"I need more information about Justine, Art. Nasa Germany na ang dati niyang business partner na unang may-ari ng modeling agency niya ngayon. Wala nang makapagsasabi kung ano ang relasyon ng dalawa noon. Pero kung kinakailangan kong lumipad sa Germany para makuha ang sagot na hinahanap ko ay gagawin ko." "Nagtrabaho sa isang gay bar si Justine at doon siya nakita ng Germanian national na 'yun. Marami ang nagsabing matagal naging 'alaga' ng Mr. Thadeo na 'yun si Justine at ibinahay pa nga." "Ilang taon si Justine noong pumasok sa gay bar?!" "Fifteen or sixteen. Dinaya lang ang edad dahil malaking bulas naman ang anak mo at sanay naman sa pagtatrabaho sa bar. Dati lang siyang waiter at tagahugas ng pinggan bago isinabak sa stage para magsayaw." Napapikit siya sa mga nalaman. Ang

