CHAPTER 6 : BLOOD OF LIFE... Leo POV Pinatawag kaming mga royals ni Headmaster. Hindi ko alam kung bakit. "Alam mo ba kung bakit tayo pinatawag?" Biglang tanong ni Hezreal sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa likod ng kanyang ulo. Siya ang ikalawang prinsipe ng Tierra Kingdom (Earth Kingdom). "Kung alam ko edi sana pinaalam ko na sa inyo." Seryoso kong sagot sa kanya. Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Antonette na siyang nasa tabi ko. Siya naman ang prinsesa ng Ventus Kingdom (Wind Kingdom). "Ang sungit." Kahit na hindi ko nakikita ang mukha ni Hezreal alam ko na nakapout siya. Sa aming lima siya ang pinaka isip bata. "Hindi ka pa nasanay sa prinsipe ng yelo. Haha." Natatawang sabi ni Smith kay Hezreal. Si Smith naman ang prinsipe ng Aqua Kingdom (Water Kingdom). Ga

