Luna POV Palingon lingon ako sa paligid dahil dumidilim na at nandito pa rin ako sa gubat. Hindi ko na din alam kung gaano na ba kalayo ang nalakad ko. Basta nang makahanap ako ng tiyempo ay umalis na agad ako sa academy. Hindi na nila napansin yun dahil nagkakagulo kanina sa academy. Gustong gusto ko na talagang bumalik sa mundo namin. Atleast doon kahit na may mga masasamang tao sa mundo ng mga mortal hindi naman katindi hindi tulad dito. "T-tulong..." Nakarinig ako ng mahinang pagsalita. Teka may tao ata dito bukod sa akin. Hindi ko lang maintindihan ang sinasabi niya. Kaya naman sinundan ko kung saan nanggagaling ang kanyang boses. "T-tulungan n-niyo a-ako..." Sa bawat lakad ko ay lumalakas ang boses niya. Ibig sabihin malapit na ako. Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang

