CHAPTER 17 : LOST & ESCAPE.. Third Person POV Magsasalita na sana ulit si Axter pero nakarinig sila ng sunod sunod na malalakas na pagsabog. "Ano iyon?" Tanong ni Hezreal. "Tara tignan natin." Sabi naman ni Smith. Sabay sabay silang lumabas ng dorm. Kasabay nun ay lumabas din si Leo mula sa bintana ng kanyang kwarto sa dorm. Naalarma din si Leo dahil sa malakas na pagsabog. Ngayon lang kasi nangyari ito sa academy. Nagkagulo naman ang mga studyante na malapit sa pinagmulan ng pagsabog. Nagkaroon ng usok sa paligid. Makikita ang pagtakbo ng mga studyante sa quadrangle. Yung iba naman ay nagsilabasan galing sa kanilang kwarto yung iba naman ay galing sa kanilang classroom at ang ibs ay galing ss canteen at library. Hindi sila magkandaugaga sa pagtakbo palayo. Yung iba ay lumalapit at n

