-- 11 -- Nicole's POV Hindi kahit minsan hindi inopen ni Rica kung ano ang nangyari sa resto. Wala naman kasi nga ako alam kunwari sa buhay niya. The kids are watching Xmen while we are here outside sorting some of her stuffs. Sabi ko naman magpahinga muna siya pero hindi daw siya mapakali kung wala siyang gagawin. Mas maliit kasi yung lilipatan nila kaya kailangan niyang iwan ang mga less important things. E ang kaso yung mga inilipat niya nang box, bubuklatin niya ulit tapos ibabalik niya sa box na dadalhin. "Aren't you getting tired? Saka yang mga sineparate mo binabalik mo rin naman. Pinapagod mo lang sarili mo ah." "May sentimental value ang mga to e." "Ok." Hinayaan ko na lamang siyang mapagod sa pagsosort. Yung box na nasabi niya nung nakaraan na naka-seal na at handa nang k

