CHAPTER 13 : ANG KAKAYAHAN NI LUNA... Luna POV "L-lira." Nanghihina kong sabi habang hawak hawak pa din ang kamay ni Lira na nakahiga sa kanyang kama na napapalibutan ng mga bulaklak. Nanghihina ang tuhod ko kaya naman napaluhod ako. Hindi ko mapigilan na hindi mapahagulgol sa lahat ng nakita ko. "B-bakit? Bakit ko nakita yun?" Sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko. "Luna." Lumapit si Axter at inalalayan niya ako na makatayo. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin na may pag aalala. "N-nakita ko y-yung g-ginawa n-nila k-kay L-lira mga w-walang h-hiya s-sila." Halos hindi ko na din maintindihan ang mga pinagsasabi ko dahil sa sobrang panginginig ng katawan at labi ko. Hindi ko kinaya ang ginawa nila kay Lira. Hindi yun makatarungan. Natrauma ako sa mga nakita ko. Nakita ko lang iyon per

