Chapter 1
Her POV
"You." Ilang beses akong napakurap nang mag tama ang paningin namin ni Miss Solis, adviser namin.
Patakbo akong lumapit sa kan'ya bitbit ang mabigat kong bag. Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay para bang may kung ano sa loob ko na medyo napahiya. Isinenyas ni Miss Solis ang upuan sa pangatlong row kaya naman tumango na lang ako. Nakangiting sumalubong sa akin ang lalaking katabi ko sa upuan. Bale ang lagay eh bintana, lalaking kaklase, ako, isa pang lalaking kaklase. Sayang, gusto ko sana sa tabi ng bintana.
"Hello?" Bati noong isa kong katabi pero tiningnan ko lang s'ya.
Hindi naman ako masungit. Sadyang wala lang ako sa mood dahil kulang na kulang pa ako sa tulog. Kagabi kasi ay nasa isa akong resort kasama ang mga pinsan ko pati na ang iba pa naming kamag anak. Ang akala ko ay papayag si Mama na mag absent ako kaya naman mag damag akong palangoy langoy kaso lang ay pinauwi ako around 4 am dahil first day daw ng klase at ayaw ni Mama na lumiban ako. Triny ko na mag dahilan at mag paawa ngunit sadyang matigas ang puso ni Mama.
"Ang sungit mo naman? By the way, I'm Ire. Etong ungas na nasa harapan mo," Tinuro n'ya ang lalaking katapat ko sa upuan. "Si Jelo 'yan. Tapos 'yang isa na nasa tabi ng bintana, Si Sernon. Nice to meet you!"
Medyo nakunsensya naman ako kaya ngumiti ako pero hindi pa rin ako nag salita. Medyo napakunot naman ang noo ni Ire.
"Ang taray mo naman? Nakikipag kilala lang eh HAHA!" Kusang tumaas ang kaliwang kilay ko dahil doon.
Don't get me wrong, hindi ako mataray. Sadyang tumataas ang kilay ko, mannerism ba. Kapag curious ako, o masaya, o malungkot, o kung ano man, talagang automatic na tumataas ang kilay ko.
"Oh? Jelo, tingnan mo oh ang taray HAHA!" Nabaling ang paningin ko doon sa Jelo.
"Baka naman crush ka? Tinatarayan ka para di mahalata?" Nakangising sabi ni Jelo na mas lalong nag pataas sa kilay ko.
"Okay, class. This will be your seating arrangement for the rest of the school year. I know na hindi n'yo pa masyadong kilala ang isa't isa as the school year only started a few hours ago so I'm giving you a chance to be more comfortable with your seatmates. Enjoy."
Matapos sabihin 'yon ay mabilis na lumakad papalabas si Miss Solis. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang nakakalokong tingin ni Jelo na ngayon ay nakangisi na. Medyo nakakairita. Pasalamat s'ya at may itsura s'ya kundi baka nasuka na lang ako habang nakikipag titigan sa kan'ya.
"Jelo 'wag namang ganyan, akala ko ba suportado mo 'ko? Inaagaw mo naman agad labidabs ko eh." Nabaling ang tingin ko kay Ire.
"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong n'ya.
"Wala."
"Wala!? Sobrang ikli naman ng binigay na pangalan sa'yo? Pero hayaan mo, mas maikli yung sakin HAHA!" Napairap na lang ako nang mag tawanan sila ni Jelo. Ang babaw naman ng kaligayahan nila?
"Pero seryoso," Muling tumaas ang kilay ko nang maramdaman ko ang unti- unting pag akbay ni Ire sa'kin. "Ano ngang pangalan mo?"
"Pake mo ba?" Medyo napaatras s'ya.
"Ang taray mo talaga, sige na nga. Ako na lang ang mag bibigay ng pangalan sa'yo. Ayaw mong sabihin pangalan mo eh." Napatingala s'ya.
Seryoso? Nag iisip talaga s'ya?
"Ah! Ricy!" Kumunot ang noo ko. "Napansin ko kasi na medyo malusog 'tong mga pisngi mo so Ricy na lang, yung kanin ba HAHA! Cute ka naman ayos na 'yun!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sapuhin n'ya ang magkabilang pisngi ko at inilapit sa kan'ya. Pilit ko s'yang tinutulak pero nakangiti lang s'ya at steady lang ang kamay n'ya na para bang wala man lang epekto yung pag pigil ko sa kan'ya.
"Hoy Ire, ano yan?" Lumingon sya sa babaeng nakaupo sa unahan na katapat ng upuan n'ya.
"Ay oo, Eloisa this is Ricy." Bahagyang natawa yung babaeng tinawag n'yang Eloisa nang iniharap n'ya ako.
"Nice to meet you, Ricy? Totoo? Pangalan mo 'yun?" Iiling sana ako kaso dahil hawak pa din ni Ire ang mga pisngi ko ay napatango ako.
Napabuga ako ng hangin nang bigla n'ya akong binitawan. Dinig ko pa ang pag tawa ni Ire. Hindi ko na lang s'ya pinansin at itinuon sa labas ng bintana ang atensyon ko. Nadako ang atensyon ko sa isa ko pang katabi. Napansin ko lang, hindi ko pa pala s'ya nakakausap. Muli akong lumingon kay Ire na ngayon ay nakikipag kwentuhan na kila Eloisa.
"Ire..." Agad s'yang tumigil at humarap sa'kin.
"Ganda pakinggan ng pangalan ko pag ikaw ang nag sasabi." Nakangiting sabi n'ya.
Bahagya akong lumapit kaya yumuko s'ya ng kaunti hanggang sa pumantay ang bibig ko sa tenga n'ya. Medyo nag dalawang isip pa ako kung itatanong ko ba o hindi pero sayang naman, nandito na eh.
"Anong pangalan n'ya?" Kunot noong napatingin si Ire sa'kin.
Nailang naman ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya lumayo ako ng konti at umiwas ng tingin. Nang bumalik ang tingin ko kay Ire at nkakunot pa rin ang noo nya kaya isinenyas ko ang katabi kong lalaki. Parang naliwanagan naman s'ya. Inilapit n'ya sa tenga ko ang bibig n'ya bago nag salita.
"Sernon."
•••
His POV
Nag tama ang paningin namin ni Ire nang marinig ko ang pag banggit n'ya sa pangalan ko. Bahagya s'yang natawa nang lumayo s'ya sa babaeng katabi namin. May isa pang ibinulong si Ire bago tuluyang tumalikod at ipinag patuloy ang pakikipag kulitan sa iba pa naming kaklase.
Pinanood ko ang dahan dahang pag lingon noong babae sa'kin. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang hinihintay ang susunod n'yang gagawin o sasabihin. Nagulat ako nang tingnan n'ya ako ng diretso sa mga mata bago nag salita.
"Sernon?" Hindi ko alam pero napatango na lang ako sa tanong n'yang 'yon.
"Magaling ka pala mag drawing!"
Napakunot na lang ang noo ko dahil sa mabilis na pag babago ng ekspresyon ng mukha n'ya. Mula sa seryoso ay bigla na lang itong lumambot. Napunta ang atensyon nya sa notebook na kanina lang ay sinusulatan ko ng kung ano ano. Nakangiti s'ya at para bang manghang mangha habang pinapalipat lipat ang mga page ng notebook na 'yon.
"Ang galing mo pala! Wala na bang iba nito?"