Chapter 5 : Papatunayan ko!

1897 Words
CHAPTER 5 : PAPATUNAYAN KO... Leo POV "Sinasabi ko naman sa inyo wala akong kinalaman sa pagkawala ni Lira." Nasa pintuan pa lang ako ng clinic ng school pero rinig na rinig ko na boses ng babaeng may hawak daw sa bracelet ng kapatid kong si Lira. Agad akong pumunta dito pagkatapos kong malaman na dinukot ang kapatid ko. At hinding hindi ko mapapatawad ang nasa likod nito kung sino man siya. Agad binuksan ng kawal ang pintuan para makapasok ako. Nakita ko na nakatutok sa leeg ng babae ang espada ng heneral ng aming kaharian. "Sasabihin mo ba sa akin kung saan mo dinala si Prinsesa Lira o pupugutan kita ng ulo?!" Galit na sigaw ng heneral kaya hindi niya ako napansin. "Bakit ba ako ang pinagbibintangan niyo? Hindi niyo naman alam ang totoong nangyari!" Tinignan ko ang babaeng nagsalita at hawak hawak niya ang bracelet na bigay ko kay Lira noong kaarawan niya. "Kung ganun ikwento mo ang buong pangyayari." Sabi ko at nagulat ang heneral na makita niya ako sa harapan nila. Nagtama ang paningin naming dalawa ng babae at katapangan ang nakikita ko sa mga mata niya. "K-kamahalan." Utal na sabi ng heneral at yumukod siya sa akin. "Kalagan siya." Utos ko sa mga kawal na halatang nagulat sa utos ko. Maging ang babae at ang heneral. "Pero mahal na prinsipe baka makatakas siya." Pag aalalang sabi ng heneral. "Minamaliit mo ba ang kakayahan ko at sinasabi mo na matatakasan niya ako Heneral Tegan?" Kalmadong sabi ko at tinignan ko ang heneral. "Patawad sa aking sinabi mahal na prinsipe. Kalagan ang babae." Sabi ng heneral. Agad namang sinunod ng mga kawal ang utos ng kanilang heneral. Tila ba biglang nabuhayan ng loob ang babae dahil tinanggal na ang tali sa kanyang kamay. Tumayo ang babae at akmang lalabas ng kwarto pero agad kong kinuha ang espada ko at itinutok sa kanyang leeg. Hindi ko mapapayagan na mawala siya sa paningin ko. Natigilan siya at sa tingin ko kinakabahan na siya sa maaari kong gawin. "Saan ka pupunta?" Mahinahong tanong ko sa kanya. "Leo!" Narinig ko ang boses ni Antonette ang prinsesa ng wind kingdom. Hindi ko nilingon si Antonette at nakatingin lang ako sa babae. Pinatawag ko kasi ang royals at sa tingin ko ang unang nakarating dito ay si Antonette. Nagulat ako ng bigla pang nilapit ng babae ang leeg niya sa dulo ng espada ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na iyon. "Patayin niyo ako kung gusto niyo pero bago yun hayaan niyo muna akong iligtas ang matalik kong kaibigan na si Lira. Tiyak akong umiiyak na yun sa mga oras na ito. Takot yun sa madilim." Natigilan ako sa sinabi ng babaeng ito. Tama siya takot si Lira sa madilim. At iyakin ito. Sino ang babaeng ito? Bakit niya kilala ang kapatid ko? Ngayon ko lang siya nakita dito. "Bakit mo kilala ang kapatid ko?" Sa pagkakataong ito siya naman ang nagulat sa sinabi ko. Pero bago pa siya muling makasagot ay may pumasok nanaman sa kwarto. "Luna!" "Axter." Luna? Parang narinig ko na yun. Hindi kaya? "Ikaw ba ang sinasabi ni Lira na matalik niyang kaibigan sa mundo ng mga tao?" Luna POV Napasinghap ang lahat kasama na ako sa tanong ng prinsipe. Kung ganun prinsesa nga dito sa mundong ito si Lira. "Mundo ng mga tao?" "Wag mong sabihin na mortal ang babaeng ito?" "Ewan pero kung totoo nga yun. Ano kaya ang ginagawa niya dito?" "Tahimik!" Sigaw ng prinsipe at bigla na lang ako nakaramdam ng takot at panlalamig. "Luna." Akmang lalapitan ako ni Axter pero naalarma ang mga kawal kaya walang nagawa si Axter ng tutukan siya ng mga ito ng kanilang armas. "Sagutin mo ako." Mahinahong sabi ng prinsipe pero alam ko at nararamdaman ko na galit na ito. "O-oo ako nga yung tinutukoy niya. Ako ang kaibigan niya sa mundong iyon." Sagot ko at ibinaba na niya ang espada niyang nakatutok sa leeg ko. "Wag niyo na din tutukan si Axter." Sabi nung babaeng kakapasok pa lang. Kung ganun kilala niya si Axter. "Ano ang ugnayan niyo ng dating heneral ng hukbo ng White Clan?" Muling tanong ng prinsipe. Napatingin ako kay Axter wala siyang sinasabi na heneral pala siya ng hukbo ng aking ama. "Kaibigan/Kapatid." Halos sabay naming sambit ni Axter na siyang nagpakunot ng noo ng mahal na prinsipe. Oo nga pala patay. Nakalimutan ko na dapat pala kapatid ang ipapakilala sa akin ni Axter. Ayun daw sa kaligtasan ko. "Ah hehe oo kapatid niya ako." Sagot ko at napakamot ako sa pisngi ko. Please sana makalusot. "Hindi ko alam na may kapatid ka Axter." Halata sa boses ng prinsipe na hindi siya naniniwala. "Pasensya na mahal na prinsipe. Sa mundo ng mga mortal lumaki si Luna at ito ang kauna unahang pagsasama naming dalawa. Kakahanap ko pa lang sa nawawala kong kapatid." Paliwanag naman ni Axter. "Leo nandun na silang lahat sa opisina ng headmaster." Sabi nung babae sa prinsipe. Halatang magkaibigan sila dahil kanina ko pa napapansin na hindi niya ito tinatawag na prinsipe o mahal na prinsipe. "Sumunod kayong dalawa sa opisina ng headmaster Axter. Heneral maaari na kayong bumalik ng palasyo. Ako na ang bahala dito." Sabi ng prinsipe saka siya lumabas ng clinic. "Luna. Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Axter. "Ayos lang ako. Pero ikaw pala ang heneral ng hukbo ng aking ama." Sabi ko habang nakatingin kay Axter. "Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga mailayo kita dito." Sabi ni Axter at hinila niya ako palabas nh clinic. "Hindi!" Agad kong kinuha ang kamay ko mula sa kanya. Tutol ako sa sinabi niya. "Hindi ko maaatim na umalis dito. Gayong kinidnap ng masasamang tao si Lira. Ang matalik kong kaibigan." Sabi ko at napatingin ako sa bracelet ni Lira. Lira maghintay ka lang ililigtas kita jan. Pagbabayaran nila ang pagkidnap sa iyo. "Kaya na ng hukbo ng sacred kingdom ang problemang ito. Hindi ka pwedeng masangkot sa anumang g**o gaya nito. Baka malaman nila ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo." Pabulong na sabi ni Axter kahit na kaming dalawa na lang ang tao dito. Mahirap na baka may makarinig pa. Pero alam ko naman na wala nang tai dito. "Sabi mo kanina ito na lang ang lugar na ligtas para sa akin. Tapos ngayon papaalisin mo ako dito?" Medyo may pagkainis na sabi ko kay Axter. Tinatawag niya akong prinsesa pero hindi niya magawa na pagkatiwalaan ako. Anong klase siya! "Pero hindi sa ganitong paraan." Alam ko naman na kaligtasan ko lang ang iniisip niya. Pero hindi sa lahat ng oras kailangan ko na lang takbuhan ang panganib na naghihintay sa akin. "Ako ang prinsesa mo. At susundin mo kung ano ang desiyon ko. At ang desisyon ko ay manatili dito sa paaralang ito at iligtas ang kaibigan kong si Lira!" Buong tapang na sagot ko kay Axter saka ako nauna nang maglakad. Nandito na kami ni Axter sa opisina ng headmaster. Walang nagawa si Axter kundi sundan ako. Hindi na rin naman mababago ang desisyon ko kahit ilang beses pa siyang tumutol. "Luna tama?" Tawag sa akin ng headmaster ng school na ito. "Opo." Magalang na sagot ko sa kanya. Halos lahat ng taong nandito ay nakatingin sa akin. Maliban sa prinsipeng kapatid ni Lira. "Maaari mo bang ikwento ang nangyari kanina?" Paghingi ng pahintulot ng headmaster. "Sa totoo niyan. Kakarating lang namin ni Axter sa paaralang ito. Sabi ng kapatid ko dito na ako mag aaral." Hindi na ako ulit nakapag salita dahil tinanong ako ni headmaster. "Saglit si Axter ba ang tinutukoy mong kapatid?" Tanong ni headmaster at napatango ako. "Kanina habang naglilibot ako nagulat na lang ako dahil may biglang lumapit sa aking babae. Noong una hindi ko pa siya makilala. Pero nung nagpalit siya ng anyo dun ko na napagtanto na si Lucy pala yun na matalik kong kaibigan sa mundo ng mga tao. At Lira pala ang pangalan niya dito sa mundong ito." Nakita ko na napatingin si headmaster sa prinsipeng kapatid ni Lira. "Palihim na pumupunta ang kapatid ko sa mundo ng mga mortal kahit na mahigpit namin siyang pinagbabawalan." Sagot niya. "Paanong humantong ang lahat na nakidnap si Lira?" Tanong ng isang lalakeng kulay brown ang buhok. "Habang masaya kaming nagkwekwentuhan. Bigla na lang may malakas na hangin ang pumalibot sa aming dalawa. Tapos may lumabas na tatlong nakasuot na ninjas yung isa sa kanila may sandatang pamaypay. Sa tingin ko dun nanggagaling ang hangin na kapangyarihan niya." Napayuko na ako. At humigigpit na din ang hawak ko sa bracelet ni Lira. "Pagkatapos narinig ko na kukunin nila ang prinsesa. Nung mga panahong iyon hindi ko pa alam na prinsesa siya dito. Pinapatakas na ako ni Lira pero hindi ako umalis." Unti unti nang nagsibagsakan ang luha ko. "D-dahil sa akin... Dahil sa akin kaya k-kusang sumama sa kanila si Lira. Pinagbantaan nila ang buhay ko kung hindi daw sasama sa kanila si Lira papatayin daw nila ako. Tinutukan ako nung parang lider nila ng sandata niya. Tinangka ko pang lumaban kahit na wala naman akong mahika." Sa huli kong sinabi ay nagulat sila pero nanatili silang tahimik at nakikinig sa kwento ko. "Sinubukan kong hilahin ang kamay ni Lira pero tanging bracelet na lang niya ang nahila ko. At ang huli ko na lang na natatandaan ay may parang karayom na tumusok sa leeg ko. Pagkatapos nun unti unti na akong nawalan ng lakas at malay." Nakayuko kong pagtatapos sa kwento ko. "Patawad. Siguro kung humingi na lang ako ng tulong sa iba siguro naagapan pa ang balak nilang kunin si Lira." Sabi ko at lumuhod ako sa kanilang harapan na siyang kinagulat nilang lahat. "Mah---Luna." Muntik nang masabi ni Axter pero buti na lang at naagapan niya. Dinaluhan ako ni Axter at pinapatayo pero hindi ako tumayo. "Pakiusap hayaan niyo akong tumulong para mahanap ang bestfriend ko." Paki usap ko sa kanilang lahat habang umiiyak. Nagulat ako nung may yumakap sa aking babae. Siya yung pumasok kanina sa clinic. "Hindi mo naman kasalanan kung bakit nakuha si Lira. Sadyang madami lang talagang masasamang loob ang uhaw sa kapangyarihan. Halika na tumayo ka na." Sabi niya at inabot niya ang kamay niya sa akin. Kahit na nag aalinlangan ay kinuha ko ito saka nakita ko na ngumiti siya sa akin. "Hanga ako sa katapangan mo pero hindi maaari ang kahilingan mo. Hindi ka pwedeng sumama." Sabi ng prinsepeng kapatid ni Lira. Halos manlambot ako sa narinig ko. "B-bakit?" Tanong ko. "Gaya ng sabi mo kanina wala kang taglay na mahika. Paano mo kami matutulungan? Magiging pabigat ka lang." Alam ko na siya ang kapatid ni Lira at nag aalala siya pero parang sobra naman ata ang sinabi niya. "Leo! Wag ka naman magsalita ng ganyan sa isang babae." Sabi nung babaeng yumakap sa akin. "Tama si Leo Antonette. Huwag ka sanang magagalit sa sinabi ng aming leader pero para na din ito sa ikabubuti mo." Sabi nung lalakeng may berdeng buhok. "Kahit namang pilitin niyong isama sa inyo si Luna hinding hindi ako makakapayag! Tara na Luna!" Ramdam ko ang pagkainis ni Axter sa kanyang boses. Hinila na ako ni Axter. "Pumapayag na akong sumama ka sa kanila Luna." Napalingon ako sa sinabi ni headmaster na siya ding ikinangiti ko. "Salamat headmaster." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Pero headmaster!/hindi maaari!" Sabay na bigkas nina Axter at kapatid ni Lira na Leo ata ang pangalan. "Nakapagdesisyon na ako. Tapos na ang usapan." Madiing sabi ni headmaster. Lalabas na sana ako sa opisina ni headmaster pero may nakalimutan akong gawin. Bumalik ako at humarap ako sa harap ng prinsipe. Saka ko kinuha ang kamay niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya naman hindi agad siya nakakilos. Nilagay ko sa palad niya ang bracelet ni Lira. Marapat lang na isuli ko ito sa kanya. Saka na ako tumalikod pero hindi ako humakbang. "Papatunayan ko sayo na hindi ako isang pabigat , mahal na prinsipe Leo." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD