CHAPTER 14 : NEW MEMBERS OF ROYALS... Axter POV "Po? Headmaster. Imposible po yata yang sinasabi niyo." Gulat na sabi ko kay Headmaster. Nandito kami ni Luna sa office ni Headmaster. Sa kalagitnaan kasi ng klase ay pinasundo niya kaming dalawa. "Hindi ka ba natutuwa sa sinabi ko? Malaking karangalan ang mapabilang sa Royal class." Sagot sa akin ni Headmaster. "Pero..." Tigil ko sa pagsasalita ko at napatingin ako sa tahimik lang na si Luna. "ang gusto ko lang ay tahimik na mamunuhay dito habang nag aaral kami ng kapatid ko." Dugtong ko. Ayoko na masangkot pa si Luna sa ibang bagay. Baka mas lalo pa niyang ikapahamak at baka malaman pa ng mga Grisser ang totoong katauhan ni Luna. Isang karangalan nga naman ang mapabilang sa Royal clasa. Pangarap ko ito noon. Pero iba na ngayon. May ka

