--9--
RICA'S POV
Nailibing na si Nanay Choleng kahapon. Nag-i-empake naman ako ngayon Ldahil kailangan naming lumipat ng apartment. Dito sa sala na ako nag-empake dahil maliit ang espasyo sa kwarto. Parang ukay-ukay na nga ditto dahil sa mga damit naming tatlo.
"May nahanap ka na bang lilipatan ninyo?"tanong ni Nicole.
Umiling ako. "Pero may sinusuggest si Ms. Coreen. Malapit sa CKM."
"No."
Napatingin ako sa kanya dahil parang naging madilim ang aura niya.
"I mean huwag na dun. Sa iba na lang."
"huh? Hindi ko pa nga sinasabi sayo kung saan yung suggestion niya e."
"just don't take any favors from her."
Tinigil ko ang pagtutupi ko ng damit. "May alitan ba kayo? Weird mo ha. May galit? Ex mo ba siya? May madilim na nakaraan?"
"Shut up. Just do what I say."
Gagayahin ko sana siya kaso baka biglang magmonster to. Haha! Hmmm. Ako ay isang manunulat kaya't ramdam kong may something sila. Ibig kong sabihin past issues. Parehong maykaya sa buhay. Baka nga mag-ex. Hindi na ako magugulat nun. Haha!
"Bakit ganyan ka makatingin? Anong problema mo sa akin?"
Umiling ako. "kung magsalita ka kasi hindi nalalayo sa mga fictional characters. Minsan arrogante, Masungit. Ubod ng sungit. Daming bawal hindi naman jowa."
"And? Your point is?"
"My point is tuldok." Ngumiti ako. "weird mo pero dahil lab ka ng mga bagets okay lang. ipagpatuloy mo hanggat gusto mo."
Tinalikuran ko na lang siya. Feel ko talaga nag-smirk pa siya. Well, bagay naman niyan yung pagsusungit niya. May mga binabagayan talaga ang pagsusungit.
Dumating na ang makapatid. Umiiyak silang dawala.
"Ate hindi na ba kami mag-aaral? Ibibigay niyo na ba kami sa mga Pulis?"
Nagkatininginan kami ni Nicole. Siya ang umalo sa dalawa dahil mas malapit siya sa mga ito. "Sinong nagsabi niyan sa inyo?"
"Yung mga kalaro namin. Totoo ba?" tuloy pa rin siya sa pag-iyak. "marekoy, hindi niyo na kami mahal?"
"Mahal namin kayo. Aampunin nga namin kayo e. Huwag nang umiyak."
Humihikbi pa si Katrina.
"tahan na kayong dalawa. Superhero yan si Nicole. Tutulungan niya tayo." Sabad ko naman. "Pero kuwan hahanap pa ako ng Papabol para maging tatay niyo."
Bakit arang creepy yung mga tingin nilang tatlo sa akin? Joke lang naman yon.
"Joke?" awkward kong bawi sa sinabi ko. "Hindi na kayo mabiro. Kinikilabutan ako sa idea."
--
Nakatulog ang mga bata. Patuloy naman ako sa pag-eempake. Mga gamit ko naman ang inaatupag ko ngayon.
Tinutulungan niya ako sa pagsalansan ng mga folders. Most helpful si Boss Madam Nicole ah. Bigyan ko kaya siya ng certificate of recognition.
"wala ka bang pasok sa SAECOM ngayon?"
"Pwedeng hindi ako pumunta sa office pero nagagawa ko pa rin ang trabaho ko. Don't worry about me."
"Nagtatanong lang nagwoworry na agad? Weh? Assumera to." Sinusubukan ko ang pasensya niya e. hahaha! Nakakadismaya. Walang epekto.
"ok."napatako ang tingin niya sa isang box. "What's this?" pangahas niyang binubuksan ang mga ito.
"Hep!" pigil ko sa kanya. "Naka-seal na yan para kalimutan. Kaya huwag mong bubuksan."
Wow. Rhyming words. Idagdag ko kaya sa next na isusulat ko. Hhihi. Pwedeng pwede.
"Neatly place in a box."komento niya. "From your ex?"
"Hindi. Basta. Friend lang. Pero parang hindi na kasi hindi na kami nag-uusap. Hayaan mo na nga. Wala nang pakialam sa akin yon."
Tumunog ang phone ko. Napabuntong-hininga ako nang Makita kong si Lauren ang nagmessage.
Lauren: san ka?
Me: Bahay. Bakit?
Nilapag ko ulit ang phone ko saka itinuloy ang pag-eempake.
"LQ?"
"huh?"
"I said. LQ kayo nung katext mo. Bigla kang naging gloomy e."
"Alam mo? Minsan nakakatakot kang kasama. Parang binabasa mo ang iniisip ko."
"You know I Can't read minds."
"Lumalakas ang appeal mo Perreras kapag nag-e-english ka. Beket ganern? Pag ako parang ewan lang. trying hard. Ulitin mo nga yung sinabi mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ako uto-uto."
"Sa inyong apat, ikaw ang pinakamisteryoso. Hindi kita ma-spelling. Alam mo yung parang angdami-dami mong tinatago."
"So? Masama bang may tinatago? Should I tell you everything? We're not even close friends."
"De –ico-close kita. "saka ako tumawa. "Expert ako dun uy. Tamo bukas makalawa close friends na tayo. Ganito." Pinag-dikit ko ang hintuturo at pakyu fingger ko. "Kita mo tong hintuturo? Ako to."
"You mean ako yang hinlalato?"
Umiling ako. "Opkors hindi."haha. hinlalato nga pala tawag ditto. Pakyu finger kasi nasa isip ko. " Ranking yan Perreras. Ako ang hintuturo. Si Nikee girl yang hinlalato. Si Precious yang palasingsingan. Ikaw yang HInliliit. Gets? Ranking yan. Ranking."
Umismid siya. "Angdami-dami mong alam. Hindi ba nauubusan ng kalokoyan yan?"
Muwestra niya sa ulo ko.
"Ako pa ba? Manunulat ako e. Sa lawak ng imahinasyon ko pwede kitang gawan ng kwento sa oras na ito."
Umayos siya ng pagkakaupo. "Game on. Impromptu. Give me a one shot story at this Moment."
Hinahamon ako ah. Haha! Never akong papatalo ditto.
Tumikhim ako. "Okay. Makinig ka ha? Pwedeng magbigay ng feedback."
Tumango naman siya. "Mayroon isang mayamang babae na nagngangalang Nicole Perreras. Sa ibang bansa siya lumaki. Nasa kanya na ang lahat ng material na bagay. Pero ang mga magulang niya ay walang panahon sa kanya. Lagi silang busy sa trabaho. Sa negosyo."
"Cliché." Walang emosyon niyang komento. "Typical story. Wala na bang mas maganda diyan?"
"teka nga. Patapusin mo kasi ako muna. Nasa umpisa pa lang ako e." Sinisira niya ang diskarte ko naman kasi.
"How about? Let's make this more interesting? Dudugtungan ko ang kwento mo."
Hinahamon niya ako ah. Siyempre hindi ako patatalo! Iginilid ko mga gamit ko. Naupo ako nang maayos. "Game. Collab ito. Exciting."
"As you were saying. There is this Nicole who has everything in the world except time from her parents."sandali siyang nag-isip. "Her daddy is married to another woman because her mother died 'coz of an accident. Kaya ang daddy niya nagpapaka-busy sa trabaho at hindi siya binibigyan ng oras dahil sa tuwing nakikita niya si Nicole naalala niya ang aksidenteng kumuha sa buhay ng anak niya."
Tumigil siya. Ibig sabihin dudugtungan ko na. Exciting.
"Nawalan siya ng gana sa pag-aaral. Pumapasok lamang siya para makalimot sa problema sa bahay. Member siya ng taekwondo club. Magkakaroon ng tournament kaya puspusan ang pagtitraining niya. Sinabi niya ito sa kanyang daddy at umaasang papanoorin nito ang tournament. Gusto niyang makitang proud sa kanya ang daddy niya." Dun ako tumigil.
"hmmm," hinawi niya ang buhok niya. "The day came. Her dad never came. She won but she was not happy. She didn't wait for the awarding of trophies. She left the venue and clueless to where she'll spend the rest of her day."
"Tangina naman Nicole. Tragic yata ang nasa isip mo. Bibigyan ko ng lovelife. Kawawa naman e." saka ako tumawa.
"please huwag sa Park. Napaka-korni." s**t! s**t! May konting ngiti akong nakita sa mga labi niya! Haha! Wow! Medyo close na siguro kami nito.
"Hindi maganda ang panahon. Makulimlim. Kumulog. Kumidlat. Nang bumuhos ang ulan ay naghanap siya ng masisilungan. Nakita niya ang isang waiting shed. Sa pagpapalipas niya ng ulan ay may nabasa siyang vandalism. Mag-iingat sa pag-ibig. Kumakain ng tanga."
"Bejeweled." Sambit niya.
Haha. Alam niya yon?!
"I'm a fan. Sige. Ituloy mo." Poker face niyang sabi. "Ano na? angbagal."
"Ito na ito na. May babaeng sumilong din. Kapwa niya athlete pero sa volleyball ang event."nagtaas-baba ang kilay ko. Ginagaya ko style ni Kuts. Haha.
"Then and then, Nicole is taking a glimpse at the girl."pagdudugtong niya. "hanggang nagkatinginan sila."
Tumitig siya sa akin. "Ilang segundong nagkatitigan ang dalawa. Pakiramdam ng babae ay nahihipnotismo siya ng mga mata ni Nicole. Hindi niya magawang iiwas ang tingin." Matama ang nakatitig din sa kanya. "Parang minimemorize niya ang mukha ng estranghera. Hanggang sa labi ang tingin niya. Bahagyang nailang ang babae nang ngumiti si Nicole."
Shit. Ngumiti din si Nicole. Bakit parang slow motion ang dating ng pagngiti niya.
"Rica! Rica Si Lauren to!"
Nabalik ako sa huwesyo nang marinig ko ang malakas na pagkatok ni Lauren sa gate. s**t! Ano ba yon? Parang ilang sandali ay nasa katauhan na ako ng gawa-gawa kong fictional character.
Madali akong lumabas. Bakit hindi man lang nagtext si Lauren?! Aligaga kong binuksan ang gate.
"Angtagal mong buksan. Bakit hindi ka nagrereply sa text ko?"
"Nag-eempake kasi ako." Nag-attempt akong bumeso baka isipin kasi niya hindi ko siya namiss gaya nung huli pero umiwas siya. Pahiya ako a. di bale na nga.
Pagkapasok namin sa bahay ay siya namang paglabas ni Nicole galing sa kwarto ko. Diyos ko po! Naka-spageti strap at shorts lang siya!
"Makikiligo ako Rica. Mainit e. Pahiram ako ng towel"
"Ah sige. Sana nandiyan sa banyo." Teka? Paano siya magbibihis? Alangan paparada siya sa harapan namin mamaya na nakatowel lang? "ah diyan ka na rin magpalit sa banyo. Asan ang damit mo?"
"Kukunin ko sa kotse."
"Nang nakaganyan?! Amin na nga ang susi mo."
---
NICOLE'S POV
Haha! Damn! I'm so devil! Kitang-kita ko naman na umiilaw ang phone ni Rica kanina pero sinadya kong titigan siya para sa akin lang ang atensyon niya. Effective naman hindi niya narereply kung sino man yung katext niya but I suspected it's Lauren.
Lalo pang tumibay ang hinala ko nang marinig kong kumakahol si Lauren sa may gate.
So I thought of this maliligo thing. Good thing I have my spaghetti straps top and boyleg. Nang maulinigan kong nasa loob na sila ng bahay ay lumabas naman ako. Excuse ko ang maliligo pero gusto kong Makita ako ni Lauren.
Isipin na lang niya lahat ng gusto niyang isipin. Possible scenario could be may nangyari sa amin ni Rica. Nasa kotse naman talaga ang extrang damit ko. Sumandal ako sa pinto ng kwarto nang lumabas si Rica.
"Bitch..." inis na sabi ni Lauren.
"Did you know that research Says, Happiest people tend to forget to use their phones?"
Nangunot ang noo niya.
Lumapit ako sa kanya. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Maybe she's not able to answer your message coz she's in her happiest with me? What do you think?" I wink at her. Dumeretso na ako sa pinto. "Rica bilisan mo kaya!"
"Huwag ka ngang lalabas Perreras!" sigaw pabalik ni Rica.
"Uy concern!" sigaw ko din.
Hahaha! Hindi makapag-eskandalo tong si Lauren. Haha!
--
Hindi na rin ako nagtagal sa apartment niya. Nag-iwan lang ako ng note para sa mga bata saka ako umalis. Ime-meet ko si ate Prime.
"Here's your coffee.."
"Thank you. Meron na ba yung apartment na sinasabi ko sayo?"
She nodded. "Bakit ba ganun na lamang ang concern mo sa kanya?"
"sa mga bata." Sagot ko.
"You sure with that? Bakit gusto mo ng apartment na malapit sa SAECOM? Para mas madali mo siyang puntahan?"
"No. Ate don't give me that look." Sumimsim ako ng kape. "sa mga bata ako nag-aalala hindi sa kanya."
"Alam mo bang medaling malaman kung nagsisinungaling ang tao?"
Napatingin ako sa kanya. "And you can't lie to me Nicole. You can never lie to me."
"You can't use that investigating technique to me either." Yabang ko rin sa kanya. "Yung mga bata lang talaga ang concern ako. Sana mapadali ang pag-ampon sa kanila."
"Nakausap mo na ba si Jacob? Willing ba siyang maging asawa ni Rica?"
"Hindi naman siya pwede. MAgtataka si Jasper kung bakit magkakagusto siya kay Rica. Tsk. Ate naman."
Natawa si Ate. "He's the only man you trust. So siya naisip ko. Pasensya naman."
BUmuntong-hininga ako.
"Pwede namang ikaw. Marrying Rica. Sa US then saka ninyo i-adopt ang mga bata."
"Ate, complicated. Hindi naman kinikilala ang same s*x marriage ditto."
"Angdami mong reasons. Is it because Rica is involved with a married woman kaya hindi mo ginagalingan sa pagtulong sa kanya?"
That got me.
She gave me a GOTCHA SMILE. "tama ako no? Witt all the money that you have? Kayang-kaya mong kunin ang kustodiya ng mga bata. Then eventually make her your wife. Pero hindi mo ginagawa dahil nasa magulong sitwasyon pa siya."
"I'll do everything para layuan niya si Lauren. She doesn't deserve to be a mistress."
"I heard natanggal sa trabaho ang asawa ni Lauren."
"You are watching over my actions huh? Ibalato mo na sa akin to ate. Just his one please."
"Nic, we have the money. But we don't have the rights to manipulate people. Bread winner si Menard ng pamilya niya. Pwede mo namang ilayo si Rica sa pagiging kabit nang hindi nandadamay ng iba."
Nawalan na ako ng gana. Papangaralan lang niya ako nang hanggang maubos ko itong kape ko e. "kaya kong saktan ang iba ate kung mapoprotektahan ko ang mga taong mahahalaga sa akin."
Dinampot ko na ang phone ko. "Uuwi na ako. Don't worry, I won't be in any trouble."
I don't feel like using the elevator today so I use the stairs. Sapat na oras din to para makapag-isip-isip ako.
Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko. Si Jelo.
Jelo: General boss, sa Saturday na ang dating ni Menard. Upon checking SAECOM's Email. Nagpadala na siya ng application letter.
Me: okay. Ako na ang bahala.
See? Hindi ako ganun kasama. Pinalapit ko pa nga siyas pamilya niya e. at para mabantayan niya ang asawa niyang makati.
RICA's POV
Napakamasalimuot na mga araw ang pinalipas ko! World war V kami ni Lauren dahil sa naratnan niya sa apartment.
Hinayaan ko na lang siyang i-cold treatment ako pero sige siya sa pagdududa na girlfriend ko si Nicole at may nangyari sa amin. Hindi naman siya maniniwala kung sabihin kong wala. LECHE NAMAN! Hello!
"Lalim ng iniisip natin ah." Napaangat ako ng tingin. Si Boss Jhewel pala. EIC ng CKM. "Huwag kalimutan ang deadlines Rica. Tulala ka e. Hindi magtatype mag-isa yang keyboard."
Humingi ako agad ng pasensya.
"Okay lang. I have those kinds of moments din."tumingin siya sa relo niya. "mag-5:00 na mag-early out ka na lang Rica nang masundo mo na ang mga bagets."
Nakwento ko kay EIC ang tungkol sa magkapatid. Swerte ko nga at mabait siya. NAgring ang phone ko. Si Perreras.
>>>hello Perreras. Zup?
(Sinundo ko ang mga bata. Sa bahay na sila magdinner sabi ni Tito. Namiss ang may batang makulit e.)
>>Okay..sige. ingat kayo.
"Mag-OT na lang ako boss. Sinundo na ni Nicole ang mga bata e."
"Kumusta ang development ng article mo tungkol sa kanya pala? Tapos mo na ba?"
"Yes boss. Isend ko sayo yung article."
"Hindi na. direct mo na sa mag-lay out. May tiwala ako sayo."
"Weh? Iba pa rin pag nirebisa mo."
"Kailangan ko pa bang ireview ang article mo tungkol sa girlfriend mo?"
"Ah boss hindi ko siya girlfriend." Kamot ko sa ulo ko. "Ano lang friend siya ng girlfriend ng friend ko."
"Pero siya ang susundo sa mga anak-anakan mo? Weird."
Ngumiti ako. "Mabait lang siya boss. Tinutulungan niya ako sa mga papeles ng mga bata."
Sandaling nag-isip si Boss Jhewel. "Hindi ako mag-aaksaya ng oras kung hindi ako interesado sa isang bagay."
"Po? Anong ibig ninyong sabihin?"
Umiling siya. "wala naman. Sige. Umuwi ka na. magpahinga ka. Anglaki ng eyebags mo e."
Napatingin ako sa salamin sa mesa ko. Anglaki nga!#