Fix you 10: Uwi na Tayo

3266 Words
-- 10 -- NICOLE's POV Tuwang-tuwa sina Tito at Tita sa mga bata. It was supposed to be just a dinner pero napagpasyahan nila dalhin ang mga bata sa Mall. May mini amusment park kasi doon at fireworks display. Hawak-hawak ni tita si Katrina. Nakapiggy back ride naman si Karlo kay tito. "Mukhang may bago na silang favorite." Pang-aasar ko kay Jassy. "E ano naman? Hindi naman ako selfish a. Share share sa love." Hindi nga selfish pero kanina pa siya clingy sa akin. Masayang-masaya ang dalawa habang pinagmamasdan ang makukulay na pailaw sa langit. "Marekoy! Angganda ng mga paputok oh!" sabay turo ni Karlo sa langit. "Luh! Angdaming paputok!" His innocence makes him so adorable. Kanina pa nagbavibrate ang phone ko. Hindi ko lang chinechek kasi tsismosa tong kapatid ko panay ang silip e. She doesn't like Rica just because she's attracted to women. Tapos na ang fireworks display. We headed to a restaurant near the seaside. Nag-excuse akong mag-cr para macheck na rin ang phone ko. It's Rica. I called her. Isa dalawang ring sinagot na niya agad. (Hello... pasensya ka na sa maraming tawag. Ihahatid mo sina Kuts ditto?) ...oo naman. Pasensya na rin. Na-busy kanina hindi ko masagot ang tawag mo. (okay. Sige.) ...May problema ba? (Ah wala. Sige. Hintayin ko na lang kayo.) Hinihintay pala ako nina tito para makakain na. Kunot-noo na nga si Kuts e. "Saan ka galing Marekoy? Gutom na sina lolo at lola. Angtagal mo kaya." "Ay wow. Lolo na talaga?" sabad ni Jassy. "angpangit ng lolo. Pinatanda mo masyado ang daddy ko ah." "Jassy..." saway ni tito sa kanya. "gusto ko naman ng lolo kay mga korning tawagan." Nagsukatan pa ng tingin sina Karlo at Jassy nang piningot ni Katrina ang tainga ng kuya niy. Napaaray tuloy si Karlo. "Naman! Naman. Tama na!" -- Tulog ang mga bata sa byahe. Kasama ko si tito sa paghatid. Pinauna na niya sina Tita at Jassy. Dapat kasi ako lang maghahatid nag-inarte ang kapatid ko. She doesn't like Rica. That's why. "How are you planning to handle Jassy?" Umiling ako. "Wala naman siya magagawa kung makapagdesisyon na ako e." "parang mahihirapan ka sa kanya." "Sigurado yan." Naisuklay ko ang mga daliti ko. "Nga pala tito, may irerekomenda akong mga engineers. May ipapatayong building sa Pasay diba?" "Kahit sinong irerekomenda mo ay okay sa akin." Napangiti ako sa isip ko. Buti naman. Smooth lang ang plano ko. Ginising ko na ang mga bata bago pa man kami makarating sa street nila. Nasa tapat ng apartment si Rica. Nakaupo sa may gutter habang nagkatungo at busy sa phone niya. Nag-angat lang siya ng tingin ng bumusina si tito. Agad siyang tumayo. Takbo ang mga bata sa kanya. Niyayabang ni Karlo yung pasalubong niyang dinner sa kanya. Nakipagkamay naman siya kay tito. Napansin ko lang ang pamumugto ng mga mata niya. "Mukhang delikado ditto sa street ninyo." Pansin agad ni tito. "Ah hindi naman po Sir. Konti lang." baliw! Hindi nakakatawa ang biro mo. Hindi nga benta kay tito e. panay lang ang masid sa paligid. "Saan niyo ba balak lumipat?" Napakamot sa ulo si Rica. "Maghahanap po ako ulit sir. Yung nagdecline po kasi yung contact ko kanina lang. May nagrent daw nang mas mahal kaya hayun. Hanap ulit." "Nicole tulungan mo si Rica na maghanap. Gusto ko ay sa safe na lugar titira ang mga apo ko." Nagkatinginan kami ni Rica. Nahihiya ako sa kanya. Si tito naman kasi umiral ang pagkaprotective. Wala pa man din katotohanan e nagkakaganito na siya. "Po? Apo?" "Yes. Apo. Hindi ba't balak niyo silang ampunin ni Nicole? Kaya apo ko na sila. Sa malaon at madali." "Ah ano. Aalis na kami. He's just kidding. I'll just call you tomorrow." Marahan kong tinutulak si tito patungo sa kotse. -- Tatawa-tawa si tito nang makaalis na kami. "What was that for? Ginugulat mo si Rica tito." Natawa na naman siya. "Pinapadali ko lang naman ang mga bagay-bagay para sayo. Nababagalan ako sa'yo hija. Maunahan ka pa ng iba." Naunahan na ako. Sabi ko sa isip ko. "You can take the day off tomorrow para masamahan mo siya. Don't worry with Jasmine. Louise will keep her busy." -- Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lungkot na nakita ko kay Rica kanina. Nasa harapan ko ngayon ang phone kung saan nakasalpak ang number ni RacerKnight. Ito yung ginagamit ko kapag gusto ko siyang makausap. Namimiss ko ang mga late night talks namin noon. Kung hindi nga lang umepal ang Lauren na yon ay baka malapit na kami ulit sa isa't-isa ni Rica. Hay! I found myself stalking her account again. The dummy account. Mas active pa siya ditto kaysa sa personal account niya. She's sharing some sad quotes. Napahilamos ako. Should I call her? Damn it! Anong sasabihin ko? Hi hello? Bahala na nga. Pero kapag tatawagan ko siya at magkaroon ulit kami ng communication magkakaroon ng problema kapag magkasama kami tapos gusto niyang makausap si RacerKnight? Tsk. I-message ko na lang siya sa messenger kaya? Nagcocompose na ako ng message nang nagpop-up ang messenger. Si Raver23. R23: hi... Me: hello? R23: hindi mo ba kukumustahin si coldrighter? Me: you have something to tell me? R23: hehe. Creepy mo din. Parang iniisip ko pa lang naisip mo nang naiisip ko. Gets mo? Ano daw? Me: what is it? Sabihin mo na. R23: She has this problem. Uuwi na daw sa Pilipinas ang asawa ni Lauren. Me: ohw? Then? R23: Hayun. Problemado kasi paano na daw sila magkikita ni Lauren. Me: it's a good problem then. Mabuti yang ganyan. Magigising siya sa katotohanan. Hindi na niya na-seen ang message ko. Now what Nicole? What are you going to do with Rica? Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang tumatawag si Rica bilang si ColdRighter. f**k it! Agad kong hinagilap yung voice changer sa drawer. Jelo gave this. Very useful when I am talking to her. I plug it in my phone before answering her call. Inhale, exhale Nicole! >>>hello... (Hey. Wazzup?) >>>Walang bago. Ikaw? How are you? (Hahaha! Nagtatanong ka talaga? As if hindi mo alam. Ikaw pa ba?! Hulaan mo.dali...) She's drunk. Halata sa pagsasalita niya. Maya-maya ay humihikbi na siya. (Huwag kang magsasalita ha. Ako lang magkukwento. Hindi ko kailangan ng opinion mo. Makinig ka lang.) Lahat naman ng kinwento niya ay alam ko na. Gustong gusto kong pumunta sa apartment ngayon ay icomfort siya. When she's not talking I can hear her sobbing. f**k it! >>>are you still there? She's not responding. Inaantok na rin ako. Baka nakatulog na rin yon kaya ki-nut ko na rin ang call. Sorry Rica. Masasaktan ka muna pero hindi yan magtatagal. Nagvibrate ang phone ko. Si ColdRighter. "Thank you..." Akala ko pa naman nakatulog na! Tsk. Me: Always. -- Morning argument with Jasmine sucks! As in kagigising ko lang heto siya sa kwarto ko. "Hindi ko talaga gusto ng idea na madalas kayo magkita nung friend ni Chloe." "Rica. She has a name." "Whatever."palakad-lakad siya paroon at parito. Bumaling siya sa akin. "She's into girls. And what if magkagusto siya sayo." "And? Nikee is into girld. Precious too. Pinoproblema mo na magkagusto siya sa akin? Bakit hindi mo problemahin ang feelings mo kaysa feelings ng ibang tao? Kunot ang noo niyang bumaling sa akin. "Teka? Baka naman ikaw yung may gusto sa kanya? Nic hindi pwede." Akmang lalapit siya sa akin kaya umahon na ako sa kama. "This is non-sense. Mabuti pa gumayak ka na puntahan mo si Louise bago pa ako topakin at ipa-freeze ang bank accounts mo." Deretso ako sa banyo. "You're damn black mailer Nicole!" sigaw niya. "Yes my dear sister! Umalis ka na!" Black mailer b***h ang ate mo e. Pasensya ka na. haha. Bibilisan ko nang maligo at nang masilayan ko na ang babaeng minamahal ko. -- Nag-aalmusal silang tatlo sa terrace nang dumating ako. Iyong pasalubong ng mga bata ang almusal nila. Angpangit ni Rica! Haha. Pinigil ko na lang tumawa. "You look wasted." Bungad ko sa kanya. "Marekoy nag-inom si ate nang marami kagabi." "Psst. Huwag niyo akong isumbong. Hindi niya tayo tutulungang maampon kayo." Umusod siya sa tabi ni Karlo. "Upo ka. Almusal ka ulit o." Pinagsandok niya ako ng kanin. "Baka isipin mo hindi ka namin inaasikaso. Baka magalit si sir boss general." "Not a good joke Miss Siliman." Pagtataray ko. Tinanggap ko naman ang plato ng pagkain. "Sasamahan ko kayong maghanap ng apartment." "Huwag na. Kaya ko naman." "This is for the kids. At nag-day off ako. Wala akong gagawin kaya sasamahan ko kayo." "Hindi ko naman magiging utang na loob kung sasamahan mo kami diba?" I look at her with disbelief. "Seriously? Kung anu-anong iniisip mo. Bangag ka ba?" "Hang over lang pero matino ako. Naintimidate ako sa tito mo kagabi, to be honest. Para akong pumapasok sa mundo na kontrolado ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Sa totoo lang iba ang pakiramdam ko sa tuwing nalalapit sa pamilya mo. May something talaga." Kinabahan ako sa mga sinabi niya. "Sorry..." "Yaan mo na. Baka paranoid lang ako."Tumayo na siya. "Gagayak lang ako para makaalis na tayo. Kuts maligo na rin kayo pagkatapos kumain ha. Ako na magliligpit diyan mamaya." "Pamili banding Marekoy." Taas-baba na naman ang mga kilay ni Karlo sa akin. May himas pa sa baba. "Masaya to diba?" "Si kuya parang tanga. Ligpit na nga natin to." Inumpisahan nang imisin ni Katrina ang mga pinagkainan. "Ako na. Maligo na kayo." Nakakaloko pang pumalakpak si Karlo. "Yan ang mommy ko! Ligo na kami mommy ah!" Napailing na lang ako. Dinala ko sa kusina ang mga hugasin. Pinusog ko ang buhok ko bago sinimulang maghugas. Hindi na ako nasopresa na pati mga pinag-inuman niya kagabi ay nandirito pa. Parang may kasama siyang nag-inom. May lipstick mark yung baso. At hindi pare-parehong mark at kulay. Itinapat ko pa ang mga ito sa liwanag para mas Makita ko e. Two lipstick marks in one shot glass at sa eksaktong part pa ng labi nakamark! "Anong ginagawa mo?" "s**t!" damn her! Muntik ko mahulog ang baso! "Bakit kapag mayayaman ang nagsasabi ng s**t napakasexy? Pag kaming mga dayukdok lang ampangit sa pandinig." Damn her again! Dahil nakatapis lang siya! Umaagos pa ang tubig sa may balikat niya kahit nakatowel na ang buhok. Those wet strands of hair makes her look more damn gorgeous. "hello?! Tulog ka ba?" winagayway niya ang mga kamay niya sa harap ng mukha ko. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" "Ah? Ha? Ah oo. Baka malik-mata lang." pagsisinungaling ko. Tumawa naman siya. "Tangina. Pati sayo nagpapakita sila? Welcome daw. Minsan nga tatakbo na bata yan e. o yung babae na mahaba buhok. Tangina nun talaga akala ko lasing ako." Kinilabutan ako. I was just making up things para makalusot pero totoo palang may multo. Damn this! At habang kaswal siyang nagkukwento habang nagpupunas ng buhok hindi ko maiwasan mapalunok dahil sa pagka-expose ng skin niya. "Why not go to your room and put some clothes? You really get the nerves to talk to me with just that towel on?" "Nosebleed."tawa pa niya. "May ganito ka din oh. Mas Malaki lang. hahaha! Ako na magligpit diyan. Hindi nakakaganda ng kutis ang detergent namin e." I gestured JUST GO. Muli kong hinarap ang mga hugasin. I wonder how it feels to be skin to skin with her? Damn this thoughts! Stop Nicole. Stop! -- We reached this house in QC. Nirecommend daw ng kaibigan niyang si Bree. Pagmamay-ari daw ng tiyahin niya. Bree is also here. Masikip ang daan pero sa tapat ng bahay pwedeng ipark itong sasakyan ko. Buti na lang. "5000 monthly fren. Sakto sa inyong tatlo. Sakto ang isang sasakyan diyan sa harap baka sakaling Manalo ka sa lotto or pag nandito si fren Revelyn. May parkingan na siya." Imaginary tumaas ang kilay. Sino yang Revelyn? Malinis ang space. May dalawang bedroom. Yung kusina naman mapagtitiyagaan na rin. Pwedeng sa sala na kumain. "Is it safe here? I mean yung peace and order sa lugar? Okay ba?" "Yes maam."sagot ni Bree. "Sa tinagal naman nina tita ditto hindi sila nanakawan o wala namang kaguluhan silang nabanggit." Lumabas ako. Chineck ko ang gate kung maayos ba. Mahirap na kasi pagbukas mo ng gate pinto na agad ng bahay. Maliit talaga yung espasyo. Namaximize lang. "Ano sa tingin mo?" nilingon ko si Rica. "Pwede na to?" "Ikaw. Baka sabihin mo nakikialam ako." BUmuntong hininga siya. "Pasensya na kanina. Kailangan ko rin ng opinion mo para sa mga bata." "Okay lang naman. Pero paano pag papasok ka sa trabaho. Sino titingin sa mga bata?" "Dadalhin ko sila. Magbubukas kasi ng parang day care sa malapit sa office. Pwede ko silang iwan dun. Parang summer class na rin." "Okay kung ganun." -- Inaya niyang sumabay sa aming maglunch si Bree. Katabi ko ang mga bata samantalang sila ni Rica ang magkatabi. Lagi niyang bukambibig yung Revelyn. I wonder how she looks like. "Alam mo fren nung nalaman ni Rev na bi ka atat na atat siyang makilala ka e." Alert! Sabi ng isang parte ng isip ko. So threat yung Rev. "Hoy. Baka binebenta mo ako dun. Sinasabi ko sayo hindi ako available." "Weh? Move on ka na fren. Yung Lauren mo may asawa na. uuwi an nga diba?" So alam din niya. Naexcite pa siya nang may tumawag sa kanya. "Speaking of the devil. She's here!" Hay! Hindi ko pa nadedespatsa yung Lauren, may asungot na naman. I never bothered looking at her. Si Karlo humalukipkip nang makatapat sa amin yung Babaeng nakaneon Pink na top. s**t! Glow in the dark ba ang fashion niya? Nagtitimpi ako e. Kumuha ba naman ng ibang upuan si Bree para magkatabi sina Revelyn at Rica. Hindi nakatakas sa pansin ko ang lipstick ni Revelyn. And here they are talking about last night. I took a deep breath to calm myself. "Marekoy, hindi ka kumakain." "Ah? Busog pa kasi ako. Ikaw ubusin mo yang inorder mo." Hinimay ko ang friend chicken sa plato niya. "Ubusin mo ah." "Mommy ko yan!" pagyayabang na naman niya. "ako na maghimay niyan kapatid." Baling niya kay Katrina. "Mommy?" confuse na sabi ni Revelyn. "oo naman! Diba marekoy?" sagot ni Karlo. Dinalaan pa niya ang daliri niya pagkatapos himayin ang ulam ni Katrina. "ganito kasi yon po. Aampunin nila kami ni ate Rica." "Pwede ba yon? Allowed na ba yon sa Pinas?" "Ano kasi..." uutal-utal na sabi ni Rica. "Maproseso daw pero pwede naman." "Teka."tinaas ni Bree ang dalawang kamay niya. "Tama na muna ang usapang legal. Kain na munta tayo. TomJones na ako e." Nawalan talaga ako ng ganang kumain. This Revelyn is too showy! May pasimpleng hawak pa siya sa braso ni Rica. "s**t yung phone ko!" biglang naging aligaga si Rica. "baka naiwan ko sa kotse mo." Nagkibit-balikat ako. "Tingnan ko na lang." -- Nadismaya ako nang may password na ang phone niya. Hay! Angdami kasing messages si Lauren. Plano ko pa naman i-delete lahat! Papasok na ako ng resto nang mahagip ng mata ko ang napakapamilyar na aso. Ibig kong sabihin tao. Si Lauren kasama ang isang babae. Kung ibabase sa mga documents na binigay ni Jelo sa akin, that Vanessa, her bff. Hinihintay nilang makapagpark yung kasama nila. Nagchichika pa sila at nagseselfie. I think, things will be interesting! Bumalik ako sa kotse para icharge ang phone ni Rica. Saka ko binilisang makabalik sa table. "Deadbatt yung phone mo. Chinarge ko muna." Pagsisinungaling ako. Angbilis ng da-moves nitong Revelyn na to! Nakalingkis na sa braso ni Rica! Busy pa rin ang tatlo sa pagchichikahan. Si Karlo panay ang kalabit sa hita ko. Saka nginunguso niya ang nasa table malapit sa pinto. "Ssshh..." binigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko. "kunin mo yung bag ko. Nakalimutan ko kasi nandun pambayad natin ditto." "Ako na."sabad ni Revelyn. "treat ko na lang sa inyo kasi swerteng nakasama ko si Rica." I fake a smile. "No. It's on me." Sisirain mo pa ang plano kung malandi ka ha. "Samahan mo ako Kuting." Ayaw ni Karlo sa kapatid niya. Hindi ko alam kung may koneksyo kami pero gusto ko talaga mapansin ni Lauren ang mga bata e. Itong si Karlo patakbo at talon-talon pa muntik niya mabangga yung waiter pero naiwasan niya. Then Lauren noticed them! Bingo! Automatikong napatingin siya sa amin. Since nakatalikod sina Rica sa kanila ay ako lang ang nakita niya. Okay. "Parang hindi kayo natulog." Kahit hindi ko gustong makipag-usap sa kanila ay heto ako nakikipagplastikan. "Obvious kasi ang mga eyebags niyo. Did you use concealer? Hindi pantay kasi." Tukoy ko naman kay Revelyn. "don't get me wrong ha? Anong brand ang gamit mo?" Biglang siyang naging conscious. At kung tama ang hinuha ko si Rica ang aayain niyang mag-cr. "Shocks. Angpangit ko na?" kinuha niya ang salamin. "s**t. Samahan mo nga ako Rica sa CR." See? Malandi. May salamin naman siya bakit hindi na lang mag-retouch! Well, pagbigyan para din sa plano ko. "Samahan mo na Fren. Lalafang pa ako e. andiyan na dessert!" Nang tumayo ang dalawa ay pinukol ko ang tingin k okay Lauren. Oh God! Napakagandang tagpo ang kanyang nasaksihan dahil ang malanding Revelyn ay umabre-siete sa braso ni Rica. Nag-excuse siya sa mga kasama niya. She's really mad going to the comfort room. "Bree, marunong bang sumampal yung kaibigan mo?" "Oo naman." Sagot nito habang nanguya pa. "Bakit?" Umiling ako. "Nothing." Akmang dumating na ang mga bagets. I immediately paid the bill. "Magpicture lang kami sa labas." She's not my friend so I really don't care kung kumain siyang mag-isa. Ayoko ring makasaksi ng hindi kaiga-igayang tagpo ang mga batang to. Problema na ni Rica kung paano i-pacify ang dalawang malalanding yon. -- RICA's POV Hay Naku Revelyn! Kapit ka nang kapit para kang tuko! Nag-inuman kami kagabi. Nagconfess siya. Hindi ko naman binigyan ng importansya kasi hindi ako interesado. Actually hindi ko naman namaalala lahat ng napagkwentuhan kagabi dahil okupado ang isip ko. "Mapangit na ako?" tanong niya pagkapasok sa CR. "Hindi. Okay lang. Maganda ka pa rin." "Palagyan nga ako ng concealer. First time ko gumamit nito e. Hindi pwedeng pretty ka tapos ako hindi." Halata nga. Hindi ako makapagconcentrate sa paglalagay kasi pareho kaming natatawa. Mas matangkad kasi siya sa akin. Para akong namimitas ng bunga ng bayabas nito e. "Rica! Angbaboy niyo naman!" s**t! Si Lauren! Anong ginagawa niya ditto?! "Sa CR niyo talaga gagawin ang kababuyan niyo?" Tangina to! Palapit ako sa kanya pero ang tingin niya ay nakay-Revelyn. "Ikaw! Bakit mo nilalandi ang girlfriend ko?" "Oh you must be Lauren?" kaswal na sagot ni Revelyn. "Ren, umalis na tayo. Huwag kang mag-eskandalo ditto. Nakakahiya."awat ko kay Lauren. Winaksi niya ang kamay ko. "kaya ba hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko kasi busy kang nakikipaglandian ditto?" "Wala akong phone okay! Nasa kotse! Deadbatt!" "Sinungaling!" Napapikit ako dahil inambahan niya ako ng sampal. Pero ilang Segundo na ang lumipas ay walang dumapo sa pisngi ko kaya napamulat ako. Si Revelyn! Hawak niya ang kanang braso ni Lauren. "Hindi ko akalaing may mas malandi sa akin." Nang-uuyam na sabi ni Revelyn. "Ikaw may asawa ka na pero pinaglalaruan mo pa si Rica? Pwede bang ipakamot mo sa asawa mo yan kung nangangati?" Mas nagalit si Lauren sa mga sinabi niya. "walanghiya ka!" Hindi na nakasampal si Lauren dahil inunahan na siya ni Revelyn ng mag-asawang sampal. Hindi ako makaimik dahil nagulat ako sa biglang pagiging mabalasik ng aura ni Revelyn. Hinigit niya ako sa kaliwang braso. "Tara na Rica. Ayokong makasakit pa nang todo." "What's taking you so long bff." Mas nagulat ako nang Makita ko si Vanessa. "My God bff!" nilapitan niya agad si Lauren na sapo-sapo ang pisngi niya. Gusto kong lapitan si Lauren pero mas humigpit ang hawak ni Revelyn sa akin. Pagkalabas ng comfort room ay saka ko naiwaksi ang kamay niya. "Hindi mo dapat ginagawa yon!" mahina pero galit kong sabi sa kanya. "Tulad ng hindi ka dapat nakikipagrelasyon sa may asawa?! Huwag kang tanga! You deserve someone better." "At ano ikaw yon? Dahil lang alam mo ang sitwasyon ko panghihimasukan mo ang buhay ko? Sasampalin mo siya? Hindi magbabago ang sitwasyon!" "Gumagawa ka ng eksena dahil lang sa babaeng yon? At Rica lilinawin ko lang kahit hindi ako, kahit sino basta hindi sa may asawa." Hinigit niya ulit ako. "Tara na baka hindi lang sampal ang maibigay ko sa babaeng yon." -- "Fren angtagal ninyo." Bungad sa amin ni Bree. "tara dessert o." "uwi na tayo." Dinampot ni Revelyn ang bag niya. "Wow. May holding hands. Tara lets." Hindi kami holding hands! Hawak niya ako sa braso. Malayong malayo sa holding hands! Tanaw naming nagpipicture ang tatlo sa Parking Lot. Nakatungtong sa kotse ang mga bata. Masayang-masayang nagpo-pose. "Hindi mo ba naisip na tagilid ang pag-ampon mo sa mga batang yan kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagrelasyon mo kay Lauren?" binitawan na ako ni Revelyn. "SuperKarlo!" sigaw ni Kuts. Umaktong superman saka tumalon. "Ate!" takbo ulit siya palapit sa amin. "Uuwii na tayo?" Tumango ako. "Uwi na tayo."#  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD