng isa pa naming kasama. “Hindi nga nanliligaw kaya paano niya babastedin?” Singit nanaman ni Emma. Seriously? What’s wrong with this girl? Hindi naman siya ang tinatanong pero sabat ng sabat. Nakakairita. “Shut up, girl. Hindi ikaw ang tinatanong,” iritadong sambit ni Pearl. Tumawa naman si Michelle na para bang tuwang-tuwa sa pambabara ni Pearl kay Emma. “What? I’m just stating a fact. Hindi naman talaga nanliligaw si Shan kay Chloe. Kaya nga si Rebecca ang kasama niya kagabi sa bar. Hindi ba nandoon ka rin, Chloe?” Bumaling pa siya sa akin. Gustong-gusto ko siyang irapan. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin. “For sure nakita mo rin kung gaano sila ka-sweet last night ni Rebecca.” Ngumisi ako. I know what she’s doing. Clearly, she wants to piss me off. “I saw it. She seems like the type of girl Shan usually goes for, just a passing fling he will forget after a single night,” I said with a smirk. “Good for one night kind of girl,” kumento naman ni Michelle at muli silang nag hi-five ni Pearl. Nang natapos ang vacant time namin ay agad na kaming bumalik sa school. Tahimik na si Emma pagkatapos ng usapang iyon. Akala niya siguro ay maiinsulto ako sa mga sinasabi niya. Hindi ang isang katulad niya ang makakainsulto sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD